Hanggang ngayon ay pareho kami na tulala ng babae na asawa ko na raw ngayon, na nagngangalang Tamara. Pagkatapos namin marinig ang mga paliwanag ni Stan sa mga nangyari kagabi ay pareho kami na walang maapuhap na salita. Habang ikinukuwento ni Stan ang bagay na iyon ay unti-unti ko rin naaalala nang pahapyaw ang ilan bahagi ng mga pinaggagagawa ko.
Hindi ko pa rin maintindihan kung ano ang pumasok sa isip ko at ginawa ko ang bagay na iyon. Kung bakit ko nagawa na magpakasal sa isang babae na hindi ko kilala at wala ako na kahit na ano na pagkakakilanlan ay hindi ko mawari. Hindi ko alam kung bakit sa kabila ng mataas na pagpapahalaga ko sa salitang kasal ay nagawa ko na magpakasal sa isang babae na hindi ko mahal.
Isa pa sa gumugulo sa akin ngayon ay ang pangako ko sa aking sarili na hindi kailanman makikipaghiwalay kapag ako ay nakasal na. Ang pangako ko na pipilitin ko na ayusin ano man ang problema kaysa sa humanap ng kaligayan sa iba. Ngunit sa estado ngayon, paano na hindi ako makikipaghiwalay?
Ayaw ko man isambulat, pero tama si Stan. Paano ko ngayon malulusutan ang pinasok ko na ito? Paano ako makakawala sa kasal na ito?
Lalo lamang na sumasakit ang ulo ko nang malaman ko ang mga katarantaduhan na pinaggagagawa ko. How can I be that impulsive? Pinag-uusapan lamang namin ni Stan kahapon na wala akong responsibilidad kay Janine nang talikuran ko siya at takasan, pero ito ako ngayon at may responsibilidad na sa isang babae na hindi ko kilala.
"Ano ngayon, mga newlyweds, nahimasmasan na kayo sa mga kalokohan ninyo? Tsk, mukha kayong nalugi na dalawa. Hindi ganyan ang itsura ng bagong kasal. Ano, pinagsisisihan ninyo na ba? Kung magsisisihan kayo, labas ako riyan. Pinapaalala ko lamang sa inyo, na kagabi ay ilang ulit ko kayo na pinigilan sa mga pinaggagagawa ninyo. Pero parehas kayo na ayaw magpapigil, kaya ito ang nangyari, paggising ninyo, voila, kasal na kayo!" Iiling-iling pa siya habang pinipigilan ang mga ngiti sa labi niya na nais kumawala.
Lalo naman ako na naiinis sa mga ngiti na nakikita sa mukha ni Stan. Lintik lang talaga! Ano ba ang katangahan na pumasok sa isip ko?
"Malas nga lang at parehas kayo na lasing na lasing kaya hindi natuloy sa honeymoon ang kasalan. Pero okay lang, marami pa naman kayong araw na pagsasamahan bilang mag-asawa. Hindi ba, Mikel?"
Nagsalubong ang kilay ko at madilim na tingin ang ipinukol ko kay Stan. Alam ko na pinatutungkulan ako ng gago na kaibigan ko, dahil alam niya ang pangako ko sa sarili ko patungkol sa kasal. At ngayon pa niya talaga naisipan na buwisitin ako at ipaalala ang bagay na iyon.
"Ka-kasal kami? Sigurado ka ba na lehitimo ang kasalan na iyon? Pumirma ba ako roon? Baka wala akong pirma kaya hindi totoo ang kasal." Sa kauna-unahan na pagkakataon matapos maikuwento ni Stan ang mga pangyayari, ay ngayon lamang muli nagsalita si Tamara, ang babae na madaldal.
"Legit na legit, misis ni Mikel. Hukom ang tiyuhin ko rito, kaya talagang wala kayong kawala sa pinasok ninyo na kalokohan at pirmadong-pirmado ang mga dokumento kagabi. Biruin mo, nakapirma ka pa bago ang kiss the bride. Parang gustong-gusto mo talaga na maikasal sa kaibigan ko na pogi." biro pa ni Stan. Agad na pinamulahanan ng mukha ang babae sa pang-aasar ng kaibigan ko.
Maya-maya ay bigla na nanlaki ang mga mata niya at agad na napatakip sa kan’yang bibig bago nagtitili. "Kasal na ako! Kasal ako?! Sigurado ba kayo?! I-itong singsing na ito, saan galing ito?" Sunod-sunod na tanong niya sa sobrang lakas na boses niya.
Naningkit naman ang mata ko dahil muli na naman nagising ang pagiging bungangera niya. "Aba, oo sinabi. Kasal na nga kayo at tunay ang singsing na iyan. Sa kakulitan ninyo kagabi, buti na lamang ay may kakilala iyon babae na kasama ko na nagtitinda ng alahas, eh ‘di solve ang problema ninyo sa singsing. Hindi kayo parehas matigil sa kakakulit sa akin na maghanap ng singsing."
"Na-nasasanla ba ito?" tanong pa ni Tamara.
"Oo nga. Legit, puwede isanla. Huwag ka mag-alala sa pambayad niyan, sagot ng mayaman mo na asawa ang lahat. Milyonaryo kaya ‘yan."
"Mi-milyonaryo?"
"Sus! Naman ang hirap mo kausap, asawa ni Mikel. Paulit-ulit ka, may tama ka pa ba? Lasing ka pa yata. Itulog ninyo nga ‘yan nang mawala ang hung-over ninyo pareho."
"Tamara. Tamara ang pangalan ko at hindi asawa ni Mikel." pasimangot na sagot naman niya.
"O siya, Tamara kung Tamara. Tama-ra na ang kakulitan mo, misis-"
"Misis ni Mikel. Ikaw ang mahirap kausap, Stanford." Pagpuputol ni Tamara sa sasabihin ni Stan.
"Stan lang ang pangalan ko, hindi Stanford."
"Walang pakialaman, Stanford. Ikaw nga, ang tawag mo sa akin ay misis ni Mikel." Napailing na lamang ako sa dalawang kaharap ko. Hindi naman mga bata, pero parang mga bata kung magkikilos.
Ito ba ang pinakasalan ko? Baka maaga ako na tumanda nito sa konsumisyon sa babae na ito na hindi ko malaman kung may pagka-isip bata o ano. Parang mas bagay sila ni Stan na magsama.
"Bahala ka na nga. O siya, congrats newlyweds! Dumaan lang ako para siguraduhin na magkakilala na kayo ngayon at hindi kayo nagpapatayan na dalawa." Kumindat pa siya saka dinugtungan ang sinasabi niya. "Patayan sa sarap."
Agad ko na nahawakan ang unan at ibinato iyon kay Stan, at saktong-sakto ang tama noon sa mukha niya.
"The fuck, Mikel!"
"Iyan ang napapala ng matabil na dila mo. Bumalik ka rito mamaya at mag-uusap tayo pagkatapos namin mag-usap ng babae na ito."
"Hoy, mister ko! May pangalan ako ha. Te-teka, nasaan ang palda ko?" Namumula na tanong pa niya na nakaharap kay Stan.
"Hinubad mo pagpasok na pagpasok mo ng kuwarto nang maalimpungatan ka. Akala ko nga ay ready ka na sa honeymoon. Kaso pagkatanggal ng palda, bigla ka na naman hinimatay sa mga bisig ng asawa mo. Hobby mo yata ang magpanggap na hinihimatay para saluhin ka ni Mikel. Ngayon mo kaya subukan na mahimatay at tingnan natin kung saluhin ka pa niyan. Diyan na nga kayo" Pagkasabi no'n ay agad na siya na lumabas ng kuwarto at naiwan kami ni Tamara na tulala pa rin.
Binalot ng katahimikan ang buong kuwarto pagkaalis ni Stan. At laking pasasalamat ko na hindi nagsasalita ang babae na maingay at pinili rin na manahimik muna ngayon. Kailangan ko talaga ng katahimikan upang lubos na makapag-isip kung paano ang gagawin namin dalawa.
Nagtatalo ang isip ko sa mga hakbang na gagawin ko, lalo pa at ayaw ko masira ang pangako ko sa aking sarili. Pero hindi naman kami maaari na manatili na mag-asawa dahil hindi namin kilala ang isa’t-isa. Bukod pa ro’n ay hindi ko naman siya mahal, kaya paano ako mananatili na kasal sa kan’ya? Mas malaking kasalanan ang gagawin ko kung patuloy ko na lolokohin ang sarili ko na makisama sa kan’ya kahit wala akong damdamin para sa kan’ya sa kagustuhan ko lamang na magkaro’n ng katuparan ang pangako na gusto ko tuparin sa aking sarili.
"Kasalanan mo ito eh!" Agad ako na napalingon sa babae nang magsalita siya na may kalakasan ang boses.
"Ano? At paano ko naging kasalanan?" inis na tanong ko.
"Nananahimik naman kasi ako na nakaupo ro’n sa buhanginan kung hindi ka lang nanggulo at umeksena eh ‘di sana pareho tayo na walang problema ngayon."
"Kung hindi ka kasi umatungal do’n na pagkalakas-lakas habang malalim ako na nag-iisip hindi sana kita pupuntahan. Malay ko ba kung ano ang nangyayari sa’yo. Kung makasigaw at iyak ka parang may nanghaharas sa iyo, tapos ngayon, kasalanan ko?" Inis na inis ako sa babae na ito para isisi sa akin ang lahat ng mga nangyari kagabi.
"Paano ngayon ang gagawin natin, ha? Bakit naman kasi sa dinami-rami ng lugar, do’n mo pa naisipan na pumunta? Ang laki-laki naman ng tabing-dagat, pero pinili mo pa talaga ro’n sa malapit sa akin."
Napahimas na lang ako sa ulo ko. Pinipigilan ko ang galit na nais kumawala sa akin dahil sa babaeng ito. "Hoy, Miss.-"
Agad niya na pinutol ang sasabihin ko kasabay na may kasama pa na pagduro ng mga daliri niya sa akin. "Hoy! Mister ko, Tamara ang pangalan ko. Hindi hoy at hindi miss. Misis. Misis mo na ako."
"Alam mo sumasakit ang ulo ko sa’yo lalo. Ganito ka ba talaga kahirap kausap ha?"
"Mas lalo na sumasakit ang ulo ko sa’yo. Nagpunta ako rito sa Mindoro para tumakas sa isang kasal hindi para magpakasal."
Napasulyap ako sa kan’ya sa mga sinabi niya. Tumakas siya sa isang kasal? Ibig sabihin ay nakatakda na rin siya na magpakasal?
"Naku naman, ano ba itong gulo na napasok ko? Hindi ko pa nga alam kung paano masosolusyunan ang pagtakas ko, ngayon ay ibang problema naman. Ang galing mo talaga, Tamara. Kotang-kota ka na sa pagsalo ng mga problema sa mundo." Dire-diretso na sabi pa niya habang kausap ang sarili niya. Ngayon ay halata na ang pamomroblema niya sa mga nangyari sa amin.
"Maghiwalay tayo." tipid na sabi ko sa kan’ya.
Mabilis siya na lumingon sa direksyon ko, mas lalo ang gulat na rumehistro sa mata niya. "Agad-agad hiwalay? Gano’n lang iyon?" mataray na sagot niya.
"Oo. Lagay naman na manatili tayo na kasal? Mas lalo na hindi puwede iyon. Hindi tayo puwede na patuloy na maging mag-asawa. Hindi nga natin kilala ang isa’t-isa."
"Hoy, mister ko. Hindi man ako kasing yaman mo, may talino naman ako. Hindi ko nga lang nagamit ang utak ko kagabi nang pumayag ako na makasal sa iyo dahil lasing ako. Pero para sabihin ko sa’yo, unang-una walang divorce rito sa Pilipinas. Annulment lang ang mayroon, at isa pa, wala akong pera para roon. Pangalawa, para magkaroon ng annulment kailangan ng sapat na grounds o rason kung bakit gugustuhin ng mag-asawa na maghiwalay. Puwes, ano ang magiging grounds natin?" mahabang litanya pa niya sa akin.
Agad ako na napaisip sa mga sinabi niya. May punto siya. Kailangan namin makaisip ng dahilan para ipa-annul ang kasal namin. Hmm, may talino naman nga siya na taglay. Sana nga lang ay ginamit niya iyon kagabi para hindi kami pareho na nakompromiso ngayon.
"Eh kung sabihin natin na parehas tayo na lasing nang magpakasal tayo?" tanong ko sa kan'ya.
"Kusang-loob ka na pumirma sa marriage contract, hindi ba? Sa tingin mo, papayag ang hukom na ipawalang-bisa ang kasal dahil sa sinasabi mo na lasing ka? Kahit lasing ka hindi ka naman pinilit na pumirma."
Hindi ko alam kung paano ito lulusutan. Bakit naman sa dami ng pagkakataon na puwede ako maging impulsive, ay sa pagpapakasal ko pa ginawa iyon? Wala na rin ako na maisip na iba pa na paraan ngayon kung hindi ang bayaran ang tiyuhin ni Stan upang ipawalang-bisa ang kasal namin. At iyon ay kung mapapapayag ko siya.
"Hindi ko alam. Hindi ko alam kung ano ang gagawin." Muli na naman siya na natahimik. Nang lingunin ko ay pinaiikot-ikot lamang niya ang singsing na nakasuot pa rin sa kan’yang mga daliri.
Mataman ko lamang siya na pinagmamasdan. Ano pa kaya ang mabigat na problema na tinakasan ni Tamara bukod sa ang ayaw niya na maikasal sa lalaki na hindi niya gusto? Naisip ko na kung tutuusin ay mas mabigat ang problema na kinakaharap niya kung ang tinakasan niya ay ang kasunduan ng pagpapakasal.
Nakakatawa isipin na siya ay pumunta rito upang takasan ang kasunduan ng kasal. Ako naman ay napadpad rito upang takasan ang sakit na idinulot sa akin ng babae na nakatakda ko na pakasalan. Pareho kami na may tinakasan, pero kami pa ang naisipan na pagtagpuin ng tadhana.
"Tamara, makinig ka. Hindi natin puwede na ipagpatuloy ito. Alam natin pareho na mali ang ginawa natin kagabi. Hindi ko alam kung paano tayo umabot sa punto na iyon nang pagpapakasal, pero hindi tayo maaari na manatili na kasal."
Hindi siya sumagot sa mga sinabi ko at patuloy lamang siya na nakatingin sa singsing. Hindi ko alam ano ang mayroon sa singsing na iyon at lagi na naro’n ang kan’yang atensyon.
"Bakit ba kasi nalasing ako? Bakit ba kasi napunta sa kasalan ang inuman? Sinasabi ko na nga ba eh. Mali talaga. Maling-mali ang ginawa ko na pag-alis. Pero kung hindi ko iyon ginawa, mas lalo akong magkakaproblema." Patuloy lamang niya na kinakausap ang kan’yang sarili.
Makalipas ang ilang minuto ay humarap siya sa akin, bumuntong-hininga at muli na nagsalita. "Sige, maghiwalay tayo. Tapusin na natin ang kasal na ito."
Maraming salamat po sa lahat ng suporta na ibinigay ninyo sa story ko na ito. Ito pa ay entry ko sa MBL contest ni GNPH. Kahit hindi po nanalo sa contest sapat na ang may mga nagbasa at sana po ay nagustuhan ninyo. Hindi perfect ang mga stories ko and I still have a long way to go, but the support that you are giving me warms my heart. Muli, maraming, maraming salamat sa suporta. Hanggang sa susunod po na kuwento. Pa-add din sa library ninyo and pa-support din po sa iba ko na story kay GN. The Invisible Love of Billionaire (Completed) My Back-up Boyfriend is a Mafia Boss (On-going) The Rise of the Fallen Ex-Wife (On-going) Falling for the Replacement Mistress (On-going)
Mikel Lucero and Tamara Ilustre had both never had a good and fulfilling family life. Pareho sila na pinagkaitan ng tadhana na maranasan ang isang masaya at tunay na pamilya. But that was before. Dahil ngayon ay binawi naman ng tadhana ang lahat ng paghihirap na ibinigay sa kanila noon. At bawing-bawi sila sa kasiyahan sa buhay pamilya na mayro’n silang dalawa ngayon. Hindi nila akalain na ang mga problema na tinakbuhan nila ay ang siya rin na magiging dahilan upang magtagpo at magbuklod ang mga landas nila. They were both tested on how far they could hold on to a fake relationship that they had started. And looking back, it started out as a fake marriage, but the emotions and feelings they both felt all throughout their married life were actually genuine. At paulit-ulit nila na ipaparamdam sa isa’t-isa, na kahit isang pagkakamali ang pagsisimula nila, patuloy rin iyon na magiging isang pinakamaganda na pagkakamali sa buhay nilang dalawa. Mikel ran away from problems, but he met and
The Lucero’s. That’s what we are. Kahapon lamang ay natapos na ang binyag ni Mirakel at pormal na rin namin siya na ipinakilala ni Tamara sa aming mga kapamilya at kaibigan. It was a joyous event that was shared with those special to us. Bidang-bida sa okasyon na iyon siyempre ang aming prinsesa na si Mira. It has been three months since our little princess was born. At sa loob ng tatlong buwan na iyon ay sinigurado ko na katulong ako ni Tamara sa bawat paghihirap at pagpupuyat niya. It was never easy for her, lalo na at breastfeeding mom siya, kaya lahat ng kaya ko na suporta ay ibinibigay ko sa kan’ya. Tamara and I are still slowly adjusting to being parents. A tough but very fulfilling job at that. And I wouldn’t trade it for anything in the world. At ipinapangako ko, I wouldn’t be anywhere near what my father is. Ang buong buhay ko ay ilalaan ko para sa mag-ina ko at sa iba pa namin na magiging anak sa hinaharap. Slowly now, the broken pieces of my life are being restored. At
"Diane, nasa opisina niya ba ang magaling na amo mo?" tanong ni Wyatt sa sekretarya ni Mikel na si Diane. "Ay, Sir Wyatt, oo, kadarating lang, pero aalis din agad at kukunin lang daw niya ang ilang mga dokumento na hindi nadala ni Sir Stan sa kanila kahapon." Inginuso pa nito ang direksyon ng opisina kay Wyatt. Tumango naman si Wyatt at isinenyas sa sekretarya na pupuntahan na niya. "Pasok na ako." "Huwag mo painitin ang ulo, Sir Wyatt, ha, good mood siya." "Ikaw talaga, Diane." Kumindat pa si Wyatt saka nagdiretso sa opisina ng pinsan niya. Hindi na siya kumatok pa at basta na lamang na pumasok sa silid. At doon ay naabutan niya si Mikel na nakasandal sa upuan nito at nakapikit. "You look exhausted. Sino ang pumagod sa’yo, ang reyna o ang prinsesa mo?" Dumilat si Mikel nang marinig ang boses ni Wyatt. "Ano ang ginagawa mo rito?" Balik-tanong niya na hindi na sinagot ang nauna na tanong ni Wyatt sa kan'ya. "To talk to you." Maangas na sagot ni Wyatt sa kan’ya na lumakad at umupo
Palakad-lakad sa pasilyo ng ospital si Mikel. Hindi siya mapakali sa kaka-isip sa kan’yang mag-ina. Kanina pa naipasok si Tamara sa loob at ang sabi ng doktora na maghintay na lamang siya. At sa totoo lamang ay sobra ang kaba niya ngayon. Not for himself but for his wife. Ganito pala ang kaba na nararamdaman ng mga asawa at ang halo-halo na emosyon na lumulukob sa kan’ya ngayon ay hindi niya talaga maipaliwanag. "Everything is going to be okay, Mikel." Lumapit sa kan’ya si Wyatt at tinapik pa siya sa balikat. Si Wyatt ang una na natawagan ni manang kanina na agad din na napasugod sa ospital nang malaman na manganganak na nga si Tamara. "She is a strong woman. She is well prepared for this." "It just feels so surreal that she is coming." sagot na lamang niya, dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin niya talaga mapaniwalaan na lalabas na ang anak niya. "I’ve prepared for this day. Pero kanina, wala sa mga kahit na ano na plano ko ang nagawa ko, dahil sa pagkataranta ko. And everything I
Mahimbing na ang tulog ni Tamara nang pumasok si Mikel sa kanilang silid. Naging abala kasi siya matapos nila na maghapunan sa inaayos niya na gamit sa silid ng kanilang prinsesa. At dala marahil ng pagod dahil sa pamimili nila ni Tamara ng mga gamit ng bata kanina, ay hindi na siya nahintay pa ng asawa niya. Napangiti na lamang si Mikel na marahan na lumapit at tumabi kay Tamara. Wala sa kanilang plano ang magtungo sa mall at mamili, pero ano nga ba ang aasahan niya sa kan’yang asawa na lagi ay walang kaplano-plano at lahat ay dinaraan sa pabigla-bigla. Aba’y, kahit nga ang kasal nila noon ay naging pabigla-bigla, pero hindi niya na iyon pinagsisisihan pa sa ngayon. Itinawag pa nga niya sa doktora ni Tamara kung puwede pa ba na mamasyal at maglakad-lakad ang asawa niya, na sinang-ayunan naman ng doktora nila upang mas maging madali raw ang panganganak nito at hindi gaano na mahirapan. At kitang-kita niya ang saya ni Tamara kanina habang sila ay namimili. Inilibot niya ang kan’ya