Share

Kabanata 5

 Umalis na sina Caspian at Davina sa bahay ng dalaga dahil sa nangyari. Salubong ang mga kilay ni Caspian habang nakatingin kay Davina na kagat kagat ang daliri. Nagtataka kung ano bang klaseng tao ang ama ni Davina para magkaroon ito ng baril sa tagiliran niya. Kung isa siyang negosyante paano siya matututong humawak nun at bakit siya magdadala ng sarili niyang baril kung kaya niya namang manguha ng taong pwedeng magbantay sa kaniya.

“Ganun ba talaga ang ama mo? Kaya kang patayin dahil lang sa ginawa mo?” hindi niya na maiwasang tanong. Napairap na lang si Davina saka niya tiningnan ni Caspian.

“Can’t you see? Sa tingin mo napakasimple ng ginawa ko? Alam mo, kung hindi dahil sayo hindi naman mangyayari sa akin ito eh. Ikaw itong pinilit akong pirmahan yang letseng kontrata na yan! Saka hindi ako kayang patayin ng Tatay ko okay? Kaisa-isa niya akong anak kaya hindi niya yun magagawa. I’m just stupid na pumasok sa kwartong yun kung nasaan ka. Damn it!” inis pa rin niyang saad, natatawa at naiiling na lang sa kaniya si Caspian.

“For your information woman, may ginagawa kami sa kwartong pinasakuan mo. Naghahanap ako ng babaeng pwede kong pakasalan at lahat nang pumapasok na dalaga sa kwarto ko ay nakasuot na ng wedding gown kaya anong malay kong hindi ka pala kasama sa mga choices na bride? It is still my fault kung may kasalanan ka rin naman? Your father almost killed you kung hindi natin iniwasan ang mga bala niya. Sa tingin mo mabubuhay ka kung hindi ka umiwas?” balik na tugon ni Caspian kaya napairap na lang uli si Davina saka itinuon na lang ang paningin sa labas.

“Ano bang tingin mo sa mga babae? Laruan? Mamimili ka? Sagrado ang kasal kaya bakit parang laro lang sayo ang tungkol dun? Naghahanap ka ng babaeng pakakasalan ka? Nagmamadali ka ba? Kung gusto mo na palang magpakasal bakit hindi ka na lang naghanap ng magiging girlfriend mo, ng mamahalin mo talaga para hindi yung ganiyan ang ginagawa mo. Para kang tangang tinubuan lang ng katawan. Seriously? Mamimili ka ng bride mo ng hindi mo man lang kilala? Kung naging okay sayo pakakasalan mo na lang? What are you? Stupid? Tssss.” Pagtataray pa ni Davina. Hindi niya akalain na makakatagpo siya ng lalaking maghahanap ng bride para pakasalan siya ng hindi man lang niya nakikilala?

Nang huminto ang sasakyan ay napalinga na lang si Davina sa paligid niya dahil hindi naman ito ang bahay ni Caspian. Hindi siya bumaba dahil tinitingnan niya ang paligid. Kung gaano kaganda ang nakita niyang bahay ni Caspian mas maganda at mas malaki ang bahay na pinuntahan nila ngayon.

Napatingin na lang siya kay Caspian nang bumukas na ang pintuan niya kaya wala siyang nagawa kundi ang bumaba.

“What are we doing here? Where are we?” kuryoso niyang tanong.

“Huwag kang masyadong maraming tanong. Sumunod ka na lang. Tungkol nga pala sa sinabi mo kanina, wala akong panahon sa pag-ibig na yan. Hadlang at panira lang ang bagay na yan. I need a bride, yun lang at hindi pagmamahal.” Hilaw na natawa si Davina sa kaniya.

“Kaya ka ba nagpakasal sa babaeng hindi mo kilala dahil may kailangan ka lang sa kanila at pagkatapos kapag dumating ang araw na hindi mo na siya kailangan, itatapon mo na lang siya ng ganun kadali? Hadlang at panira lang? Yun ba ang tingin mo sa aming mga babae? Eh gago ka pala mag-isip eh, anong tingin mo sa’min? Laruan na kailangan mo sa ngayon pero kapag nakahanap ka na ng iba ay itatapon mo na lang basta basta? Anak ka ba ni Satanas para maging ganiyan ang laman ng utak mo?” naiinis niyang wika. Hindi siya pinansin ni Caspian at pumasok na ito sa loob ng bahay. “Tingnan mo itong gagong ‘to. Gago talaga,” napapairap niyang saad saka siya sumunod sa loob.

Inilibot niya ang paningin niya sa kabuuan ng bahay. Hindi mo alam kung bahay ba ito o hotel dahil sa interior design niya. Nagsusumigaw ng karangyaan ang bawat kagamitan sa loob. Malaki rin naman bahay nila, maganda rin ang bahay ni Caspian pero walang makakatalo sa bahay na kinalalagyan niya ngayon.

“Bahay pa ba niya ito? Gaano ba siya kalaking tao at karami para magkaroon ng marami at malalaking bahay? Tsssss. Wala na ba siyang maisip na pagbilhan ang mga pera niya sa sobrang dami kaya bumibili na lang siya ng marami at malalaking bahay at uuwian niya sa iba-ibang araw? Ibang klase, tssss.” Pagtataray niya, tiningnan niya si Caspian pero wala na ito sa paligid kaya naiinis na lang siya. Anong gagawin niya rito tapos iniiwan iwan siya? Anong alam niya sa bahay na ito?

Tiningnan na lang niya ang mga kagamitan na hindi niya magawang hawakan dahil baka kulang pa ang sahod niya sa isang buwan kapag nakabasag siya. Nang mapadpad siya sa mga picture frame na nakadisplay sa pader ay tiningnan niya ang mga yun. Isang family picture.

“Mukhang picture ng buong angkan nila kasama sila na mga apo.” Aniya sa sarili dahil may dalawang matandang lalaki at babae na nasa gitna habang may mga ilang may edad na rin at kasama ang mga anak nila. In short mga apo ng dalawang matanda na nakaupo sa gitna.

Hinanap niya kung nasaan si Caspian, bahagya na lang siyang natawa dahil medyo bata pa siya sa picture na ito. Tiningnan niya ang lahat pero napansin niyang parang si Caspian ang pinakabata sa kanilang lahat.

“Sila ba ang mga grandparents nila?” tanong pa niya sa sarili habang nakatitig sa picture frame. Natigilan na lang si Davina nang maramdaman niya ang isang matulis na bagay sa tagiliran niya kaya naitaas niya na lang ang dalawa niyang kamay.

“Who are you and what are you doing here in my house? Spy ka ba?” malamig na boses na tanong sa kaniya, boses ng isang matanda.

“I’m sorry po but I just came here kasi—“

“Because someone sent you here to spy me, right?” narinig pa niya ang hilaw na pagtawa nito.

“Nagkakamali po kayo, hindi po ako ganun.” natigil na lang siya dahil mas itinutok sa tagiliran niya kung ano man ang hawak nito. Napalunok na lang siya at nakakaramdam ng matinding galit kay Caspian dahil siya ang nagdala sa bahay na ito tapos ngayon ito lang ang mangyayari? Ang pagbintangan siyang spy? Seriously?

“Iha, hindi lang ikaw ang naabutan ko sa pamamahay ko at lahat sila may balak na gawin sa’kin at may gusto silang kunin. Paano ka nakapasok sa loob ng mansion ko? ha?!” napapikit na lang siya at napapahinga na lang ng malalim dahil baka i****k pa sa tagiliran niya ang matalim na bagay na nakatutok sa kaniya.

“Lo!” rinig niya sa boses ni Caspian pero hindi niya magawang lingunin ito dahil sa taong nasa likuran niya. Mabilis na bumaba si Caspian sa hagdan at nilapitan ang matanda, hinarangan niya na rin si Davina at itinago ito sa likod niya.

“Lolo naman, bakit niyo naman ito ginawa sa kaniya? Tinatakot niyo si Davina eh.” Nakakunot niyang saad sa Lolo saka niya hinarap si Davina na halos hinihingal na dahil sa takot na naramdaman niya.

“Are you okay? Pasensya ka na, ganiyan lang talaga si Lolo dahil sa mga nangyari na sa kaniya nitong mga nakalipas na buwan. I’m sorry, are you really okay?” pagtatanong niya sa dalaga pero kunot na kunot na ang noo ni Davina at nanlilisik ng nakatingin kay Caspian. Nanunuod lang naman sa kanila ang matanda at napaawang na lang ang bibig niya nang batukan ni Davina si Caspian.

“Pagkatapos mo akong iwan sa labas and then now you are asking me if I’m okay? Hibang ka ba?!” galit niyang sigaw dito na halos lumabas pa ang litid sa leeg niya. Hindi niya alintana ang matandang kasama nila dahil mas nangibabaw na ang galit sa dibdib niya dahil sa ginawang pag-iwan sa kaniya ni Caspian. Napatulala na lang si Caspian dahil sa ginawa sa kaniya ni Davina, wala pa kahit isang babae ang nambatok sa kaniya at nanigaw, tanging si Davina lang.

Natigilan na lang silang dalawa ng marinig nila ang malakas na pagtawa ng matanda sa gilid nila. Nakagat na lang ni Davina ang pang-ibaba niyang labi at parang napapahiyang iniyuko ang ulo dahil sa hiyang nararamdaman. Hindi niya na naalala ang matanda ng makita niya si Caspian dahil sa galit niya.

Patuloy ang pagtawa ng matanda at blangko na lang na nakatingin si Caspian sa Lolo niya.

“Lo, that’s enough dahil baka sa hospital pa kayo pulutin.” Masungit niyang saad saka naupo na sa sofa na sinundan naman ng matanda kaya walang nagawa si Davina kundi ang sumunod.

“Hindi ko lang mapigilan iho hahahahaha.” Patuloy pa rin ang pagtawa niya kaya hawak hawak niya na ngayon ang tiyan niya. Nakita naman ni Davina ang tungkod ng matanda na may tulis sa dulo maaaring iyun ang itinutok sa kaniya.

“Bakit niyo naman nagawang tutukan si Davina sa tagiliran? Ano na lang bang akala niyo? Kalaban niyo lahat ng mga taong papasok dito? Lo, halos punuin niyo na ng security ang paligid ng mansion.”

“So, who is she then? She’s interesting huh, akalain mo nga namang kaya kang batukan at sigawan hahahahaha.” Hindi alam ni  Davina kung maglolo ba talaga ang dalawang nasa harapan niya gayong magkaibang magkaiba sila ng personalities base pa lang sa nakikita niya. Masayahin ang lolo ni Caspian pero si Caspian? Seryoso at parang palaging galit.

“She’s my wife,” sagot niya kaya natigilan sa pagtawa ang Lolo niya dahil sa biglaang sinabi ni Caspian. Hindi inaasahan ng Lolo niya na ito ang isasagot ng apo niya.

“What? Are you kidding me now, Caspian? O baka gusto mong tuluyan na kita? Ilang babae na ba ang dinala mo rito sa akin at ipinakilala mong asawa mo? Ha?! Hindi ka pa rin ba nagtatandang bata ka?!” napailag na lang si Caspian sa mga ibinabatong unan sa kaniya ng Lolo niya at nakakunot lang ang noo ni Davina na nanunuod sa dalawa.

“Lo, enough please. Davina is my wife, I am telling the truth!”

“Then give me your proof!” sigaw din sa kaniya ng Lolo niya, nakahalukipkip na si Davina habang pinapanuod ang dalawa. Blangko siyang nakatingin kay Caspian at hilaw na lang siyang natatawa. Narinig ng maglolo yun kaya kay Davina naman sila napatingin ngayon.

“I can’t believe this, seriously Caspian? Iuuwi mo ako sa mansion ng Lolo mo tapos malalaman kong hindi lang ako ang pinakasalan mo? Are you really serious now?! Ano bang tingin mo sa babae, laruan?! Gago ka ba?!” nanlalaki na naman ang mga mata niyang nagagalit kay Caspian. Napahugot na lang ng malalim na buntong hininga si Davina saka niya ginamit na pamaypay ang dalawang kamay.

“Iha, that’s enough. Sa lahat ng mga umarte sa harapan ko aaminin kong ikaw ang pinakamagaling pero hindi na ako maloloko ng apo ko. Pang-ilan na ba siya? Panglima na ba, Caspian? Magaling at maganda naman itong nakuha mo ngayon pero hindi mo ako maloloko sa kalokohan mong bata ka.” seryoso ng wika ng matanda kaya napapabuntong hininga na lang si Caspian.

“So, it’s really true? Panglima mo na ako? You are really a jerk Mr. Caspian. Hindi ko na kaya ‘to so I need divorce now, right now dahil ayokong isettle ang sarili ko sa katulad mo. You jerk!” inis niyang saad pero blangko lang ang mukha ng matanda na nakatingin kay Davina na inakaala niyang umaarte lang.

“Nice, I think I need pop corn now. Can you tell me iho kung sino siyang artista? She’s amazing in acting huh?” malumanay lang na saad ng matanda kaya napapaigting na lang ang panga ni Caspian.

“Damn it! Please Lo, oo aminado na ako sa mga dinala at ipinakilala ko sayong babae rito noon ay binayaran ko lang pero hindi kami kasal. Huwag niyo namang sabihin ito kay Davina because we are married.”

“Then give me your—“ hindi pa man natatapos ng matanda ang sasabihin niya nang pabagsak niyang inilagay sa lamesa ang isang papel.

“Is that enough? Pwede na ba yan na katibayan para patunayan kong we already married?” inis ng saad ni Caspian, kinuha naman ng matanda ang marriage contract at tiningnan at binasa iyung mabuti.

“Yep we are married po and because of what you said that he brings a lot of woman here? We need an annulment paper now.” Seryosong wika ni Davina na ikinatingin sa kaniya ni Caspian ganun na rin ng matanda.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status