LOGIN"Lola, bawal ba talaga ako rito?" nakangiwi kong tanong.
Kakalabas lang ni Lola Allyza sa ospital, halos tatlong linggo rin siya ro'n. Wala yata akong ginawa sa tatlong linggong 'yun kundi ang umuwi sa penthouse ni Zayn na sobrang boring at dalawin si Lola Allyza sa ospital. Wala naman kasi ang asawa ko; may hearing daw, eh. Bahala siya, pakialam ko ba naman sa kaniya? "Hija, kailangang magkasama kayo lagi ni Zayn," sagot ni Lola. "Tsaka pabaya ang batang 'yun sa sarili. Alam ko namang hindi pa kayo nagkakasundo ngayon, pero sana alagaan mo ang apo ko," pakiusap pa nito. Tumango ako. "Ako bahala ro'n, Lola." Hindi niya naman kailangang isipin 'yun. "Bubusugin ko si Zayn lagi," ng sama ng loob. "Okay na po ba kayo? Mamimili po kasi sana ako ng stock sa penthouse at mga gamit ko." "Okay na ako, pasasamahan kita kay Zaila," aniya at ngumiti. "Magkakasundo kayo no'n. Pinsan ni Zayn 'yun, kaedad mo lang siya, kaso madaldal 'yun, Hija." "Okay lang po." Ngumiti ako. At least may makakabonding din ako, 'di ba? Para na kasi akong lonely person dito. "Pahinga po kayo, ha? Balik din po ako agad para mabantayan ko kayo." "Salamat, Hija. Sige na, ayos na ako. Sabihan ko ang driver na ihatid ka sa mall at daanan na lang si Zaila." Ngumiti si Lola. "Ang bait mo rin talagang bata." Natawa na lang ako. Desperada ako, pero may puso naman ako, 'no. Mabait naman kasi si Lola, halatang mapagmahal, tsaka naalala ko si Mama. Ganitong-ganito rin si Mama sa 'kin noon, kaya kahit lumaki akong walang ama, never kong naramdaman na may kulang sa 'kin. Kaya matindi rin ang galit ko kay Kairo. Niloko na ako ni gago, ninakawan pa ng titulo! Idagdag pa na ang kapal ng mukha niyang magalit sa 'kin dahil ayokong may mangyari sa 'min... 'Yun naman pala, may bago na—mayaman na babae. Hindi rin nagtagal at nakarating agad kami sa mall. Agad kong nakilala ang pinsan ni Zayn dahil may hawig sila. Namangha pa ako dahil ang ganda niya, para siyang sikat na artista. "Hi! Finally, may asawa na si Kuya Zayn!" Tumawa siya at agad akong niyakap. "You know what? Akala talaga namin magiging single na forever si Kuya! After kasi siyang takbuhan ng ex niya sa mismong kasal nila, never na siyang nagkaroon ng relasyon sa iba!" kuwento agad niya. Nagulat naman ako sa nalaman. "Buti naman pinakasalan mo siya! Ilang taon ka na ba?" "Twenty-five," sagot ko. "Ikasasal na si Zayn dati?" "Muntik? Kasi hindi naman natuloy. Bigla na lang hindi sumipot 'yung ex niya. First love niya pa naman 'yun! Magkaklase sila no'ng college, tapos pagkatapos ni Kuya mag-law school, nagplano na sila ng kasal. I think it was three or four years ago?" Tumawa siya at sumabit sa braso ko. "But don't mind it na, matagal na naman 'yun. Nagulat lang ako na... bata ang pinakasalan niya. I mean, 8 years gap kayo, eh." Nanlaki ang mata ko. Eight years?! Sabagay, hindi ko naman alam kung ilang taon si Zayn! Tsaka halos isang buwan pa lang kaming magkasama, ilap pa magkita. "Wala naman sa edad 'yun," dahilan ko na lang. Hindi ko kasi alam kung may alam siya sa set-up namin o ano. "Saan magandang mamili? Gusto ko kasing bumili ng mga gamit sa bahay, lalo na para sa kusina, tapos grocery na rin." "Hmm... Sabi ni Lola samahan muna kita bumili ng mga personal na gamit mo. Mag-shopping muna tayo, okay? After that, mamimili tayo ng needs niyo sa house, okay lang?" tanong niya. Tumango na lang ako dahil halatang wala rin akong choice sa postura niya. Marami kaming dinaanang mga boutique, at bawat boutique yatang dadaanan namin, may binibili siya! Kapag nalalaman ko ang presyo ay umaayaw ako, pero hindi siya maawat! Pasado maggagabi na nang makauwi ako sa penthouse. Lambot na lambot ako, pero kailangan ko pang maglinis; ayoko rin kasing makalat ang bahay. Nagsimula akong maglinis sa buong penthouse. Nilipat ko rin ang ibang gamit dahil pakiramdam ko ay ang pangit ng awra. Nang mapunta ako sa mga vase na sobrang dami ay namangha ako. Parang collection siya sadya, kaya hindi ko tuloy alam kung gagalawin ko ba. Hinawakan ko 'yun at marahang pinunasan, ngunit natigilan ako nang bumukas bigla ang pintuan ng penthouse. "Anong ginawa mo?!" Kunot-noo agad na bungad sa 'kin ni Zayn nang ilibot niya ang paningin sa buong paligid. "Sinong may sabing pwede mong pakialaman ang ayos ng bahay ko?!" "Ha?!" Kinabahan ako bigla. "Ang pangit kasi ng pwesto! Tsaka naglinis ako!" paliwanag ko. Napaatras ako bigla nang pasugod siyang lumapit sa 'kin, ngunit natigilan din ako nang matabig ko ang isang vase. Malakas na tunog ang ginawa no'n nang pumatak iyon sa sahig at nabasag. Patay na... "The hell, Gianna?!" galit niyang sigaw at dali-daling lumapit sa 'kin. Aligaga akong napayuko sa sahig at mabilis na nilikom ang mga basag. Wala na akong pakialam kung nasugatan ako o ano, ramdam ko ang hapdi sa paa ko. Alam kong natamaan ako—worse, nakaapat yata ako! "Hindi ko sinasadya!" aligaga kong paliwanag at tuloy pa rin sa paglikom ng bubog. Ramdam ko rin ang maliliit na hiwa sa palad ko. Nagulat ako nang hawakan ako ni Zayn at pilit na pinapatayo. Umiling ako, naiiyak! Mamahalin 'to! At wala akong balak na sirain 'yun! Sa itsura niya kanina, halatang mahalaga para sa kaniya ang bagay na 'yun. Kahit naman galit ako sa kaniya, alam ko ang pakiramdam ng mawalan ng bagay na iniingatan. "Enough!" sigaw niya, kaya natigilan ako nang tuluyan. Napatitig ako sa kaniya; ramdam na ramdam ko ang galit sa mata niya. "Anong tingin mo sa ginagawa mo?!" "S-Sorry... 'Wag mo sana akong saktan..." pakiusap ko. Kumunot ang noo niya. "Pagtatrabahuhan ko na lang..." "Bakit naman kita sasaktan? Did someone hurt you when you accidentally broke things?" seryoso niyang tanong. Napaiwas ako ng tingin. Putek, bakit ba kami nasa ganitong sitwasyon? "Lilinisin ko—" Hindi ko natapos ang sasabihin nang marahan akong hinila ni Zayn papunta sa kusina. Tinapon niya sa trash bin ang mga basag na nasa palad ko at walang-ano-anong binuhat ako papunta sa malaking sofa sa sala. "Zayn..." "Maupo ka lang d'yan, lilinisin natin ang sugat mo. Dumudugo na nga ang paa mo, tuloy ka pa sa paglikom ng basag!" inis niyang sabi at iniwan ako ro'n. Napabuga ako ng hininga at naiiyak na nilingon ang paa ko. Masakit nga 'yun at dumudugo pa rin. Kaso ewan ko... Nalamangan ako ng takot kanina. Naalala ko bigla si Kairo. Sa tuwing nagagalit siya sa 'kin noon, sinasaktan niya ako... Bakit ko ba naisip na gagawin din ni Zayn sa 'kin 'yun? Nang bumalik siya, masama pa rin ang mukha niya. Maingat niyang ginamot ang mga sugat ko. Nang matapos ay naglakad siya papunta sa nabasag na vase. Tatayo sana ako para tulungan siya, pero masama niya lang akong tiningnan. Natakot tuloy ako. Ang tapang ko pa naman pagdating sa kaniya, tapos ngayon natatakot ako. "Sorry," basag ko sa katahimikan matapos niyang linisin ang nabasag. "Natakot kasi ako sa 'yo." "Bakit ka natakot?" tanong niya. "Bakit takot na takot ka kung galit ako sa 'yo? Bakit mo naisip na sasaktan kita, Gianna?" Naupo siya sa tabi ko. Umiwas ako ng tingin. "Wala, kinabahan lang," dahilan ko. "Hindi ako nanakit ng babae, Gianna," seryoso niyang sabi. "And I don't believe you. Sigurado akong may rason ka kung bakit ka ganyan... Kung ano man 'yan, malalaman ko rin 'yan, at oras na malaman ko 'yan, humanda ka sa 'kin..." pagbabanta niya. Mas natakot tuloy ako sa gagong 'to! Ano ba naman 'tong lalaking 'to?!1Masakit ang puson ko nang magising ako kinabukasan. Pagkauwi kasi namin, umalis agad si Zayn dahil nagkaroon ito ng emergency bigla. Sakto namang nagkaroon ako. Tuloy sobrang sama ng pakiramdam ko; pakiramdam ko nabugbog ang puson ko kahit hindi naman, para na akong lumpiang gulay na nakabaluktot sa kama ngayon. Pawis at kunot ang noo ko nang lingunin ang cellphone na nagre-ring ngayon. Malalim akong bumuntonghininga at kinuha 'yun. Nang makitang si Lola Allyza 'yun ay wala akong nagawa kundi sagutin ang tawag. "Hello, Apo! Busy ka ba today?" magiliw na tanong ni Lola. "Magmamall kasi kami ni Zaila, gusto mo bang sumama? Ibibili na rin kita ng mga bagong gamit mo!" dagdag pa nito. Gustuhin ko man ay hindi kaya ng katawan ko. Gusto ko lang mahiga, umiyak, at magmukmok sa kama. Ganito naman kasi ako lagi kapag nagkakaroon; sanay na akong nakahiga lang. Paminsan ay kailangan ko pa ring kumilos noon dahil ayaw kumilos ni Kairo sa bahay. "Masama po pakiramdam ko, 'La," dahilan ko. Tot
Masama ang gising ko, kaya wala akong ganang makipag-usap. Panay din ang pag-iwas ko kay Zayn dahil nahihiya ako sa kaniya. Isang linggo na rin 'yun, pero nakakahiya pa rin kasi talaga! Buti na lang talaga wala na naman siya dahil busy siya sa trabaho.Ayaw ko sanang makipagkita kahit kanino, pero wala akong nagawa nang dumating bigla si Zaila sa penthouse ni Zayn at may dalang mga gown."Bakit kasama ako?" takang tanong ko. "Hindi naman ako dumadalo sa gano'n," dagdag ko pa. Anong alam ko sa mga gala party?"Well, Lola said na ikaw na lang muna ang representative ni Kuya Zayn since hindi siya makakapunta due to an emergency. Asawa ka niya, so ikaw na lang," paliwanag ni Zaila. Napangiwi ako at tamad na ngumuya ng tinapay. "Besides, Lola wants to introduce you! Nando'n din si Kuya Zyrus, Ziren, at Ate Eireen!" excited pa nitong sabi.Kumunot ang noo ko. Sino ang mga 'yun?"Sino sila?" tanong ko. "Hindi sila familiar.""Ah, pinsan namin si Ate Eireen, tapos kapatid ni Kuya Zayn sila Ku
"Lola, bawal ba talaga ako rito?" nakangiwi kong tanong.Kakalabas lang ni Lola Allyza sa ospital, halos tatlong linggo rin siya ro'n. Wala yata akong ginawa sa tatlong linggong 'yun kundi ang umuwi sa penthouse ni Zayn na sobrang boring at dalawin si Lola Allyza sa ospital. Wala naman kasi ang asawa ko; may hearing daw, eh. Bahala siya, pakialam ko ba naman sa kaniya?"Hija, kailangang magkasama kayo lagi ni Zayn," sagot ni Lola. "Tsaka pabaya ang batang 'yun sa sarili. Alam ko namang hindi pa kayo nagkakasundo ngayon, pero sana alagaan mo ang apo ko," pakiusap pa nito.Tumango ako. "Ako bahala ro'n, Lola." Hindi niya naman kailangang isipin 'yun. "Bubusugin ko si Zayn lagi," ng sama ng loob. "Okay na po ba kayo? Mamimili po kasi sana ako ng stock sa penthouse at mga gamit ko.""Okay na ako, pasasamahan kita kay Zaila," aniya at ngumiti. "Magkakasundo kayo no'n. Pinsan ni Zayn 'yun, kaedad mo lang siya, kaso madaldal 'yun, Hija.""Okay lang po." Ngumiti ako. At least may makakabondin
"This is your fault." Umirap ako nang marinig ang boses ni Zayn. Ang kapal din talaga ng lalaking 'to! Kasalanan ko?! Kasalanan ko pa?! Siya nga itong may malaking kasalanan sa 'kin!Bakit kasi sa dinami-dami ng tao sa mundo, siya pa? Ayaw ko sa kaniya, galit ako sa kaniya. Sinong hindi magagalit?! I met him before sa province namin! Bisita siya ro'n sa pinagtatrabahuhan kong resort. Dahil special guest siya, maayos ang trato sa kaniya. Nalaman kong sikat at magaling siyang abogado. Gusto kong kasuhan no'n si Kairo, lalo na ang pagbebenta ni Kairo ng lupain ni Mama nang wala kong paalam. Nangako si Zayn sa 'kin na tutulungan niya ako nang walang kapalit na pera. Iniwan niya sa 'kin ang number at email niya, pero wala akong natanggap na kahit ano.Halos tatlong buwan ko siyang kinukulit! Hanggang sa nalaman kong naka-block na ako sa kaniya! Tapos ngayon makikita ko siya?! At siya pa ang magiging asawa ko?! Nakakairita!"Bakit naging kasalanan ko? Ako ba ang sakit ni Lola?" pilosopo kon
"Woman for hire..." basa ko sa nakatarpaulin. Bahagya akong natawa at lumapit kay Manong Guard."Hiring po ba kayo?" malaki ang ngiting tanong ko kay Manong Guard ng mansiyon na nadaanan ko. Halata namang hiring sila dahil nakapaskil sa labas ng mansiyon ang malaking sign na naghahanap sila ng babaeng kayang gawin ang lahat. Sa totoo lang, weir at nakakatawa ang nakapaskil, pero desperada na ako.Wala na akong pera. Ubos na ang perang baon ko rito sa Maynila. Idagdag pa na ayaw akong tigilan ng mga pinag-utangan ni Kairo kakatawag sa 'kin. Kailangan kong bayaran 'yun dahil pangalan ko ang nakasalalay dito. Isa pa, kailangan ko ring mabawi ang lupang iniwan ng ina ko. 'Yun na nga lang ang iniwan ni Mama sa 'kin, eh."Oo, Ineng. Ilang taon ka na muna? Bawal kasi ang minor sa trabahong 'yun," seryosong sabi ni Manong Guard at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.Hindi ko mapigilan ang sariling hindi mapasimangot! Cute size lang kaya ako ganito, 'no!"Twenty-five years old na ako, Manong!







