Share

Kabanata 2.2

Penulis: Rhea mae
last update Terakhir Diperbarui: 2022-07-05 20:46:45

Tiningnan niya ang mga gamit dun na at tama nanaman siya ng hinala dahil simut na simut lahat ng gamit. Okay lang naman yun dahil ang mga gamit sa kwarto ng hotel ay kasama sa binayaran ng mga guest.

Matapos niyang ayusin at palitan lahat ng bed sheet ay inilagay niya na sa isang cart ang mga bedsheet na kailangan nanaman nilang labahan. Napahinto na lang siya sa paglalakad niya ng kailangan niyang madaanan ang office ng Boss nila.

“Patay na, bakit ko ba nakalimutang dito ang floor ng office ni Sir? Nakipagpalit na lang sana ako kay Stella.” Aniya, humugot siya ng malalim na buntong hininga saka dahan-dahan na itinulak ang cart niya.

“Umuwi naman na siguro si Sir.” wika niya, nakayuko na siya habang dahan-dahan na itinutulak ang cart. Nananalangin na sana ay makaalis na siya sa floor na iyun at maihatid na lang ang mga labahing ito.

Tila tumigil ang ikot ng mundo ni Mia at parang naririnig niya na rin ang tibok ng puso niya dahil saktong tapat niya ng pintuan ng office ng Boss niya ay saktong pagbukas nito. Naipikit na lang niya ang mga mata niya at gusto niya na lang mawala.

“Hey, here you are. I need you.” wika niya rito pero ayaw ng lumingon ni Mia dahil alam niyang makikilala siya ng Boss niya. “Hey, do you hear me?” tanong pa nito.

“Patay na,” nakagat niya ang pang-ibaba niyang labi dahil bakit ngayon pa? Hindi pa siya handa at hindi pa niya naiisip kung anong sasabihin niya sa Boss nila. Hindi pa siya handang mawala sa hotel.

“May sinasabi ka? Humarap ka nga sakin.” Utos ng Boss nila pero ayaw ng gumalaw ni Mia. Gusto niya na lang tumakbo pero tila nakapako na ang mga paa niya dahil hindi niya maigalaw ang mga iyun. Humugot siya ng malalim na buntong hininga saka bahagyang ngumiti.

“Ano pong kailangan niyo, Sir?” tanong niya at pilit na itinatago ang kaba niya. Napalunok na lang siya nang maglakad ang Boss niya at hinarap siya.

“Nasan ba yung kausap mo?”

“Ahm, pasensya na po. How can I help you, Sir?” pilit ang ngiti niya dahil ano mang oras ay kakausapin na siya ng Boss niya tungkol sa ginawa niya. Panandalian niyang ipinikit ang mga mata niya saka matapang na hinarap at kinausap ang Boss niya.

“Clean my bathroom and bring me a tissue.” Utos nito, tiningnan niya ang Boss niya at para namang hindi tungkol sa ginawa niya kagabi ang sasabihin nito. Umaasa siyang sana ganun nga. Pumasok na ang Boss niya sa office niya. “Come in,” rinig pa niyang saad ng Boss niya.

“Yes Sir, coming.” Kinakabahan niyang saad baka ito na ang katapusan niya. Dahan-dahan siyang naglakad papasok ng office ng Boss niya. Hindi man lang ba ito umuuwi para makapagpahinga man lang? tanong pa niya sa isipan niya.

Itinuro ng Boss niya kung nasaan ang bathroom nito at mabilis siyang pumasok dun para hindi na siya kausapin pa ng Boss niya. Inilock niya ang pintuan at napasandal na lang dahil pakiramdam niya nawalan siya ng hangin sa katawan ng ilang segundo.

“Paano na ako nito ngayon? Malamang naaalala niya kung anong ginawa at sinabi ko.” nahihiya pa rin niyang saad, sino bang tangang babae ang mag-aalok ng kasal sa lalaking hindi niya naman masyadong kilala.

Hinarap niya na ang malawak na bathroom ng Boss nila at base pa lamang sa mga gamit nito ay talagang mamahalin. Sa dami ba naman kasi ng pwedeng makita ng Boss niya na pwedeng maglinis ng bathroom niya ay siya pa ang naitaon na dumaan dun.

“Anong buhay ba meron ako? Simula isilang ako ay dala-dala ko na ang kamalasan. Lumaki sa isang bahay ampunan at wala man lang kinikilalang mga magulang.” Napabuntong hininga na lang siya saka niya sinimulang linisan ang buong bathroom ng Boss niya.

“Sana hindi niya na maalala o huwag niya ng ipaalala. Hindi ko na alam kung saan na ako kukuha ng kapal ng mukha para kausapin siya.” halos nanghihina niya pa niyang saad sa sarili niya habang naglilinis. Parang ayaw niya na lang lumabas, napatingin siya sa bintana pero napailing din.

“Hindi pa ako baliw para tumalon diyan.” Anas niya saka pinagpatuloy ang paglilinis niya. Nang matapos siya ay dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan at tiningnan kung nasa labas pa ba ang Boss niya. Napangiti na lang siya ng wala siyang makitang tao sa opisina.

“Mabuti naman ay naisipan mong umalis.” wika niya saka dahan-dahan na naglakad para lumabas ng office. Para siyang tanga dahil sa ginagawa niya.

“Holy goodness!!” malakas niyang sigaw nang biglang tumayo ang Boss niyang nasa ilalim pala ng lamesa dahil may kinukuha. Kunot noo naman siyang tiningnan ni Aiden.

“What are you doing? You are like a thief who runs away when you walk.” Blangko nitong saad, napatayo naman ng matuwid si Mia saka hinarap ang Boss niya pero hindi siya makatingin sa mga mata nito.

“Ah pasensya na po Sir, tapos ko na pong linisin ang bathroom niyo. May kailangan pa po ba kayo?” nahihiya niyang tanong, nilalaro niya na rin ang mga daliri niya dahil sa kaba. Blangko lang naman ang expression ng mukha ni Aiden na nakatingin kay Mia.

“Give me a tissue paper.” Wika niya lang, mabilis na tumango si Mia at lumabas na ng office ng Boss niya. Halos takbuhin niya na ang kwarto kung nasaan ang mga gamit ng hotel, gusto niya ng makaalis dahil sa hiya niya. Gusto niya na lang sumigaw nang sumigaw, nagpapasalamat pa rin siya dahil hindi siya kinakausap ng Boss niya tungkol sa nangyari kagabi.

Mabilis niyang isinarado ang kwartong pinasok niya saka niya habol habol ang hininga niya ngayon.

“Muntik na ako dun, bakit ba para akong maiihi na lang kapag nagsasalita siya at kapag naririnig ko ang malagum niyang boses. Kung ano-ano kasi ginagawa ko eh tapos ngayon para akong may kasalanan na umiiwas sa kaniya. Ano pa nga bang tawag sa ginawa ko? Isang kasalanan.” Nanlulumo niyang saad, nagpahinga na lang siya saglit. Kukuha pa ng lakas ng loob para harapin uli ang Boss niya.

“Ay kalbo! Anong ginagawa mo diyan?” tanong ni Sarah ng makita niya si Mia na nakasalampak sa semento at tila pinagbagsakan nanaman lang siya ng langit at lupa dahil sa itsura niya.

“Parang ayaw ko na lang mabuhay.” mahina niyang saad. Natawa naman sa kaniya si Sarah dahil mukhang alam niya na kung anong problema ng katrabaho niya.

“Kalat na kalat sa hotel ang ginawa mo kagabi, ang swerte mo girl.” Wika pa nito, masama siyang tiningnan ni Mia saka siya tumayo.

“Huwag mo ng ipaaalala, that’s the worst thing na dumaan sa buhay ko. Nakakahiya talaga.” Tumayo na siya saka niya kinuha ang isang carton ng tissue. “Ikaw na ang magbigay niyan kay Sir Aiden, nandun siya sa office niya ngayon. Salamat!” ibinigay niya kay Sarah ang carton saka siya mabilis na tumakbo at umalis na.

“Mia!” rinig pa niyang sigaw ni Sarah pero hindi niya na ito nilingon pa. Ayaw niya ng bumalik sa office ng Boss nila. Nagiging magugulatin na siya dahil pakiramdam niya nandiyan na lang palagi sa paligid ang Boss niya. Mabilis siyang sumakay ng elevator at isinarado niya na iyun. Napahawak siya sa dibdib niya dahil hingal na hingal siya sa pagtakbo niya.

Ayaw niya ng maassign sa floor na yun, pakiramdam niya para siyang nasa impyerno, hindi siya makahinga ng maayos at ang init-init ng pakiramdam niya kahit na hindi naman mabanas. Kung ngayon nakatakas pa siya sa Boss niya, hindi niya na alam ang mangyayari sa susunod na araw.

Gagalingan na lang siguro niyang umiwas hanggang sa mawala na ang tungkol sa nangyari.

“Anong ginagawa mo rito? Bakit ganiyan itsura mo? May ginawa ka nanaman ba?” sunod-sunod na tanong ni Stella ng makita niyang mabagal na naglalakad si Mia.

“Wala akong ginawa, ano na lang bang tingin mo sakin? Trouble maker. Tapos na trabaho ko dun.”

“Eh bakit ganiyan itsura mo? para kang nakipag-unahan sa marathon.”

“Aish! Wala. Ano pang gagawin mo? sasama na lang ako.” ayaw niya ng sabihin kay Stella na nagkita sila ng Boss nila dahil baka abutin nanaman siya ng sermon kahit na hindi pa niya naririnig ang paliwanag ni Mia.

“Marami pa akong lilinisin na kwarto, mamaya baka magpalit kayo ni Jenna, ikaw naman sa front desk.” Parang ayaw niya na lang talagang mabuhay, bakit ngayon pa siya mapupunta sa front desk kung kailan hindi pa nakakauwi ang Boss nila.

“Pwede bang ikaw na lang?”

“Hindi ako pwede, ano ka ba.”

“Kahit ngayon lang please?” nakikiusap niya ng saad kay Stella pero inilingan lang siya nito.

“Hindi pwede, sumunod ka na lang kung ayaw mong si Ms. Red ang makaharap mo.” pagtutukoy nila sa Manager nila, pinangalanan nila itong Ms. Red dahil para raw itong palaging may dalaw dahil sa pagsusungit niya.

Wala na talaga siyang magagawa. Paulit-ulit niyang ipinapanalangin na sana ay nakauwi na ang Boss nila para hindi na sila magkita sa front desk.

Tinulungan niya na muna si Stella sa paglilinis bago siya nagtungo ng front desk. Naglalakad pa lamang siya papalapit sa pwesto nila Jenna ay nakangisi na ang mga ito sa kaniya.

“Kamusta naman ang soon to be bride ni Sir?” nakangisi nitong tanong, napairap na lang si Mia dahil mukhang kalat na kalat na talaga sa buong hotel ang ginawa niyang katangahan.

“Gawin niyo na lang ang trabaho niyo.” Masungit na saad ni Mia.

“Nagkita na kayo ni Sir? Anong sabi niya sayo? Seryoso raw ba talaga siya sa isinagot niya sayo kagabi?” napakunot na lang si Mia dahil hindi niya naman alam kung anong tinutukoy ng mga kasama niya.

“Ano ka ba, pinatulan na lang ni Sir si Mia para tumigil na ito. Sino naman ang papayag na magpakasal sa babaeng hindi niya naman kilala.” Prankang saad ni Jenna, inirapan naman siya ni Mia.

“Hindi ka pa ba pupunta sa trabaho mo o kailangan ko pang tawagin si Ms. Red?” Pagbabanta niya na rito pero tinawanan lang siya ni Jenna.

“Marry me, Mr. CEO hahahaha.” Natatawa niyang saad sa sinabi ni Mia kagabi. Gusto nang sapukin ni Mia ang mga katrabaho niya pero nagtimpi na lang siya.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (2)
goodnovel comment avatar
Emma Katly
updated please thank
goodnovel comment avatar
Pacita Gabriel
beautiful story
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Marry Me, Mr. CEO   Special Chapter 2

    “Mabuti ka pa at kaunti na lang ay graduate ka na sa pag-aalaga. Dalaga na si Yeshah at kaunti na lang ay mga binata na rin ang mga anak mo baka sa susunod mga apo mo naman na ang aalagaan mo—aray!” batukan ko nga, kung ano-ano sinasabi.“Bata pa mga anak ko at may mga pangarap sila sa buhay kaya anong mga apo ko naman ang aalagaan ko? E kung batukan pa kita?” inis kong saad sa kaniya pero tinawanan lang ako ng kumag.Nag-uusap na si Mia at Stella habang naglalaro naman ang mga bata, si Yeshah nasa kwarto niya at gumagawa ng project.“Dad, I need to go in national book store. May kailangan lang po akong bilhin.” Wika sa’kin ni Yeshah na kalalapit lang sa’kin.“How much do you need?” dinukot ko naman na ang wallet ko saka ko siya binigyan ng dalawang libo.“Dad, I only need 500. 2000 is too much.” Reklamo niya sa’kin pero dahil wala akong barya ay isang libo ang ibinigay ko sa kaniya.“Padrive ka na lang kay Kuya Jin.”“Yes po,” mabilis niya namang sagot saka lumapit sa ina niya para m

  • Marry Me, Mr. CEO   Special Chapter 1

    AIDEN’S POVGulo-gulo ang buhok kong nakatingin sa mga anak kong magugulo rin. Oo, pinangarap kong bumuo ng malaking pamilya pero bakit naman isang irehan kaagad?“Ano? Okay ka pa ba? Hahahaha ayos yun ah. Apat agad sa isang irehan.” Sinamaan ko ng tingin si Ace, oo may quadruplets kami ni Mia at hindi namin yun inaasahan. Malaki yung tiyan niyang nagbuntis at ng malaman namin na apat na heartbeat ang nadetect sa pagbubuntis niya masaya ako na nag-aalala. Hindi ko kayang mawala sa buhay ko si Mia, ipinagbubuntis pa lang niya ang mga kambal namin hirap na hirap na siya kaya halos hindi ko alam ang gagawin ko.“Yaaaahhh,” sigaw na naman ng anak kong lalaki habang nakasakay siya sa likod ko. Tanggal ang angas ko sa mga anak ko, kung gaano ako kalupit sa opisina ay siyang kabaliktaran naman pagdating dito sa bahay. Tatlo ang anak kong lalaki at sa kanilang apat naman ay ang babae ang bunso sa mga kambal ko.Masakit na ang anit ko dahil sa pagsabunot ng anak ko, gawin ba naman akong kabayo

  • Marry Me, Mr. CEO   Kabanata 65.2

    Naiwan si Yeshah sa Manila dahil gusto ko sanang magkaroon kami ng solo time ng asawa ko. Handa na kaming sundan si Yeshah at bigyan siya ng maraming kalaro dahil minsan napapagod na rin ang mga Lolo at Lola niya sa pakikipaglaro sa kaniya. “Hindi kalakihan yung bahay pero napakaganda.” Namamanghang saad pa rin ni Mia habang nililibot namin ang bahay. Glass wall lang din ang iba para kitang kita mo ang ganda ng dagat. Mula rito ay kitang kita namin ang maraming turista. Maraming resort dito sa lugar na ito at kahit hindi na namin kailangang pumunta dun dahil sa ilalim ng bahay na ito ay may ipinagawa rin akong swimming pool. “Ang ganda ganda talaga dito Love. Parang gusto ko na lang dito tumira.” Aniya pa, tagos na tagos ang araw sa glass wall dahil maaga pa pero malamig dito sa loob dahil sa aircon. “Ito ang magiging bahay bakasyunan natin dahil sa dami ng nangyayari sa buhay natin sa bawat araw, we deserve a vacation.” Wika ko sa kaniya. Napatingin din siya sa multifunctional chai

  • Marry Me, Mr. CEO   Kabanata 65.1

    AIDEN’S POVNapabuntong hininga na lang ako ng maabutan ko na naman si Daddy na may hawak na alak. Naupo ako sa harapan niya. Ilang araw pa lang simula ng mawala sa’min si Daddy.“Dad,” anas ko, napabuntong hininga siya saka ako tipid na nginitian.“Jared Vesarious is your Mom’s first love. Mahal na mahal niya si Jared kahit ng magpakasal kaming dalawa. Pilit lang naman ang kasal namin pero habang tumatagal, I fell in love with your Mom. Akala ko kapag dumating ka sa buhay niya sakaling may magbago pero akala ko lang pala yun. I love your Mom son but she never love me, anong magagawa ko si Jared ang minahal niya at mahal niya hanggang ngayon. Hindi ko akalain na kaya niyang patayin ang sarili niya para sa isang lalaki. Tinanggap ko lahat, tiniis ko lahat, naghintay ako sa Mommy mo pero hindi pala yun sapat para mahalin niya rin ako at kalimutan si Jared.” Hilaw siyang natawa, masakit din para sa’kin na makita sa ganitong kalagayan si Daddy pero hindi pa rin niya magawang magalit kay M

  • Marry Me, Mr. CEO   Kabanata 64.2

    Ano nga ba talagang kayang gawin ng pag-ibig? Ano pa bang kayang isakripisyo ng lahat para sa pangalan ng pag-ibig? Hindi niya ba naibaling ang lahat ng pagmamahal niya kay Aiden? Nang dumating sa buhay niya si Aiden?Napabuntong hininga na lang ako, ang pagmamahal pa rin ba niya kay Daddy ang dahilan kung bakit gusto pa rin niya akong mamatay? Naging bangungot ko ang gabing muntik akong mamatay. Kung hindi dahil kay Ate Jade baka abo na lang din ako ngayon. Nagawa niya na akong ilayo sa mga magulang ko pero bakit ipinahanap pa rin niya ako para lang patayin?“Kung naging maaga lang siguro ang mga pulis na dumating kanina, hindi siguro ito nangyari.” Saad uli ni Tita Irene, napakunot naman ang noo ko.“Ano pong ibig niyong sabihin?”“Nagsalita na ang lalaking nag-utos sa mga lalaking dumukot sayo kung sino ang mastermind ng lahat. Sinabi niya ng si Olivia nga ang may pakana ng lahat ng nangyari sayo. Sinubukan namang humabol ng mga pulis sa place kung saan ang kasal pero huli na sila

  • Marry Me, Mr. CEO   Kabanata 64.1

    MIA’s POVHalos hindi ko maigalaw ang mga kamay at mga paa ko. Para akong nanigas at hindi makagalaw, sana panaginip na nga lang ang lahat. Ang saya saya ko lang kanina diba? masaya lang kaming lahat kanina pero bakit naging ganito ang lahat? Bakit naging madugo ang kasal na pinangarap namin?Nagkalat sa carpet ang dugo ni Daddy ganun na rin ni Ma’am Olivia. Naguguluhan pa rin ako, ano bang mga naging nakaraan nilang lahat sa isa’t isa? Bakit kailangang si Daddy pa ang saktan niya? Bakit niya kinukuha ang buhay na hindi kaniya.“Mia,” rinig ko sa boses ni Stella, bakas ang pag-aalala sa kaniya pero tila nakamagnet na ang mga mata ko kay Daddy. Rinig na rinig ko na ang iyakan ni Mommy at ng mga kapatid ni Daddy ganun na rin si Aiden at si Sir Dave.Dahan-dahan akong humakbang, parang ayaw ko pang iproseso sa utak ko ang lahat ng nangyayari.“Call the ambulance now!” umiiyak na saad ni Mommy habang yakap yakap si Daddy.“Iha,” pinigilan ako ng isang kapatid ni Daddy sa paglapit sa kaniy

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status