Share

Chapter 6

Author: Blissy Lou
last update Last Updated: 2026-02-14 23:10:01

Nanlalamig ang mga daliri ni Camilla. Sa gitna ng marangyang bulwagan, sa ilalim ng nagniningning na mga chandelier, tila tumigil ang ikot ng mundo niya. Ang boses ng matandang babae—si Mrs. Madden—ay patuloy na umuukit sa kanyang isipan.

Camilla Sarai.

Isang pangalang hindi niya kailanman ginamit, ngunit tila may kakaibang kurot sa kanyang puso sa tuwing naririnig niya ito.

“Herald, ano ang ibig nilang sabihin?” pabulong niyang tanong habang mahigpit na nakakapit sa braso ng asawa. Pakiramdam niya’y lulubog siya kung bibitaw.

Hinarap sila ni Herald, bakas sa mukha ang protektibong pag-aalala. “Mr. and Mrs. Madden, baka nagkakamali lang kayo ng akala. My wife grew up here in the Philippines. She’s not—”

“Mr. Fonteverde, you have an idea about our family’s history,” putol ni Mr. Madden, garalgal ang tinig. “Look at the necklace she’s wearing. That’s the Madden Crest. That was the last gift we gave to our daughter, Veronica, before she married Alessandro and chose to live in the Savelli palace in Italy.”

Napahawak si Camilla sa kanyang kuwintas. Ang malamig na metal ay tila biglang nag-init sa kanyang balat. Iyon ang regalong ibinigay sa kanya ni Inay nang siya’y magpitong taon, at sinabing iyon ang bagay na mag-iingat sa kanya. Kaya iniingatan niya iyon.

Hindi maaari ang sinasabi nila. Bigay iyon ng kanyang ina.

“Please, not here. Let's talk in private,” seryosong saad ni Herald nang mapansin niyang nagsisimula nang magbulungan ang mga tao sa paligid, marahil dahil sa mabigat na atmospera na bumabalot sa kanila ng mga Madden.

Dinala niya sila sa isang VIP suite ng hotel. Pagkasara ng pinto, ang katahimikan ay tila mabigat na kumot. Nakatitig ang mag-asawang Madden kay Camilla—hindi bilang mga business partners ni Herald, kundi bilang mga taong naghahanap ng nawawalang piraso ng kanilang buhay.

“Sino… sino ba talaga kayo?” halos pabulong na tanong ni Camilla, dulot ng kaba.

Huminga nang malalim si Herald bago sumagot. Ipinaliwanag niya na ang mga Madden ay isa sa mga pinaka-maimpluwensyang pamilya sa England—ang may-ari ng Madden Global Enterprises. Ngunit higit sa kanilang kapangyarihan at prestihiyo, dala nila ang isang dalamhating nag-umapaw sa loob ng dalawampu’t limang taon.

Hinahanap nila ang nawawalang apo—isang batang nagngangalang Camilla Sarai—na naglaho matapos ang trahedyang kumitil sa buhay ng mag-asawang Savelli sa kanilang palasyo sa Italy. Ang mga Savelli ay kabilang sa pinakamayaman at makapangyarihang pamilya sa Italy, kilala sa malalawak na negosyo at hacienda. Si Veronica Savelli, asawa ni Alessandro Savelli, ang nag-iisang anak ng mag-asawang Madden—ang parehong mag-asawa na natagpuang patay sa kanilang palasyo.

Parang may sumabog sa loob ng ulo ni Camilla.

Savelli.

Italy.

Trahedya.

“Hindi… hindi maaari,” pagtanggi niya, bagaman ang puso niya’y mabilis nang kumabog. “Torres ang apelyido ko. Si Leanna Torres ang nanay ko.”

“Camilla Sarai, hija,” lumapit si Mrs. Samantha Madden, mata’y basa ng luha. “Hindi mo ba nararamdaman? Kuhang-kuha mo ang resemblance ng iyong ama. Also, I can see my daughter’s eyes in you. Ang iyong mga labi, ang paraan ng pagtayo mo… You are the daughter of our Veronica. You are our blood.”

Isang kakaibang init ang dumaloy sa dibdib ni Camilla—isang pangungulila na matagal na niyang nararamdaman ngunit hindi maipaliwanag. Para siyang ligaw na kaluluwang biglang nakakita ng liwanag. Hindi niya sila kilala, ngunit bakit parang gusto niyang tumakbo at umiyak sa kanila? Bakit parang ang gaan ng loob niya sa kabila ng takot?

“Gusto kong malaman ang totoo,” mariin niyang sabi. Tumingin siya kay Herald. “Herald, kailangan nating puntahan si Nanay. Ngayon din.”

--

Mabilis ang takbo ng sasakyan ni Herald pauwi sa bahay ni Camilla. Sa backseat, tahimik ang mga Madden, ngunit bakas ang tensyon sa kanilang mukha. Hawak ni Herald ang kamay ni Camilla habang nagmamaneho—isang tahimik na pangakong hindi siya iiwan.

Pagdating sa bahay, sinalubong sila ni Leanna na may gulat sa mga mata. Ngunit nang makita ang dalawang matanda, biglang namutla siya. Nalaglag ang hawak niyang baso, at ang pagbasag nito sa sahig ay tila hudyat ng pagbagsak ng lahat ng lihim na matagal niyang itinatago.

“M-Mr. Madden? Ma’am Samantha?” nauutal niyang tanong.

“Leanna,” wika ni Mrs. Madden. “Buhay ka. At buhay ang apo namin.”

Pumasok sila sa loob. Ang maliit na sala ay tila sumikip sa bigat ng emosyon. Walang nagsalita hanggang sa lumuhod si Leanna sa harap ni Camilla, umiiyak.

“Patawarin mo ako, Camilla… patawad,” hikbi ni Leanna. “Ipinangako ko sa mommy mo na ililigtas kita. Ipinangako ko na hindi ka nila mahahanap.”

“Nanay, ano ang ibig sabihin nito?” tanong ni Camilla, habang nagsisimulang pumatak ang luha. “Sino ba talaga ako?”

Huminga nang malalim si Leanna at umalis saglit. Pagbalik niya, may dala-dala siyang maliit na kahon. Mula rito, inilabas niya ang isang luma at kupas na diary na may pangalang Veronica sa pabalat.

“Hindi ako ang tunay mong ina, Camilla,” pag-amin niya, tila isang punyal sa puso ni Camila. “Ako ang iyong yaya sa Italy. Ibinigay niya sa akin ang diary na ito kung saan nakasulat ang lahat ng nalalaman niya. Alam niya ang mangyayari sa gabing iyon, kaya kung ano man iyon, pinatakas niya na tayo. Nakiusap akong sumama siya, pero hindi niya kayang iwan ang ama mo.“

Ikinuwento niya kung paanong nabalitaan niya ang nangyari sa mag-asawang Savelli pagdating sa Pilipinas, ngunit mabilis itong tinabunan at hindi nabigyan ng hustisya. Ipinagkatiwala si Camilla sa kanya bago mangyari ang trahedya. Binago niya ang pangalan nito upang protektahan mula sa tiyo nitong si Tommaso—na ayon sa diary, posibleng may kinalaman sa krimen, bunga ng inggit at kasakiman sa kayamanan at mana.

Napahilig si Camilla sa balikat ni Herald. Ang buong buhay niya ay isang malaking kasinungalingan—ngunit isang kasinungalingang binuo dahil sa pagmamahal at proteksyon.

“Hija,” sambit ni Mr. Madden habang lumalapit. “We knew from the very beginning that there was foul play. Your uncle was one of our main suspects. You are the sole heir of the Savelli families. The wealth that rightfully belongs to you is being forcibly taken by your uncle. We never stopped searching for you. We spent years looking for any trace of Leanna and a three-year-old girl.”

Humarap si Camilla sa kanila, ang isip ay naglalayag sa pagitan ng nakaraan at kasalukuyan. “Kaya ba… kaya ba palagi akong natatakot sa ulan? Bakas ba nito ang pagtangis ng puso ko mula sa nakaraan? Kaya ba palagi akong may panaginip ng putok ng baril at sigawan? Ipinapakita ba nito ang hustisyang kailangang kong bigyan?”

Tumango si Leanna. “Iyon ang gabing kinuha nila ang lahat sa iyo, Camilla. Ang gabing naging ulila ka.”

Niyakap siya ni Mrs. Madden, at sa pagkakataong iyon, hindi na siya lumayo. Ang amoy ng pabango nito—banayad na lavender—ay tila isang matagal nang alaala na nagising.

“Lola,” bulong niya, bago sa kanyang dila ngunit napakatamis.

“Oh, my sweet Camilla Sarai,” hagulgol ni Mrs. Madden. “Nandito kami. Hindi ka nag-iisa.”

--

Nakatayo si Camilla sa veranda, pinagmamasdan ang mga Madden na kausap si Leanna sa loob. Lumapit si Herald at niyakap siya mula sa likuran.

“Are you okay?” tanong niya, hinalikan ang balikat ni Camilla.

“Hindi ko alam, Herald. Kaninang umaga, iniisip ko lang kung paano magiging asawa mo nang hindi hinuhusgahan ng mundo. Ngayon… isa pala akong tagapagmana ng isang imperyong hindi ko alam na umiiral at anak na kailangang makamit ang hustisya para sa mga magulang.”

Pinihit siya ni Herald upang harapin siya. “Anuman ang pangalan mo—Camilla Torres o Camilla Sarai Madden y Savelli—isa lang ang totoo. You are my wife. And I will stand by you as you reclaim justice—and your throne.”

Nabanggit ni Camilla ang babala ni Lolo Vincent tungkol kay Tommaso—na hindi ito titigil hangga’t hindi siya nawawala.

Nag-apoy ang mga mata ni Herald. “Let him try. Hindi na isang bata ang kinakalaban niya ngayon. Isang malakas at matapang na babae na. Also, he’s up against a Fonteverde and a Madden. We will protect you, Camilla. We will protect our family.”

Naisip ni Camilla ang anak niyang si Emma. Ang dugong dumadaloy sa kaniya ay dugong bughaw mula sa Italy at England. Hindi niya hahayaang umabot pa sa kaniyang anak ang kasakiman ng mundo. Kailangan matapos na niya ito.

Tumingala siya sa langit. Tumila ang ulan at ang mga bituin ay nagsimulang magpakita. Sa unang pagkakataon sa kanyang buhay, hindi na siya natatakot sa dilim. Alam niya na kung sino siya.

Hindi na siya ang 'mistress' na itinago sa dilim. Hindi na siya ang anak na inaapi ng kaniyang amain.

Siya si Camilla Sarai Madden y Savelli—ang nawawalang tagapagmana. At sisiguraduhin niyang pagbabayaran ng lahat ng nanakit sa kanila ang bawat luhang pumatak sa kanyang mga mata.

“Herald,” tawag niya, nakatitig sa malayo.

“Yes, my love?”

“Gusto kong pumunta sa Italy. Gusto kong makita kung saan nagsimula ang lahat. At gusto kong harapin ang taong k*m*t*l sa mga magulanh ko.”

Malalim ang nagawa niyang paghigop ng hangin at pagbuga nito. Ang digmaan ay hindi pa tapos. Ito pa lamang ang simula. At sa pagkakataong ito, siya na ang may hawak ng alas.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Married to the Lost Heiress   Chapter 8.2

    Isang gabi, nilapitan ni Herald si Camilla habang nag-aaral ito. “Ayos ka lang ba?" tanong ni Herald, hugging her from behind while she was staring out the window. "Kinakabahan ako, Herald. Malapit ko ng makita ang lugar kung saan nagsimula at nagwakas ang lahat. Makikita ko na ang lugar na halos mahabang panahon din nagpapakita sa mga panaginip ko," sagot ni Camilla. "You're not that three-year-old girl anymore," bulong ni Herald, kissing her temple. "You are a Madden and a Savelli. And more importantly, you are a Fonteverde. No one can touch you now." “Para sa mga magulang ko, at para sa kinabukasan ni Emma. Kakayanin ko basta nasa tabi kita,” naging saad ni Camilla. Napapikit na lang si Camilla nang mas lalong hinigpitan ni Herald ang pagkakayakap nito sa kaniyang likuran. Makalipas ang ilang oras, pumasok at lumapit si Alexa kay Camilla sa silid nito sa private villa ng mga Fonteverde. Wala na ang asawa nito si Herald at tumungo sa baba para makipag-usap sa pamilyang Madd

  • Married to the Lost Heiress   Chapter 8.1

    Kinabukasan, hindi nagsayang ng oras ang mag-asawang Madden, tinawagan nila ang kanilang bunsong anak na si Thomas Madden na nasa London. “Thomas, we found her. We finally found Veronica’s daughter,” garalgal ang boses ni Samantha habang kausap ang anak sa video call. Hindi na nagdalawang-isip si Thomas. Sa loob lang ng dalawampu’t apat na oras, lumapag ang kaniyang private plane sa Maynila. Si Thomas ay hindi lang basta isang Madden; he is a top-tier private detective in Europe. His skills in investigation and tactical planning were exactly what they needed. Ngunit sa kabila ng galing niya, sa habang panahon na lumipas ay hindi niya nakuha ang hustisyang nararapat sa nakatatanda niyang kapatid at asawa nito. Nahirapan siya sapagkat naging mahirap ng makapasok ng sinuman sa palasyo simula ng mangyari iyon. Maraming taohan ang hinire ng natirang Savelli, maliban doon ay napapalibutan ng cctv ang lahat ng bahagi sa palasyo at security alarm. Ginawa ito hindi dahil para sa siguridad a

  • Married to the Lost Heiress   Chapter 7

    Nang papasok na sina Herald at Camilla sa maliit na sala, mula sa veranda, ay naabutan nila ang pinag-uusapan ng mag-asawang Madden at Leanna. “Leanna, hindi namin alam kung paano kayo pasasalamatan,” basag ang boses ni Mrs. Madden. Dahil kalahating dugong Pilipina, ay nakakapagsalita siya ng Filipino nang malinaw . “Pinrotektahan mo ang apo namin sa loob ng dalawampu’t limang taon sa gitna ng hirap at panganib. You kept her safe when we thought she was lost forever.” Tumango si Mr. Madden, ang mga mata ay nagniningning sa determinasyon at lungkot. “Indeed. We owe you everything, Leanna,” wika niya sa baritono at malalim na boses, may bakas ng British accent. “But it breaks my heart to know how much you both suffered dahil sa kasakiman of that man.” Bagaman Ingles ang kanyang kinalakihan bilang purong British, natuto siyang magsalita at umunawa ng Filipino dahil sa pagmamahal niya sa kanyang asawa. Tinitigan ni Camilla ang lahat. Ang puso niya ay punong-puno ng determinasyon, ngu

  • Married to the Lost Heiress   Chapter 6

    Nanlalamig ang mga daliri ni Camilla. Sa gitna ng marangyang bulwagan, sa ilalim ng nagniningning na mga chandelier, tila tumigil ang ikot ng mundo niya. Ang boses ng matandang babae—si Mrs. Madden—ay patuloy na umuukit sa kanyang isipan. Camilla Sarai. Isang pangalang hindi niya kailanman ginamit, ngunit tila may kakaibang kurot sa kanyang puso sa tuwing naririnig niya ito. “Herald, ano ang ibig nilang sabihin?” pabulong niyang tanong habang mahigpit na nakakapit sa braso ng asawa. Pakiramdam niya’y lulubog siya kung bibitaw. Hinarap sila ni Herald, bakas sa mukha ang protektibong pag-aalala. “Mr. and Mrs. Madden, baka nagkakamali lang kayo ng akala. My wife grew up here in the Philippines. She’s not—” “Mr. Fonteverde, you have an idea about our family’s history,” putol ni Mr. Madden, garalgal ang tinig. “Look at the necklace she’s wearing. That’s the Madden Crest. That was the last gift we gave to our daughter, Veronica, before she married Alessandro and chose to live in th

  • Married to the Lost Heiress   CHAPTER 5

    “Finally, Herald already told you.” Sandaling naputol si Camilla sa pagkatitig niya sa kaniyang sarili sa isang full-length mirror. Tumama ang paningin niya sa bagong pasok na ngayon ay nakangiti sa kaniya. Puno ng pagkamangha ang mga mata nito habang sinusuyod ang kabuoan niya. Camilla looked stunning in an elegant red dress that perfectly complemented her mestiza features. “By the way, you’re so beautiful! I can see why Herald might think that way about you. First of all, you’re not exactly beautiful, but you do have a lot going for you as a woman.” Lumapit sa kaniya si Hera Celestine at ipinatong ang mga kamay nito sa balikat ni Camilla. Tinitigan siya nito sa kaniyang repleksyon sa salamin. Humarap si Camilla nang may pagtataka. “Alam mo?” hindi niya mapigilang itanong. Bahagyang napabuntong-hininga si Celestine. “Yeah. And I’d like to apologize for my silence on this matter. I didn’t want to speak for my twin. He’s the one who should tell you the truth. To be honest, we were

  • Married to the Lost Heiress   Chapter 4

    Napapahid ng luha si Camilla nang makita ang pinto ng kuwarto kung saan naka-confine ang kaniyang anak. Inayos niya ang kaniyang sarili. Hindi maaaring makita siya ng kaniyang ina at anak sa ganoong kalagayan at sitwasyon. Napabuga siya ng hangin at napapikit ng mariin nang ma-realize na hindi niya pa pala kayang maging matatag sa harapan nila. Pakiramdam niya, sa pagbitaw niya kay Herald ay siyang pagkawasak ng isa sa haliging nagpapatibay sa buhay niya. Ang siyang sandalan niya at nagbibigay pundasyon para mapawi ang lahat ng bigat na dala-dala niya. Herald holds a special place in her heart. Mahirap burahin ang espasyong iyon sa puso niya. Napaupo siya sa metal na upuan at napayuko. Tinakpan niya ang kaniyang mukha. Tama na muna sigurong ilaan na lang niya ang lahat ng bahagi ng kaniyang puso sa kaniyang anak.“Camilla.”Bigla siyang napaangat ng tingin dahil sa gulat. Pamilyar sa kaniya ang boses na iyon at hindi nga siya nagkamali nang makita ang nagmamay-ari ng tinig na ngayon

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status