Mag-log inSA KALAGITNAAN ng biyahe pabalik sa siyudad ay tinawagan ni Scarlette ang Ama. “Nakausap ko na siya,” ang bungad niya pa.
“Kamusta—”
“Ayoko sa kanya, ‘Pa, hindi ako magpapakasal sa kanya.”
“Ano?!”
“Basta. Hindi kami nagkasundo kaya ayokong magpakasal sa kanya.”
“Teka lang, Scarlette—”
“Sige, ‘Pa, at magpapahinga muna ako. And please, ‘wag mo nang uulitin ‘to. Ayokong nirereto sa iba.” At saka tinapos tawag upang kausapin naman si army general Maximo Lopelion.
Sa opisina ng General ay nakatanggap ito ng tawag mula kay Scarlette, na anak ng kaibigang si Allan. “Hello, Captain Rodriguez,” sagot ni Maximo sa kabilang linya. Medyo maingay sa kabilang linya ngunit mauulinigan naman ang boses ng dalaga.
“Pasensiya na sa pang-iistorbo, General. Nakausap ko na si warden Marcus Lopelion kanina, hindi nga lamang ako nagpakilala sa kanya. Sa pag-uusap namin kanina ay isa lang ang na-realize ko. Pareho kaming ma-otoridad at nagka-clash ang personalidad namin. Kaya ipagpaumanhin ninyo kung hindi ako papayag sa usapan niyo ni Papa.”
“Naiintindihan ko, Captain Rodriguez. I respect your decision,” ani Maximo.
“Maraming salamat, General.”
Matapos ang pag-uusap ay agad nagpadala si Maximo ng mensahe kay Marcus gamit ang account ng ‘Heaven’. Tila nabunutan ng tinik sa díbdíb si Maximo nang sa wakas ay natapos na ang isa sa mga problema.
Ang dapat na lamang gawin ay ipaliwanag kay Allan ang nais ng anak na si Scarlette.
SAMANTALANG hindi naman inaasahan ni Marcus na ang mensaheng matatanggap mula sa Ama ay tungkol sa babaeng dapat niyang pakasalan. Naka-attach na rin ang pangalan at basic information ng babae at ang mga magulang nito.
Si Luna Fajardo, 25 years old. Kasalukuyang nagtatrabaho sa kompanya ng pamilya at tinaguyod ng amang si Fausto Fajardo. Habang ang ina naman nitong si Liliane ay mula sa angkan ng mga mayayaman.
Mga basic na information ngunit may napansin si Marcus sa data ni Luna Fajardo. Dati rin itong mag-aaral sa elementaryang pinasukan niya. Maaaring noon pa man ay magkakilala na sila, ngunit hindi niya na matandaan sa tagal ng panahon.
Ang labis nga lang na ipinagtataka ni Marcus ay bakit? Bakit nais ng kanyang Ama na ikasal siya kay Luna?
Ni minsan ay hindi nanghimasok si Maximo sa personal niyang buhay, lalo na sa usaping pangkasal. Kaya bakit tila ngayon ay pinipilit na siya nitong mag-settle down?
Sawa na ba itong mainggit sa iba at nais ng magka-apo?
Kinagabihan ay tinawagan ni Marcus ang Ama tungkol sa pinadalang mensahe.
“Bukas, ay lumuwas ka. Kailangan nating mag-usap sa personal,” ito lamang ang sinabi ni Maximo at pagkatapos ay pinatay na ang tawag.
Hindi na pinagpabukas ni Marcus ang lahat at tinawagan ang kakilala niyang pilot upang sunduin siya sa isla.
At nang umagang iyon ay nalaman niya ang totoong dahilan kung bakit niya kailangang pakasalan si Luna Fajardo.
Iyon ay upang magmanman at alamin kung anong connection nito at ng pamilya kay Dahlia Lopelion, ang yumaong asawa ng Ama.
Binuksan ni Maximo ang drawer ng desk at binigay kay Marcus ang letter na may mensahe.
“I miss you, Simosi,” ang basa ni Marcus sa sulat.
“Walang ibang tumatawag sa akin ng ganyan kundi si Dahlia lamang. Ang sulat kamay rin ay katulad nang sa kanya. Pero pa’nong nangyari na….” hindi magawang tapusin ni Maximo ang sasabihin. Dahil hanggang ngayon, kahit lumipas na ang dalawampu’t tatlong taon ay hindi nito nilimot kahit na kailan ang asawa.
“Nasisiguro mo bang sulat kamay niya talaga ‘to, ‘Pa?” ani Marcus.
“Siguradong-sigurado ako, kay Dahlia galing ang sulat. Pero ang address na nakalagay sa sender ay galing sa probinsiya. Sa mismong tahanan ng mga Fajardo.” Matapos ay muling binuksan ang drawer. “At kahit anong gawin ko ay wala akong makitang connection ni Dahlia sa mga taong ‘yan.” Sabay lapag ng makakapal na papel na naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa pamilyang Fajardo.
“Kailan mo natanggap ang sulat?”
“Dalawang buwan na ang nakakaraan. At kung totoo nga ang hinala ko ay maaaring buhay pa rin si Dahlia hanggang ngayon. At may kutob akong nasa panganib siya,” ani Maximo habang nakakuyom ang mga kamao. “Iba sana ang ipapadala ko. Ngunit sa mundong ginagalawan natin… mahirap magtiwala. Kaya Marcus… maaari ba kitang asahan sa misyong ‘to?”
Tumindig nang maayos si Marcus at buong pusong sinagot ang Ama, “Makakaasa kayo, army general Maximo Lopelion.”
Dahil sa misyon na iniatas ng Ama ay kailangan niyang iwan ang ‘Heaven’ at ipasa pansamantala ang pamamahala kay Yulo na siyang labis niyang pinagkakatiwalaan. Inilipat na rin siya sa probinsiya kung saan nakatira ang mga Fajardo.
At dahil kulang na ang magbabantay sa isla ay inilipat naman ni Maximo si warden Torres na nais magtrabaho sa ‘Heaven’.
Sa araw ng pag-alis ni Marcus ay una siyang nagpaalam sa mga kasamahang warden. Nakikita niya ang lungkot sa mga mukha ng mga ito at matapos ay sa mga inmate naman habang kumakain ang mga ito ng ahagan.
Labis nga ang saya ng ilan sa mga bilanggo sa kanyang pag-alis habang ang iba ay tahimik lang na nanunuod sa mga nagsasaya. Kasama sa mga tahimik ay si inmate-098, na minsang humiling kay Marcus na ipadala sa pamilya nito ang ibinigay na sulat.
“Tahimik!” ang sigaw ni Yulo at agad namang nagsitahimik ang mga nag-iingay.
“’Wag kayong masiyadong magsaya dahil may papalit sa‘kin. Ang ilan sa inyo ay kilala siya, si warden Torres.” Na kilalang malupit at brutal ang paraan nang pagdidisiplina.
Pigil ang tawa ng kasamahan niya matapos banggitin si Torres. Ang iba kasi sa mga inmate ay halos mamutla na sa narinig.
“Good luck,” ang huli niyang sinabi sa mga ito. At pagkatapos ay lumapit kay inmate-098 upang ibigay ang envelop na naglalaman ng mga pictures ng pamilya nito sa labas. Kalakip na rin ang impormasyon kung kamusta na ang mga ito.
Bitbit ang duffel bag ay pumasok si Marcus sa elevator. At bago tuluyang magsara ang pinto ay nakita niya pang nakahilera ang mga kasamahan sa labas ng elevator upang magpaalam. At isang malakas na sigaw, “Salamat!” Mula kay inmate-098 habang nakayuko. “Maraming, maraming salamat, Boss!” dagdag pa nito.
Nakangiting naglakad palabas si Marcus sa lagusan papunta sa tabing dagat kung saan ay naghihintay na ang helicopter na siyang magdadala sa kanya sa siyudad.
Tapos napaka-elagante pa ng pag-reserved ng waiter sa pagkain.She felt really special.“Anong problema? Ayaw mo sa pagkain?” puna ni Marcus nang huminto si Luna at binaba ang kamay na may hawak na kubyertos.“No, it’s just that… hindi ako makapaniwalang ma-i-experience ko ‘tong kasama ka,” kulang at marami pa sana siyang gustong sabihin pero sa sobrang taas ng emosiyong nararamdaman ay hindi na niya alam kung pa'no isasatinig ang nasa isip ng hindi naiiyak.Ngumiti si Marcus. “Kung may gusto kang puntahan, sabihin mo lang at sasamahan kita.”“Kahit out-of-the-country? Underground or under the water?” biro ni Luna upang pagaanin ang atmosphere at para na rin itago ang emosyong nararamdaman dahil sa sobrang tuwa.“Kahit sa outerspace pa,” biro ring tugon ni Marcus sa asawa at napansin pa ang pagsilip ni Artemio mula sa may sulok.Pasimple naman siyang nag-thumbs up dahil sa mabilis na pag-response nito kahit pa biglaan ang request niya. At nag-serve pa ng mamahaling alak para sa kanilan
NAPATINGIN PA SA CELLPHONE si Marcus nang bigla na lamang tinapos ni Scarlette ang tawag. At nagtaka kung bakit tila galit ito?Binaba na lang niya ang cellphone at saka muling hinarap ang team, lalo na si Daniel. Nasa kalagitnaan siya ng break-time nang mag-text ito at sabi’y may ipapakita raw itong video footage. Kaya agad siyang nagtungo.“Ano nga ulit ‘yung gusto mong ipakita?”Hinarap ni Daniel ang laptop kay Marcus at pinakita ang isang video kung saan ay makikitang may dumadaan na sasakyan. At isa nga rito ang kotseng sinakyan ni Ramon na hinabol niya pa no'ng nando'n siya sa Cebu. “Hindi ko pa magawang mapasok ang system sa hotel sa higpit ng security kaya ang kalapit na establishment na lang ang h-in-ack ko at ito nga ang nakuha ko.”Hinawakan ni Marcus ang laptop at ni-replay ang video. “Ito ‘yung kotseng sinakyan ni Ramon,” pahayag niya kaya nagsitinginan ang team.“Sandali't iso-zoom ko para makita ang plate number,” ani Daniel at may kung anong t-ina-ype sa laptop. Ilang s
Ilang ring pa ang narinig niya bago tuluyang nasagot ang tawag. “Hello?”“Bakit?” ani Marcus habang nakalapat ang index-finger sa labi. Pinapatahimik saglit ang mga kasama.Narito siya ngayon sa resort dahil may ipapakita raw si Daniel sa kanyang footage.Si Scarlette naman ay agad na sumimangot. Ni wala man lang ‘hi' or ‘hello'? Basta na lang ‘bakit'?Ang lamig talaga ng pakikitungo ni Marcus sa kanya. Pero ano pa bang bago? Lagi namang gano'n, maliban na lang siguro kapag tungkol na sa asawa nito ang usapan. “’Yung pinag-usapan natin, baka nakakalimutan mo na?” tinumbasan niya ng inis ang walang kabuhay-buhay nitong sagot. “Kailangan ko na ang testimony mo.”“Kailan?”“Ngayon na.”“May inaasikaso pa ‘ko, ipapadala ko na lang sa email mo.”“Hindi ka pwede kahit after work?” Bahagyang humigpit ang hawak ni Scarlette sa cellphone nang mapagtantong nagtutunog demanding na siya para lang makipagkita si Marcus.“Hindi.”“Okay, fine. Isi-send ko na lang sa ‘yo email ko, ipadala mo do'n.” Hi
SA HUMIGIT-KUMULANG na nasa sampung katao na naroon ay tanging si Ramon lang ang makikitang naaaliw sa pinapanuod.Ang mga tauhan na nakabantay sa lugar ay tahimik na napapatingin sa kanya. Ang iba ay naguguluhan sa pagbabagong nakikita sa Amo.Misan lang kasi nila itong makita na masaya. Hindi tuloy nila malaman kung dapat ba nilang ikatuwa ang masayang Ramon o mas lalo silang dapat na matakot. Lalo pa nang marinig ang pigil na halakhak nito. Hindi maiwasan ng ibang tauhan na kilabutan at mag-isip ng masama. Sa tingin nila'y may hatid na delubyo ang tawa ng Amo.Ilang sandali pa’y tinawag ni Ramon ang tauhan at kanang-kamay na si Mr. O.. “Pabalikin mo na ‘tong dalawa—" ang tinutukoy ay sina Alberto at ang kasama nitong lawyer. “Saka, ano sa tingin mo? Convincing ba ang arte ni Alberto?”Tumango naman si Mr. O., bilang pagsang-ayon at saka ginawa ang pinaguutos ng Amo. Pinadalhan niya ng message ang lawyer na kailangan na ng mga itong bumalik.Ilang sandali pa'y muling lumapit si Mr. O
SA OFFICE, habang abala si Luna sa ginagawa ay kumatok si Jenny sa pinto sabay pasok.“Miss Luna, nasa baba si Mr. Alberto Roces.”Tiningnan muna ni Luna ang secretary saka tinigil ang ginagawa. “Anong kailangan? Sinabi mo bang nasa factory ang Chairman?”Tumango si Jenny. “Kaya mga manager lang ho ang naro'n sa baba.”“Bakit, nasa'n ang ilang chief-director? Sumama bang lahat sa factory?”“Ang ilan lang, habang ‘yung iba ay may out-of-town appointment.”Saglit na napaisip si Luna kung ba't biglaan naman ang pagbisita ni Mr. Roces?At itinaon pa talaga na wala ang kanyang Ama na siyang madalas humaharap dito.Kaya tumayo si Luna at nagpasiyang bababa para harapin si Mr. Roces. Pero sa elevator pa lang ay nagkita na sila. Kasama nito ang lawyer na sa tingin niya'y secretary na rin nito.“Luna!” tuwang bati ni Alberto. Nakalahad ang dalawang braso na animo'y yayakapin siya.Bahagya namang yumuko si Luna bilang paggalang. “What a sudden surprise, Mr. Roces. Sayang at hindi kayo nagpang-ab
NALILITO si Fausto sa dapat niyang maging desisiyon. Kung susundin niya si Liliane ay hindi lang si Marcus ang kailangan niyang harapin. Pati na si Luna.At sigurado siyang ipaglalaban ng anak si Marcus.Kung pagbibigyan naman niya ang pakiusap ni Marcus ay mapapasama naman siya sa asawa na baka humantong pa sa pag-aaway. Iisipin nitong kinakampihan niya ang dalawa.Isa pa'y masiyado na siyang abala sa kompanya kaya ang problema sa bahay ay sobra na sa dapat niyang isipin. Kaya kapag nagrereklamo na si Liliane ay tinutulugan na lamang niya para makaiwas.“Fausto—”“’Wag muna ngayon, Liliane. Marami akong ginawa kaya gusto ko ng magpahinga.” Sinadya niyang tumalikod upang hindi ito maharap.“Hahayaan mo na lang ba ang ampon na ‘yun na kunin sa ‘tin si Luna?!”May pumitik na kung ano sa sintido ni Fausto at tuluyan siyang nawalan ng pasensiya. “Walang kinukuha si Marcus! Hindi si Luna o kung ano pa man sa pamamahay na ‘to!”Sa biglaang pagtaas ng boses ni Fausto ay natameme si Liliane. M







