Share

Chapter 3

Author: Zxoul49
last update Last Updated: 2022-10-10 06:44:38

“Kumusta? Mahapdi na ba?” patuya nitong tanong kay Scarlette habang nakatingin sa balikat niyang may bandage.

Pinasadahan niya ng tingin ang sugat na likha nito. “Hindi naman.” Sabay pisil ng natamo niyang sugat sa harap ng kriminal. “Sana pala mas nilaliman mo ang paghiwa para umaray naman ako,” pang-uuyam niya. Ayaw niyang ipakita na unti-unti na niyang nararamdaman ang kirot.

“Tsk!” reak nito at saka siya tinalikuran. Halatang dismayado ang kriminal kaya hindi na niya ginalit at tahimik na lamang umupo sa sulok. Siya na mismo ang magbabantay at baka may gawin itong hindi tama kung ipapasa niya sa kasamahan ang pagbabantay.

Isang oras ang dumaan nang pumasok sa cabin ang isa niyang kasamahan upang palitan siya sa pagbabantay. Pumayag na si Scarlette dahil nag-uumpisa nang magmanhid ang balikat dahil sa sugat. Kailangan na niya itong tingnan at palitan ng bandage. “Bantayan mo nang mabuti at baka kung ano na naman ang gawin niyan,” utos niya bago umalis.

Matapos niyang malinisan ang sugat at mapalitan ng bandage ay sakto namang malapit na sila sa isla. Sa pagdaong ay walang ni isang sumalubong sa kanila. Walang kahit anong bangka, kubo o kahit ano sa paligid. Tanging buhangin at mga puno lamang ang naroon.

“Captain, ibababa na namin siya sa barko,” pagpapaalam ng kasamahan niya sa kriminal na tinutukoy.

Tumango lang si Scarlette at patuloy na tumitingin sa paligid. “Nasaan ang tinatawag nilang ‘Heaven’?”

Maya-maya pa ay nakaramdam siya nang tila may kung anong nanonood sa kanya. Naging alerto siya at hinamon na lumabas kung sino man ang taong ito.

Hindi nga nagtagal ay nagpakita si Marcus sa pinagtataguan nitong puno. “Sino kayo?”

Tumaas ang kilay ni Scarlette. Hindi makapaniwalang hindi man lamang siya nakilala nito, samantalang siya ay halos mapuno na ang storage ng cellphone sa kakaalam ng tungkol kay Marcus.

Hinagod pa niya ng tingin ang suot nitong t-shirt at sweatpants. Naka-tsinelas lang din ito na tila isang turista sa naturang isla.

Saglit siyang tiningnan ni Marcus at pagkatapos ay nabaling ang tingin sa kasama nilang kriminal na nasa human-size cage pa rin.

“Bukas pa ang dating ng bagong inmate pero bakit nandito na siya agad?”

Naningkit ang mga mata ni Scarlette dahil sa sinabi ni Marcus at doon pa lang ay buo na ang pasya niyang hinding-hindi siya papayag sa gusto ng kanyang ama na makasal sa binata. “Busy ako sa trabaho kaya hinatid ko nang maaga,” ang sagot niya at pinantayan ang tono ng boses nito.

“Wala akong natanggap na report na ngayon siya ihahatid kaya bumalik na lang kayo bukas.”

Hindi makapaniwala si Scarlette sa inasta ni Marcus, na akala mo ay siya ang may-ari ng buong isla at bawal silang dayo. “Alam mo ba kung ilang oras ang nasayang sa akin at sa team ko nang dahil sa paghatid lang sa kriminal na ito?”

“Half-day.”

‘Wow! Alam naman pala niya tapos gusto niya pang bumalik kami at bukas na lang ihatid ang kriminal na kasama namin?’ sa isip-isip ni Scarlette.

“At another half-day ulit pabalik. Isang buong araw ang nasayang sa akin tapos pababalikin mo lang dahil hindi ka na-inform sa pagdating namin?”

Pinakatitigan muna siya ni Marcus bago tumango-tango. “Okay, iwan niyo na lang siya diyan at bumalik na kayo.”

“Iwan? Sa iyo?! Hindi mo ba alam kung gaano kahirap hulihin ang kriminal na ito?” sabay turo ni Scarlette sa human-size cage kung saan nakakulong ang kriminal.

“Kaya na akong tulungan ng kasamang warden,” balewalang sabi ni Marcus.

Muling naningkit ang mga mata ni Scarlette. May pakiramdam siyang iniiwasan nitong malaman niya kung nasaan ang ‘Heaven’.

“Okay, ikaw ang bahala.” At tumalikod na siya upang bumalik sa barko. “Pero binabalaan kita. Hindi siya basta-basta. Ilang beses na siyang nakapatay ng kilalang personalidad.”

Ang mga kasamahan naman ni Scarlette ay agad umangal. “Captain, hahayaan mo lang siya? Baka makawala ‘yung kriminal.”

“Hindi na natin problema ‘yun. Masyado siyang mayabang. Kasalanan niya kung mapatay siya.”

Pero ang totoong dahilan kung bakit niya hahayaan sa kamay ni Marcus ang kriminal ay dahil sigurado siyang wala itong kakayahang makatakas sa isla. Wala kahit ni isang transportasyon siyang nakita papunta at paalis sa lugar. Kung magawa man nitong makaalis ay mahuhuli pa rin dahil sa tagal ng biyahe paalis.

Nang lumarga na sila paalis ay kinausap niya ang kapitan ng barko at tinanong kung nakikilala ba nito si Marcus. Hindi kasi sapat ang mga nakalap niyang impormasyon tungkol sa binata. Hindi niya alam kung ano ang kakayahan nito bilang isang warden.

“Ilang beses na akong naghatid ng mga bilanggo at laging ang warden na iyon ang sumusundo,” kuwento ng kapitan ng barko.

“’Yun lang ba? Wala kang ibang nalalaman?”

Umiling ang kapitan kaya napabuntong-hininga na lamang si Scarlette dahil kakaunti lang din ang alam nito tulad niya.

Malayo na ang barkong sinasakyan ng babaeng hindi niya man lang nakuha ang pangalan dahil sa taglay nitong kasungitan. Ngunit base sa pag-aanalisa ni Marcus at sa paraan ng pag-address ng kasamahan nito ay maaaring isa itong police na may mataas na ranggo, at leader ng unit kaya ganoon na lamang kung umasta.

“Sir, baka pwede makalabas rito?” tawag-pansin ng kriminal kay Marcus. Kanina pa ito nakikinig sa usapan ng police na humuli at sa lalaking mukhang bagong gising lang, base na rin sa suot.

Ibinaling ni Marcus ang atensyon sa kriminal. Inaanalisa ang itsura at aura nito, at base sa sinasabi ng babaeng kausap kanina ay delikado ito kaya mananatili siyang alerto.

Muntik namang humalakhak sa tuwa ang kriminal nang binuksan ni Marcus ang kulungan. “Maraming salamat, Sir,” saad ng kriminal upang kunin ang loob ni Marcus. At kapag nakahanap ng tiyempo ay saka kikilos at patutumbahin si Marcus para makaalis sa lugar.

Ngunit alam na alam na ni Marcus ang ganitong klaseng kriminal. Hindi na siya madadaya ng magalang nitong pananalita. Ngayon pa lang ay naiisip na niyang ilagay ito sa level 5 kung nasaan ang mas delikadong kriminal.

Naunang maglakad si Marcus at sa isang iglap ay sakal-sakal na siya ng kriminal sa leeg gamit ang posas na nasa kamay nito. Masyadong abala ang kriminal sa pagsakal kaya hindi na nito napansin na nakaharang pala ang isang kamay ni Marcus sa leeg upang hindi maidiin nang husto ang posas.

Nanatiling kalmado si Marcus kahit malakas ang kriminal. Agad siyang nag-isip ng ibang paraan upang mapabagsak ito.

Pinatid niya patalikod ang kriminal dahilan upang magawa niyang maihagis ito palayo.

Patalikod namang bumagsak ang kriminal sa buhangin at mabilis na dinaganan ni Marcus sabay ganti ng sakal gamit ang braso. Kailangan niya itong patulugin bago dalhin sa ‘Heaven’. “Sa dami ng kriminal na na-encounter ko ay hindi iisang beses na may kagaya mong magaling umarte. Sa madaling salita, hindi mo ako maloloko ng pagbabait-baitan mo.”

Namimilipit at hirap na hirap na ang kriminal sa ginagawa niya ngunit hindi pa rin ito binibitawan ni Marcus hangga’t hindi nawawalan ng malay.

Nang sa wakas ay nawalan na ito ng ulirat ay saka niya ito binuhat at binitbit papasok sa kakahuyan. “Welcome sa ‘Heaven’,” bulong niya pa.

At pagkarating sa loob ng kulungan ay agad siyang sinalubong ni warden Ocampo na siyang naka-assign sa level 1 kung nasaan ang monitoring area. “May mensaheng pinadala si General Lopelion sa inyo, Sir.”

Nagtaka naman si Marcus kung bakit nagpadala pa ng mensahe ang ama sa halip na tumawag na lamang sa telepono. “Ano’ng sabi?”

“Hindi ko pwedeng buksan, Sir.”

Na ang ibig sabihin ay confidential ito at tanging siya lang ang maaaring magbukas at bumasa sa mensahe. Ano kaya ang sadya ng ama at bakit sa account ng ‘Heaven’ pinadala, kung saan ay tanging siya lamang ang nakakaalam ng password?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Married to the Prominent Family's Adopted Son   Chapter 83

    Tapos napaka-elagante pa ng pag-reserved ng waiter sa pagkain.She felt really special.“Anong problema? Ayaw mo sa pagkain?” puna ni Marcus nang huminto si Luna at binaba ang kamay na may hawak na kubyertos.“No, it’s just that… hindi ako makapaniwalang ma-i-experience ko ‘tong kasama ka,” kulang at marami pa sana siyang gustong sabihin pero sa sobrang taas ng emosiyong nararamdaman ay hindi na niya alam kung pa'no isasatinig ang nasa isip ng hindi naiiyak.Ngumiti si Marcus. “Kung may gusto kang puntahan, sabihin mo lang at sasamahan kita.”“Kahit out-of-the-country? Underground or under the water?” biro ni Luna upang pagaanin ang atmosphere at para na rin itago ang emosyong nararamdaman dahil sa sobrang tuwa.“Kahit sa outerspace pa,” biro ring tugon ni Marcus sa asawa at napansin pa ang pagsilip ni Artemio mula sa may sulok.Pasimple naman siyang nag-thumbs up dahil sa mabilis na pag-response nito kahit pa biglaan ang request niya. At nag-serve pa ng mamahaling alak para sa kanilan

  • Married to the Prominent Family's Adopted Son   Chapter 82

    NAPATINGIN PA SA CELLPHONE si Marcus nang bigla na lamang tinapos ni Scarlette ang tawag. At nagtaka kung bakit tila galit ito?Binaba na lang niya ang cellphone at saka muling hinarap ang team, lalo na si Daniel. Nasa kalagitnaan siya ng break-time nang mag-text ito at sabi’y may ipapakita raw itong video footage. Kaya agad siyang nagtungo.“Ano nga ulit ‘yung gusto mong ipakita?”Hinarap ni Daniel ang laptop kay Marcus at pinakita ang isang video kung saan ay makikitang may dumadaan na sasakyan. At isa nga rito ang kotseng sinakyan ni Ramon na hinabol niya pa no'ng nando'n siya sa Cebu. “Hindi ko pa magawang mapasok ang system sa hotel sa higpit ng security kaya ang kalapit na establishment na lang ang h-in-ack ko at ito nga ang nakuha ko.”Hinawakan ni Marcus ang laptop at ni-replay ang video. “Ito ‘yung kotseng sinakyan ni Ramon,” pahayag niya kaya nagsitinginan ang team.“Sandali't iso-zoom ko para makita ang plate number,” ani Daniel at may kung anong t-ina-ype sa laptop. Ilang s

  • Married to the Prominent Family's Adopted Son   Chapter 81

    Ilang ring pa ang narinig niya bago tuluyang nasagot ang tawag. “Hello?”“Bakit?” ani Marcus habang nakalapat ang index-finger sa labi. Pinapatahimik saglit ang mga kasama.Narito siya ngayon sa resort dahil may ipapakita raw si Daniel sa kanyang footage.Si Scarlette naman ay agad na sumimangot. Ni wala man lang ‘hi' or ‘hello'? Basta na lang ‘bakit'?Ang lamig talaga ng pakikitungo ni Marcus sa kanya. Pero ano pa bang bago? Lagi namang gano'n, maliban na lang siguro kapag tungkol na sa asawa nito ang usapan. “’Yung pinag-usapan natin, baka nakakalimutan mo na?” tinumbasan niya ng inis ang walang kabuhay-buhay nitong sagot. “Kailangan ko na ang testimony mo.”“Kailan?”“Ngayon na.”“May inaasikaso pa ‘ko, ipapadala ko na lang sa email mo.”“Hindi ka pwede kahit after work?” Bahagyang humigpit ang hawak ni Scarlette sa cellphone nang mapagtantong nagtutunog demanding na siya para lang makipagkita si Marcus.“Hindi.”“Okay, fine. Isi-send ko na lang sa ‘yo email ko, ipadala mo do'n.” Hi

  • Married to the Prominent Family's Adopted Son   Chapter 80

    SA HUMIGIT-KUMULANG na nasa sampung katao na naroon ay tanging si Ramon lang ang makikitang naaaliw sa pinapanuod.Ang mga tauhan na nakabantay sa lugar ay tahimik na napapatingin sa kanya. Ang iba ay naguguluhan sa pagbabagong nakikita sa Amo.Misan lang kasi nila itong makita na masaya. Hindi tuloy nila malaman kung dapat ba nilang ikatuwa ang masayang Ramon o mas lalo silang dapat na matakot. Lalo pa nang marinig ang pigil na halakhak nito. Hindi maiwasan ng ibang tauhan na kilabutan at mag-isip ng masama. Sa tingin nila'y may hatid na delubyo ang tawa ng Amo.Ilang sandali pa’y tinawag ni Ramon ang tauhan at kanang-kamay na si Mr. O.. “Pabalikin mo na ‘tong dalawa—" ang tinutukoy ay sina Alberto at ang kasama nitong lawyer. “Saka, ano sa tingin mo? Convincing ba ang arte ni Alberto?”Tumango naman si Mr. O., bilang pagsang-ayon at saka ginawa ang pinaguutos ng Amo. Pinadalhan niya ng message ang lawyer na kailangan na ng mga itong bumalik.Ilang sandali pa'y muling lumapit si Mr. O

  • Married to the Prominent Family's Adopted Son   Chapter 79

    SA OFFICE, habang abala si Luna sa ginagawa ay kumatok si Jenny sa pinto sabay pasok.“Miss Luna, nasa baba si Mr. Alberto Roces.”Tiningnan muna ni Luna ang secretary saka tinigil ang ginagawa. “Anong kailangan? Sinabi mo bang nasa factory ang Chairman?”Tumango si Jenny. “Kaya mga manager lang ho ang naro'n sa baba.”“Bakit, nasa'n ang ilang chief-director? Sumama bang lahat sa factory?”“Ang ilan lang, habang ‘yung iba ay may out-of-town appointment.”Saglit na napaisip si Luna kung ba't biglaan naman ang pagbisita ni Mr. Roces?At itinaon pa talaga na wala ang kanyang Ama na siyang madalas humaharap dito.Kaya tumayo si Luna at nagpasiyang bababa para harapin si Mr. Roces. Pero sa elevator pa lang ay nagkita na sila. Kasama nito ang lawyer na sa tingin niya'y secretary na rin nito.“Luna!” tuwang bati ni Alberto. Nakalahad ang dalawang braso na animo'y yayakapin siya.Bahagya namang yumuko si Luna bilang paggalang. “What a sudden surprise, Mr. Roces. Sayang at hindi kayo nagpang-ab

  • Married to the Prominent Family's Adopted Son   Chapter 78

    NALILITO si Fausto sa dapat niyang maging desisiyon. Kung susundin niya si Liliane ay hindi lang si Marcus ang kailangan niyang harapin. Pati na si Luna.At sigurado siyang ipaglalaban ng anak si Marcus.Kung pagbibigyan naman niya ang pakiusap ni Marcus ay mapapasama naman siya sa asawa na baka humantong pa sa pag-aaway. Iisipin nitong kinakampihan niya ang dalawa.Isa pa'y masiyado na siyang abala sa kompanya kaya ang problema sa bahay ay sobra na sa dapat niyang isipin. Kaya kapag nagrereklamo na si Liliane ay tinutulugan na lamang niya para makaiwas.“Fausto—”“’Wag muna ngayon, Liliane. Marami akong ginawa kaya gusto ko ng magpahinga.” Sinadya niyang tumalikod upang hindi ito maharap.“Hahayaan mo na lang ba ang ampon na ‘yun na kunin sa ‘tin si Luna?!”May pumitik na kung ano sa sintido ni Fausto at tuluyan siyang nawalan ng pasensiya. “Walang kinukuha si Marcus! Hindi si Luna o kung ano pa man sa pamamahay na ‘to!”Sa biglaang pagtaas ng boses ni Fausto ay natameme si Liliane. M

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status