LOGIN"This is your fault." Umirap ako nang marinig ang boses ni Zayn. Ang kapal din talaga ng lalaking 'to! Kasalanan ko?! Kasalanan ko pa?! Siya nga itong may malaking kasalanan sa 'kin!
Bakit kasi sa dinami-dami ng tao sa mundo, siya pa? Ayaw ko sa kaniya, galit ako sa kaniya. Sinong hindi magagalit?! I met him before sa province namin! Bisita siya ro'n sa pinagtatrabahuhan kong resort. Dahil special guest siya, maayos ang trato sa kaniya. Nalaman kong sikat at magaling siyang abogado. Gusto kong kasuhan no'n si Kairo, lalo na ang pagbebenta ni Kairo ng lupain ni Mama nang wala kong paalam. Nangako si Zayn sa 'kin na tutulungan niya ako nang walang kapalit na pera. Iniwan niya sa 'kin ang number at email niya, pero wala akong natanggap na kahit ano. Halos tatlong buwan ko siyang kinukulit! Hanggang sa nalaman kong naka-block na ako sa kaniya! Tapos ngayon makikita ko siya?! At siya pa ang magiging asawa ko?! Nakakairita! "Bakit naging kasalanan ko? Ako ba ang sakit ni Lola?" pilosopo kong balik sa kaniya. "Ang bait ng Lola mo, tapos ikaw salbahe?" "Wala akong kasalanan sa 'yo, Miss," aniya at masama akong tiningnan. "And I don't even know you. Ang kapal ng mukha mong sampalin ako. Gusto mo bang sampahan kita ng kaso?" Wow?! Hindi niya ako kilala?! Hindi niya ako naalala?! Letche pala 'to, eh! Mapakla akong natawa. "Hindi mo ako naalala, Mister?" tanong ko. "Ako lang naman 'yung babaeng pinangakuan mong tutulungan mo noon... Sabi mo tutulungan mo 'kong kasuhan ang ex-fiancé ko, sabi mo tutulungan mo akong malinis ang pangalan ko, at sabi mo tutulungan mo 'kong... mabawi ang lupa ni Mama..." mapait kong sabi. Kitang-kita ko ang pagkunot ng noo niya. Mabilis akong nag-iwas ng tingin. Ayokong umiyak, ayokong maging madrama, bahala siya. Letche. Ramdam kong may gusto siyang sabihin, kaya nang lingunin ko si Lola Allyza at nakitang gising na siya ay mabilis akong lumapit sa kaniya. "'La, okay na po ba kayo?" tanong ko. Marahan siyang tumango sa 'kin. "Aalis na po ako." "No, Hija," pigil niya sa 'kin at mahigpit na hinawakan ang palad ko. "Ikaw na ang gusto ko para sa apo ko... Please, pumayag ka na. Nangako ako sa anak ko no'n na hindi ako papayag na maiwang mag-isa ang mga anak nila... Malapit na akong mamatay, Hija. Matanda na ako at may sakit. Gusto kong masiguradong nasa maayos na babae mapupunta si Zayn... Lalo na't sa kanilang magkakapatid, siya ang hindi namin nabigyan gaano ng pagmamahal at atensyon..." nagmamakaawa niyang bulong sa 'kin. Humigpit lalo ang hawak niya sa palad ko. Napabuntonghininga ako. Mabilis akong nakaramdam ng awa kay Lola. Ayoko talaga, pero kung iisipin, magiging maganda ang buhay ko, mabilis akong makakabawi. Hindi ko naman kailangang magpaka-asawa masyado sa gagong 'yun... Kaya sigurado wala namang masama. Hindi ko naman siya kailangang mahalin lalo na ngayong... Ngayon, ayaw ko sa kaniya at halatang hindi niya rin ako gusto. "Sige po," pagsang-ayon ko. Kita kong nagliwanag ang mata ni Lola. "Kung payag din siya, wala po akong problema." "Walang magagawa si Zayn. Sigurado ka na ba, Hija? Ipapaayos ko na sa abogado ko ang marriage certificate niyong dalawa. Pirma lang ang kailangan, Hija." "Sige po," sagot ko. "Basta po 'yung naging usapan natin, Lola. Kailangan ko rin talaga ng pera at matitirhan," paliwanag ko. "Sana naiintindihan niyo po 'yon." "Walang problema, Hija." Ngumiti siya sa 'kin. "Thank you dahil pumayag ka sa gusto ko. Unang tingin ko pa lang sa 'yo, sigurado akong magiging mabuting asawa ka sa apo ko... Alam kong may hindi kayo napagkasunduan at nakita ko ang galit mo kanina, pero sana... sana matagalan mo si Zayn. Kailangan niya ng katulad mo, Hija," malambing niyang bulong sa 'kin. "Salamat." Tumango na lang ako at hindi nagsalita pa. Hindi ko alam kung tama ba ang pinapasok ko, pero bahala na. Nilingon ko si Zayn na kunot-noong nakatitig pala sa 'min. Nang magtama ang mata naming dalawa ay mataray ko siyang inirapan. Deadma sa kaniya, kailangan ko ng pera. Dumating din agad si Atty. Hernandez dala ang marriage certificate namin. Madali lang naman, pumirma lang kaming dalawa. Akala ko nga no'ng una tutol pa si Zayn, pero walang sabing pumirma lang siya. Nang maggabi ay pinauwi kami ni Lola Allyza, lalo na't dumating ang personal nurse nito. Sa sasakyan ni Zayn ako sumakay. Kahit labag sa loob, wala na akong magagawa. Kumunot ang noo ko nang tumigil kami sa isang malaking building. "Anong ginagawa natin dito?" tanong ko, lalo na't alam kong nasa bandang Makati kami. "Bakit tayo nandito?" "Nandito ang penthouse ko," sagot niya at pumasok sa basement. "Dito tayo titira sabi ni Lola." "Ano?!" Hindi ko napigilan ang sumigaw. "Bakit?! Bakit hindi na lang ako sa mansiyon?!" "Dahil asawa na kita." Walang emosyon niya akong nilingon. "Panindigan mo ang pagiging asawa ko. Now na nakuha ni Lola ang gusto niya, asahan mong hindi lang magiging basta ang buhay mo. You are my wife now, Gianna," malaki ang ngisi niyang sabi. Tumigil ang sasakyan at pinatay niya ang makina. "I don't remember you, honestly, but I am so sorry kung napaasa kita. Hindi ko alam ang sinasabi mo, ni hindi ko alam kung nagsasabi ka ng totoo." "Edi 'wag ka maniwala," sabi ko. "Wala na rin namang mangyayari, nakatakas na ang gagong ex ko. Tapos na, nakuha na sa 'kin ang titulo ng lupa." Masama pa rin ang loob ko. "'Wag ka ring umasang magiging mabuti akong asawa sa 'yo. Pumayag ako para sa pera at para kay Lola." "Good." Tila pabor siya sa sinabi ko. "Ginawa ko lang din 'to para kay Lola. Pagod na rin ako sa mga blind date na isineset-up niya, and it seems you agree sa ganitong set-up. Wala tayong magiging problema. Kasal lang tayo sa papel, asawa lang kita sa papel. Maliwanag?" "Maliwanag pa sa maliwanag, boy," sagot ko. Akala niya ba icle-claim ko talagang asawa ko siya? Yuck. "Boy?" Natawa siya. "Call me by my name, Gianna." "Ayaw ko nga, kapal mo naman," pagsusungit ko at naunang bumaba ng sasakyan. Bumaba na rin siya. "Wala akong gamit, nasa mansiyon niyo," sabi ko at agad na sumunod sa kaniya nang maglakad siya bigla. "Pinabili kita ng gamit sa secretary ko," sagot niya at tuloy lang sa paglakad. "So, behave. Ayoko ng makulit, maingay, makalat, at pasaway na asawa. Understood?" Mataray ko siyang tiningnan. "Makakaasa ka. Wala naman akong pakialam sa 'yo." Sana lang talaga matagalan ko siya. At balak ko rin talaga, oras na makabawi na ako sa buhay, makikipaghiwalay ako sa kaniya.1Masakit ang puson ko nang magising ako kinabukasan. Pagkauwi kasi namin, umalis agad si Zayn dahil nagkaroon ito ng emergency bigla. Sakto namang nagkaroon ako. Tuloy sobrang sama ng pakiramdam ko; pakiramdam ko nabugbog ang puson ko kahit hindi naman, para na akong lumpiang gulay na nakabaluktot sa kama ngayon. Pawis at kunot ang noo ko nang lingunin ang cellphone na nagre-ring ngayon. Malalim akong bumuntonghininga at kinuha 'yun. Nang makitang si Lola Allyza 'yun ay wala akong nagawa kundi sagutin ang tawag. "Hello, Apo! Busy ka ba today?" magiliw na tanong ni Lola. "Magmamall kasi kami ni Zaila, gusto mo bang sumama? Ibibili na rin kita ng mga bagong gamit mo!" dagdag pa nito. Gustuhin ko man ay hindi kaya ng katawan ko. Gusto ko lang mahiga, umiyak, at magmukmok sa kama. Ganito naman kasi ako lagi kapag nagkakaroon; sanay na akong nakahiga lang. Paminsan ay kailangan ko pa ring kumilos noon dahil ayaw kumilos ni Kairo sa bahay. "Masama po pakiramdam ko, 'La," dahilan ko. Tot
Masama ang gising ko, kaya wala akong ganang makipag-usap. Panay din ang pag-iwas ko kay Zayn dahil nahihiya ako sa kaniya. Isang linggo na rin 'yun, pero nakakahiya pa rin kasi talaga! Buti na lang talaga wala na naman siya dahil busy siya sa trabaho.Ayaw ko sanang makipagkita kahit kanino, pero wala akong nagawa nang dumating bigla si Zaila sa penthouse ni Zayn at may dalang mga gown."Bakit kasama ako?" takang tanong ko. "Hindi naman ako dumadalo sa gano'n," dagdag ko pa. Anong alam ko sa mga gala party?"Well, Lola said na ikaw na lang muna ang representative ni Kuya Zayn since hindi siya makakapunta due to an emergency. Asawa ka niya, so ikaw na lang," paliwanag ni Zaila. Napangiwi ako at tamad na ngumuya ng tinapay. "Besides, Lola wants to introduce you! Nando'n din si Kuya Zyrus, Ziren, at Ate Eireen!" excited pa nitong sabi.Kumunot ang noo ko. Sino ang mga 'yun?"Sino sila?" tanong ko. "Hindi sila familiar.""Ah, pinsan namin si Ate Eireen, tapos kapatid ni Kuya Zayn sila Ku
"Lola, bawal ba talaga ako rito?" nakangiwi kong tanong.Kakalabas lang ni Lola Allyza sa ospital, halos tatlong linggo rin siya ro'n. Wala yata akong ginawa sa tatlong linggong 'yun kundi ang umuwi sa penthouse ni Zayn na sobrang boring at dalawin si Lola Allyza sa ospital. Wala naman kasi ang asawa ko; may hearing daw, eh. Bahala siya, pakialam ko ba naman sa kaniya?"Hija, kailangang magkasama kayo lagi ni Zayn," sagot ni Lola. "Tsaka pabaya ang batang 'yun sa sarili. Alam ko namang hindi pa kayo nagkakasundo ngayon, pero sana alagaan mo ang apo ko," pakiusap pa nito.Tumango ako. "Ako bahala ro'n, Lola." Hindi niya naman kailangang isipin 'yun. "Bubusugin ko si Zayn lagi," ng sama ng loob. "Okay na po ba kayo? Mamimili po kasi sana ako ng stock sa penthouse at mga gamit ko.""Okay na ako, pasasamahan kita kay Zaila," aniya at ngumiti. "Magkakasundo kayo no'n. Pinsan ni Zayn 'yun, kaedad mo lang siya, kaso madaldal 'yun, Hija.""Okay lang po." Ngumiti ako. At least may makakabondin
"This is your fault." Umirap ako nang marinig ang boses ni Zayn. Ang kapal din talaga ng lalaking 'to! Kasalanan ko?! Kasalanan ko pa?! Siya nga itong may malaking kasalanan sa 'kin!Bakit kasi sa dinami-dami ng tao sa mundo, siya pa? Ayaw ko sa kaniya, galit ako sa kaniya. Sinong hindi magagalit?! I met him before sa province namin! Bisita siya ro'n sa pinagtatrabahuhan kong resort. Dahil special guest siya, maayos ang trato sa kaniya. Nalaman kong sikat at magaling siyang abogado. Gusto kong kasuhan no'n si Kairo, lalo na ang pagbebenta ni Kairo ng lupain ni Mama nang wala kong paalam. Nangako si Zayn sa 'kin na tutulungan niya ako nang walang kapalit na pera. Iniwan niya sa 'kin ang number at email niya, pero wala akong natanggap na kahit ano.Halos tatlong buwan ko siyang kinukulit! Hanggang sa nalaman kong naka-block na ako sa kaniya! Tapos ngayon makikita ko siya?! At siya pa ang magiging asawa ko?! Nakakairita!"Bakit naging kasalanan ko? Ako ba ang sakit ni Lola?" pilosopo kon
"Woman for hire..." basa ko sa nakatarpaulin. Bahagya akong natawa at lumapit kay Manong Guard."Hiring po ba kayo?" malaki ang ngiting tanong ko kay Manong Guard ng mansiyon na nadaanan ko. Halata namang hiring sila dahil nakapaskil sa labas ng mansiyon ang malaking sign na naghahanap sila ng babaeng kayang gawin ang lahat. Sa totoo lang, weir at nakakatawa ang nakapaskil, pero desperada na ako.Wala na akong pera. Ubos na ang perang baon ko rito sa Maynila. Idagdag pa na ayaw akong tigilan ng mga pinag-utangan ni Kairo kakatawag sa 'kin. Kailangan kong bayaran 'yun dahil pangalan ko ang nakasalalay dito. Isa pa, kailangan ko ring mabawi ang lupang iniwan ng ina ko. 'Yun na nga lang ang iniwan ni Mama sa 'kin, eh."Oo, Ineng. Ilang taon ka na muna? Bawal kasi ang minor sa trabahong 'yun," seryosong sabi ni Manong Guard at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.Hindi ko mapigilan ang sariling hindi mapasimangot! Cute size lang kaya ako ganito, 'no!"Twenty-five years old na ako, Manong!







