Share

Chapter 3

Author: smoothiee
last update Huling Na-update: 2024-03-19 17:07:13

Dinampian ni Alexis ng blush on ang kaniyang kanang pisngi para matakpan ang pasa. Medyo umipis na ang pamamaga ng kaniyang pisngi pero kitang kita pa rin ang pasa nito.

Papunta na sya ngayon sa itinayo nyang bakery shop. Nagtapos sya ng kolehiyo sa kursong business administration. Kaya after nyang magtapos ay nagtayo sya ng isang bakery shop.

Walang traffic. Pabukas pa lang ang shop kaya naisipan nya munang bilhan ng almusal ang mga tauhan nya. 

Ilang araw din syang nawala at hindi nakadalaw sa bakery shop nya. Nang makabili sa kabilang street ng almusal ay agad din syang bumalik. Bukas na ang shop. Wala pang customer pagpasok nya sa loob. 

"Binilhan ko kayo ng almusal," bungad nya sa mga tauhan. "Pambawi hehe." Nilapag nya sa lamesa ang dalawang paperbag na naglalaman ng mga silog.

"Na-miss ka namin, boss! Saan ka po galing, mukhang naging busy po kayo."

"Busy kasi nakipagbreak," pabirong sagot ni Alexis. "Oh, sya. Kumain na muna kayo habang wala pang customer."

Napahinto ang ilan sa pabirong sagot ng kanilang boss. Noong nakaraan lang ay sobrang saya kasi ni Alexis nang magpropose sa kaniya si Manuel. Pinangakuan pa sila nito na pumunta sa kasal nila. 

"Hayaan mo, boss," sabi ng maliit na babae na si Jasmine. "Wag kang malungkot. May bago tayong customer nitong mga nakaraang araw. Gwapo!" 

"At matangkad!" singit ng isa pang babae.

"At mukhang matalino!" isa pang sigaw galing muli kay Jasmine.

Natawa si Alexis sa mga ito. "Kayo talaga," naiiling na sabi nya.

Napaisip tuloy si Alexis. Matangkad, gwapo, at mukhang matalino. Mukhang may nakita na sya noon na eksakto sa sinasabi nila.

"Araw-araw syang nandito boss, dalawang beses yun dumadaan. 4:30 ng hapon tapos mga 8:30 ng gabi. Bago magsara sya lagi ang last customer." 

Kuryoso tuloy sya pero hindi sya ganon kainterisado.

Matapos kumain ng mga tauhan nya ay tinapos ni Alexis ang mga pending works nya. Umupo sya sa gilid kung saan tanaw nya ang ilang mga na sa labas.

Dinalhan sya ng isa sa mga waiter ng spanish bread at isang hot choco. Sumagi ang tingin ng waiter sa labas at halos magulat ito sa nakita.

"Boss, sya 'yan!" sabi nito dahilan para makuha nya ang atensyon ni Alexis. "Sya yung tinutukoy naming gwapo! Parang artista sa datingan, oh!"

Dumapo ang tingin ni Alexis sa labas. Bahagya rin syang nagulat.

"Sya yun," bulong nya.

Sya yung lalaking nagsauli sa kaniya ng panyo at susi. Hindi nito tinanggap yung pera at ngayon lang napagtanto ni Alexis na medyo off ang ginawa nya.

"Gwapo nya talaga, boss!" muling sabi ng waiter bago umalis.

Kitang kita ni Alexis kung paano pumunta sa cashier ang lalaki. Um-order ito ng tasty at ilang kababayan. Kukunin na sana ng lalaki ang phone nya nang tumayo si Alexis para ibigay ang bayad na cash sa cashier.

"Keep the change," utos ni Alexis sa tauhan nya. 

Tinignan sya ng lalaki. Nagtataka ito ngunit nawala ang pagtataka sa mukha nya nang mamukhaan si Alexis.

"It's nice to see you again," ani Alexis. "Salamat ulit sa pagsauli ng susi," dagdag nya bago muling bumalik sa pwesto.

Alam nyang natagalan sya sa pagbalik noon kaya laking tuwa nya na nahintay sya ng lalaki.

May sasabihin pa sana ang lalaki nang magsalita ang na sa cashier. 

"Sir, please take your order po. Maraming salamat po."

Nang makuha ang order ay nagtungo ang lalaki sa pwesto ni Alexis. Nakita sya ni Alexis kaya bahagya syang natawa. "I insist, tanggapin mo na lang please. Pasasalamat ko sa pagsauli mo ng gamit ko."

Napangisi ang lalaki sa cute na boses ni Alexis. Tinaas nito ang paperbag na may lamang mga tinapay. "Thank you for this."

Nang tumalikod ang lalaki ay hindi naalis ang tingin ni Alexis sa kaniya. Hanggang sa tuluyan itong nawala sa paningin nya.

Hindi na namalayan ni Alexis ang oras. Nagpaalam na ang halos karamihan sa tauhan nya. Sya na lang ang natira at isasara na nya ang shop. 

Exact 9 sila magsara ngunit hindi akalain ni Alexis na may customer pang dadating. 

Isasara na kasi sana nya ang pintuan nang marinig ang isang pamilyar sa boses. 

"Let's talk."

Agad na napatingin si Alexis sa lalaki. Nagtagpo agad ang mata nila ni Manuel.

Napatiim bagang si Alexis. Matalim nyang tinignan si Manuel. 

"Bakit ka nandito?" agad na tanong nya kay Manuel.

Lumayo agad si Alexis at nagtungo sa counter area. Marahil ay natrauma sya sa nangyari.

Ngunit sumunod si Manuel sa kaniya at inilapag ang kulay fuchsia na box sa harap ni Alexis. "Anong ibig sabihin nito, Alexis?" malamig na tanong ni Manuel. "Bakit mo binalik ang wedding ring at ang engagement ring?"

Muli na namang pumasok sa isipan ni Alexis ang mga nangyari noong araw na 'yon. Ang araw na ginising sya sa katotohanan. Ang araw na pinamukha sa kaniya ni Manuel na may mas mahalaga sa kaniya ang vase kumpara sa kaniya.

"Ano sa tingin mo?" inis na tanong sa kaniya ni Alexis. "A -ayoko na, Manuel. Itigil mo na ang pagpaplano ng kasal."

Nagbago na naman ang walang emosyong mukha ni Manuel. Galit na naman ang makikita sa mukha nya. 

"Dahil lang sa maliit na bagay na 'to ititigil mo ang kasal?" natatawang tanong ni Manuel sa kaniya. "Ang babaw mo, Alexis! Ang babaw mo!"

Bumigay na ng tuluyan si Alexis. Sagad na sagad na ang pasensya nya. "Sa tingin mo mababaw lang 'yon?" Pilit pinigilan ni Alexis na huwag umiyak.

"K -kung sayo mababaw 'yon pwes sa akin hindi!" sigaw nya kay Manuel. "Yung maliit na bagay na 'yon malaki para sakin! Sinaktan mo ko, Manuel! Sinaktan mo ko!"

Hindi na napigilan ni Alexis na umiyak. Ayaw na sana nyang magsalita pa pero punong-puno na ng sakit ang nararamdam nya. 

"Mas binigyan mo ng halaga yung vase kesa sa akin! Ni hindi mo ako tinanong kung ok lang ba yung sugat ko, gusot mo pang pulutin ko yung bubog! Mahal kita, Manuel. Pero puno na ako. Said na ako at mas lalo mo akong tinulak para sumuko nung sampalin mo ako!"

Kinuha nya ang wedding box at hinagis sa dibdib ni Manuel. "Umalis ka na!" sigaw nya rito. "Umalis ka na!"

Napahinto ang lalaking papasok sana sa shop nang marinig ang mga sigawan. Nakasalubong nya ang pag-alis ni Manuel sa shop bitbit ang box at itinapon ito sa kalsada.

Pinagmasdan ng lalaki na umiyak si Alexis. Noong una nya itong makita ay umiiyak din ito noon at nagmamadaling umalis. Ngayon ay umiiyak na naman at mukhang kailangan nya ng karamay. 

Pumasok sya ng tuluyan at nagtanong. "Ok ka lang?"

Imbes na sumagot ay mas lalong naiyak si Alexis. "M -magsasara na kami. B -bukas ka na lang bumili," sagot ni Alexis habang pinupunasan ang basang pisngi.

Hindi umalis ang lalaki at patuloy na naglakad papalapit kay Alexis. Inabutan nya ito ng panyo.

Nang magtagpo ang mga mata nila ay bahagyang ngumiti ang lalaki. 

"Gusto mong uminom?"

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Marry Me, Mr. Professor   Chapter 53

    Halos hindi pa sumisikat ang araw sa masayang bahay ni Alexis ay tila ba naghagis na ng malambot na ginintuang kulay ang kalsadang na sa harapan ng bahay. Sa loob ng kanyang bahay, ang mainit na amoy ng mga bagong lutong itlog at fried rice ay pumupuno sa hangin, na humahalo sa tunog ng mga kanta sa loob ng bahay nila. Usual na ganap tuwing linggo sa isang tahanan.Si Alexis ay maingat na nag-aayos ng plato at baso nang tumunog ang kanyang telepono sa countertop, na humiwalay sa kanyang atensyon. Nagtataka ay kinuha niya ito at sinipat ang screen. Ito ay isang text mula sa kanyang assistant na si Jasmine.“Boss, good morning po. Na sa shop na po kami ni Berna. Nakatanggap po kami ng notice mula sa pulis tungkol sa illegal parking daw po natin. Nagbabanta silang hahatakin ang delivery truck kung hindi ito magalaw sa lalong madaling panahon. Pwede ka bang pumunta sa shop, boss?”Agad na napakunot ang noo nya nag mabasa ang text message. Nadurog ang puso niya. Nakaparada ang delivery tru

  • Marry Me, Mr. Professor   Chapter 52

    Paggising ni Alexis ay wala na sa kaniyang tabi si Alvin. Kinapa nya ang gilid nya at wala nga talagang tao roon. Hapon na sya nagising dahil na rin siguro sa pananakit ng kaniyang katawan.Ang ngiti ay sumilay sa kaniyang labi nang maalala nya ang mga nanyari kahapon. Nabigay na nya ng tuluyan kay Alvin ang kaniyang pagkababae. Hindi nga nya mabilang kung nakailan sila kagabi. Basta ang alam nya ay masakit ang maselan nyang parte.Nakatanggap sya ng text kay Alvin. Agad syang umupo at napadaing pa nang maramdaman ang hapdi sa kaniyang pang-ibaba.Hindi nya akalain na may ganoong tinatago si Alvin. Isang halimaw sa kama! Nabigla sya, iyon ang totoo. Hindi nya tuloy maiwasan na mapaisip kung may mga karanasan na ba ito noon.“Naghanda na ako ng pagkain for you, take a rest! Uuwi rin ako agad,” pagbabasa ni Alexis sa text message ni Alvin sa kaniya.Napatayo na sya at nagbanlaw na. Although mukhang nalinisan naman na sya ni Alvin ay gusto pa rin kasi nya na magbabad sa tubig.Sarado nam

  • Marry Me, Mr. Professor   Chapter 51

    Nagsisimula nang lumubog ang araw, na naglalagay ng mainit na ginintuang kulay sa lungsod habang nagmamaneho si Alvin sa mataong mga lansangan. Nakatanggap siya ng tawag mula sa kanyang nakababatang kapatid na si Almario, noong araw na iyon, na humihiling sya sa kanyang kapatid na maging CEO na ng tuluyan at ngayon ay pinapapunta sya sa opisina para sa isang mahalagang usapan. Magkahalong kuryusidad at pangamba ang nadama ni Almario noong araw na tinawagan sya ni Alvin; Si Alvin ay hindi basta-basta gumawa ng gayong mga kahilingan. Limang taon kasing iniwasan ni Alvin ang pagiging CEO kaya nagtataka sya na bigla itong tumawag para doon.Agad na ipinarada niya ang kanyang sasakyan at naglakad patungo sa makintab na gusaling gawa sa salamin, ito ang infinity corporation na sikat na sikat when it comes to construction materials, bumaha sa kanyang isipan ang mga alaala noong mga panahon nya sa kaniyang kolehiyo.. Siya ay gumugol ng hindi mabilang na oras dito, nagtatrabaho hanggang g

  • Marry Me, Mr. Professor   Chapter 50

    Tila naging blessings in disguise pa ang nangyari kay Alexis ngayon. Hindi lang naging doble ang kinita nya ngayong araw. Talagang pumaldo ang shop nya ngayon dahil sa tulong ng sikat na artista na si Blessy. “Thank you for today, Blessy,” ani Alexis sa kaniya at bahagyang yumuko para magpasalamat. “Kung hindi dahil sa tulong mo ay baka magsara kami after two months.”“Hala, nako,” agad na reaction ni Blessy nang yukuan sya ni Alexis. “Hindi nyo na po kailangan yumuko, ma’am. It’s my pleasure to help you po.”Nahiya naman si Blessy sa ginawa ngayon ni Alexis. Hindi nya akalain na napaka down to Earth ng asawa ng isa sa mga big boss ng Infinity Corp. Ang tagal din na nawala ni Alvin sa industry kaya laking gulat nya na lamang na makita ito rito sa isang bakery shop. Napaayos sya ng upo nya nang marinig nya ang boses ni Alvin.“Thanks for today,” nakangiting bati nito sa kaniya. “Good luck to your upcoming movie.”Napalunok si Blessy. Hindi nya talaga makakalimutan ang araw na ito. Isa

  • Marry Me, Mr. Professor   Chapter 49

    “Wag ka ng malungkot.”Umupo si Alvin malapit na upuan kung saan nakaupo si Alexis. Hinagod nito ang likuran nya para pakalmahin. Kitang kita kasi nya kung gaano kalungkot ngayon si Alexis. Ito na marahil ang unang beses na naging malungkot ito ngayong nagkasama sila.“Hindi ko mapigilan,” sagot ni Alexis at huminga ng malalim. “Siguro mali ko rin kasi di ko napaghandaan yung mga ganitong sitwasyon. Masyado akong naging kampante.”Tumayo si Alvin at niyakap si Alexis. “Ok lang ‘yan, I’m here,” sagot nya. “Masyado pang maaga. Isang oras pa lang simula nang magbukas tayo.”Sa pagkakataon na ito ay tila ba nabuhayan ang puso ni Alexis dahil sa mga sinabi ni Alvin. Huminga sya ng malalim bago tumayo. Niyakap nya si Alvin at nagpasalamat.Humarap sya sa mga staff. “Come on, let’s do our best today. I’ll try to put sales to our product—““No,” agad na pagpipigil ni Alvin. Ngumiti sya sa mga staff. “Damihan nyo na lang ang eggpie and red velvet nyo today. Papunta na ang bisita natin, nandito

  • Marry Me, Mr. Professor   Chapter 48

    Gulat at inis ang naramdaman ni Alexis matapos nyang marinig ang mga sinabi sa kaniya ni Jasmine. Ang kaniyang noo ay kumunot at napauwang pa ang kaniyang labi.Hindi sya pwedeng magkamali. Kaya naman nagtanong sya ulit.“W -what?” gulat nyang tanong. “Sino kamo?”“Si Sir Manuel po.”Doon ay napatay ni Alexis ang kaniyang phone. Dali dali syang pumasok sa banyo para maligo. Naiwang tulala si Alvin sa kaniya at walang kaalam alam sa mga nangyayari. Minuto pa ang binilang nya bago tuluyang makalabas ng banyo si Alexis. Nagmamadali itong pumasok sa kwarto nya pero nang akmang lalabas ito ay pinigilan sya ni Alvin nang hawakan ang kaniyang balikat.“Hey, what’s wrong, wifey?” takang tanong ni Alvin sa kaniya. “Bakit nagmamadali ka? Hindi ka mapakali.”Doon ay para bang natauhan si Alexis. Napapikit sya ng ilang ulit at para bang nagising ang kaniyang diwa. Napalunok sya at nag-iwas ng tingin.“M -may problema lang sa shop,” nahihiya nyang sagot. “Kailangan ko lang makapunta sa shop as soon

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status