Share

Kabanata 2.1

Napahawak na lang si Mia sa ulo niya dahil sa ilang imaheng lumitaw sa isipan niya.

“Ahh!” d***g niya saka niya hinawakan ang ulo niya.

“Ano bang problema?” tanong na ni Stella, minsan pang tiningnan ni Mia ang Boss nilang nakikipag-usap pa rin. Kunot noo niya itong tinitigan hanggang sa may maalala siya.

“Marry me, Mr. CEO!” malakas niyang sigaw sa isipan niya. Nanlaki ang mga mata niya dahil dun.

“Teka, sinabi ko ba talaga yun? Anong ginawa ko? Aish!” inis niyang sinabunutan ang sarili.

“Hindi ako aalis hangga’t hindi ako sinasagot ni Sir CEO. Just answer me if you’re gonna marry me, hindi ako aalis hangga’t hindi ka sumasagot.”

“Holy goodness! Anong ginawa ko?” mabilis siyang tumalikod at dahan-dahan na naglakad para iwasan ang Boss niya. Nasapok niya ang sarili niya dahil mukhang naiintindihan niya na ngayon si Stella.

“Hoy! Saan ka ba pupunta?!” tawag sa kaniya ni Stella. Nananalangin na si Mia na sana ay hindi lumingon sa kanila ang Boss nila. Hindi niya alam kung anong ipapaliwanag at kung anong sasabihin niya, hindi niya rin kayang humarap ngayon.

Mabilis siyang tumakbo para makaalis lang dun, wala na siyang pakialam kung maiwan niya na ang kaibigan niya. Hinabol naman siya ni Stella hanggang sa makabalik silang dalawa ng kwarto nila.

“Bakit ka ba tumatakbo na lang basta-basta? Anong problema mo?” hinihingal pang taong ni Stella. Napasapo na lang si Mia dahil tandang-tanda niya na lahat ng sinabi at ginawa niya kagabi. Tiningala niya si Stella pero napapikit din siya kaagad dahil paulit-ulit niya ng naririnig sa isip niya ang lahat ng sinabi niya.

“Stella, anong ginawa ko?” nanlulumo niyang tanong, napangisi naman si Stella dahil mukhang naalala niya na lahat ni Mia.

“Si Sir lang pala kailangan mo uli eh para maalala mo ang kahihiyang ginawa mo.”

“Nakakahiya talaga! Bakit hindi mo ako kaagad sinundo? O bakit hindi mo man lang ako pinilit na umalis na!”

“Anong magagawa ko?! Kapit na kapit ka kay Sir! Ang lakas ng loob mong akitin siya ng kasal, girl are you crazy? Iyan ba ang epekto ng pagiging broken hearted mo?”

“Tama na, tama na.” tinakpan na ni Mia ang dalawa niyang tenga. “Ayaw ko ng maalala, nakakahiya yun. Nakakahiya!” naiinis niyang saad, inalala niya naman kung anong isinagot ng Boss niya pero hindi niya alam kung bakit naputol na ang ala-ala niya. Hindi niya tuloy alam kung anong isinagot ng Boss niya sa kabaliwan niya.

“Nakakahiya talaga ang ginawa ko! Anong katangahan yun?!” inis pa rin niyang saad sa sarili. Napapangisi na lang si Stella sa kaibigan niya dahil damhin niya naman ngayon ang sinapit na kahihiyan ng kaibigan niya kagabi.

Naupo si Stella sa harap ni Mia na patuloy pa ring tinatapok ang sarili.

“Kahit ilang beses mong saktan ang sarili mo, wala ka ng magagawa para ibalik kung anong sinabi at ginawa mo. Okay lang sanang sinabi mo iyun sa mga katrabaho natin pero sa harap ng Boss natin? Talagang nababaliw ka na Mia.”

“Nasisiraan na talaga ako ng bait.” Mahina niyang saad dahil ramdam na ramdam niya talaga ang hiya. Paano niya ngayon haharapin ang Boss nila? Ano na lang sasabihin at ipapaliwanag niya? Paano kung alisin na siya sa trabaho ngayon?

“Ayaw ko na, pwede bang kunin niyo na lang ako?!” sigaw pa niya, anong klaseng lakas ng loob pa ang meron siya kagabi at pinagsabihan pa niya ang Boss niyang okay lang sa kaniyang alisin siya sa trabaho?

“Anong gagawin ko? Anong sasabihin ko sa kaniya? Hindi naman kami close ni Sir para kausapin ko siya ng ganun!” nagkibit balikat lang naman si Stella.

“Maging ako, hindi ko alam kung anong ihaharap ko sa kaniya. Walang nagsabi sayong mag-inom ka at bumalik ka ng ganun kalulong sa alak.” napapailing na lang si Mia habang hawak-hawak niya ang ulo niya. Gusto niya na lang talagang mawala sa mga oras na ito.

Hindi pa niya alam kung anong sinabi ng Boss niya kagabi sa kaniya kung nagagalit ba ito sa kaniya baka mamaya malalaman na lang niya wala na talaga siyang trabaho. Paulit-ulit siyang umiling, hindi niya kayang mawala ang trabaho niya, matagal na siya sa hotel na ito at dito niya ibinuhos ang oras niya na isa ring naging dahilan kung bakit siya iniwan ng boyfriend niya dahil wala siyang masyadong oras.

“Gusto ko na lang maging earth.” Mahina niyang saad, hilaw naman siyang tinawanan ni Stella.

“Kaya ka nasasaktan eh, ginagawa mong mundo ang dapat ay tao lang. Gumising ka na sa kahibangan mo. Matagal na kitang winarningan diyan sa feeling rich mong boyfriend, kung umasta akala mo kung sinong mayaman, umaasa lang din naman sayo dahil ayaw maghanap ng trabaho. I don’t want to tolerate that kind of attitude you have, magwala ka kung gusto mo, magalit ka sa akin wala akong pakialam dahil una pa lang ayaw ko na talaga diyan sa boyfriend mo, nakikisama lang ako dahil kaibigan kita. Ilang beses na rin kitang sinabihan na hindi magandang halimbawa sayo ang boyfriend mong adik sa sugal pero anong ginawa mo? Pinagpatuloy mo, anong nangyari sayo ngayon? Dahil sa katangahan mo, ayon! CEO ng hotel ang ginanun mo.” panenermon pa ni Stella, hindi na sumagot si Mia dahil tama naman siya.

Hindi niya kasi kayang iwan noon si Jaxson dahil sa tuwing kailangan niya ng makakasama, siya yung nandun. Nagbago lang simula ng maadik ito sa sugal. Umasa siyang baka magbabago pa siya at babalik sa dating siya pero nawala ang lahat ng pag-asa niya ng makipaghiwalay na ito sa kaniya at ipinakilala ang bago niya.

“Umaasa na lang akong sana hindi sineryoso ni Sir ang mga sinabi ko at hindi niya ako alisan ng trabaho.”

“Umaasa rin akong ganun nga sana ang mangyari dahil hindi ko na rin alam ang gagawin ko sayo.” tila pagod ng sabi ni Stella. Minsan ay hindi niya na rin maitago ang inis niya kay Mia dahil sa katigasan ng ulo nito, ni minsan ay hindi man lang siya pinakinggan ng kaibigan niya.

Lumipas ang maghapon na iyun na hindi na lumabas ng kwarto niya si Mia. Samantalang lumabas naman si Stella at hindi niya na pinilit ang kaibigan na lumabas saka gusto ring makapagpahinga ni Mia dahil sa hang over na nararamdaman pa rin niya. Pakiramdam niya ay umiikot pa rin ang paligid niya.

Halos buong maghapon siyang natulog para kalimutan ang ginawa niya kagabi at para na rin may lakas siya mamaya kapag duty niya na.

Nang magising siya ay inayos niya na ang sarili niya dahil malapit ng mag-alas sais. Magpapalitan nanaman sila ng mga katrabaho nila.

“Hindi ka man lang natulog, may lakas ka ba niyan mamaya?” tanong ni Mia habang naggagayak silang dalawa ni Stella.

“Isipin ko lang kung anong ginawa mo, nagigising na diwa ko.” napangiwi na lang si Mia dahil mukhang tama siya.

“Huwag mo ng ipaalala, pakiusap. Kaibigan pa ba kita?”

“Minsan oo, minsan hindi.” Diretsong sagot ni Stella, napangiwi na lang uli siya. Mukhang ganun na nga siguro ang naramdamang hiya ni Stella dahil siya yung nandun at nakarinig ng lahat. Gusto sanang magtanong ni Mia kung anong sinabi ng Boss nila kagabi pero pinigilan niya na ang sarili niya dahil baka hindi niya na kayanin ang kahihiyan na ginawa niya.

“Sa 18th floor ka, umalis na yung mga guest ng room 4032 hanggang 4036. Lilinisin mo yung buong kwarto at papalitan ng mga gamit, yung mga natira nila itapon mo na.” saad pa ni Stella na akala mo ay hindi alam ni Mia ang gagawin niya.

“Matagal na ako rito kaya alam ko ang ginagawa ko.”

“Akala ko kasi naiwan pa utak mo sa alak.” diretso niyang saad na nakapagpangiwi nanaman kay Mia.

“Tsss, akala mo naman kung may itatapon pa akong mga gamit. Sinisimut naman nila lahat bago sila umalis.” wika pa niya. Sabay na silang dalawa na lumabas ng kwarto nila, naghiwalay na lang dahil magkaiba sila ng pupuntahan. Sumakay na ng elevator si Mia at halos maya’t maya ang lingon niya sa paligid niya dahil baka mamaya ay nandiyan pa ang Boss nila. Minsan kasi ay late itong umuwi dahil sa dami rin ng inaasikaso niya.

Pumasok na siya sa room 4032 para linisin ang mga gamit dun at palitan lahat ng mga bedsheet at punda ng unan. Napabuntong hininga na lang siya ng makita niya nanaman ang mantsa sa maputi nilang bedsheet. Hindi na bago sa kaniya ang mga ganung bagay dahil minsan ay may dugo pa ang mga bedsheet, bakas na may nawalan ng virginity.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status