Share

CHAPTER 13: Visit

SOL POV

NANGINGINIG ANG mga tuhod kong sinundan ang anino. Tama nga ako, papunta nga sa kwarto ni Raddix ang magnanakaw. Ano naman kaya ang sadya ng aninong 'yon? Balak niya bang saktan si Raddix? Sh*t pag nagkataon na natutulog 'yon ay siguradong mapapahamak siya! Kailangan kong pigilan ang masamang taong iyon!

Nang makarating ako sa pangalawang palapag ay nakaramdam na agad ako ng kakaiba. Medyo madilim ang paligid, ang tanging nagbibigay liwanag lang ay ang maliliit na lamp na nakakabit sa mahabang pasilyo. Ayaw ba ni Raddix ng masyadong maliwanag?

Mas lalo tuloy akong nakaramdam ng takot. Para akong nasa isang horror movie ngayon!

Natigilan ako saglit ng makarinig ng foot steps. Pigil ang hininga kong pinagmasdan ang paligid. Shiiiiz, hindi ko na mahagilap ang anino! Patay, nalaman niya kayang sinunsundan ko siya?!

Kung saan-saan ko itinutok ang flashlight sa cellphone ko. Ramdam ko ang pagtagaktak ng pawis ko dahil sa sobrang kaba.Ba
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status