Se connecterYanaIlang araw matapos ang unang training ko kay Sylvia, mas nakapag-adjust na ako nang maayos.Alam ko na paano magpigil ng mga salita. Bibihira na rin akong mag-react. Natutunan ko paano magpakita ng composure kahit maraming ingay sa paligid.Maayos naman kami ni Adrian nitong mga nakaraang araw. Tahimik pero hindi awkward.Pero ngayong araw, may kakaiba.Maaga kaming nagkita ni Adrian, pero halos walang usapan. Maikli lang din ang sagot niya ngayon. Mukhang may iniisip.“May meeting ka ba?” tanong ko habang nagkakape kami.“Meron,” sagot niya agad, hindi tumitingin.“Marami?”“Marami.”Tumango ako. Alam ko namang halos araw-araw siyang may meetings. Kaya hindi iyon ang punto.Hinintay ko sana na sundan pa niya ang usapan.Pero wala.Tila wala siyang gana makipag-usap talaga.Tahimik lang siyang uminom ng kape, parang sinasadyang huwag magbukas ng kahit anong paksa.Sandaling nagtagpo ang tingin namin pero siya ang unang umiwas. Huh, para talagang may mali ngayon. Maya-maya, narin
Yana“Tumayo ka,” utos ni Sylvia. May hawak si Sylvia na manipis na stick. Hindi siya sumisigaw pero parang mas nakakatakot iyon.Agad akong tumayo. ‘Yung normal lang na lagi kong ginagawa.Tinapik niya ang stick sa harap ng tuhod ko. “Masyadong naka-lock,” sabi niya. “Relax.”Bahagya kong ibinaluktot ang tuhod ko, inililipat ang bigat ng katawan ko sa magkabilang paa imbes na itukod lahat sa isang posisyon.Noong akala ko naayos ko na, sa balikat niya naman ako tinapik. “Bumagsak,” sabi niya. “Mukhang ikaw ang nagdadala problema ng mundo.”Napabigkas ako nang hindi nag-iisip. “Eh, magagawa ko? Dumagdag pa ito sa problema ko.”Biglang tumahimik ang sala.Doon ko lang narealize… Nasabi ko ’yon nang malakas.Tinaas ni Sylvia ang isang kilay. “Kontrolin mo ang bibig mo,” sabi niya nang kalmado. “Hindi lahat ng opinyon mo kailangan mong sabihin. Magpakita ka ng class.”Jusko po. Gusto kong mawala na lang sa mundo. Bakit ko ba nasabi iyon?“P–pasensya na po,” sabi ko agad.Inirapan lang a
YanaHindi pa man tuluyang bumababa ang zipper ng pantalon niya ay naramdaman ko na ang kamay ni Adrian. Hinawakan niya ang aking pulso. Hindi naman madiin pero dapat para pigilan ako sa gagawin ko.“Stop, Yana.”Nanigas ako. Parang biglang nawala ang lahat ng ingay sa paligid. Tanging ang tibok ng puso ko lang ang naririnig ko.Dahan-dahan kong iniangat ang tingin ko sa kanya.“M–may mali ba?” mahinang tanong ko. “Akala ko…”“Tinatanong kita kanina,” sabi niya, mababa ang boses. “Sigurado ka ba?”Hindi ako nakasagot.Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko. Kasi kung tutuusin… hindi ko rin alam ang sagot.Handa na ba talaga ako makipag-sex kay Adrian?Buong buhay ko, sanay akong mag-adjust, magbigay, at umintindi. Kapag may binigay sa akin, pakiramdam ko palaging may kapalit.Kaya ganoon ang naging reaksyon ko kanina, hindi ko na tinanong ang sarili ko kung gusto ko ba. Inisip ko lang kung dapat ba.At doon ko naintindihan kung bakit niya ako pinigilan.“Hindi ko alam,” ang sag
YanaIlang araw ang lumipas nang tahimik. Wala namang gaanong nagbago simula nang pirmahan ko ang marriage contract.Maliban sa napalitan ang apelyido ko, pareho pa rin ang pakikitungo ni Adrian sa akin.Ramdam kong may distansya pa rin sa aming dalawa… pero hindi siya cold.Tuwing umaga, sabay kaming nagkakape sa kusina.“May lakad ka today?” tanong niya habang inilalapag ang tasa sa harap ko.“Later,” sagot ko. “Ikaw?”“Meetings,” sabi niya. “As usual.”Tumango ako. Saglit kaming natahimik.“May kailangan ka ba?” dagdag niya, hindi tumitingin.Umiling ako. “Wala… okay lang ako.”Sandaling nagtagpo ang tingin namin. Para akong nakukuryente kapag tumatama ang mata niya sa akin. Minsan ay iniiwas ko na lang tingin ko pero iba na ngayon. Hinahayaan ko lang… Parang sapat na ang mata para magsabi ng hindi pa namin kayang banggitin.Naputol iyon nang sunod-sunod na notification ang tumunog sa phone ni Adrian.Napakunot-noo siyang tumingin sa screen.“Shit,” bulong niya. Nanigas ang panga n
YanaNatulala ako. Tama ba ang ring ko? Papakasal ako sa kanya para maging kabayaran sa lahat ng ibinigay niya sa akin?Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko… Hindi sumagi sa isip ko ni minsan na magpapakasal ako agad-agad.Napatawa ako… Hindi dahil sa nakakatawa ang sinabi niya kundi nakakaloka lang na sasabihin niya ito sa akin.“Sorry,” sabi ko, umiling. “Prank ba ’to?”Tiningnan ko siya. Naghihintay ako para magsabi siya ng punchline… Na isa lang itong hindi magandang biro.…pero hindi ngumingiti si Adrian. Seryoso ang mukha niya.“Adrian,” dugtong ko, pilit pinapakalma ang sarili ko. “Kung burnout ka na, okay lang. Gets ko. Pero wag naman sanang —”“Yana,” putol niya, kalmado pero matigas. “I’m not joking.”Nabura ang ngiti ko. And holy shit… Ngayon pa lang talaga nag-sink in ang sinabi niya.Lumapit siya nang bahagya, sapat lang para maramdaman ko ang presensya niya.“To be clear,” sabi niya, “Villaverde ang apelyido na mapupunta sa’yo.”Nanikip ang dibdib ko.“Hindi ka na mag
YanaHindi ako agad nakatulog noong gabing iyon.Kahit gaano katahimik ang buong condo, gising ang utak ko. Parang may mali pero hindi ko pa matukoy ito sa ngayon.Kaya ba napakabuti sa akin ni Adrian dahil kamukha ko lang ang nawawala niyang asawa?Kinabukasan, sinimulan kong magmasid. Praning na kung praning pero kailangan kong maging mapagmatyag lalo pa’t di pa rin nakikita si Leira.Halos palaging wala sa condo si Adrian. Maagang umaalis, gabi kung umuwi. Kapag naman nandito siya ay tahimik lang… Pero paminsan-minsan ay nagkakasabay kami kumain tuwing hapunan.Isang gabi, nagkausap kami.“Hindi ka pa nakapag-college, ‘di ba?” tanong ni Adrian. Nakatutok sa akin ang mga mata niya. Napakaganda talaga ng kulay ng mga ito… Light-brown.Sa tuwing tinititigan niya ako ay para bang kinakabisa niya ang mukha ko.“Oo. Di ako nakapag-kolehiyo pa,” bigla kong sinabi.Tumango siya at itinuloy ang pagkain.“Senior high lang ang natapos ko,” dugtong ko. “May business dati ang papa ko. Maliit la







