Hindi alam ni Davina kung ano ang ihaharap niya sa Daddy niya pagkatapos ng ginawa niya. Siguro maiintindihan pa ni Kenzo dahil matagal niya ng ipinaliwanag sa binata na hindi pa siya handa sa buhay may asawa.
“Damn it!” hindi mapakali si Davina sa kinahihigaan niya, mag-isa niya lang sa bahay at hindi sigurado kung kailan ang balik ng bakulaw niyang napangasawa.
“Ugh! My worst day ever!” inis niyang ibinato ang hawak niyang unan. Gusto niya lang namang tumakas sa kasal na ayaw niya tapos ang ending? Ikinasal sa lalaking lalong hindi niya kilala. Nag-iisip na siya kung paano ba niya ipapaliwanag ang lahat, kilala pa naman niya ang Daddy niya kung magalit. Kahit na anak siya nito ay wala siyang pakialam, once na kinontra mo siya humanda ka na.
Napatingin si Davina sa entrance ng may maramdaman siya, malakas ang pakiramdam niya. Kinuha niya ang vase na nasa ibabaw ng lamesa para kung sakaling nandiyan nga ang mga sinasabi ni Caspian, makakapaghanda siya. Dahan-dahan siyang naglakad patungong pintuan saka nagtago sa gilid, palapit na nang palapit ang yabag ng kung sino man papasok sa loob.
Mahigpit ang pagkakahawak niya sa vase at nang tuluyan na itong nakapasok ay mabilis siyang kumilos.
“Oh damn it!” sigaw ni Davina ng makita niyang babae ang pumasok, mabuti na lamang at napigilan pa niya ang sarili niyang hindi ito ipukpok sa ulo ng babae. Sa gulat din ng babaeng pumasok ay mabilis niyang kinuha sa tagiliran ang baril niya kaya nabitawan ni Davina ang hawak niyang vase at itinaas ang dalawa niyang kamay.
“Who are you?! What are you doing here?” tanong ng babaeng pumasok, napataas naman ang kilay ni Davina pero nanatiling nakataas ang mga kamay niya.
“Ako? hindi ba dapat at ako ang magtanong niyan sayo? Who are you and what are you doing here?” mataray na tanong ni Davina pero hilaw lang na natawa ang babae.
“Are you a thief?”
“Bakit ba ikaw itong tanong nang tanong, ikaw itong pumasok dito sa loob ng bahay na ‘to!”
“Kaibigan ako ng may-ari ng bahay na ‘to. Kapag hindi ka pa sumagot ng maayos hindi ako magdadalawang isip na iputok sayo itong hawak ko.” pananakot niya pero tila walang pakialam si Davina.
“Kaibigan ka lang pala eh.” Ibinaba na ni Davina ang kamay niya saka naglakad patungong sofa, nakasunod naman sa kaniya ang babae habang nakatutok pa rin ang baril kay Davina. “Asawa ako ni Caspian, marunong ka namang kumatok diba? Hindi yung dahan-dahan ka pang naglalakad.”
“Asawa?” hilaw na natawa ang babae, “Wala pang asawa si Caspian, anong pinagsasabi mo?” pinagkrus lang ni Davina ang binti niya at walang pakialam sa nguso ng baril na nakatutok sa kaniya.
“Why don’t you call him para malaman mo? Kaibigan ka diba? edi tawagan mo.” kibit balikat pa niyang aniya, salubong na ang kilay ng babae dahil matagal niya ng kilala si Caspian at wala pa itong asawa. Ayaw niyang maniwala sa babaeng kausap niya dahil kung may babae mang nagpapaibig na kay Caspian ay sila ang unang makakaalam.
Nagtataka pang tiningnan ni Davina ang baril na hawak ng babaeng ito, kaibigan lang? pero para saan ang hawak pa nitong baril? Pakiramdam niya tuloy, hindi basta basta ang babaeng nasa harapan niya. Base sa paghawak ng baril nito, alam mong mahusay siya sa larangang ito.
Kinuha ng babae ang cellphone niya at di-nial ang phone number ni Caspian pero nakailang ring na siya ay hindi pa rin sumasagot si Caspian. Napairap na lang si Davina saka kinuha ang cellphone niya at siya ang tumawag kay Caspian. Nakakaisang ring pa lang siya nang sagutin na ang tawag kaya mas lalong napakunot ang noo ng babae.
Ni-loud speaker pa ni Davina para rinig nilang dalawa.
“May kailangan ka ba?”
“Wala akong kailangan pero itong babaeng ito, baka meron.” Nagsalubong pa ang mga kilay ni Caspian dahil hindi niya alam kung sino ang tinutukoy ni Davina.
“Cas, this is me. Sophia,”
“Oh God Sophia! What are you doing there?! Put your gun down, put it down now!” sigaw niya kahit na hindi niya nakikita si Sophia pero kilala niya na ito, hindi ito nagdadalawang isip palagi na ilabas at itutok ang baril niya sa taong hindi niya kilala.
“Who is she? Do you know her?” hindi niya pinansin ang sinabi ni Caspian, napahilot na lang si Caspian sa sintido niya dahil alam niyang maaaring magtaka si Davina lalo na at may baril na hawak si Sophia.
“She’s my wife, don’t you dare to point your gun at her Sophia, you know me.” may banta niya ng saad, wala namang nagawa si Sophia kundi ang ibaba ang baril niya. Blangko lang na nakatingin sa kaniya si Davina na walang pakialam.
“I guess, it’s okay now. I’ll end the call now.”
“I’ll be there later, wait for me.” pahabol pa ni Caspian pero pinatay na ni Davina ang tawag. Nagtiim ang bagang ni Sophia dahil sa pakikitungo at ang paraan ng pakikipag-usap ni Davina kay Caspian. Walang sinuman ang nakangahas na gawin iyun kay Caspian dahil iginagalang siya ng lahat.
“Maupo ka baka mangalay ka niyan. Do you want snack? Cookies, juice? Or you prefer desserts? What do you want?” casual na tanong ni Davina pero nanatiling nakakunot ang noo ni Sophia. Kailan pa nagkaasawa ang Boss nila? Kung sabagay, ano pa nga bang ipagtataka niya gayong mahilig itong magtago ng sekreto.
“Cookies and juice will be okay.” Sagot niya saka naupo, nang tumayo si Davina ay sinundan pa niya ito ng tingin at pinasadahan ng tingin ang kabuuan ni Davina. Napapataas na lang ang kilay ni Sophia, ano bang nagustuhan ni Caspian sa kaniya? Kailan pa naging maging mahilig sa babaeng mahina si Caspian gayong mas mahilig siya sa babaeng palaban at kayang protektahan ang sarili.
Napaismid na lang siya, kung pagandahin lang din naman ay may laban si Sophia. Napairap na lang si Sophia, ang tagal ng nakakasama ni Caspian si Sophia pero hindi man lang ito ang napansin niya.
“Here, tinawagan mo na lang sana si Caspian bago ka nagpunta rito para hindi nasayang ang oras mo.” ibinaba niya na ang tray na naglalaman ng meryenda.
“Kailan pa ikinasal si Caspian? Sa pagkakaalam ko ay wala naman siyang girlfriend.” mapait na wika ni Sophia saka sumimsim ng juice.
“Kahapon lang, hindi namn siguro lahat ng bagay alam dapat ng kaibigan diba?” simpleng sagot niya pero napipiluhan si Sophia, para bang napakasarkastiko nitong sumagot at hindi iyun nagugustuhan ni Sophia.
“Saang kalye ka niya naman napulot?” napapairap na lang si Sophia dahil hindi niya matanggap na ang taong matagal niya ng nagugustuhan ay bigla na lang ikinasal sa babaeng hindi niya man lang nakikilala kahit minsan.
Bahagyang natawa si Davina, mabait siya pero kapag tinarayan siya ng kausap niya mas masasaksihan mo ang katarayan niya.
“Bakit hindi ang kaibigan mo ang tanungin mo? Much better diba? Mas makukuha mo ang sagot na gusto mo. Ano bang balak mong gawin dito? This is Caspian’s house, he’s a man and you’re a woman. Do you like my husband?” kahit nasusuka na si Davina sa pagbanggit niya na asawa niya ang lalaking bigla na lang siyang pinakasalan.
Napahigpit ang pagkakahawak ni Sophia sa baso, maayos naman ang pagkakatanong sa kaniya ni Davina pero tila ba nag-iiba iyun sa pandinig niya.
“Anyway, I’m Davina. Davina Sanchez. Nice to meet you Sophia.” Nakangiti niyang pagpapakilala. Sabay pa silang napatingin sa pintuan nang bigla itong bumukas at iniluwa si Caspian na hingal na hingal pa.
“Sophia, what are you doing here? You should call me first bago ka nagpunta rito.” umikot na lang ang mga mata ni Sophia dahil halata namang nagmadaling umuwi si Caspian.
“Ganun na lang ba talaga ang takot mong may magawa ako sa asawa mo? ganun ba ako kasama para pag-isipan mo Caspian? Tinutok ko lang sa kaniya ang baril—“
“You pointed your gun at her? What do you think you’re thinking? Sophia!”
“Malay ko ba na asawa mo pala yan o magnanakaw! Hindi ka naman nagsasabing ikinasal ka na pala.” Balik niyang sigaw, masakit pa rin sa kaniya na biglaan niyang nalaman ang pagkakaroon ng asawa ni Caspian.
Nakaupo lang si Davina at nakikinig sa kanilang dalawa habang kumakain ng cookies.
“What do you need?” blangko ng tanong ni Caspian, hindi naman nakasagot si Sophia dahil wala naman talaga siyang kailangan. Gusto niya lang puntahan si Caspian.
“Wala,” sagot niya saka niya iniwas ang paningin sa binata.
“Akala ko ba hindi ka makakauwi? What are you doing here?” singit ni Davina na punong-puno pa ang bibig niya.
“I just want to check you.”
“Check me? hindi naman ako bata para alagain dito. Pwede ka ng umalis.”
“You woman—“ naikuyom na lang ni Sophia ang kamao niya dahil sa tono ng pananalita ni Davina kay Caspian. Hindi na lang naituloy ni Sophia ang sasabihin niya ng panlakihan siya ng mga mata ni Caspian.
“What? May masama ba akong nasabi?” inosenteng tanong ni Davina saka muling ngumuya.
“Damn!” mahinang mura ni Sophia.
“Hindi na muna ako aalis, I’ll stay here tonight.” Sagot niya saka tumalikod at nagtungo ng kusina. Umasin naman ang mukha ni Davina dahil sa narinig.
“What? I know you’re busy, I’ll understand, you may leave now! Caspian! Ugh!” inis niyang saad saka sumunod kay Caspian sa kusina, naiwan naman si Sophia na naiinis na nakatingin sa dalawa. Inis niyang nginuya ang cookies at halos hindi niya na iyun malasahan.
“Alam ko namang busy ka, bakit hindi mo na lang gawin ang dapat mong gawin?” habol sa kaniya ni Davina, uminom ng tubig si Caspian saka niya hinarap si Davina.
“Hindi ko pwedeng iwan ang asawa ko gayong we still have a honeymoon.” Nakangisi nitong saad, napatras si Davina dahil sa dahan-dahan na paglapit sa kaniya ni Caspian.
“Don’t come near me or else.” Pagbabanta ni Davina, napapalunok na siya dahil sa lapit ng mukha ni Caspian sa kaniya. Napatingin si Davina sa likod niya ng maramdaman niya na ang pader.
“Or else what? Ano nga bang kaya ng asawa ko?” nakangisi pa rin niyang taong, hindi na nagugustuhan ni Davina ang pagngisi sa kaniya ni Caspian.
“I am not your wife and I will never be.” Aniya rin pero mas lalong napangisi si Caspian. Mas naidikit ni Davina ang sarili niya sa pader ng ikulong siya ni Caspian.
“Either you like it or not, you’re still my wife.”
“But you just force me, pakawalan mo ako. I want a divorce from you.” mas lalong lumalaki ang ngisi ni Caspian.
“But I don’t want to, maybe,” dahan-dahan na hinaplos ni Caspian ang pisngi ni Davina saka niya ito tinitigan sa mga mata niya. “maybe I will love my wife soon.” Inis na itinulak ni Davina si Caspian pero ano nga lang ba ang lakas niya sa lakas ni Caspian.
“Let me go, umalis ka nga diyan. Mandiri ka naman sa pinagsasabi mo. I will never love you, remember that.” matigas niyang aniya, nag-igting ang panga ni Caspian saka niya mabilis na hinalikan sa labi si Davina.
“One more you said that to me, I will punish you.” malalim ang boses niyang aniya, umalis na siya sa harap ni Davina saka niya ito tinalikuran.
“Damn you! you asshole!” sigaw niya, napatingin si Sophia sa kusina dahil sa sigaw ni Davina.
“Don’t worry babe, I will continue it later just wait for the right time. Nakakahiya naman sa bisita natin.” sagot ni Caspian, mas lalong nanggigil si Davina dahil sa sagot ni Caspian.
Kita pa ni Sophia ang pagngisi ni Caspian kaya niya iniwas ang paningin niya. Madalas niyang makitang seryoso lang si Caspian at palagi itong sumisigaw, ngayon niya lang ito nakita sa panibagong reaksyon ng mukha.
Nang lumabas si Davina ay masama pa ang tingin niya kay Caspian na paakyat na ng kwarto.
“Nagkalat ang lipstick sa bibig mo.” wika ni Sophia, mabilis na humarap sa salamin si Davina at totoo nga ang sinabi ni Sophia.
“Damn you, asshole!” muling sigaw ni Davina kahit na nasa loob na ng kwarto si Caspian. Napapairap na lang si Sophia, sa lahat ng babae si Davina lang ang nakakapagmura dito at sinisigawan ang kilalang matapang na Caspian. Samantalang siya, ni minsan hindi niya minura si Caspian dahil isang tingin niya lang sayo taob ka.
“AAAAHHHHHHHH!” malakas na sigaw ni Davina nang magulat siya sa isang mannequin na nagmukhang white lady. Inis siyang napakuyom ng mga kamao niya dahil sigurado siyang kagagawan na naman ito ng Kuya niyang wala na lang yatang magawa sa buhay. “Humanda ka talaga sa aking Oliver ka!” naiinis pa rin niyang wika. Pakiramdam niya ay panandaliang humiwalay sa katawan niya ang kaluluwa niya sa sobrang gulat niya. Kinuha niya ang toy gun niya saka niya hinanap kung nasaan na naman ang magaling niyang Kuya. Nang makita niya itong prenteng nakaupo sa sala at nanunuod ng tv ay dahan-dahan niya itong nilapitan. Itinutok niya ang toy gun niya sa leeg ng Kuya niya saka niya iyun sunod-sunod na ipinutok. “Ouch! Aray, Davina it hurt!” sigaw niya kay Davina pero hindi siya tinigilan ni Davina. Kinuha ni Oliver ang unan sa sofa at iniharang niya sa sarili niya para hindi siya tamaan ng toy gun ni Davina. “Ano bang problema mo? Masakit kahit na laruan lang yan!” sigaw niya na naman kay Davina. “Ah t
Akala ko dun na lang kami matatapos, akala ko hindi na kami makakabalik. Sa mga araw na nagdaan sa nakalipas na isang taon, wala kaming makita kundi kadiliman lang. Tatlong buwan kaming naging bihag ng mga gagung yun. Akala ko habang buhay na lang kaming nasa kadiliman, ang mga pagkain nilang hindi mo alam kung anong lasa pero dahil kailangan naming mabuhay, kailangan naming mapanatiling malakas ang katawan namin, pinilit namin at pikit mata naming kinain ang mga pagkain na iniaabot sa amin kahit na pinagtatawanan na nila kami habang nginunguya ang mga pagkaing yun. Nang magising ako mula sa coma, hindi kaagad ako nakapagsalita nang sabihin ni Danielle na ilang buwan na kaming tulog ni Evander. Halos gusto ko nang patayin si Danielle dahil pinipigilan nila akong bumalik ng Pilipinas kung nasaan si Lorelie. Halos mabaliw ako kapag iniisip kong inakala niyang patay na ako, na pinagluluksaan niya na ako. Wala akong ibang inisip kundi si Lorelie, tang-ina, ibang babae na pala ang naaala
Halos hindi sila makapaniwala sa kwento ni Evander at Caspian tungkol sa nangyari sa kanila. Mapait na ngumiti si Max at Railey, nakayuko naman na si Lorelie dahil pare-pareho silang naguilty nang maiwan sila ng helicopter. Iniisip nila kung hindi lang siguro nila naiwan si Evander at Caspian, hindi sana nila naranasan ang hirap na nangyari sa kanila sa loob ng isang taon. “Hindi niyo kasalanan kung anong nangyari dahil kung nagpaiwan pa kayong lahat, kung hindi pa kayo umalis baka lahat tayo maiiwan, baka lahat tayo naging bihag ng mga terorista. We never blame you guys dahil naiwan kami. The most important is we’re still complete.” Wika ni Caspian sa kanila. Napangiti na lang ako nang magyakapan silang lahat. Pinunasan ko ang luhang tumulo sa mga mata ko. Pakiramdam ko hanggang ngayon nananaginip pa rin ako dahil nandito sila at kasama namin. Tiningnan ko si Kuya Danielle na tahimik lang sa dulo ng sofa. Nilingon ko rin si Daddy na patingin-tingin kay Kuya, napangiti ako, sigurado
Halos hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi nila sa akin ngayon. Nang bumalik ang ala-ala ni Caspian dun lang nalaman ni Danielle ang tunay niyang pagkatao. Ako na lang ang nahihirapan na isink in sa utak ko ang lahat ng mga nalaman ko.Naupo na muna ako sa sofa at ganun din sila. Ramdam ko ang mga titig nila sa akin pero masyadong naguguluhan ang isip ko.“Alam naming magulo para sayo. Matagal na panahon naming minanmanan ang grupo ni Dead Angel kaya marami na kaming alam sa background niya, kung anong mga ginawa niya na dati pa. Sa kaniya lumaki si Danielle but he never treated him as his own son dahil kinidnap lang naman niya ito noong bata pa siya para makapaghiganti sa ama mo Davina. Napatay ni Mr. Flores ang anak ni Dead Angel kaya kinidnap niya si Danielle para gawing anak niya o kapalit ng namayapa niyang anak. Ilang taon din naming pinag-aralan ang tungkol kay Dead Angel at nang mapatay namin siya, nagkaroon kami ng acces sa lahat ng mga gamit at ari-arian niya. Lahat ng mga
DAVINA’S POVIt’s been a year pero hanggang ngayon sariwa pa rin ang sakit. Sa bawat araw na lilipas hindi ko alam kung paano ko yun nalalampasan. Nagpapasalamat pa rin ako dahil binigyan mo ako ng isang anghel, may iniwan ka pa ring ala-ala para sa akin. Bumabangon at nagiging malakas ako sa bawat araw kasama ng anak natin Caspian.Ni hindi man lang kita nakita, nayakap, nahalikan at nahaplos ang bawat parte ng katawan mo. Ginawa ko lahat ng makakaya ko para maipaglaban ka sa mundong ito pero wala akong nagawa nang si Kamatayan na ang naging kalaban ko. You promised me that everything gonna okay, sinabi mo sa’kin na may aayusin ka lang pero bakit hindi ka na bumalik?Isang taon na ang nakalipas pero yung sakit nandito pa rin sa’kin. Araw-araw ko pa ring nararamdaman yung sakit, yung pangungulila ko sayo. Nakakalimutan kita panandalian kapag nandito ang mga kaibigan mo pero sa tuwing kami na lang ng anak mo ang naiiwan, nandyan na naman ang sakit.Kahit araw-araw kong hilingin na san
Iniayos ni Kenzo ang mga dala-dala niyang pagkain saka niya iyun ibinaba. Inilatag niya na rin ang isang tela at dinoblehan pa yun para hindi tumagos dun ang Bermuda baka kasi katihin si Caleb kapag hindi niya dinoblehan. “Pwede bang buhatin ko muna si Caleb, hi baby Caleb, dito ka muna kay Tito Max okay?” natutuwang wika ni Max habang kinakausap niya ang bata. “Da..da,” tawag niya rito, lahat sila na may ginagawa ay napatingin kay Caleb. Bakas ang gulat sa mukha ni Max dahil sa tinawag sa kaniya ni Caleb. “Sandali, ako ba ang tinawag niyang Dada? Tinawag niya akong Dada hahahaha.” Tuwang tuwang sigaw ni Max kaya lumapit silang lahat kay Davina na siyang may buhat buhat kay Caleb. “Assuming mo naman, normal lang na magsalita siya ng ganun naitaon lang na ikaw ang kaharap.” Nakangiwing wika ni Sophia kay Max. “Well, ako talaga ang Daddy ni Caleb, ano nga baby Caleb? Ang cute cute naman ng prinsipe naming iyan.” Paglalaro pa ni Max kay Caleb. “When did he said a word?” tanong ni K