Share

Chapter 2

Author: Zxoul49
last update Huling Na-update: 2022-10-10 06:43:47

HINAYAAN naman ito ni Marcus at kinapa ang switch button na nakatago sa katawan ng puno. Isang mahinang ugong ang maririnig kasabay ng unti-unting pagliwanag ng lupang kinatatayuan. Bumuka ang lupa na siyang daan patungo sa elevator na magdadala sa kanila sa ‘Heaven’.

Ang kulungang ito, na para sa mga espesyal at napakadelikadong kriminal sa bansa, ay matatagpuan sa mismong ilalim ng lupa. Twenty feet underground na walang ibang entrance at exit kundi ang daang tinahak nila. Nagkalat ang sandamakmak na surveillance camera sa buong isla na in-install sa mga puno at bato sa tabing-dagat. Bantay-sarado rin ang buong lugar, at sa oras na tumapak ang kahit sinong kriminal ay hindi na makakaalis nang walang pahintulot ni Marcus, maliban na lang kung hindi na ito humihinga.

PUMASOK sila sa elevator at pinindot ni Marcus ang level 4 button.

“Hindi ba dapat ay level 5?” tanong ni Yulo habang buhat-buhat si inmate-1030 sa balikat na parang sako ng bigas.

“Level 4 lang siya para sa ‘kin, kahit halos inubos niya ang lahat ng tao sa lugar na pinanggalingan niya.”

Ang buong gusali ng ‘Heaven’ ay may limang palapag. Ang unang floor ay ang monitoring area at opisina. Dito rin ang receiving area kapag may bumibisitang opisyal. Sa level 2 naman ang kitchen, clinic, at iba pang facilities. Ang quarters nilang mga warden ay nasa level 3. Habang ang level 4 at 5 ang pinakamalaki sa buong gusali dahil dito matatagpuan ang mga selda ng mga inmate. Pinaghiwalay lamang ang mga delikado sa mas delikadong kriminal upang maiwasan ang mga patayan.

Ayon sa record na natanggap ni Marcus, isang high-caliber murderer si inmate-1030. Hindi bababa sa tatlumpu ang napatay nito sa probinsiyang pinanggalingan. Ang mga biktima ay mga bata at matatanda, pawang mahihina at walang kakayahang lumaban. Sa madaling salita, mahihinang tao ang biniktima nito, malayo sa mga kriminal na nasa level 5 na mas matindi at malala ang kasalanan.

Huminto ang elevator, at kahit hindi pa bumubukas ang pinto ay rinig na ni Marcus ang ingay mula sa labas. Mas lalo lang itong naging malinaw nang tumapak siya at makita ang mga nagkukumpulan sa kaliwang bahagi ng lunch area.

Tiningnan niya ang oras sa suot na relo. Hindi pa tapos ang dinner time, ngunit kalokohan ang inaatupag ng iba. Dismayado niyang tiningnan ang mga naiwan na pagkain. May iba namang inmate na hindi na nakisali sa pinagkakaguluhan.

Mula sa mga nagkukumpulan ay may lumingon sa gawi niya at agad sumigaw, “Bumalik na si Boss!” Ito ang tawag ng lahat sa kanya. Mismong ang mga kriminal na matagal na sa ‘Heaven’ ang nagbigay ng alyas na ito sa kanya.

Matapos iyon ay biglang nagsi-atrasan ang lahat ng nasa kumpulan. Tumambad sa kanya ang dalawang preso na nagsusuntukan. Nang makita siya ay agad ring nagsitigil at lumayo sa isa’t isa.

“Ibalik ninyong lahat ang tray sa counter. Wala nang kakain maliban sa mga nanatili sa table nila!” sigaw niya sa lahat.

Marami ang umangal, ngunit nang bumuntong-hininga siya ay biglang natahimik ang lahat at sinunod ang utos sa takot na maparusahan.

Binalingan niya si Yulo, na buhat-buhat pa rin ang walang-malay na inmate, at inutusan itong dalhin na ang naturang kriminal sa selda nito. Tumango naman si Yulo at pagkatapos ay umalis na.

Ang mga inmate na hindi na nakapagkain ay bumalik sa kanya-kanyang selda. Sakto namang lumapit sa kanya si inmate-098.

“Boss, puwede ba kitang makausap kahit saglit lang?” anito.

“Anong kailangan mo?”

Pansin ni Marcus ang pagdadalawang-isip nito, ngunit ilang sandali pa ay may dinukot na kung ano sa bulsa.

“Baka puwede mong maipadala ito sa pamilya ko? Kahit anong kapalit, basta matanggap lang nila.”

“Alam mo ang rules dito,” ani Marcus, at akmang tatalikod na nang humarang ito sa daraanan niya.

“Sige na, Boss, parang awa mo na. Miss na miss ko na ang pamilya ko. Handa akong magbayad kahit magkano, makarating lang ‘tong sulat sa kanila.”

Kitang-kita ang pagmamakaawa sa mga mata ni inmate-098. Ngunit tulad ng sinabi ni Marcus, hindi ipinapahintulot sa kulungang ito ang makipag-ugnayan sa kahit sinong nasa labas. Magkaganoon man, kinuha niya ang sulat at saka umalis.

Pagdating sa sariling opisina, pinunit ni Marcus ang sulat at itinapon sa basurahan. Sakto namang may kumatok at pumasok si Yulo.

“Naihatid ko na si inmate-1030,” pagpapaalam nito.

“Okay... siya nga pala, gusto ko ng latest update sa pamilya ni inmate-098. Kung anong ginagawa nila. Samahan mo na rin ng mga picture,” utos ni Marcus.

“Para saan, Sir?” tanong ni Yulo.

Hindi ito sinagot ni Marcus at tumitig lang. Agad namang naunawaan ni Yulo ang sinyales na wala siyang balak sumagot kaya tumango na lamang ito at saka nagpaalam na gagawin ang iniutos sa kanya.

Hindi mapagbibigyan ni Marcus ang hiling ni inmate-098 dahil labag ito sa patakaran ng kulungan, ngunit puwede niyang ipaalam dito kung ano ang kalagayan ng asawa at anak nito sa labas. Tanging iyon lamang ang magagawa niyang hindi lumalabag sa mga alituntunin.

NAKAILANG buntong-hininga na si Scarlette Rodriguez habang pinakikinggan ang galit na boses ng ama. Dahil hindi siya nagpaalam na tutungo sa ‘Heaven’ dala ang isang napakadelikadong kriminal.

Ang ama niyang si Allan Rodriguez ay isang general sa police department. Ipinag-utos nito sa iba ang paghahatid sa naturang kriminal, ngunit hindi siya nakinig at tumuloy pa rin sa plano.

Bakit? Dahil bukod sa napakadelikado ng nahuli nilang kriminal, gusto rin niyang makita ang lalaking tinutukoy ng ama—si Marcus Lopelion.

Isang warden sa hindi kilalang kulungan. Ito ang unang beses na pupunta siya sa lugar, at gusto niyang malaman kung anong klase ng tao ang gusto ng kanyang ama na mapangasawa niya.

Patuloy pa rin ang paninermon ni Allan kay Scarlette nang bigla na lamang naputol ang mga sinasabi nito.

“Hello? Naririnig mo ba ‘ko, Scarlette?”

Hanggang sa tuluyan na ngang naputol ang komunikasyon. Naiiling na tumingin si Allan sa kaibigang si Maximo na kasalukuyang kasama sa opisina.

“Napakapasaway talaga ng batang ‘yun,” ani Allan.

“Hayaan mo na, gusto lang niyang makilala si Marcus,” komento ni Maximo.

“May naisip ka na bang araw ng kasal?” tanong ni Allan.

Natawa si Maximo. “Ngayon pa lang sila magkikita pero kasal agad ang iniisip mo? Hayaan mo muna silang magkakilala saka tayo magdesisyon,” mungkahi nito.

Sa kabilang banda naman, matapos patayan ng tawag ni Scarlette ang ama, ay ang ina naman niya ang tinawagan. Ipinaalam niya ritong malapit na silang magkita ni Marcus Lopelion.

“Okay, balitaan mo ‘ko. Basta tandaan mo, pagdating sa usaping kasal, puso ang pinapairal,” payo ng ina niyang si Amelia.

“Paano kung hindi ko siya magustuhan, Ma?”

“Edi huwag kang pumayag sa planong kasal ng ama mo.”

“Paano si Papa? Hindi ko lang pinaalam na nagpunta ako rito pero galit na.”

“Lagi namang galit ang Papa mo,” saka natawa si Amelia.

“Okay. Thank you, Ma. Buti na lang talaga at sinabi ko sa’yo ang plano ni Papa.”

“Wala ‘yun, anak. Basta secret lang natin na may alam ako sa plano ni Allan, ha?”

“Of course. Ayokong sa ‘yo mabaling ang inis ni Papa sa ‘kin. Love you, Ma.”

“Love you too,” ani Amelia.

Matapos ang pag-uusap nila ni Amelia, pumasok siya sa loob ng inarkilang barko upang silipin ang kriminal na pinaghirapan niya at ng kanyang team na hulihin.

Sa loob ng cabin ay may human-size cage kung saan nakakulong ang kriminal upang hindi makatakas. May kakayahan kasi itong maalis ang suot na posas nang hindi nila napapansin.

Sa katunayan nga, bago sila bumiyahe ngayong araw, ay gumawa muna ito ng eksena.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Married to the Prominent Family's Adopted Son   Chapter 83

    Tapos napaka-elagante pa ng pag-reserved ng waiter sa pagkain.She felt really special.“Anong problema? Ayaw mo sa pagkain?” puna ni Marcus nang huminto si Luna at binaba ang kamay na may hawak na kubyertos.“No, it’s just that… hindi ako makapaniwalang ma-i-experience ko ‘tong kasama ka,” kulang at marami pa sana siyang gustong sabihin pero sa sobrang taas ng emosiyong nararamdaman ay hindi na niya alam kung pa'no isasatinig ang nasa isip ng hindi naiiyak.Ngumiti si Marcus. “Kung may gusto kang puntahan, sabihin mo lang at sasamahan kita.”“Kahit out-of-the-country? Underground or under the water?” biro ni Luna upang pagaanin ang atmosphere at para na rin itago ang emosyong nararamdaman dahil sa sobrang tuwa.“Kahit sa outerspace pa,” biro ring tugon ni Marcus sa asawa at napansin pa ang pagsilip ni Artemio mula sa may sulok.Pasimple naman siyang nag-thumbs up dahil sa mabilis na pag-response nito kahit pa biglaan ang request niya. At nag-serve pa ng mamahaling alak para sa kanilan

  • Married to the Prominent Family's Adopted Son   Chapter 82

    NAPATINGIN PA SA CELLPHONE si Marcus nang bigla na lamang tinapos ni Scarlette ang tawag. At nagtaka kung bakit tila galit ito?Binaba na lang niya ang cellphone at saka muling hinarap ang team, lalo na si Daniel. Nasa kalagitnaan siya ng break-time nang mag-text ito at sabi’y may ipapakita raw itong video footage. Kaya agad siyang nagtungo.“Ano nga ulit ‘yung gusto mong ipakita?”Hinarap ni Daniel ang laptop kay Marcus at pinakita ang isang video kung saan ay makikitang may dumadaan na sasakyan. At isa nga rito ang kotseng sinakyan ni Ramon na hinabol niya pa no'ng nando'n siya sa Cebu. “Hindi ko pa magawang mapasok ang system sa hotel sa higpit ng security kaya ang kalapit na establishment na lang ang h-in-ack ko at ito nga ang nakuha ko.”Hinawakan ni Marcus ang laptop at ni-replay ang video. “Ito ‘yung kotseng sinakyan ni Ramon,” pahayag niya kaya nagsitinginan ang team.“Sandali't iso-zoom ko para makita ang plate number,” ani Daniel at may kung anong t-ina-ype sa laptop. Ilang s

  • Married to the Prominent Family's Adopted Son   Chapter 81

    Ilang ring pa ang narinig niya bago tuluyang nasagot ang tawag. “Hello?”“Bakit?” ani Marcus habang nakalapat ang index-finger sa labi. Pinapatahimik saglit ang mga kasama.Narito siya ngayon sa resort dahil may ipapakita raw si Daniel sa kanyang footage.Si Scarlette naman ay agad na sumimangot. Ni wala man lang ‘hi' or ‘hello'? Basta na lang ‘bakit'?Ang lamig talaga ng pakikitungo ni Marcus sa kanya. Pero ano pa bang bago? Lagi namang gano'n, maliban na lang siguro kapag tungkol na sa asawa nito ang usapan. “’Yung pinag-usapan natin, baka nakakalimutan mo na?” tinumbasan niya ng inis ang walang kabuhay-buhay nitong sagot. “Kailangan ko na ang testimony mo.”“Kailan?”“Ngayon na.”“May inaasikaso pa ‘ko, ipapadala ko na lang sa email mo.”“Hindi ka pwede kahit after work?” Bahagyang humigpit ang hawak ni Scarlette sa cellphone nang mapagtantong nagtutunog demanding na siya para lang makipagkita si Marcus.“Hindi.”“Okay, fine. Isi-send ko na lang sa ‘yo email ko, ipadala mo do'n.” Hi

  • Married to the Prominent Family's Adopted Son   Chapter 80

    SA HUMIGIT-KUMULANG na nasa sampung katao na naroon ay tanging si Ramon lang ang makikitang naaaliw sa pinapanuod.Ang mga tauhan na nakabantay sa lugar ay tahimik na napapatingin sa kanya. Ang iba ay naguguluhan sa pagbabagong nakikita sa Amo.Misan lang kasi nila itong makita na masaya. Hindi tuloy nila malaman kung dapat ba nilang ikatuwa ang masayang Ramon o mas lalo silang dapat na matakot. Lalo pa nang marinig ang pigil na halakhak nito. Hindi maiwasan ng ibang tauhan na kilabutan at mag-isip ng masama. Sa tingin nila'y may hatid na delubyo ang tawa ng Amo.Ilang sandali pa’y tinawag ni Ramon ang tauhan at kanang-kamay na si Mr. O.. “Pabalikin mo na ‘tong dalawa—" ang tinutukoy ay sina Alberto at ang kasama nitong lawyer. “Saka, ano sa tingin mo? Convincing ba ang arte ni Alberto?”Tumango naman si Mr. O., bilang pagsang-ayon at saka ginawa ang pinaguutos ng Amo. Pinadalhan niya ng message ang lawyer na kailangan na ng mga itong bumalik.Ilang sandali pa'y muling lumapit si Mr. O

  • Married to the Prominent Family's Adopted Son   Chapter 79

    SA OFFICE, habang abala si Luna sa ginagawa ay kumatok si Jenny sa pinto sabay pasok.“Miss Luna, nasa baba si Mr. Alberto Roces.”Tiningnan muna ni Luna ang secretary saka tinigil ang ginagawa. “Anong kailangan? Sinabi mo bang nasa factory ang Chairman?”Tumango si Jenny. “Kaya mga manager lang ho ang naro'n sa baba.”“Bakit, nasa'n ang ilang chief-director? Sumama bang lahat sa factory?”“Ang ilan lang, habang ‘yung iba ay may out-of-town appointment.”Saglit na napaisip si Luna kung ba't biglaan naman ang pagbisita ni Mr. Roces?At itinaon pa talaga na wala ang kanyang Ama na siyang madalas humaharap dito.Kaya tumayo si Luna at nagpasiyang bababa para harapin si Mr. Roces. Pero sa elevator pa lang ay nagkita na sila. Kasama nito ang lawyer na sa tingin niya'y secretary na rin nito.“Luna!” tuwang bati ni Alberto. Nakalahad ang dalawang braso na animo'y yayakapin siya.Bahagya namang yumuko si Luna bilang paggalang. “What a sudden surprise, Mr. Roces. Sayang at hindi kayo nagpang-ab

  • Married to the Prominent Family's Adopted Son   Chapter 78

    NALILITO si Fausto sa dapat niyang maging desisiyon. Kung susundin niya si Liliane ay hindi lang si Marcus ang kailangan niyang harapin. Pati na si Luna.At sigurado siyang ipaglalaban ng anak si Marcus.Kung pagbibigyan naman niya ang pakiusap ni Marcus ay mapapasama naman siya sa asawa na baka humantong pa sa pag-aaway. Iisipin nitong kinakampihan niya ang dalawa.Isa pa'y masiyado na siyang abala sa kompanya kaya ang problema sa bahay ay sobra na sa dapat niyang isipin. Kaya kapag nagrereklamo na si Liliane ay tinutulugan na lamang niya para makaiwas.“Fausto—”“’Wag muna ngayon, Liliane. Marami akong ginawa kaya gusto ko ng magpahinga.” Sinadya niyang tumalikod upang hindi ito maharap.“Hahayaan mo na lang ba ang ampon na ‘yun na kunin sa ‘tin si Luna?!”May pumitik na kung ano sa sintido ni Fausto at tuluyan siyang nawalan ng pasensiya. “Walang kinukuha si Marcus! Hindi si Luna o kung ano pa man sa pamamahay na ‘to!”Sa biglaang pagtaas ng boses ni Fausto ay natameme si Liliane. M

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status