Share

Kabanata Cincuenta y dos

HABANG NASA DAAN PAUWI ay hindi maalis sa isip ni Marcus ang sinabi sa kanya ng asawa, sa puntong natigilan talaga siya at hindi malaman kung ano ang isasagot dito.

Anong dahilan kung bakit gusto nitong umalis?

May natuklasan kaya si Luna kaya nais na lumayo?

Dahil sa labis na pag-iisip ay mas pinili niyang umuwi nang maaga upang makausap ito nang masinsinan. Bukod ro'n ay talagang bumabagabag sa kanya ang iyak nito.

Hindi niya gustong isipin na baka nalaman na ni Luna na totoo ang DNA test result na bigay ni Alberto ngunit ‘yun lamang ang nakikita niyang dahilan kung ba't ito umiiyak?

Marahang umiling si Marcus nang maisip niya ‘yun. Hindi tamang mag-isip ng gano'n, lalo't wala talaga siyang alam sa mga nangyayari.

Saglit niyang hininto ang kotse nang mag-red ang traffic light. Sa bukas na bintana ay dumungaw siya at pinagmasdan ang langit.

Medyo may kalamigan pa ang simoy ng hangin dahil sa papasikat pa lamang ang araw. Summer season na ngayong buwan at ilang araw ng hindi umuulan.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status