Share

Chapter 4

"Hindi ako umiinom," sagot ni Alexis. 

Lumunok sya at pinunasan muli ang basang pisngi. "Anong order mo?" tanong nya sa lalaki. 

"Akala ko ba magsasara ka na?" nakangising tanong ng lalaki. "Dalawang tasty sana tsaka isang eggpie."

Nag-iwas ng tingin si Alexis. "Ok, wait lang. Dine or take out?" 

Minura ni Alexis ang sarili sa isipan. Tinanong nya ang sarili kung bakit tinanong nya pa kung dine in or take out eh gabing gabi na. Pero nagulat sya nang tumawa ng mahina ang lalaki.

"Dine in, please," sagot nito.

Muli syang lumunok bago tumalikod. "Wait, serve ko lang." Agad nyang kinuha ang tasty at eggpie. 

Nilagay nya ang eggpie sa isang plate at sinerve sa lalaki. "Eat well," ani Alexis sa kaniya.

"Hindi ko mauubos 'to," natatawang sabi ng lalaki. "Pwede mo kong tulungan?" 

Tinignan ni Alexis ang oras. Late na at kailangan na nyang umuwi. Tumango sya sa lalaki at kumuha pa ng isang plate at kutsara. 

Hinati ng lalaki ang egg pie at binigay ang kalahati kay Alexis. Napuno ng katahimikan ang shop. Hanggang sa basagin ni Alexis ang katahimikan. 

"Masyado ng gabi, bakit late ka naman bumili?" Gusto nyang ibahin ang usapan at kalimutan ang nangyari kanina. 

"May emergency lang kanina sa office kaya late na nakapag-out," sagot ng lalaki sa kaniya. "Akala ko nga sarado na kayo, buti na lang bukas pa. Sarap pa naman ng mga tinapay nyo rito."

Napangiti si Alexis ng bahagya nang marinig ang papuri nito. "Salamat," simpleng sagot nya.

Kumuha sya ng dalawang bottled water. Na sa counter area lang naman silang dalawa kaya wala pang isang minuto ay nakabalik agad sya bitbit ang dalawang bottled water. 

"Water," pag-aalok nya. 

Kinuha ng lalaki ang tubig. 

"Thank you," nakangiting sabi nito. "Your name?" natatawang tanong nya kay Alexis.

"Alexis," sagot nya. "Ikaw?"

"Alvin."

Tumango si Alexis. Wala na syang maisip na ibang topic kaya napatanong na lang sya ng random thoughts. Pampagaan ng paligid.

"Ganitong oras ka talaga bumili ng tinapay?" 

Muling natawa ng mahina si Alvin. "Ngayon lang. May emergency lang kaya na-late."

Napansin ni Alvin na wala nang maisip na tanong si Alexis. Napailing sya at tinignan ang babae kung paano kumain. 

Maganda si Alexis at kitang kita iyon ni Alvin ngayon lalo na't magkaharap lang sila. Kita rin ni Alvin ang namumula nitong mata at ang pasa sa kaniyang pisngi.

Nang makita nya na tila ba napansin ni Alexis na tinitignan nya ito ay agad na syang nagtanong. 

"Magkano rito?"

"Libre na 'yan," sagot ni Alexis.

"Kahit yung tasty?" 

Natatawang tumango si Alexis. Nang matapos ay sabay silang lumabas ng shop.

"Hatid na kita?" tanong ni Alvin dahilan para mapahinto si Alexis. "Mukhang malayo pa yata bahay mo."

"May sasakyan ako," sagot ni Alexis. "Pero thank you. Ingat ka sa pag-uwi."

Nang paalis na si Alexis ay agad syang tinawag ni Alvin. Napahinto si Alexis at hindi na nya magawang lumingon sa sinabi ni Alvin sa kaniya. 

"Smile ka lang, wag ka ng umiyak ulit. Wag kang pakalunod sa lungkot.”

________________________

Agad na naramdaman ni Alexis ang malambot nyang kama nang humiga sya. Pumikit sya ng ilang minuto at halos makatulog na sya kung hindi lamang tumunog ang cellphone nya.

"Na saan ka?" agad na bungad ni Joy sa kaniya.

"Na sa bahay," sagot ni Alexis. Umupo sya sa kama. "Kakauwi ko lang. bakit?"

Tila ba nagdadalawang isip pa si Joy. "Pumunta ba si Manuel kanina sa shop mo para magsorry?" kinakabahan nyang tanong.

Napapikit ng mariin si Alexis. "Hindi," sagot nya. Naalala na naman ni Alexis ang nangyari kanina sa shop. "Hindi sya pumunta para magsorry. Pumunta sya para sumbatan ako at sabihing maliit na bagay lang ang pinag-awayan namin. In short pumunta sya para mang-gas light," mahabang dagdag ni Alexis.

Mukhang tama lang na makipaghiwalay sya kay Manuel. Pero alam nya sa sarili na mahihirapan sya.

"Puntahan kita ngayon?" tanong ni Joy sa kaniya. "Or need mo muna ng space para mag-isip?" 

Ngumiti si Alexis sa mga narinig. "Bukas ka na lang pumunta ng lunch sa shop. Alam kong pagod ka na rin. Thank you, vih!" 

Alam ni Joy na hindi na mababago ang isip ni Alexis. Kahit na adik ito kay Manuel ay hindi nya palalampasin ang pananakit sa kaniya.

Tuluyang nilamon ng dilim si Alexis nang pumikit ito. Nakatulog na sya ng mahimbing at nawala panandalian ang sakit na nararamdaman nya.

______________________

Nang makapasok si Manuel sa vip room ng bar ay agad syang tinanong ni Bruno.

"Ano, nagsorry ka na?" bungad nya sa kaibigan. "Anong sabi ni Alexis? Tinanggap nya ba yung sorry mo?"

Imbes na sumagot ay agad na nilagok ni Manuel ang tatlong baso ng beer. Sunod sunod, walang hinutan. Mukhang alam na ni Bruno ang sagot. Napahampas sya sa kaniyang noo. 

"Tinanong ko sya kung anong ibig nyang sabihin nung sinauli nya yung ring," panimula ni Manuel. "Ayaw na raw nya magpakasal."

"Sinaktan mo yung tao. Pisikal mong nasaktan," sabat ni Bruno sa kaniya. "Dapat nag-effort ka pa na kausapin at suyuin sya."

Hindi na kinuwento pa ni Manuel ang nangyari. Hindi nya binanggit sa kaibigan na hindi naman sya humingi ng tawad kay Alexis.

"Akala ko babalik sya sa akin kapag lumipas ang ilang araw," tiim bagang na sabi ni Manuel kay Bruno bago muling lagukin ang bote ng beer. "Alam kong mahal nya ako. Pero bakit ayaw na nya?"

Tila ba nabulag na sa katotohanan si Manuel. 

________________

Maagang pumasok si Alexis sa shop. Agad nyang binati ang mga staff nya at napansin ng ilan ang pag-impis ng pamamaga ng pisngi nya. Hindi na nga halos mahalata iyon. Kaunti na lang din ang marka ng pasa sa pisngi nito.

Nang matapos bumati ay agad namang nagsalita si Jasmine. 

“Wow, ang ganda naman ng gising ng boss namin,” aniya. “Mukhang inlove ulit.”

Napailing si Alexis. “Kayo talaga. Hindi madaling mag-move on.”

“Kilala mo pala si Mr. Handsome, boss!” sabi ng isang staff. “Kilala ka rin nya.”

“Nagkataon lang,” sagot ni Alexis. 

“Tapos nilibre mo pa sya kahapon, boss,” pang-aasar sa kaniya ng isang staff.

“Sge edi ililibre ko sya ulit,” pang-aasar din ni Alexis sa kanila.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status