LOGINWala akong nagawa kundi ang mapakurap sa harap ni Luciel habang mataimitim na nakatitig sa akin nang diretso na tila ba naghihintay nang sagot ko. Kasabay no’n ang panginginig ko na pilit kong itinatago sa kanya. Pati na rin ang walang kamatayang pagkabog nang puso ko.
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. Kahit anong paghahanap nang sagot ko sa aking utak ay wala akong mahanap na tila ba naging blangko iyon nang tuluyan dahil sa pagtanong sa akin ni Luciel.
“You like modelling, didn’t you?” tanong sa akin ni Luciel. Parang sa sandaling iyon ay nakahinga ako nang maluwag dahil siya na mismo ang nagbigay nang sagot na pupwede ko idahilan sa kanya.
Ngumiti ako sa kanya nang pilit dahil ramdam ko pa rin ang kaba sa puso ko. “I-I guess? I-I don’t really think it’s bad.”
“Then why didn’t you tell me sooner?” kunot-noo niyang tanong sa akin. Yumuko pa siya para magpantay ang tinginan naming dalawa. Mas matangkad sa akin si Luciel. Magkasingtangkad lang kami ni Blaire at parehong tatlo hanggang limang pulgada ang agwat kay Luciel. Kinakailangan ko palagi magsuot nang heels para umabot ang tangkad ko sa balikat niya.
Para siyang modelo kung tutuusin dahil sa tangkad na mayroon siya. Hindi ko rin naman itatanggi na gwapo si Luciel. Hindi rin naman lingid sa kaalaman ko na maraming babaeng nangangarap na pakasalan nang isang Del Fuente. They are famous, rich, smart and handsome. Kahit sinong babae ay sadyang magkakandarapa sa kanila.
Matagal ko nang alam na gusto rin ni Blaire na magmodelo. But she’s not free to do what she wants unlike me. Mas ginusto itago ni Blaire ang totoong gusto niyang gawin sa buhay at sundin ang mga magulang naming dalawa. She’s not used on expressing her feelings but when she met Luciel, it’s started to show off. Kaya alam kong mahal nang kapatid ko si Luciel… hindi ko lang maintindihan kung bakit niya nagawa pang maghanap nang iba.
“I-It’s just a waste of time, Luciel. And besides, I’m busy handling our family business. I had fun but that’s it,” paliwanag ko sa kanya. Palagay ko rin na ito ang sasabihin ni Blaire kapag nagkausap sila ni Luciel. Blaire never defy our parents’ kaya wala rin ideya ang magulang naming dalawa kung ano ba talaga ang gusto niyang gawin sa buhay. Ganoon niya kamahal sila mommy at daddy… na handa niyang kalimutan ang sarili niyang kaligayahan para lang mapasaya silang dalawa.
Iniisip ko tuloy kung sinunod ba ni Blaire ang gusto niya noon, nandito pa rin kaya siya? Papakasalan pa rin niya kaya si Luciel o ihaharap niya sa amin iyong lalaking gusto niya talaga?
“Are you afraid to tell your parents about it?”
Umiling ako sa kanya. “No… of course not. It’s just that I know modelling isn’t for me but for Percy,” malungkot na wika ko. “Maybe, I did that because I missed my sister.” Bumuntong-hininga ako. “G-Gusto ko lang siguro maramdaman kung ano ang nararamdaman niya sa tuwing humaharap siya sa harap nang camera… kasi diba? Ang saya-saya nang kapatid ko kapag nasa harap siya nang camera.”
Hinarap ako ni Luciel sa kanya sabay hinawakan ang kamay ko. Dahan-dahan niyang hinahaplos ang mga daliri ko na nagpaawang sa aking mga labi. Hindi ko alam kung bakit pero naghatid iyon nang kakaibang pakiramdam sa akin.
“Just tell me what you want, Blaire. And I’ll make it happen for you, kay?”
Wala sa sariling napatango ako habang nakatitig sa mga mata niya. Ginulo niya ang buhok ko na never kong nakitang ginawa niya kay Blaire. Kumabog ang puso ko nang maalala ko na sa akin niya lang ginawa ang bagay na ‘yon. Tumingin ako sa kanya nang gulat na tila nagulat din siya sa ginawa niya. He looks so dumbfounded.
Nakatigil pa ang braso sa ere na para bang nahuli ko siya sa maling ginawa niya.
Did he just think of me?
“I’m sorry for messing your hair…” mahinang wika niya sa akin at dali-dali namang inayos ang aking buhok. Hindi ko alam kung dapat baa ko magalit o kabahan sa ginawa niya. At dahil nga hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, mas minabuti ko na lang na ipagsawalang bahala iyon.
Palabas na kami nang studio nang mapansin namin ang komusyon sa labas nang studio. Si Seve ay nanggugulo sa harap nang studio at pinipigilan nang mga security guards na makapasok sa loob.
“What’s happening here?” I asked, using my twin’s voice. Nakita ko si Seve na tumingin sa akin. May sugat ang kanyang pisngi na tila ba nasuntok. Mukhang bago lang din iyon. Pansin ko din na nakahawak ang isang security guard sa braso niya. Kanina pa ba siya nandito at nanggugulo?
“Mrs. Del Fuente, your husband instructed us not to let anyone get inside while your photoshoot is on-going. But—“Hindi ko na hinayaan matapos ang sinasabi nang security guard at pinaalis na. Hinayaan na rin nila si Seve na manatili sa tapat nang pintuan nang studio.
Tumingin ako kay Luciel na nakaigting ang mga panga at tila walang balak magsalita.
“Anong ginagawa mo rito, Seve?” kinakabahang tanong ko sa kanya. It’s been weeks since the last time I saw him. Pansin ko ang pagkapayat niya lalo na ang eyebags na namumuo sa ilalim nang mga mata niya.Nag-aalala ako sa itsura niya. Noong oras na ‘yon, gusto ko siya yakapin. Gusto ko na sabihin ang totoo dahil naaawa na ako sa kanya… sa sitwasyon niya… he’s hoping that I am alive. Totoo iyon pero hindi ko naman maamin sa kanya dahil ako si Blaire.
Inaamin ko rin na iniwasan ko talaga siya dahil alam kong walang magandang maidudulot ang pagkikita naming dalawa. Sinigurado ko na hindi ko siya makikita o makakalapit sa akin. Siguro ay napansin iyon ni Luciel dahil alam niyang ilang beses na rin nagpupunta si Seve sa bahay nila mama, umaasang magpapakita ako roon. Pero simula noong huling usap namin ni mama ay hindi pa ako nagpupunta sa kanila dahil msiki ako ay umiiwas na makita sila.
Hindi kailanman magdadahas si Seve na puntahan ako sa bahay naming dalawa ni Luciel. Alam niya sa sarili niya kung anong pwede na mangyari sa kanya kapag ginawa niya iyon. Kaya nga hangga’t maaari ay bahay at trabaho lang ako.
“You did Percy’s photoshoot?”
Tumango ako sa kanya. I heard him laughed. It was painful and heavy. Pero mas masakit sa akin na makita ko siyang nagkakaganyan… na hindi ko manlang siya magawang yakapin o pagaanin ang loob niya because I need him to believe that Percy is already dead. Iyon lang ang tanging paraan para matahimik ang mga buhay naming lahat. He has to move on. He has to let go Percy…of me…
“See? I knew it! You are Percy! My Percy!”
Namumuo na ang mga luha sa mga mata ko. At alam kong sa sandaling oras na iyon ay pwedeng tumulo ang mga luha na ‘yon.
Umiling ako. “Percy is dead, Seve. Kailan mo ba tatanggapin ‘yon?” Kailan mo ba tatanggapin na wala na ako sa buhay mo?
“No. I can’t accept that. I know you’re Percy. You’re just pretending to be Blaire! You exactly looked like her! Iyong boses mo! Iyong galaw mo! Iyong paraan nang pagngiti mo! I know you! I know everything about you!”
“We’re identical twins, Seve! Of course, I will look like her!” I said for a fact.
Tumahimik si Seve sa sinabi ko. “I’m sorry. I know you’re still grieving. Believe me, Seve, we’re all like you. We’re still grieving but I can’t bring my sister’s back from the dead just like what you want.”
“Stop lying…” mahinang wika ni Seve habang umiiling-iling sa akin. My heart instantly broke into pieces when I saw him in pain… when the tears started to fall from his eyes. Parang pinipiga ang puso ko dahil alam kong hanggang ngayon, nahihirapan pa rin siya. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin para tumigil na siya sa kakaisip sa akin.
“You are Percy!Y—“God! Seve! Hindi mo baa ko maintindihan? Patay na ang kapatid ko! Hindi ako siya! Hindi ako kailanman magiging siya!” sigaw ko. Tuluyan na ring tumulo ang mga luha ko. “C-Can’t you just stop?” pagmamakaawa ko.
“H-Hindi magiging masaya ang kapatid ko sa ginagawa mo, Seve. She didn’t want to see you like this.”
“T-Then bring her back to me. Come back to me like you used to.”
Napalunok ako sa huling sinabi niya dahil alam kong hindi ko na magagawa pa ang bagay na ‘yon.
Sinubukan na hawakan ni Seve ang kamay ko na kaagad kong ikinagulat. Mabuti na lang at mabilis akong inilayo ni Luciel sa kanya. “Hands off, Mr. Galvez.”
Tumingin sa akin si Luciel at tsinek kung nasaktan baa ko o ayos lang ako. Tumango ako sa kanya at dahan-dahan akong inilagay sa kanyang likuran para hindi ako maabot ni Seve.
“I don’t know what you’re thinking, Mr. Galvez. But Percy died in our wedding day and police made a proper investigation about that. If you need proofs, asked them, not my wife. Second, my wife only did what she had to do as the CEO of the company. Percy has a project she needs to finish, unfortunately, she’s already dead and can’t continue the project anymore. They had to asked my wife if she can replace Percy in the photoshoot because it was her last project, your late fiancee’s project, Galvez. Now that you know everything, can you stop your fvcking delusions that Percy is Blaire? Stop bugging my wife with your nonsense!”
Kabanata 17Ang liwanag nang araw ay dahan-dahang sumilip sa kurtina nang aking bintana. Unti-unti akong nagising dahil doon. Kung kagabi ay masama ang pakiramdam ko, ngayon ay mas magaan na. Hindi na rin masakit ang ulo ko at hindi na rin ako nahihilo.At sa bawat minutong lumilipas ay siyang balik naman nang aking memorya isa-isa. Gusto ko sanang kalimutan ang mga nangyari pero paano ko pa magagawa iyon kung ngayong naaalala ko na ang lahat nang nangyari simula kagabi?Pinairal ko ang katigasan nang ulo ko kagabi na alam kong hindi ginagawa ni Blaire. Bukod pa roon ay nakipagtalo pa ako kay Luciel… alam ko rin na binantayan niya ako buong gabi at inalagaan.I groan quietly and pull the blanket over my face.“Gising ka na pala…”Ang boses niya na ‘yon ay galing banda sa tabi nang bintana. Napahinto tuloy ako.Syempre nandito pa siya!Ibinaba ko ang kumot ko nang kaonti, sapat lang para makita ko siya. Nakaupo si Luciel sa maliit na upuan. It’s my reading nook chair. May libro din na
Kabanata 16"I am Blaire Daphne Ramirez, Luciel's wife. And you need to stop chasing a ghost."His breathing turns uneven. Nagkunwari akong hindi napansin iyon at mas lalo pang tinapangan ang tingin. I have to finish this because I know I couldn't last any longer. "You're lying..." nanghihina niyang wika sa akin. Umiling ako. "Then look at me, Seve. Do you see Percy standing here?" Sinubukan niyang sumagot pero wala ni isang salita ang lumabas sa bibig niya. Dahil alam ko na ngayon pa lang ay nakikita na niya ang pagkakaiba ni Blaire at ni Percy na sinasabi niya. Blaire was cold, emotionless, and reserved to people she knew, but Percy is not like that. I am not like that. Umiling si Seve bago ako tinignan muli sa mata. He tried to smile at me, but his face went colder when he noticed my expression. "You cried for me..." "You held my hand and—"Pity," I cut in. "Nothing more." "T-That wasn't pity, Perc—"It was, and I regret every second of it. I shouldn't have wasted my tears on
Kabanata 15“Do you have feelings for Galvez?”Napakurap ako nang ilang beses habang nakatitig sa lalaking nakatingin ngayon sa akin habang walang humpay ang pagkabog nang puso ko. Hindi ako agad nakapagsalita dahil sa tanong niya.I gave him an awkward smile and slightly pushed him away from me pero hinawakan niya lang ang kamay ko para hindi ko siya magawang itulak palayo sa akin. Mas lalo pa nga niyang inilapit sa akin ang mukha niya.“W-What are you saying?”“Just answer me, Blaire.”Umawang ang labi ko at dahan-dahan na umiling habang nakatingin ng direkta sa kanya. Buong lakas ko siyang tinulak at umalis sa tabi niya. Nilingon ko siya nang mahimasmasan ako at tinignan siya sa mata.“O-Of course not. You’re my husband, Luciel. Why would I have feelings for him?”“Because you’re looking at him differently.”Kumabog ang dibdib ko nang malakas. Hindi ako makapagsalita kaya nanahimik ako. Wala rin akong ideya kung an oba ang dapat ko sabihin noong mga oras na ‘yon. Ang alam ko lang,
Kabanata 14Naiwan ako sa hallway. Si Luciel, umalis muna saglit dahil may kinakailangan sagutin sa telepono. Si Ava naman ay sumunod kela Tita Louise para dalawin si Seve. Ava is a relative. Pamangkin siya ni Tita Louise at pinsan ni Seve kaya pinapasok siya roon.Hindi na ako nagtangka pa na pumasok pa roon at makita si Seve dahil malinaw naman ang nangyari kanina. Tita Louise hates me because his son went overboard this time.Naiintindihan ko naman kung saan nanggagaling si Tita Louise. Kahit siguro ako ang malagay sa posisyon niya, ganoon din ang gagawin ko. I will protect my own son at all cosst. Kaya ayos lang kung magalit sa akin si Tita Louise kung iyon ang makakabuti sa anak niya. But my heart felt so heavy. Maybe because until now, I’m still pretending… hiding the truth that could break them.Huminga ako nang malalim at marahan na ipinikit ang mga mata. I should go home pero walang lakas ang mga paa at binti ko na umalis sa kinatatayuan ko. I wasn’t hoping Seve would ask to
Kabanata 13Masyadong naging mabilis ang pangyayari. Nakita ko na lang na nakahandusay na sa sahig si Seve. Ang kanang kamay niya ay nasa tagiliran niya. Punong-puno iyon nang dugo.I panicked.“Seve…” nanginginig na tawag ko.My voice doesn’t sound Blaire, but I don’t care anymore. Nanginginig ang buo kong katawan. Hindi ko alam kung saan ko ilalagay ang kamay ko para iampat ang dugo sa tagiliran niya.“Hey…” Huminga nang malalim si Seve habang sinusubukang ngumiti sa akin. Tuluyann ang tumulo ang luha ko. “That hurt more than I thought.”“No,” wika ko. “No, no, no—“Stop crying. I am not going to die.”Nanlabo ang mga mata ko. “W-Why would you do that? Are you an idiot?!”Tumingin siya sa mata ko. Katulad nang paraan niya na pagtingin sa akin. “Because you’re still you.”Bumigat ang dibdib ko kasabay no’n ang matinding paninikip dahil sa magkahalong pakiramdam.“Don’t talk…” Bulong ko. “Don’t talk please…”“Blaire!” Lumingon ako at nakita ko si Luciel na naghahabol nang hininga. Kitan
Kabanata 12Kumakabog ang dibdib ko nang makita ko si Luciel. Nagkatinginan pa kaming dalawa ni Ava dahil wala kaming kaide-ideya na nandito siya sa café kung saan kaming dalawa nagkita at nag-uusap.“L-Luciel, what are you doing here?” nauutal kong wika sa kanya. Sinubukan ko pang ngumiti pero tila halatang pilit iyon dahil nangalay lang ang panga ko sa kakangiti sa kanya.Napansin ko ang pangangatal ko pero ininda ko iyon at hindi pinahalata. Hinawakan ko ang kamay ko para hindi iyon makita ni Luciel.“I was planning to go back to my meeting when I saw you and Ava.”“Kanina ka pa ba dito? What’s up with the coffee?” Tinuro niya iyong kape ko na nalamigan na. “Malamig na kaya bumili akong bago para sa inyong dalawa.”“How much did you hear?” seryoso kong tanong sa kanya dahil kung narinig niya ang buong detalye nang pag-uusap naming dalawa, bakit hindi niya ako tinatanong kung sino ba talaga ako?Tinignan ako ni Luciel kaya tinignan ko rin siya pabalik. Pilit kong binabasa ang ekspres







