Share

Chapter 7

Author: Blissy Lou
last update Last Updated: 2026-02-15 21:17:36

Nang papasok na sina Herald at Camilla sa maliit na sala, mula sa veranda, ay naabutan nila ang pinag-uusapan ng mag-asawang Madden at Leanna.

“Leanna, hindi namin alam kung paano kayo pasasalamatan,” basag ang boses ni Mrs. Madden. Dahil kalahating dugong Pilipina, ay nakakapagsalita siya ng Filipino nang malinaw . “Pinrotektahan mo ang apo namin sa loob ng dalawampu’t limang taon sa gitna ng hirap at panganib. You kept her safe when we thought she was lost forever.”

Tumango si Mr. Madden, ang mga mata ay nagniningning sa determinasyon at lungkot. “Indeed. We owe you everything, Leanna,” wika niya sa baritono at malalim na boses, may bakas ng British accent. “But it breaks my heart to know how much you both suffered dahil sa kasakiman of that man.” Bagaman Ingles ang kanyang kinalakihan bilang purong British, natuto siyang magsalita at umunawa ng Filipino dahil sa pagmamahal niya sa kanyang asawa.

Tinitigan ni Camilla ang lahat. Ang puso niya ay punong-puno ng determinasyon, ngunit bago pa siya makapagsalita at buksan ang planong kaniyang napag desisyonan,ay nagsalita si Leanna.

Umiling si Leanna, luhaan habang nakatingin sa mga Madden. “Ma’am, Sir… wala po iyon kumpara sa ginawa ni Ma'am Veronica para sa akin. Noong bata pa si Alexa, muntik na siyang mamatay dahil sa butas sa puso niya. Kung hindi dahil sa tulong na inabot niya para maoperahan agad ang anak ko noon, wala na sana ang anak ko. Nagkaroon ng pangalawang buhay ang aking anak dahil sa tulong ni Ma'am Veronica. Hindi lang isang amo ang turing ko sa kaniya; naging pamilya ko po siya.”

Dahan-dahan ang ginawang pag upo nina Maliya at Herald malapit sa tatlong nag-uusap.

Huminga nang malalim si Leanna, pilit pinatatag ang boses. “Para sa buhay ng anak ko na isinalba niya, kailangan kong iligtas ang kaisa-isang anak ni Ma'am Veronica. Kahit doon lamang ay makakabawi ako sa kaniya. Ipinangako ko sa kanya na ilalayo kita, na sisigurohin kong hindi ka mahahanap ng tiyuhin mo, Camilla.” Napatingin si Leanna kay Camilla na ngayon ay nasa harapan niya, kung saan katabi ng mag asawang Madden.

Nanlamig ang mga daliri ni Camilla. Ang bawat sakripisyo ng kaniyang inay ay bunga ng pasasalamat na hindi kayang bayaran ng salapi.

Hinawakan ni Samantha ang kamay ng kaniyang apo. Dahil doon ang planong umaalab sa dibdib ni Maliya ay matapang niyang binukas sa kanila...

“Lolo, Lola, Nay… hindi na ako pwedeng manatili rito at magtago lang. My parents’ blood is crying for justice. I want to go to Italy. Kailangan kong bawiin ang lahat ng ninakaw ni Tommaso Savelli—ang mana, ang karapatan. Kailangan ko siyang singilin sa ginawa niya sa mga magulang ko. He didn't just k*ll them; he erased their legacy and stole my birthright. I am going back to take it all back.”

“We will support you, Sarai,” ani Vicente, ang boses ay punong-puno ng awtoridad. “Madden Global Enterprises will back you up. We will crush him sa korte at sa negosyo. Ibubunyag natin ang baho niya.”

“I will be there with her, Mr. Madden,” dagdag ni Herald. “I will use all the Fonteverde’s influence to ensure her safety. She’s not alone anymore.”

Ngunit naputol ang tensyon sa loob ng sala nang bumukas ang pinto. Pumasok si Alexa—magulo ang ayos, amoy alak. Bakas ang pagkakagaling sa bar. Maliban doon ay bakas ang pamamaga ng mga mata na nagsasabing kanina pa ito umiiyak. Narinig niya ang lahat ng nagawang pag-uusap sa loob. Tumama ang paningin niya kay Camilla na ngayon ay na hihiwagahan sa kaniya. Marahil sa biglang pagpasok niya sa ganoong hitsura.

“Camilla,“ bangit niya sabay patak na bagong luha.

Mabilis siyang lumapit kay Camilla at biglang bumagsak sa tuhod, humahagulgol. “Camilla, patawarin mo ako!” hikbi niya, nakasubsob sa paanan ni Camilla. “Narinig ko ang lahat… hindi ko alam… wala akong alam na ang buhay ko ay utang ko sa mga magulang mo! Kung hindi dahil sa kanila, matagal na akong patay!” Sa edad na walo noon ay sariwang-sariwa pa rin sa kaniya ang paghihirap dahil sa sakit niya. Tila sa anumang oras ay babawian siya ng buhay. Nagising na lang siya isang araw at umiiyak ang kaniyang itay, umiiyak sa pasasalamat. Nadugtungan ang buhay niya dahil sa tulong ng mga magulang ni Camilla.

Tumingala siya sa mukha ni Camilla, basang-basa ng luha at puno ng pagsisisi. “Anong ginawa ko sa 'yo? Trinato kitang parang basura. Trinydor kita dahil sa pera! Nagawa kong ibenta ka sa mga mayayamang lalaki na 'yun noon, kaya naranasan mo ang paghihirap sa buong kabataan mo. Dahil lang sa selos na nararamdam ko dahil palagi kang pinapaboran ni inay. Ilang taon akong nag sakripisyo para sa pagmamahal ng ina dahil malayo siya sa akin, pero nang umuwi siya 'yong pagmamahal na iyon ay binigay niya sa 'yo lahat. Na ang kalagayan mo ang palagi niyang iniisip. God, I’m so sorry! I’m a monster! Hindi ako naging mabuting ate sa 'yo,” paghagulhol niya.

Akala niya kasi noon ay mas mahal siya ng kanilang inay kahit sampid lang ito. Oo alam niya. Ngunit binalaan siya ng kaniyang ama na huwag panggitin ito sa kapatid niya. Kaya pakiramdam niya, mas mahalaga ang mararamdaman ng kapatid niya kaysa sa mararamdaman niya.

Bago makapagsalita si Camilla, lumingon si Alexa sa mag-asawang Madden, na ayon sa kaniyang mga narinig ay ang mga magulang ng ina ni Camilla. “I’m sorry… I’m so sorry to your family. Ang taong nagligtas sa akin, ang anak niyo, ay siya palang taong sinira ko ang anak. Please, patawarin niyo ako.”

Hinawakan ni Herald si Camilla upang protektahan siya, ngunit itinataas niya ang kamay upang patigilin ang asawa. “Ate, tumayo ka.”

“Hindi! Hindi ko kailangan ng awa mo. Sabunutan mo ako. Sampalin mo ako, pakiusap,” sigaw ni Alexa.

“Hindi maaari ang sinasabi mo, ate,“ tugon ni Camilla na pinipilit pinapatayo si Alexa. Sa kabila ng pagiging salbahi ni Alexa kay Camilla, ay hindi pa rin magawang saktan ni Camilla ang kaniyang ate. Nakatatandang kapatid pa rin ang turing niya rito. Nagulat din siya sa mga isinawalat nito na hindi niya aakalaing gano'n pala ang naging karanasan nito.

Habang si Leanna naman ay napaluha. Naging bulag siya sa magiging maramdaman ng kaniyang tunay na anak sa kabila ng pagpoprotekta niya kay Camilla. Akala niya ay nauunawan ng kaniyang anak ang lahat, pero nagkamali siya. Hindi niya maitatangging may kasalan siya.

“Camilla, gusto kong bumawi. Sasama ako sa Italya. Wala akong pakialam kung nakakatakot man 'yong Savelli na 'yon. Para sa nanay mo, sasama ako. Tutulungan kitang makuha ang hustisya para sa mga magulang mo. Magiging anino mo ako, katuwang o kasanggalang. Hindi kita iiwan. Pakiusap!“

Sa gitna ng pag-iyak ni Alexa, lumabas si Jonathan mula sa dilim ng pasilyo. Tahimik siyang nakikinig kanina pa, sa isang sulok. Ang dating mukha niya na puno ng bagsik at takot ay bakas na ngayon ng pagpapakumbaba.

“Camilla,” tawag niya.

Napalingon lahat sa kanya. Lumapit siya at huminto sa harap ni Camilla. “Patawarin mo rin ako.”

Humarap siya, matikas pa rin ngunit may pait sa tinig. “Kung paano kita trinato… ang pang-aabuso at ang bawat mabagsik na salitang binitawan ko… lahat iyon ay bahagi ng isang planong napagkasunduan namin ng iyong ina maraming taon na ang nakalipas. Alam ko ang panganib na dala ng mga Savelli. Alam namin ng iyong inay na darating ang araw na ito.”

“'Tay?” naging usal nalang ni Camilla, nanginginig sa pagkalito.

“Kailangan kitang gawing matapang, Camilla,” pag-amin niya, may unang luha sa mga mata. “Naging malupit ako para maging matatag ka sa totoong laban.Gusto kong maging isang taong hindi sumusuko ka para hindi ka lamunin ng mga halimaw sa Italya.Hinubog kitang parang isang sundalo dahil alam kong magiging digmaan ang mundong gagalawan mo. Patawad kung ako ang nagmukhang kalaban… pero tiniis kong akuin ang papel na iyon para matuto kang tumayo at lumaban sa mga tunay na kalaban ng iyong buhay. ”

Bumuhos ang luha ni Camilla. Ang bawat latay, bawat gabing umiyak dahil sa kalupitan niya—isa palang baluktot ngunit tapat na paraan ng paghahanda. Ang galit na itinanim ay siya palang magiging sandata niya ngayon.

“Salamat,” bulong niya, pinapahid ang luha. “Salamat dahil sa kabila ng lahat, hindi niyo ako hinayaang maging mahina.”

Humarap siya kina Alexa at Jonathan. “Pinapatawad ko na kayo. Ngayong gabi, tinatapos natin ang mga lihim at galit sa bahay na ito. Pamilya tayo.”

Tumingin siya kay Herald, na nakatitig sa kanya nang may paghanga. “At isa pa, Ate. Ang gabing iyon sa bar… hindi ko 'yon pinagsisihan.”

Napatingin si Alexa sa lalaking katabi ni Camilla. Napansin niya ito kanina, ngunit hindi niya tinuon ang buong atensyon rito dahil sa emosyong bumabalot sa kaniyang pagkatao kanina.

"Ikaw... familiar ka sa akin. Isa ka sa mga lalaki na naroroon sa bar ng gabing iyon," pagturo niya sa lalaki.

"Tama ka, ate. Itay, ate, si Herald... asawa ko... ang ama ng anak ko," pagpapakilala niya.

"Asawa?" sabay na tanong nina Alexa at Jonathan.

"I apologize. But, it's a long story. Kukwento ko po sa inyo sa susunod na araw," may pagkamot sa ulo na wika ni Herald.

Biglang nawala ang mabigat na emosyong sa pagitan nilang lahat, natawa si Camilla, ang inang si Leanna at ang dalawang matandang Madden. Habang nalilito naman sina Alexa at Jonathan.

Naputol ang lahat ng iyon nang marinig ang maliit na tinig mula sa ibaba ng hagdan.

“Mama? Papa?" Nakatayo si Emma, naalimpungatan, nakabalot sa paboritong kumot, at puno ng kuryosidad ang mga mata.

Mabilis na lumapit si Herald at binuhat ang bata. “Hey, baby. Gising na ang princess namin,” malambing na sabi ni Herald habang hinahalikan ang noo ng anak.

Dinala niya si Emma sa mga Madden. Hinawakan ni Camilla ang maliit na kamay ng anak at humarap sa mag-asawang Madden. Ang mga mata ng mga matanda ay nagniningning sa tuwa at pagkagulat.

“Lolo, Lola…” tawag ni Camilla. “I want you to meet someone very special. This is Emma. My daughter… your great-granddaughter.”

Napahawak sa bibig si Samantha. Si Vicente naman ay napahawak sa kaniyang dibdib, mga mata nagniningning. “Oh, dear God… she’s beautiful, Sarai. She has your mother’s smile,” banayad na wika ng matandang lalaki, bumaling kay Emma. “Hello, apo. I am your Lolo Vicente.”

“Hello po,” mahinang sagot ni Emma, bago yumakap sa leeg ni Herald.

Sa sandaling iyon, ang puso ni Camilla ay hindi na puno ng pait o takot—punong-puno na ito ng layunin. Ang munting tinig ni Emma ang nagsilbing paalala kung bakit kailangan niyang lumaban. Hindi niya hahayaang lumaki ang anak sa ilalim ng anino ng isang pangit na nakaraan at kung hahayaan ay maging masalimuot na hinaharap

Handa na ako. Sa isipan ni Camilla.

Ang gabing iyon, na nagsimula sa takot at pagbubunyag, ay nagtapos sa isang matibay na pagkakaisa. Ang mga Torres, Madden, at Fonteverde ay nagkaisa. Ang laban ay hindi na lamang tungkol kay Camilla. Ito ay tungkol sa kanilang lahat.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Married to the Lost Heiress   Chapter 8.2

    Isang gabi, nilapitan ni Herald si Camilla habang nag-aaral ito. “Ayos ka lang ba?" tanong ni Herald, hugging her from behind while she was staring out the window. "Kinakabahan ako, Herald. Malapit ko ng makita ang lugar kung saan nagsimula at nagwakas ang lahat. Makikita ko na ang lugar na halos mahabang panahon din nagpapakita sa mga panaginip ko," sagot ni Camilla. "You're not that three-year-old girl anymore," bulong ni Herald, kissing her temple. "You are a Madden and a Savelli. And more importantly, you are a Fonteverde. No one can touch you now." “Para sa mga magulang ko, at para sa kinabukasan ni Emma. Kakayanin ko basta nasa tabi kita,” naging saad ni Camilla. Napapikit na lang si Camilla nang mas lalong hinigpitan ni Herald ang pagkakayakap nito sa kaniyang likuran. Makalipas ang ilang oras, pumasok at lumapit si Alexa kay Camilla sa silid nito sa private villa ng mga Fonteverde. Wala na ang asawa nito si Herald at tumungo sa baba para makipag-usap sa pamilyang Madd

  • Married to the Lost Heiress   Chapter 8.1

    Kinabukasan, hindi nagsayang ng oras ang mag-asawang Madden, tinawagan nila ang kanilang bunsong anak na si Thomas Madden na nasa London. “Thomas, we found her. We finally found Veronica’s daughter,” garalgal ang boses ni Samantha habang kausap ang anak sa video call. Hindi na nagdalawang-isip si Thomas. Sa loob lang ng dalawampu’t apat na oras, lumapag ang kaniyang private plane sa Maynila. Si Thomas ay hindi lang basta isang Madden; he is a top-tier private detective in Europe. His skills in investigation and tactical planning were exactly what they needed. Ngunit sa kabila ng galing niya, sa habang panahon na lumipas ay hindi niya nakuha ang hustisyang nararapat sa nakatatanda niyang kapatid at asawa nito. Nahirapan siya sapagkat naging mahirap ng makapasok ng sinuman sa palasyo simula ng mangyari iyon. Maraming taohan ang hinire ng natirang Savelli, maliban doon ay napapalibutan ng cctv ang lahat ng bahagi sa palasyo at security alarm. Ginawa ito hindi dahil para sa siguridad a

  • Married to the Lost Heiress   Chapter 7

    Nang papasok na sina Herald at Camilla sa maliit na sala, mula sa veranda, ay naabutan nila ang pinag-uusapan ng mag-asawang Madden at Leanna. “Leanna, hindi namin alam kung paano kayo pasasalamatan,” basag ang boses ni Mrs. Madden. Dahil kalahating dugong Pilipina, ay nakakapagsalita siya ng Filipino nang malinaw . “Pinrotektahan mo ang apo namin sa loob ng dalawampu’t limang taon sa gitna ng hirap at panganib. You kept her safe when we thought she was lost forever.” Tumango si Mr. Madden, ang mga mata ay nagniningning sa determinasyon at lungkot. “Indeed. We owe you everything, Leanna,” wika niya sa baritono at malalim na boses, may bakas ng British accent. “But it breaks my heart to know how much you both suffered dahil sa kasakiman of that man.” Bagaman Ingles ang kanyang kinalakihan bilang purong British, natuto siyang magsalita at umunawa ng Filipino dahil sa pagmamahal niya sa kanyang asawa. Tinitigan ni Camilla ang lahat. Ang puso niya ay punong-puno ng determinasyon, ngu

  • Married to the Lost Heiress   Chapter 6

    Nanlalamig ang mga daliri ni Camilla. Sa gitna ng marangyang bulwagan, sa ilalim ng nagniningning na mga chandelier, tila tumigil ang ikot ng mundo niya. Ang boses ng matandang babae—si Mrs. Madden—ay patuloy na umuukit sa kanyang isipan. Camilla Sarai. Isang pangalang hindi niya kailanman ginamit, ngunit tila may kakaibang kurot sa kanyang puso sa tuwing naririnig niya ito. “Herald, ano ang ibig nilang sabihin?” pabulong niyang tanong habang mahigpit na nakakapit sa braso ng asawa. Pakiramdam niya’y lulubog siya kung bibitaw. Hinarap sila ni Herald, bakas sa mukha ang protektibong pag-aalala. “Mr. and Mrs. Madden, baka nagkakamali lang kayo ng akala. My wife grew up here in the Philippines. She’s not—” “Mr. Fonteverde, you have an idea about our family’s history,” putol ni Mr. Madden, garalgal ang tinig. “Look at the necklace she’s wearing. That’s the Madden Crest. That was the last gift we gave to our daughter, Veronica, before she married Alessandro and chose to live in th

  • Married to the Lost Heiress   CHAPTER 5

    “Finally, Herald already told you.” Sandaling naputol si Camilla sa pagkatitig niya sa kaniyang sarili sa isang full-length mirror. Tumama ang paningin niya sa bagong pasok na ngayon ay nakangiti sa kaniya. Puno ng pagkamangha ang mga mata nito habang sinusuyod ang kabuoan niya. Camilla looked stunning in an elegant red dress that perfectly complemented her mestiza features. “By the way, you’re so beautiful! I can see why Herald might think that way about you. First of all, you’re not exactly beautiful, but you do have a lot going for you as a woman.” Lumapit sa kaniya si Hera Celestine at ipinatong ang mga kamay nito sa balikat ni Camilla. Tinitigan siya nito sa kaniyang repleksyon sa salamin. Humarap si Camilla nang may pagtataka. “Alam mo?” hindi niya mapigilang itanong. Bahagyang napabuntong-hininga si Celestine. “Yeah. And I’d like to apologize for my silence on this matter. I didn’t want to speak for my twin. He’s the one who should tell you the truth. To be honest, we were

  • Married to the Lost Heiress   Chapter 4

    Napapahid ng luha si Camilla nang makita ang pinto ng kuwarto kung saan naka-confine ang kaniyang anak. Inayos niya ang kaniyang sarili. Hindi maaaring makita siya ng kaniyang ina at anak sa ganoong kalagayan at sitwasyon. Napabuga siya ng hangin at napapikit ng mariin nang ma-realize na hindi niya pa pala kayang maging matatag sa harapan nila. Pakiramdam niya, sa pagbitaw niya kay Herald ay siyang pagkawasak ng isa sa haliging nagpapatibay sa buhay niya. Ang siyang sandalan niya at nagbibigay pundasyon para mapawi ang lahat ng bigat na dala-dala niya. Herald holds a special place in her heart. Mahirap burahin ang espasyong iyon sa puso niya. Napaupo siya sa metal na upuan at napayuko. Tinakpan niya ang kaniyang mukha. Tama na muna sigurong ilaan na lang niya ang lahat ng bahagi ng kaniyang puso sa kaniyang anak.“Camilla.”Bigla siyang napaangat ng tingin dahil sa gulat. Pamilyar sa kaniya ang boses na iyon at hindi nga siya nagkamali nang makita ang nagmamay-ari ng tinig na ngayon

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status