Halos pagod na pagod silang nag-ayos ng mga gamit. Napaupo na lang silang lahat sa sofa at nagpahinga na.“Nasaan na ba ang asawa mo? Mukhang nahanap mo na ang katapat mo ah?” mapang-asar na saad ni Max kay Caspian. Napapaismid na lang si Caspian dahil para siyang pagod na pagod gayong mas nakakapagod pa nga itong mga ginagawa nila sa misyon nila.“Sa tingin mo ikinaganda niya na yun? Tsss.” Singit na naman ni Sophia na hindi maalis ang inis kay Davina dahil halos lahat yata ay naipapagawa niya kay Caspian.“Nasan na nga pala siya? Hindi ko na siya napansin kanina.” saad na rin ni Railey saka inilibot nila ang paningin nila maliban kay Caspian at Evander.“Baka napagod na at nakatulog na kung saan, bakit mo pa kasi hahanapin.” Napapairap na saad ni Sophia kay Railey. Inilibot ni Evander ang paningin niya sa kabuuan ng sala at napangiti na lang.“Akalain mo nga namang ang ginasta niyang pera mo ay sa bahay mo rin naman pala naipunta lahat. Tingnan mo ang bahay mo Caspian, may pinagbago
Ilang araw na ang lumipas simula noong umalis si Caspian kaya naiwang mag-isa si Davina sa napakalaking bahay ni Caspian. Inilibot niya ang paningin niya pero hindi niya alam kung anong gagawin niya. Kung maglilinis naman siya ng bahay, ano pang lilinisan niya kung nalinis na ng mga taong nirerenta lang ni Caspian para maglinis ng bahay.Napabuntong hininga na lang si Davina saka niya kinuha ang cell phone niya sakto naman ang pagtawag sa kaniya ni Jillian na mabilis niya namang sinagot.“Jill, buti napatawag ka.” sagot niya sa kaibigan.“Kailan ka ba babalik? Saka nasan ka na ba? Hindi ka pa rin ba umuuwi sa inyo?” nagtatakang tanong ng kaibigan niya kaya napasandal na lang siya sa sofa at itinaas ang paa sa glass table.“Pinalayas ako ni Daddy,” simple niyang sagot.“What? Are you serious? Hindi yun magagawa ng Daddy mo kaya paano?” napairap na lang si Davina, yun ang inaasahan nilang lahat, ang hindi magalit sa kaniya ang Daddy niya kahit na nag-iisa siyang anak pero wala eh, nagal
Pagbalik ni Davina sa kwarto ni Caspian ay naabutan niya itong sinasarili na linisin ang sugat niya. Nang mapansin ni Caspian ang pagpasok ni Davina ay nilingon niya ito pero ibinalik din ang atensyon sa paglilinis niya ng sugat niya.“What are you doing here? Get out, you are not supposed to be here.” Masungit na wika ni Caspian pero walang pinakinggan si Davina at mas nilapitan ang binata.“Anong gusto mong gawin ko, pabayaan ko ang asawa ko?” May diin pa niyang saad sa may asawa. Hinarap niya na si Caspian saka niya inilagay ang isang malinis na towel sa warm water na kinuha niya sa ibaba.“You don’t need to do this. I can take care of myself. Now, get out.” Napairap na lang si Davina dahil sa kasungitan at may pagkatigas din pala na ulo ni Caspian.“Ano ba!” masungit na saad ni Caspian nang biglang hawakan ni Davina ang braso niyang may sugat saka dahan dahan iyun na dinampian ng towel.“Kung mag-iinarte ka lang din pala dahil diyan sa sugat mo hindi ka na lang sana umuwi para hin
Paggising ni Caspian kinabukasan ay naamoy niya na ang mabangong pagkain na nagmumula na naman sa kusina. Nung una ay nagtaka pa siya dahil wala namang magluluto sa bahay niya pero naalala niyang may kasama nga pala siya at si Davina yun. Nasanay kasi siya na walang magluluto ng kakainin niya, siya ang palaging nagluluto para sa sarili niya at kung tinamad naman siya ay umoorder na lang siya.Habang palapit siya nang palapit ay mas lalong naaamoy ang bango ng pagkain sa kusina. Ilang taon na nga ba siyang namumuhay ng mag-isa at walang kasama sa bahay? Hindi niya na matandaan, ngayon niya na lang uli naranasan ng maaabutan niya na ang hapag kainan na may nakahanda na at ngayon na lang uli na may magluluto para sa kaniya.Pumasok na siya sa kusina at kita niya naman na si Davina na nakatalikod sa kaniya at may suot na apron habang nakaharap sa gas stove. Nakatitig lang siya sa dalaga at pinapanuod ang bawat kilos nito. Napaayos na lang ng tayo si Caspian ng mapansin na siya ni Davina.
Nakangiting pinagmamasdan ni Davina ang payapa at magandang dagat mula sa kwarto nila. Glass wall lang kasi ang nakaharang kaya kitang kita mo ang ganda ng dagat. Hindi niya na maalala kung kailan ba ang huli niyang bakasyon o makapunta man lang sa mga ganito kaganda at karelaxing na lugar dahil subsob na siya sa trabaho, walang ibang ginawa at inisip kundi ang ipagawa ang iniuutos ng sariling ama sa kaniya. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata at idinapa ang dalawang kamay. Pakiramdam niya kasi panandalian siyang nakawala sa isang hawla, muli niyang naranasan ang magliwaliw at ilaan ang buong oras sa sarili. “Hindi ka pa ba nagugutom? Ipinaakyat ko na lang ang mga pagkain natin dito.” agaw atensyong saad ni Caspian pero nananatili pa rin si Davina sa pwesto niya. Nakatingin lang sa kaniya si Caspian at ng hindi sumagot si Davina ay hinayaan niya na lang ito. Ipinadiretso niya na lang ang pagkain nila sa kwarto nila. “May pakinabang din pala na napangasawa kita. Akalain mong nakakara
Pagbaba ni Caspian ng kwarto nila ay hinanap niya si Davina pero nakakailang minuto na siya na naglalakad sa hotel niya hindi pa rin niya makita ang dalaga. Ayaw pa naman niya nang naghahanap siya dahil ang gusto niya kahit na siya ang may kailangan sayo ikaw pa rin ang lalapit sa kaniya. Salubong na ang mga kilay niya dahil kahit saan siya tumingin hindi niya makita si Davina.Napahugot na lang siya ng malalim na buntong hininga para kalmahin ang sarili niya dahil kapag inaway na naman niya si Davina paniguradong walang katapusang alitan na naman ang mangyayari sa kanila dahil hindi nagpapatalo ang dalaga.Huminto na lang siya sa paglalakad niya dahil nawawalan na siya ng pasensya sa paghahanap kay Davina.“Where the hell are you woman?” umiigting na ang panga niya sa inis saka paano niya ba mahahanap si Davina kung napakalawak ng resort niya rito. Bumuga siya ng malalim na hininga saka naupo sa beach chair niya habang inililibot niya ang paningin niya para hanapin si Davina.“Hey,”
Salubong ang kilay ni Davina na nakatingin sa apat na kasama ni Caspian. Hindi niya alam kung ano bang ginagawa ng mga ito dito. Hanggang dito ba naman ay sinusundan nila si Caspian? Wala namang kaso sa kaniya yun pero para siyang naa-out of place. Hindi niya na nga kilala ang sarili niya minsan eh, sa trabaho niya istrikto siya, masungit at parang palagi ring galit, mahalaga ang bawat oras, hindi pwedeng gawing laro field nila pero dahil ang nakapalibot na mga tao sa kaniya ngayon ay hindi niya kilala at hindi niya pwedeng gamitin ng authority niya, kailangan niyang makisama.Ang mga bagay na hindi niya ginagawa sa trabaho niya ay nagagawa niya ngayong nakaleave siya, katulad na lamang nang makipag-usap ng maayos dahil hindi lahat ng taong nasa paligid niya kaya niyang pasunurin under her command. Hindi niya pwedeng dalhin ang ugali niya sa trabaho lalo na at siya itong kailangang makisama.“What are you still doing here? Hindi ka pa ba kakain?” biglang sulpot na tanong ni Caspian k
Nilapitan na ni Davina ang mga kasamahan ni Caspian para naman hindi nakakahiya na hindi niya hinarap ang mga ito. Nandun naman na rin si Caspian. Inayos niya na ang expression ng mukha niya, pinilit niyang maging normal ang ngiti niya kahit na hindi siya palangiti.“Hi, can I join here?” malambing niyang tanong sa mga ito kaya napatingin silang lahat sa kaniya. Napangiti naman sa kaniya si Railey at Max.“Of course you can,” masigla namang sagot ni Max kaya naupo na lang si Davina sa tabi ni Caspian habang katapat niya naman si Evander na seryoso lang na nakatingin sa kaniya. Pareho sila ni Caspian na seryosong tao pero iba pa rin ang pagiging seryoso ni Caspian dahil kahit papaano maayos na kausap si Evander kesa kay Caspian.Maya-maya ay naupo na rin si Sophia, hindi na siya nilingon pa ni Davina.“Wala ba kayong balak na puntahan? Ganito na lang ba tayo?” tila naboboring na saad ni Max saka nagpangalumbaba sa lamesa. Kanina tinitingnan ang mga turistang palakad-lakad lang.“Then l