Share

Married to the Mafia
Married to the Mafia
Author: shaneangelic

Prologue

Loreiz Mangiliman's P.O.V.

"Ah!" I shouted. Mabuti na lang ay napakapresko ng hangin dito sa park.

Kakatapos ko lang last month sa course ko. I graduated as a fashion designer here in France. Napagpasyahan kong mag stay muna rito upang mag-enjoy. Puro aral lang kasi ang inatupag ko.

Well, may isa pa pala akong inatupag. Ang pagiging busy sa pag-i-stalk sa crush ko. Never naman akong pinansin niyon kahit naman sobrang papansin ako. Sinasadya ko pa ngang mag-react ng heart sa mga stories niya para naman mapansin niya talaga ako.

Nag-wave pa nga ako, pero wala talaga. Saka ko lang napagtanto na may iba pala siyang gusto. Nakita ko kasi sa post niya iyong preparation niya sa panliligaw.

And here I am, busy looking at the flowers in front of me. Wishing that I can move on from him.

Hindi naman talaga malalim ang nararamdaman ko para sa kanya. Nanghihinayang lang ako kasi feel ko napaka compatible namin sa isa't isa. Feeling ko bagay kami. Pero ganiyan talaga. Ano bang magagawa ko kung hindi ako ang gusto niya 'diba?

Pero sana I am not bluffing myself. Sana nga ay mababaw lang nag nararamdaman ko para sa kanya.

Napapiksi ako nang marining ko ang pag-ring ng phone ko. Napakunot ang noo ko nang makitang ang kanang kamay ni Daddy ang tumatawag.

Agad kong sinagot ang tawag at natulala na lang nang sabihin niyang kailangan kong umuwi ora mismo.

Nang putulin na niya ang linya ay natulala pa ako ng ilang saglit bago parang baliw na tumakbo sa kalsada.

Kapag ganoon kasi ang sinasabi, isa lang ang pumapasok sa utak ko. Nasa hospital na naman ang aking ama. This is not the first time. Madalas itong nangyayari.

Mabuti na lang ay may kakilala ako rito sa France. Kapag may connection ay mabilis ka lang makakakuha ng flight.

Umuwi muna ako saglit sa tinutuluyan ko para kunin ang mga gamit ko. Kaunti lang naman iyon dahil bakasyon lang naman ang balak ko rito.

Nang makasakay na ako sa eroplano ay hindi mapanatag ang aking puso. Tila ba alam nito na may nangyari o may mangyayari pa lang.

Hindi nga ako makatulog kaya buong byahe ay pa idlip-idlip lang ako. Pero madalas ay gising na gising ako.

Nang makalapag na ang sinasakyan kong eroplano ay hindi na ako nahirapan sa transportation. Sinundo na kasi ako ni Manong Ryan, siya ang driver namin simula dati pa.

"Ano ba kasing nangyari kay Daddy, Manong?" I asked.

Lumikot ang mga mata niya. Hindi siya makasagot nang maayos kaya naman nagtaka ako.

"Mabuti pang alamin mo na lang mismo kapag nakarating na tayo sa bahay, Hija," he just answered.

Hindi ko naman siya mapipilit kaya tumahimik na lamang ako.

Kahit na pagod sa byahe ay hindi ko man lang iyon nararamdaman. Gustong-gusto ko na kasing malaman ang nangyari kung bakit bigla ay pinauwi ako nang mabilisan.

Napakunot ang noo ko nang makapasok na kami. Habang lulan pa rin ng kotse ay nakikita ko na ang nakatayo kong ama sa may harapan ng pintuan.

Hindi siya na ospital. Kung ganoon ay bakit ako pinauwi? Ano ang dahilan?

Pagkababa nga ay mabilis akong nagtungo sa harapan ng aking ama. "Daddy?"

Tumitig siya sa akin ng ilang saglit bago ako niyakap nang mahigpit. Niyayakap naman ako dati ni Daddy, pero hindi ganito kahigpit. Tila ba may problema ngayon.

"Magpahinga ka na muna, Loreiz. Mamayang gabi ay aalis tayo," utas niya.

Napakunot ang noo ko. "Ha? Saan naman po tayo pupunta? At bakit niyo ba ako pinauwi agad?" pamamato ko ng mga tanong. Naguguluhan kasi talaga ako.

I expected my dad lying on a bed, fortunately hindi. Pero hindi ko naman nalaman kung ano nga ba ang totoong dahilan.

Pero dahil naramdaman ko na ang pagod ay hindi na muna ako nagtanong pa ulit. Pinili kong magpahinga na muna. Nakatulog naman na ako kasi napanatag na ang puso kong walang nangyari sa ama ko.

Pagkagising ko ay napataas ang isa kong kilay dahil may katabi na akong malaking box.

Pagkabukas ay tama nga ang hinala ko. Damit iyon at sapatos.

Looks like we are attending a big occasion tonight.

Para ba roon kaya minadali ang pag-uwi ko? Is it that so important for us?

Tinignan ko ang dress. Nice. I think it will complement my skin color. Babagay iyon sa akin.

While the heels looks like a glass one with so many diamond on it. I bet that it is so pricy.

Sabagay kaya namang bilhin iyon ni Daddy. He is so rich.

Nagpahinga lang ako saglit at naligo na rin. Pagkatapos ay nag-ayos muna at isinuot na iyon.

Tama nga ako. Bagay na bagay sa akin.

The dress is heart shaped neckline fitted up to my waist. Paaballoon naman iyon hanggang sa taas ng tuhod ko. It is color royal blue. Nakakaputi talaga.

Sinuot ko na rin ang heels. They perfectly matched. Ang galing pumili ni Daddy ha.

May fashion sense rin naman pala siya.

Namana ko kasi kay Mommy ang pagiging fashion designer.

Well, my mom is in heaven now. Ten years ago when she died because of illness.

Medyo bata pa pero may malay naman na ako noon.

Masakit pa rin hanggang ngayon. Syempre kahit sobrang tagal na ay masakit pa rin. Pero ganoon talaga.

Bumaba na ako at nadatnan si Daddy na nakatayo sa may pasimano. Nakaayos na rin siya.

"Where are we going, Daddy? Ano ba ang a-aatendan natin?" I asked as I approach him.

Ngumiti siya sa akin. "You are really beautiful," he said.

Napanguso ako. "I know right. So saan nga po tayo pupunta?" I asked again. Pabitin naman kasi. Why can't he answer me?

"To Leviste residence," he answered.

"What?" agad ko namang react.

O baka naman nag-aasume lang ako?

Marami namang Leviste sa mundo 'no.

Saka kung doon nga kami pupunta, anong okasyon? Magiging engage na sila noong niligawan niya?

Mabuti ngang hindi kami roon. Ibang Leviste ang pupuntahan namin. Kainis.

Nag-mo-move on pa ako sa kanya ano. Hindi ko kayang makita siyang kapiling ng iba.

Daddy snapped his fingers in front of me kaya naman napakurap ako. Aalis na pala kami. Masyado akong nagpakalunod sa iniisip ko.

Mabilis lang ang byahe namin. Pagkarating nga roon ay nagtaka ako kung bakit tila wala namang okasyon.

Baka naman sa loob ginawa at mini party lang.

Sa loob nga ginawa. Pagkapasok palang ay nangniningning na sa mga mata ko ang mga gold na palamuti.

My forehead creased. Saan ko nga ba nakita ang ganitong klase ng background?

It is so familiar to me.

Napatigil ako sa pag-iisip nang hilahin na ako ni Daddy paupo.

"Pauwi na po siya," saad ng lalaking naka all black. Bodyguard siguro.

"Bakit tayo lang ang nandito?" I asked to my dad.

Kaming dalawa lang kasi ang narito. At sa hula ko ay isa lang ang paparating.

"Are you securing a deal?" I asked again.

Baka naman business deal kasi ang pinunta talaga namin.

So pinauwi ako kasi baka maging helpful ako sa pag-secure ng deal?

Pinaikot ko ulit ang paningin ko sa buong mansion. Puro gold talaga ang mga pamuti. And I guess totoo lahat. Sobrang yaman pala talaga ng Leviste na iyon.

Sabagay, from all I know. Leviste are the top chain of hotel owners in the world. Yes, world talaga iyon. Ganoon sila kayaman.

Ganoon din naman iyong kakilala kong Leviste. Pero sana ay hindi talaga siyang ang pinunta namin ngayon.

Narinig ko na ang pagrating ng kotse. Salamat naman at narito na siya. Sa wakas ay malalaman ko na ang tunay na dahilan kung bakit nga ba narito ako sa Pinas at wala na sa France.

Nakatalikod ako mula sa entrada ng dinning hall kaya naman hindi ko agad nakita ang mukha ng dumating.

At nang handa na akong bumati ay napanganga ako. Literal.

Ilang segundo ay nakabawi ako. Lumikot ang mga mata ko at hindi alam kung ano ang sasabihin.

Bakit nandito siya sa harapan ko?

So siya nga? Si Maxeruz nga. Ang lalaking gustong-gusto ko.

Sa totoo lang ay ito pa lang ang pangalawang beses na nakita ko siya sa personal.

I bet hindi nga niya ako kilala eh. Hindi na niya ako natatandaan.

Pero bakit? Bakit dinala ako ng tadhana rito? Anong magiging connection naming dalawa?

Bakit ngayon pa? Kung kailan nag-mo-move on na ako sa pagkagusto sa kanya.

Okay. I am so over acting. Hindi naman porket nagkita kami ay magiging kami na. Business ang ipinunta rito.

"Loreiz Mangiliman," pakilala ko na.

His eyes stayed on my face. Para bang pinag-aaralan niya ang itsura ko.

Tumikhim siya at nagpakilala na rin. "Maxeruz Leviste." At inabot niya sa akin ang kanyang kamay

For the first time ay nahawakan ko rin ang kanyang kamay. Ang lambot. Ang sarap sigurong ka-holding hands.

"Let's eat first before discussing the main event," utas niya sa kanyang malalim na boses.

Ang saya siguro kung pagkagising ay maririnig ko ang kanyang boses.

Dream on, Loreiz. Hanggang pangarap ka na lang. May nagpapatibok na sa puso niyan.

Silang dalawa lang ni Daddy ang madalas mag-usap habang kumakain. Puro business ang pinag-uusapan nila.

Nang matapos na ay saka naman nagseryoso na ang boses ng aking ama.

I smell something fishy.

"Let's talk about the engagement now," Maxerus said.

What? Engagement?

Ano namang kinalaman namin ni Daddy sa engagement niya sa babaeng nagpapatibok ng puso niya.

Ni hindi ko nga kilala o alam man lang ang pangalan ng babaeng iyon.

"Let's talk about our engagement, Loreiz," he added.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status