LOGIN
SA ISANG MALAYO at maliit na isla sa Pilipinas matatagpuan ang pinakaespesyal at pinakadelikadong kulungan sa bansa. Dahil nandito ang mga kriminal na sangkot sa pagpatay sa mga kilalang personalidad na nagsisilbi sa bansa.
Mga kasong may kinalaman sa droga na ibinibenta sa black market at panggagahasa, lalo na sa mga menor de edad.
At higit sa lahat, mga teroristang gustong pabagsakin ang gobyerno at sakupin ang bansa.
Dito sa kulungang tinatawag na “Heaven” ay inilayo at itinapon sa kabihasnan ang mga kriminal na ito. Itinago sila sa mga mamamayan ng Pilipinas upang manatili ang kaligtasan at kapayapaan ng lahat.
Sa islang napapalibutan ng dagat ay wala ni isang barko o bangka ang nakadaong man lang sa paligid. Sinadya ito upang walang makatakas sa lugar, maliban na lamang kung may magtatangkang lumangoy paalis ng isla. Subalit mahirap iyon gawin dahil kalahating araw ang aabutin bago marating ang pinakamalapit na isla gamit ang pandagat na transportasyon. Wala ring nakakalapag na kahit anong sasakyang himpapawid nang hindi nakikipag-ugnayan sa Head Warden.
Si Marcus Lopelion ang kasalukuyang Head Warden sa naturang kulungan. Sa unang araw niya sa trabaho, inutusan siya ng noo’y Head Warden na si Maximo Lopelion na languyin ang isla.
Ito ang hamon ni Maximo bago iwan sa kanya ang pamamahala sa kulungan. At matapos mapagtagumpayan ang hamon ay ipinasa ni Maximo, ang taong nag-ampon sa kanya, ang pamamahala sa “Heaven” tatlong taon na ang nakakalipas.
Nailipat ito sa ibang departamento at ngayon ay isa nang Army General si Maximo Lopelion. Bagama’t hindi na nito sakop ang “Heaven,” ipinagkatiwala pa rin ng Pangulo kay Maximo ang pamamahala sa kulungan dahil sa labis na pagpapahalaga sa dati niyang trabaho. Si Maximo pa rin ang nagpapasiya sa mga kriminal na ipinapadala sa isla.
At kahapon nga ay tumawag ito kay Marcus upang ipaalala ang bagong kriminal na ihahatid ngayong gabi.
Sa madilim at malamig na gabi ay tahimik na naghihintay si Marcus sa pagdating ng bagong inmate. Limang minuto na siyang naghihintay sa tabing-dagat nang makarinig siya ng ingay, ugong ng paparating na helicopter.
Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa buhangin at tinanaw mula sa malayo ang paparating na helicopter na ilang sandali pa ay maingat na lumapag hindi kalayuan.
Mula sa helicopter ay bumaba si Warden Torres habang hawak nito ang kriminal. Hindi na mabilang kung ilang beses na itong naghatid ng kriminal sa isla ngunit ganoon pa rin ang naabutan, isang madilim at tahimik na isla.
Hindi maintindihan ni Torres kung bakit hindi man lang nilalagyan ng kahit anong ilaw ang lugar. Paano nito malalaman kung sila lang ba ang tao sa paligid o kung may iba pa?
Kakampi ba o kalaban? Mga tanong sa isip na mahirap sagutin dahil sa sobrang dilim ng paligid.
“Kamusta?” ani Marcus mula sa dilim.
Agad na-alerto si Torres at naglabas ng baril. Mahigpit ang kapit at handang iputok ito sa taong nagsalita.
Unti-unti naman nitong naaninag ang papalapit na si Marcus, at sa tulong ng liwanag na nagmumula sa helicopter ay nakilala ni Torres ang papalapit na pigura. Tila gusto na lamang ibato ni Torres ang hawak na baril kay Marcus na may malawak na ngiti sa labi.
“Tang*na mo, Lopelion! Akala ko kung sino na,” ani Torres saka itinago ang baril.
“Ilang beses ka nang nakapunta rito pero hanggang ngayon, nerbiyoso ka pa rin? Tigil-tigilan mo na kasi ang pagkakape,” ani Marcus.
“Ikaw ang tumigil, Lopelion. Kailan mo ba kasi palalagyan ng mga ilaw tong isla? Kulungan ba talaga ang binabantayan mo o nagpaplano kang magtayo ng haunted island?” biro ni Torres.
“Sinadya ko talaga na walang ilaw para takutin ka.”
Ngunit hindi naman ito ang totoong rason ni Marcus. Nais niyang walang makaalam na may itinatagong kulungan sa isla, upang maiwasan na may mang-usisang sibilyan.
Umiling-iling na lang si Torres at hindi na pinatulan ang biro ni Marcus.
Ngunit ang kasama nitong kriminal ay ngumiti, ngiting nakakaloko. Naaaliw kay Marcus at tila iniisip na isang mahina at pipitsuging warden ang sa wakas ay magbabantay. Iniisip nitong makakalaya na siya mula sa kamay ni Torres na walang ibang ginawa kundi pahirapan siya nang palihim.
Hindi na nabigla si Marcus sa ipinapakita ng kriminal dahil ganitong-ganito rin ang ginagawa ng iba kapag bagong dating sa isla. Lahat ng bagong salta sa “Heaven” ay mayabang, akala mo ay sila na ang pinakamalakas at pinakamalalang kriminal na itinapon sa lugar.
Kaya hindi na lamang pinapansin ni Marcus ang kayabangan ng mga ito dahil magbabago rin sila sa paglipas ng mga araw o linggong pananatili sa “Heaven.” Ito ang nagiging resulta kapag nakasama na nila ang iba pang kriminal.
Isang malakas na batok sa ulo ang natanggap ng kriminal mula kay Torres. “Ang lakas ng loob mong ngumiti-ngiti! Hoy! Ikukulong ka at mabubulok dito, tapos kung makaasta, parang akala mo’y ipinasiyal ka lang sa amusement park?”
“Hayaan mo na,” awat ni Marcus, dahil hindi magtatagal ang ngiti ng kriminal sa oras na dumating na siya sa kulungan.
Sandali silang nag-usap ni Torres bago ito tuluyang magpaalam na babalik na sa kabihasnan. Tinanaw ni Marcus ang helicopter na papalayo sa isla, at matapos ay sinuotan ang bagong salta, si Inmate 1030, ng night vision eyeglasses. Dahil sa dilim ng isla ay kinakailangan nitong gumamit ng ganitong kagamitan upang makarating sa “Heaven” nang hindi nahihirapan sa paglalakad.
“Ibang klase! Sigurado ka bang sa kulungan ang bagsak ko? Para kasing magna-night hunt pa muna tayo,” natutuwang komento ng kriminal. Tuwang-tuwa ito habang pinagmamasdan ang paligid gamit ang night vision eyeglasses, at tuluyang nakalimot sa planong tumakas sa isla.
Hindi naman nagkomento si Marcus at tahimik na naglakad sa likod ng kriminal habang hawak ang isang braso nito. Pumasok sila sa loob ng kakahuyan at naglakad ng ilang minuto papunta sa pinakamalaking punong makikita sa isla.
Kakaiba ang naturang puno sa iba dahil may malaking biyak sa ibabang bahagi ng katawan nito na nagsisilbing lagusan papunta sa “Heaven.”
Huminto sa paglalakad ang kriminal nang itulak siya ni Marcus papasok sa lagusan. Inis itong lumingon nang matigilan. “P-pa’nong wala kang suot na…”
Hindi ito makapaniwalang wala man lang suot na night vision si Marcus. Sa sobrang dilim ng lugar ay imposibleng makalakad nang maayos ang sinuman nang walang tulong ng naturang kagamitan.
Ngunit iba si Marcus, na nginitian lang ang kriminal saka muling itinulak ito papasok sa lagusan. Teritoryo niya ang lugar kaya kabisado niya ang lalakaran kahit gaano pa kadilim ang paligid. Siya, at hindi ang mga kriminal na ito, ang dapat nabibigla.
“Ang lalakas ng loob maging kriminal ngunit umaasa sa night vision eyeglasses,” sa isip-isip ni Marcus.
Nang nasa loob na sila ay agad naramdaman ni Marcus na may iba pa silang kasama. Nilanghap niya ang hangin sa paligid at agad niyang nakilala kung sino iyon.
“Hindi ka na dapat sumunod,” aniya kay Yulo, isa sa mga kasamahan niyang warden sa kulungan.
“Sinong kausap mo?” tanong ng kriminal, nagtataka nang biglang magsalita si Marcus.
Sinagot ni Yulo ang tanong ni Marcus na ikinagulat ng kriminal. Noon niya napagtanto na hindi normal ang lugar, lalo na ang mga nakatalagang warden sa naturang kulungan.
Agad naisip ni Inmate 1030 na gawin ang planong tumakas kaya binunggo nito nang malakas ang katabi, sa pag-aakalang si Marcus iyon. Pagkatapos ay kumapa-kapa sa paligid upang hanapin ang labasan, hindi namamalayang nasa likuran lang niya si Marcus.
Sa isang galaw lang ay pinatamaan ni Marcus ang batok ng kriminal na agad nawalan ng malay.
“Ako na ang magbubuhat,” ani Yulo na pinagpagan lang ang brasong binunggo kanina ng kriminal.
Tapos napaka-elagante pa ng pag-reserved ng waiter sa pagkain.She felt really special.“Anong problema? Ayaw mo sa pagkain?” puna ni Marcus nang huminto si Luna at binaba ang kamay na may hawak na kubyertos.“No, it’s just that… hindi ako makapaniwalang ma-i-experience ko ‘tong kasama ka,” kulang at marami pa sana siyang gustong sabihin pero sa sobrang taas ng emosiyong nararamdaman ay hindi na niya alam kung pa'no isasatinig ang nasa isip ng hindi naiiyak.Ngumiti si Marcus. “Kung may gusto kang puntahan, sabihin mo lang at sasamahan kita.”“Kahit out-of-the-country? Underground or under the water?” biro ni Luna upang pagaanin ang atmosphere at para na rin itago ang emosyong nararamdaman dahil sa sobrang tuwa.“Kahit sa outerspace pa,” biro ring tugon ni Marcus sa asawa at napansin pa ang pagsilip ni Artemio mula sa may sulok.Pasimple naman siyang nag-thumbs up dahil sa mabilis na pag-response nito kahit pa biglaan ang request niya. At nag-serve pa ng mamahaling alak para sa kanilan
NAPATINGIN PA SA CELLPHONE si Marcus nang bigla na lamang tinapos ni Scarlette ang tawag. At nagtaka kung bakit tila galit ito?Binaba na lang niya ang cellphone at saka muling hinarap ang team, lalo na si Daniel. Nasa kalagitnaan siya ng break-time nang mag-text ito at sabi’y may ipapakita raw itong video footage. Kaya agad siyang nagtungo.“Ano nga ulit ‘yung gusto mong ipakita?”Hinarap ni Daniel ang laptop kay Marcus at pinakita ang isang video kung saan ay makikitang may dumadaan na sasakyan. At isa nga rito ang kotseng sinakyan ni Ramon na hinabol niya pa no'ng nando'n siya sa Cebu. “Hindi ko pa magawang mapasok ang system sa hotel sa higpit ng security kaya ang kalapit na establishment na lang ang h-in-ack ko at ito nga ang nakuha ko.”Hinawakan ni Marcus ang laptop at ni-replay ang video. “Ito ‘yung kotseng sinakyan ni Ramon,” pahayag niya kaya nagsitinginan ang team.“Sandali't iso-zoom ko para makita ang plate number,” ani Daniel at may kung anong t-ina-ype sa laptop. Ilang s
Ilang ring pa ang narinig niya bago tuluyang nasagot ang tawag. “Hello?”“Bakit?” ani Marcus habang nakalapat ang index-finger sa labi. Pinapatahimik saglit ang mga kasama.Narito siya ngayon sa resort dahil may ipapakita raw si Daniel sa kanyang footage.Si Scarlette naman ay agad na sumimangot. Ni wala man lang ‘hi' or ‘hello'? Basta na lang ‘bakit'?Ang lamig talaga ng pakikitungo ni Marcus sa kanya. Pero ano pa bang bago? Lagi namang gano'n, maliban na lang siguro kapag tungkol na sa asawa nito ang usapan. “’Yung pinag-usapan natin, baka nakakalimutan mo na?” tinumbasan niya ng inis ang walang kabuhay-buhay nitong sagot. “Kailangan ko na ang testimony mo.”“Kailan?”“Ngayon na.”“May inaasikaso pa ‘ko, ipapadala ko na lang sa email mo.”“Hindi ka pwede kahit after work?” Bahagyang humigpit ang hawak ni Scarlette sa cellphone nang mapagtantong nagtutunog demanding na siya para lang makipagkita si Marcus.“Hindi.”“Okay, fine. Isi-send ko na lang sa ‘yo email ko, ipadala mo do'n.” Hi
SA HUMIGIT-KUMULANG na nasa sampung katao na naroon ay tanging si Ramon lang ang makikitang naaaliw sa pinapanuod.Ang mga tauhan na nakabantay sa lugar ay tahimik na napapatingin sa kanya. Ang iba ay naguguluhan sa pagbabagong nakikita sa Amo.Misan lang kasi nila itong makita na masaya. Hindi tuloy nila malaman kung dapat ba nilang ikatuwa ang masayang Ramon o mas lalo silang dapat na matakot. Lalo pa nang marinig ang pigil na halakhak nito. Hindi maiwasan ng ibang tauhan na kilabutan at mag-isip ng masama. Sa tingin nila'y may hatid na delubyo ang tawa ng Amo.Ilang sandali pa’y tinawag ni Ramon ang tauhan at kanang-kamay na si Mr. O.. “Pabalikin mo na ‘tong dalawa—" ang tinutukoy ay sina Alberto at ang kasama nitong lawyer. “Saka, ano sa tingin mo? Convincing ba ang arte ni Alberto?”Tumango naman si Mr. O., bilang pagsang-ayon at saka ginawa ang pinaguutos ng Amo. Pinadalhan niya ng message ang lawyer na kailangan na ng mga itong bumalik.Ilang sandali pa'y muling lumapit si Mr. O
SA OFFICE, habang abala si Luna sa ginagawa ay kumatok si Jenny sa pinto sabay pasok.“Miss Luna, nasa baba si Mr. Alberto Roces.”Tiningnan muna ni Luna ang secretary saka tinigil ang ginagawa. “Anong kailangan? Sinabi mo bang nasa factory ang Chairman?”Tumango si Jenny. “Kaya mga manager lang ho ang naro'n sa baba.”“Bakit, nasa'n ang ilang chief-director? Sumama bang lahat sa factory?”“Ang ilan lang, habang ‘yung iba ay may out-of-town appointment.”Saglit na napaisip si Luna kung ba't biglaan naman ang pagbisita ni Mr. Roces?At itinaon pa talaga na wala ang kanyang Ama na siyang madalas humaharap dito.Kaya tumayo si Luna at nagpasiyang bababa para harapin si Mr. Roces. Pero sa elevator pa lang ay nagkita na sila. Kasama nito ang lawyer na sa tingin niya'y secretary na rin nito.“Luna!” tuwang bati ni Alberto. Nakalahad ang dalawang braso na animo'y yayakapin siya.Bahagya namang yumuko si Luna bilang paggalang. “What a sudden surprise, Mr. Roces. Sayang at hindi kayo nagpang-ab
NALILITO si Fausto sa dapat niyang maging desisiyon. Kung susundin niya si Liliane ay hindi lang si Marcus ang kailangan niyang harapin. Pati na si Luna.At sigurado siyang ipaglalaban ng anak si Marcus.Kung pagbibigyan naman niya ang pakiusap ni Marcus ay mapapasama naman siya sa asawa na baka humantong pa sa pag-aaway. Iisipin nitong kinakampihan niya ang dalawa.Isa pa'y masiyado na siyang abala sa kompanya kaya ang problema sa bahay ay sobra na sa dapat niyang isipin. Kaya kapag nagrereklamo na si Liliane ay tinutulugan na lamang niya para makaiwas.“Fausto—”“’Wag muna ngayon, Liliane. Marami akong ginawa kaya gusto ko ng magpahinga.” Sinadya niyang tumalikod upang hindi ito maharap.“Hahayaan mo na lang ba ang ampon na ‘yun na kunin sa ‘tin si Luna?!”May pumitik na kung ano sa sintido ni Fausto at tuluyan siyang nawalan ng pasensiya. “Walang kinukuha si Marcus! Hindi si Luna o kung ano pa man sa pamamahay na ‘to!”Sa biglaang pagtaas ng boses ni Fausto ay natameme si Liliane. M






