Share

Kabanata 4

Maagang nagising si Davina, naabutan niya naman na sa kusina si Caspian at abala itong nagluluto. Seryoso pala talaga itong wala man lang siyang katulong. Siya ang nagluluto? Paano kapag nalate siya umuwi?

“Get ready, we’re going to your family’s house. You’re going to introduce me as your husband.”

“Gago ka ba? Sa tingin mo ganun lang kadali?” inis na saad ni Davina, wala na lang yatang araw na hindi siya ininis ng lalaking ito. “Kapag ginawa ko yun mapapatay tayo ng Daddy ko!”

“Then I don’t care, kill me if he want.”

“Ugh! You don’t know my Dad! Hindi mo alam ang kaya niyang gawin.” Halos gusto ng sabunutan ni Davina ang sarili niya dahil sa tigas ng ulo ni Caspian. Malamang, wala siyang katatakutan dahil hindi niya naman talaga kilala ang ama nito. Nanginginig na nga si Davina dahil sa takot eh.

“At sa tingin mo matutuwa siya kapag nalaman pa niya sa ibang tao? I will broadcast about our marriage woman, either you like it or not we’re going to your family’s house. Mag-ayos ka kung ayaw mong hilain kita ng ganiyan ang itsura palabas ng bahay ko.” maawtoridad niyang wika, gusto niya ng batukan si Caspian. Hindi niya akalain na sa isang iglap lang may tao ng komokontrol sa kaniya. Iyun pa naman ang pinakang ayaw niya sa lahat, ang kontrolin siya sa lahat ng desisyon at gagawin niya.

“Damn you, Caspian Sanchez.” May diin niyang aniya pero nginisian lang siya ni Caspian.

“Hate me if you want but you can’t do nothing being my wife. Let’s eat kung ayaw mong gutumin kita ng isang linggo dito.” aniya saka naupo na sa pwesto niya saka at nag-umpisang kumain. Ang inakalang magandang bakasyon ni Davina ay naging disaster dahil lang sa lintik na kasal na ‘to.

Wala siyang nagawa kundi ang umupo sa tabi ni Caspian, pakiramdam niya kasi totohanin niya ang sinabi niya. Hindi siya kumain kagabi dahil sa inis niya sa lalaking nagnakaw ng halik sa kaniya. Sinamaan niya ng tingin si Caspian kahit na hindi ito nakatingin sa kaniya.

Nang matapos na kumain si Caspian ay dumiretso na siya sa banyo ng kwarto niya. Naiwan naman si Davina para linisin ang pinagkainan nilang dalawa. Matapos niya ay naligo na rin siya, ayaw niya namang magpakita o humarap sa magulang niyang ganun ang itsura niya, magulo at nakasuot lang siya ng loose shirt.

“I really hate that asshole, what is he? A soldier? He’s treating me as his assistant like a soldier under his command? Damn you Sanchez!” ilang beses niya ng pinapatay sa isipan niya si Caspian at kung nakamamatay lang talaga ang pagmumura baka malamig na ito sa loob ng kabaong. Kinuha niya na ang cellphone niya, ang tanging gamit na naisama niya ng maging runway bride siya.

Bumaba na siya at salubong na ang mga kilay ni Caspian na naghihintay sa kaniya.

“What take you so long? I hate waiting.” Malamig nitong saad pero inirapan lang siya ni Davina at nauna nang lumabas ng bahay. “Don’t you dare to turn your back from me woman, you will not like it if I get mad.”

“Magalit ka lang, wala akong pakialam. Fuck your madness!” mataray nitong saad saka isinuot ang sunglass niya. Napaigting ang panga ni Caspian dahil kakaiba ang babaeng ito, walang pakialam sa lahat ng bagay at tila walang kinatatakutan.

Prente siyang naupo sa likuran ng kotse ni Caspian.

“What do you think about me? a driver? Seat beside me, huwag mo akong punuan.” May diin niya ng wika pero nginisian lang siya ni Davina.

“Oh, well yes, you look like a driver. At ang magandang katulad ko hindi tumatabi sa katulad mo. Ngayon, kung gusto mong pumunta pa tayo sa bahay, maupo ka na, paandarin mo na ang sasakyan mo at pumunta na tayo. Hindi yung puro ka pa dada diyan! Let’s go!” naikuyom ni Caspian ang kamao niya, ayaw na ayaw niyang inuutusan siya at sinisigawan.

Sa inis niya ay binuksan niya ang pintuan kay Davina at sapilitang binuhat si Davina.

“Put me down! You jerk! Oh fuck you to the hell!” sigaw pa ni Davina, isinakay na siya ni Caspian sa front seat saka niya iyun inilock. Pareho na silang nag-aapoy ngayon sa galit. Sagad na sagad na ang pagpipigil ni Caspian knowing him na maliit lang ang pasensya.

Pabagsak niyang isinarado ang pintuan niya saka niya mabilis na pinatakbo ang sasakyan na akala mo nakikipag-unahan sila sa marathon.

“Oh nice, pakamatay ka.” iyun lang sinabi ni Davina saka niya inirapan si Caspian na bakas na ang inis sa mukha. Hindi niya alintana ang mabilis na patakbo ng sasakyan. Pinagkrus niya lang ang kamay niya sa dibdib, bahala si Caspian na hanapin na mag-isa ang bahay nila.

Makalipas ang ilang minuto ay huminto na silang dalawa. Tiningnan ni Davina ang paligid niya saka itinuon uli sa harapan ang paningin niya pero naalis niya kaagad ang suot niyang sunglass saka muling tumingin sa paligid nila.

“Oh damn.” Mahina niyang aniya ng marealize niya kung nasan na silang dalawa. Sinundan niya ng tingin si Caspian nang bumaba ito, pinagbuksan siya ng pintuan at hindi alam ni Davina kung bababa ba siya o babalik na lang silang dalawa.

“How do you know our house? Stalker ka ba?” tanong niya rito.

“Just get down,” nagpipigil na naman siya ng galit niya. Ayaw niya sa mabagal ang kilos. Bumaba na si Davina at gusto niya ng bumalik, parang ayaw niya ng tumuloy. Baka hindi na makalabas ng buhay si Caspian dito, nagkasala pa siya.

“Bumalik na tayo,”

“No, we’re going to meet your parents now, now Davina.”

“Pero hindi mo sila kilala, baka kung anong gawin nila sayo.” gusto niyang ipaliwanag ng maayos pero maging siya ay naguguluhan at hindi alam kung paano ba sasabihin kay Caspian ang pagkatao ng ama.

“Kaya nga tayo nagpunta rito para makilala ko diba? Let’s go.” Akmang babalik sana si Davina sa loob ng kotse ng hilain siya ni Caspian at binuhat na tila isang sako saka sila nagtungo ng gate. Ibinaba niya na lang ito ng mapansin na sila ng gwardya.

“Ma’am Davina? Naku Ma’am, pasok po kayo.” Mabilis na binuksan ng guard ang malaki nilang gate. Inis na hinampas ni Davina si Caspian, bahala na siya sa buhay niya. Siya itong nagpumilit na pumasok sa bahay nila. “San po ba kayo galing? Galit na galit ang Daddy niyo. Hindi ko alam kung tama bang magpakita na po kayo ngayon gayong galit na galit pa rin siya.” nag-aalalang wika ng guard pero wala na rin naman ng choice si Davina.

“Baka mas lalo lang siyang magalit sakin Manong kapag nagtago pa ako. I had no choice but to face his anger. Baka itakwil niya na ako.” wika niya, nakasunod lang naman sa kanila si Caspian na salubong ang mga kilay. Inihatid sila ng guard hanggang sa harap lang ng pintuan at nag-aalalang nakatingin kay Davina.

“Sige iha, mabuti pa ngang kausapin mo na lang ang Daddy mo.” tumango na lang si Davina saka siya humugot ng malalim na buntong hininga. Nangangatog na ang tuhod niya pero kailangan niyang maging malakas dahil ayaw niyang kontrolin na lang siya ng Daddy niya sa buhay niya lalo na sa private life niya.

“Find her now! Walang titigil hangga’t hindi siya nakikita. Ikaw Kenzo! Find your bride!” rinig niyang sigaw ng Daddy niya, napalunok siya. Napatingin na sa kanila si Kenzo ang Mommy niya.

“Iha,” punong-punong pag-aalalang wika ng kaniyang ina, naagaw ang atensyon ni Don Flores kaya lumingon siya sa likuran niya. Halos hingalin siya dahil sa nararamdaman niyang galit sa anak.

“Why did you do that?! Ipinahiya mo ako sa harap ng maraming tao Davina!” sigaw niya, alalang-alala na ang kaniyang ina dahil baka mapagbuhatan si Davina ng kamay ng kaniyang ama.

“Dad, buong buhay ko sumunod ako sa gusto mo. I make you proud kahit na ang hirap hirap abutin ng standard mo. Ito lang naman yung hinihiling ko eh, huwag niyo naman na po sanang pakialamanan ang personal kong buhay. Hinayaan ko kayong magdesisyon para sa’kin pero sana pagdating sa pag-aasawa ko hayaan niyo namang ako ang magdesisyon at mamili. Ako ang makikisama sa kaniya eh, kami ang bubuo ng pamilya namin at hindi kayo Dad.” Nakikiusap niya ng saad.

“At sinong nagsabi sayong ikaw ang gagawa nun? Inilalagay lang kita sa magandang kinabukasan Davina! Gusto ko kapag iniwan ko na ang mundong ito nasa maginhawa at masaya kang pamilya.”

“Masaya? Matatawag mong masaya kung pinilit niyo lang sa’kin ang kasal? Dad huwag niyo naman akong madaliin sa ganitong bagay. Baka nga dumating lang ang tamang panahon at matututunan kong mahalin si Kenzo pero huwag naman ngayon na ipipilit natin.”

“Bakit kailangan mo pang maghintay kung pwede mo naman siyang pag-aralan na mahalin habang mag-asawa kayo.” Sarado talaga ang isip ng kaniyang ama, ayaw niya ng hindi siya sinusunod at ayaw niya ng kinokontra siya sa lahat ng gusto niya.

“Dad, hindi mo maintindihan eh.” Halos maiyak ng paliwanag ni Davina dahil kahit ano yatang gawin niya hindi siya pakikinggan ng sarili niyang ama.

“Maiintindihan ko kung pakakasalan mo si Kenzo, itutuloy natin ang kasal ninyong dalawa as soon as possible and don’t you dare to run away again Davina dahil makikita mo ang tunay kong galit.” Nabaling ang atensyon nilang lahat kay Caspian ng humarang siya sa harapan ni Davina. “And who are you? Sino ka para pumasok sa pamamahay ko?”

Humarang din si Davina sa harapan ni Caspian at inilingan ito, hindi niya kayang maamin sa pamilya niya ang ginawa niya dahil baka kasuklaman na siya ng mga ito at itakwil sa pamilya nila kahit na nag-iisa siyang anak.

“Dad, hayaan niyo muna akong pag-isipan ang lahat. Hindi natin kailangang magmadali.” Aniya.

“What? pag-iisapan mo pa? Davina, bakit kailangan mo pang pag-isipan kung hindi mo mahal ang lalaking pilit na ipinapakasal sayo?” singit ni Caspian.

“At sino ka naman para lasunin ang isipan ng anak ko? Guard?! Paano ba nakapasok ang lalaking ito sa pamamahay ko?!”

“Who I am? I’m Davina’s husband at bakit kailangan niyong ipilit ang asawa kong ipakasal sa lalaking gusto niyo? Nagpunta kami rito para ayusin ito at ng hindi na nagtatago si Davina. Davina, please tell them the truth.” Maawtoridad niyang wika pero hilaw na tumawa si Don Flores.

“Asawa? She just run away on her own wedding nitong mga nakaraang araw, tapos ikaw? Asawa? Are you crazy? Mag-ingat ingat ka sa sinasabi mo bata dahil baka hindi ka makalabas dito ng buhay.”

“Gawin niyo ang gusto niyong gawin Sir but Davina is my wife. Here, this is the Xerox of our marriage contract.” Pabagsak na ibinaba ni Caspian ang isang papel pero hindi iyun tiningnan ni Don Flores.

“Davina, tell me that he is lying.” Pilit na kinakalma ni Don Flores ang sarili niya. Nakayuko si Davina at dahan-dahan na tumango. Mapait namang napangiti si Kenzo.

“Hindi ka pwedeng ikasal sa iba! Ano bang pumasok sa isip mong bata ka?! Sabihin mo sa’king hindi mo siya asawa, Davina!”

“I’m sorry Dad, I’m really sorry. Hindi ko gustong hindi kayo sundin pero gusto ko ako ang pipili ng buhay ko.” umiiyak niya ng wika, napahawak na lang sa dibdib niya si Don Flores at hilaw na tumatawa.

“Rommel,” tawag ng ina ni Davina sa kaniyang asawa. Bakas na bakas na sa kaniya ang galit at nanlilisik na rin ang mga mata niyang nakatingin kay Davina at Caspian. Mabilis niyang hinugot ang baril ng kasamahan ni Kenzo saka pinaputukan sina Davina subalit mas mabilis ang kilos ni Caspian at mabilis na nahila si Davina para magtago sa likod ng lamesa.

“Rommel, anak mo pa rin si Davina! Ano ba! ibaba mo ang baril mo! mapapatay mo ang anak mo, pakiusap!” sigaw ng ina ni Davina pero tila walang naririnig si Don Flores.

“Damn, is he really serious to kill you? Sarili ka niyang anak.” anas ni Caspian habang yakap yakap si Davina.

“Hindi ako nagkaroon ng anak na katulad mo. Huwag na huwag ka ng babalik sa pamamahay ko at simula ngayon itinatakwil na kita bilang anak ko! Wala na akong anak na katulad mo, nakakahiya ka!” patuloy niyang sigaw.

“Sir, tama na po baka tamaan niyo si Davina.” Awat na ni Kenzo kay Don Flores. Nang tumigil ang pagputok ng baril ay mabilis na inilabas ni Caspian si Davina.

“Ikaw na lalaki ka, papatayin kita!!” pahabol pa niyang sigaw, mabilis na binuksan ni kuyang guard ang gate para makalabas kaagad sina Davina.

“Umalis na kayo kaagad iha, huwag mo ng salubungin ang galit ng Daddy mo. Alis na!” aniya nang makalabas sina Davina ay mabilis niyang isinarado ang gate at inilock ito dahil nandiyan na ang ama ni Davina at may dala-dala na namang baril.

Mabilis siyang inilayo ni Caspian sa bahay nila. Hindi siya makapaniwalang kayang paputukan ng isang ama ang anak niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status