Share

2. Skyler Perez.

Author: NetsNoona
last update Huling Na-update: 2021-07-17 00:51:56

"Yo, Sky."-bungad na bati ni Kurt kay Skyler nung dumating eto sa samgyupsal store na pinag part-time job nito ngayon.

"Hi, Bihis lang ako."-balik na bati at saglit na paalam ni Skyler kay Kurt saka dali-daling pumunta sa staff room para mag bihis ng uniform nito. Kakasimula lang ni Skyler last month sa samgyupsal shop na malapit sakanilang University. Dahil kailangan ni Skyler ng dagdag income para sa renta ng dorm at sa baon nya sa pang araw-araw.

Nag kataon kasing nawalan ng parehong trabaho ang kanyang Tatay at Nanay dahil nag tanggalan sa factory na parehas nitong pinag tatrabahuan. Sa kasamaang palad ay nasama ang mga magulang ni Skyler sa na tanggal.

Kaya nag presenta na mag trabaho si Skyler para sa mga gastusin nya. Nung sinabi ito ni Skyler sa kanyang mga magulang ay ayaw ng mga etong pumayag dahil mas mahalaga daw ang pag-aaral ni Skyler kaya ayun daw ang atupagin nito.

Pero ayaw ni Skyler na maging pabigat sya sa mga magulang nya at gusto nya rin naman mag karoon ng experience sa pagtatrabaho kahit part-time lang muna.

Sa huli, pumayag na ang mga magulang ni Skyler dahil kailangan na rin mag bayad ni Skyler sa renta ng dorm na tinutuluyan nito ngayon. Masyado kasing malayo ang bahay nila Skyler sa university kung saan ito nag-aaral.

Buti na lang nandyan ang Schoolmate/ Bestfriend ni Skyler na si Kurt Carpio na nirekomenda nito si Skyler sa boss ng Samgyupsal shop na si Boss Kim na Half Korean at Half Filipino. Na hired si Skyler at nag simula na mag trabaho. Saka nakapag advanced ng sahod din agad si Skyler kay Boss Kim.

Sobrang bait nga ng boss nila at pinayagan nito mag advance si Skyler kahit kakasimula lang nito sa trabaho at dahil dun ay nakabayad na si Skyler ng rent nito sa dorm.

"Kamusta naman ang school works mo?"-bungad na tanong ni Kurt pag kalabas ni Skyler ng staff room. Phsychology ang kinukuhang course ni Kurt samantalang Fine Arts major in Fashion Designing naman ang kinukuha ni Skyler. Parehas silang nasa 3rd year na.

Hilig talagang mag drawing ni Skyler simula bata palang ito at pangarap ni Skyler maging Fashion Designer kaya nga ayun ang kinuha nyang course. Kahit medyo may kamahalan yung mga materials na kailangan nya sa klase.

Nagbibigay naman ng scholarship ang University na pinapasukan ni Skyler at nakapasok sya sa Dean's List. Wala nang problema sa tuition fee si Skyler at ang iisipin na lang ni Skyler ay rent nya sa dorm, baon na lang sa pang araw-araw, at mga materials nya na gagamitin sa mga projects sa school.

Supportado naman si Skyler ng kanyang mga magulang sa naging desisyon nito at sinabi ng kanyang mga magulang na gawin lang ni Skyler kung ano ang ikakasaya nya. Kaya mahal na mahal ni Skyler ang kanyang mga magulang.

At gagawin lahat ni Skyler ang makakaya nya para makatapos agad-agad at makahanap ng magandang trabaho.

"Okay lang naman. Medyo mahirap ngayon kasi malapit nanaman mag finals. Pero kaya pa naman."-ngiting sagot ni Skyler kay Kurt at kinuha ni Skyler yung kalan na malinis para ilagay sa isang mesa na wala pang kalan.

Madali lang ang trabaho sa samgyupsal shop. Mag luluto lang ng samgyupsal sa mga costumers tapos mag huhugas ng mga kalan at mga pinggan.

Mataas din ang sahod kahit part-time. Kaya laking pasasalamat talaga ni Skyler dito kay Kurt. Kung di baka umuwi sya sa hometown nya sa Bulacan at mas malaking pamasahe ang gagastusin ni Skyler Kung araw-araw itong papasok sa university tapos uuwi sa napaka malayong bahay.

At nag simula na ang pagtatrabaho ni Kurt at Skyler sa gabing eto.

Mga ilang oras din ang lumipas...

"Ahhh~ Sa wakas tapos na rin!"-nag inat-inat na daing ni Skyler pag katapos nitong iligpit ang huling pinggan sa lababo.

"Good work! Bukas ulit."-paalam ni Kurt kay Skyler pagkatapos nito ilock ang shop. Ngumiting tumango si Skyler at nag paalam kay Kurt.

Sobrang gabi na kasi at kailangan na nilang mag madaling umuwi dahil ilang oras na lang ang itutulog nila at papasok nanaman sila sa university.

Ganito talaga siguro ang buhay working student na katulad ni Skyler. Nakakapagod pero kakayanin ni Skyler ang lahat. Dahil nararamdaman nya na may magandang mangyayari sa kanya sa future...

"Kaunting tiis na lang Skyler."- determinadong sabi ni Skyler sakanyang  sarili at huminga ng malalim.

Nag lakad lang pauwi si Skyler. Malapit lang naman din yung dorm nya kaya naglalakad lang sya pauwi.

Tatawid na sana si Skyler ng makita nito yung Advertisement sa malaking screen ng  isang building.

Yung lalaking nasa ads ngayon ay yung pinagkakaguluhan at pinag uusapan ng mga babae sa University nila.

Walang araw na naririnig ni Skyler ang pangalan nung nasa Ads.

"Scott...Dela Vega..."- mahinang basa ni Skyler dun sa pangalan na lumabas sa screen habang nag poposing yung Scott sa pabangong ini-endorse nito.

Inaamin naman ni Skyler na... May itsura talaga yung Scott na yan balita pa nga ni Skyler ay sobrang yaman pa nito.

Pero syempre para kay Skyler mas pogi parin sya kaysa kay Scott.

Biglang napatigil si Skyler at nag isip.

Ano kaya feeling ng mayaman?

Masaya kaya? 

Ayun ang tanong ni Skyler sakanyang isipan.

Pero alam naman na ni Skyler ang sagot. Sigurado si Skyler na masayang maging mayaman dahil nakukuha mo lahat-lahat ng gusto mo.  Tapos hindi pa makakaranas ng kahit anong hirap... Hindi katulad nya..

Napailing-iling tuloy si Skyler dahil sa kung ano-ano ang pinag iisip nya.

Agad din naman naisip ni Skyler na masaya rin naman maging mahirap... Saka kahit na kapos sila sa pera mabait at mapag mahal ang mga magulang nya

Saka sure naman si Skyler na dadating din ang panahon na yayaman sya at matutulungan ni Skyler ang magulang nito.

'Tama! Fighting lang Skyler.' - puno ng determinadong sabi ni Skyler sakanyang sarili. At saka hinawakan ng mahigpit ang magkabilaang strap ng kanyang backpack.

Umuwi si Skyler sa dorm na may ngiti sa mga labi at may determinadong matutupad ang mga pangarap nya.

-♡♡♡♡♡-

"Scott, Where are you going?!"-Hindi pinansin ni Scott ang tawag sakanya ni Donya Stephina. Basta na lang tumayo si Scott sa sofa at mabilis na lumabas ng office ni Donya Stephina.

Wala sa sariling naglakad si Scott sa napakahabang hallway ng kanilang mansion.

Sana ay isang masamang panaginip na lang ito kay Scott.

Dahil hindi nya matanggap. Na sya? Na si Scott Dela Vega ang kaisa-isang tigapag mana ay hindi totoong Dela Vega?

Na realize ni Scott na nasa sariling kwarto nya na pala sya. At dahil sa galit at bigat ng pakeramdam ni Scott ngayon ay pinag babasag nya lahat ng makita nyang pwedeng basagin.

"F*ck. I hate this life!"-galit na sigaw ni Scott at saka hinawakan yung family picture na nakita nito sa bed side table.

Silang tatlo ni Donya Stephina at ang kanyang Ama na si Shawn Dela Vega ang nasa picture. Naalala ni Scott na 7 years old pa lang sya dito sa family picture na ito.

Nilagay pa nga ni Scott sa frame ang litrato ng kanyang nayumaong Ina na sobrang ganda pa ng mga ngiti nito sa litrato.

Eto lang ang picture ng kanyang Ina na mayroon si Scott kaya mahalaga sakanya ito.

"Kung... Kung nandito ka lang..." -hinawakan ni Scott ang picture ng kanyang Ina. Akala ni Scott ay buong buhay nya ay nasa ibabaw lang sya ng ulap at pinagmamasdan ang mga taong tumitingala sakanya.

Pero ayun pala di nya akalain na dadating sa ganito.

Na pwede pala syang bumagsak galing sa ulap na iyon papuntang lupa.

"Scott!"-bumukas ang pintuan ng kwarto ni Scott at si Donya Stephina ang dumating at nag mamadaling lumapit sakanya.

"Alam ba eto ni Dad?"-agad na tanong ni Scott kay Donya Stephina.  Lumingon si Scott kay Donya Stephina habang hawak nya parin ang family picture nila.

Deretsyong tinignan din ni Donya Stephina si Scott sa mga mata at nakita ni Scott na parang naawa ang kanyang Grandma sakanya. At ayaw ni Scott ng ganung tingin.

Ayaw nyang may naawa sakanya

Ayaw nyang maranasan ulit yung nakaraan...

"So, He knows..."-si Scott na ang sumagot sa sarili nyang tanong. Wala man lang sinabi ang kanyang Ama tungkol sa information na eto?

Ni hindi man lang mag pakita sakanya ang kanyang Ama at ito ang mag balita na hindi sya ang totoong anak nito. Ano to? Parang biro lang? Na hindi big issue to para kay Scott? Paano kung malaman ng media at ng mga ibang tao ito?

Wala bang pake ang kanyang Ama kung anak nya ba talaga si Scott o hindi? Hindi ba ito concern sa mararamdaman ni Scott?

Lalong namuo ang galit sa puso ni Scott sakanyang Ama. 

"Scott, Sorry hindi ko kayang itago sa Dad mo ang tungkol dito. Binigyan ko sya ng kopya ng DNA nyo. At sa malamang alam nya na ang resulta."-hinawakan ni Donya Stephina ang braso ni Scott. At dun na nanghina ang mga tuhod ni Scott kaya napaluhod sya sa lapag.

"I...I can't believe this... Sana panaginip lang to."- nag simulang tumulo ang mga luha ni Scott. 20 years... Sa 20 years na pag tira nya dito sa mansion itinuring syang parang isang Prinsipe.

Na parang sya lang ang pinaka mahalagang tao sa mansion na eto. Pero ayun pala...

ay hindi sya totoong Prinsipe ng mga Dela Vega. Na peke sya.

"Ako din Apo. Sana panaginip lang eto. I'm sorry..."-naiiyak na rin na sabi ni Donya Stephina at niyakap nito si Scott na nakaluhod parin.

"What now, Grandma? Papalayasin nyo na ba ko dito? Da...Dahil hindi ako yung totoong nyong Apo?" - Puno ng takot sa mga mata na tanong ni Scott sakanyang  Grandma.

Ayaw umalis ni Scott sa mansion. Ayaw nyang makaranas ng hirap at hindi nakukuha lahat ng gusto nya.

Sobrang natatakot ngayon si Scott.

At ang malaking tanong ngayon sakanyang isipan.

Sino sya?

Sino ang totoong mga magulang nya at saan sya nanggaling? Bakit sya nandito ngayon sa napakalaking mansion na eto?

"No... Never namin gagawin sa iyo na palayasin ka. You are Scott Dela Vega my one and only grandson!"-niyakap ng mahigpit ni Donya Stephina si Scott. 

Tama ang kanyang Grandma.

Sya si Scott Dela Vega.

The only son and heir of Dela Vega Family.

At kahit dumating pa ang totoong anak ng kanyang kinalakihang pamilya...

Hinding-hindi papayag si Scott na agawin na lang basta ng kung sino ang trono nya.

 

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Marry Me, Skyler Perez. [ BL | Tagalog ]   29. The Start.

    KINABUKASANMagaling na agad si Skyler. Sinunod lang ni Skyler lahat nung bilin sakanya ni Scott dahil nga ayon kay Scott ayun ang sinabi nung Private Doctor nito.Ngayon ay nakauwi na si Skyler sakanyang dorm. Buti nga at matinong kausap si Scott dahil hinatid lang sya nito sa dorm nya at umalis din agad eto. Lihim naman na pinasalamatan ni Skyler na hindi sya kinulit o pinagtripan pa ni Scott.Hula ni Skyler ay dahil iniisip ni Scott na may sakit pa sya kaya hindi sya nito kinulit pa.*Bzzt... Bzzt...*Nagulat si Skyler dahil sa malakas na pag vibrate nung cellphone sa bulsa ng kanyang suot na pants.Kinuha nya yung brand new cellphone na binigay sakanya ni Scott. Hanggang ngayon nga parang panaginip lang kay Skyler yung pag bigay sakanya ni Scott nung mamahaling cellphone.Hindi maimagine ni Skyler na dadating pala yung panahon na magkakaroon sya ng isang cellphone na akala nya hanggang pangarap nya na lang mahahawakan.Binuksan nya yung cellphone at may nag text sakanya.My Hubby:

  • Marry Me, Skyler Perez. [ BL | Tagalog ]   28. Speed Dial One.

    Scott's Condo | 3:00 PMNatapos na kumain si Skyler at nakainom na rin sya ng gamot.Tinignan ni Skyler yung dextrose bag na nasa tabi nya. Malapit na rin etong maubos.Medyo okay-okay na rin ang pakeramdam nya. Lalo na nakakain na at nakabawi na sya ng tulog."Tinawagan ko na yung papalit sayo sa shift mo."- lumingon si Skyler sa kakapasok lang na Scott sa kwarto nito.Oo nga pala, Tama nga ang hula ni Skyler na bestfriend na naman ni Scott ang ipapalit sa shift nya. Sabi yun ni Scott sakanya bago eto lumabas sa kwarto nito kanina. Pipigilan sana nya si Scott pero nanghihina pa din si Skyler."Hindi mo na dapat ginawa yun. Pwede naman ako magpaalam na may sakit ako ngayon. Maiintindihan naman siguro yun ni Boss Kim."- saka sobrang nahihiya na rin si Skyler sa bestfriend nito ni Scott. Hindi pa nga nakikita at nakikilala ng personal ni Skyler ang bestfriend ni Scott pero ang dami na nitong naitulong sakanya."Hayaan mo yun. Para naman paminsan-minsan may magawang mabuti ang mokong na

  • Marry Me, Skyler Perez. [ BL | Tagalog ]   27.Saturday.

    "Cheers!"Masayang nakipag cheers si PJ sa mga kababaihan na nakilala nya sa T University.Kung ano man ang pinasasalamatan ni PJ sa pag enroll sakanya sa T University ng kanyang Bestfriend na si Scott ay iyon ay marami syang nakikilalang iba't-ibang klase ng mga babae sa University.Party sa umaga.Party sa gabi.Ganito lagi ang ganap ni PJ tuwing may klase sya sa Campus. Hindi naman na kailangan ni PJ magpanggap na masipag na estudyante. Ang dahilan lang naman kung bakit sya pumapasok ay dahil sa may sayad nyang bestfriend.Saka ayos na rin para kay PJ ang set up nya ngayon at least nalalayo sya sa pag aasikaso ng kanilang Company.Ayun nga lang wag syang magpapahuli sa Tatay nya na nagbubulakbol lang sya. Kundi baka pabalikin sya sa Company nila."Hi, PJ~"- tawag nung isang sexy na babaeng dumaan sa harapan nya. Malagkit na mga tingin ang pinupukol nito sakanya. Lumaki ang ngisi sa mga labi ni PJ.Iba talaga charisma nya sa mga babae.Parang mga magnet ito kung lumapit sakanya.Wel

  • Marry Me, Skyler Perez. [ BL | Tagalog ]   26. Care.

    "Kamusta na sya?"- tanong ni Scott sa private at family doctor ng mga Dela Vega. Nung nahimatay si Skyler ay nagmamadali nya agad etong binuhat at dinala sa condo nya.Hindi na naisip ni Scott na dalhin si Skyler sa hospital o clinic ng campus. Basta nag desisyon syang dalhin si Skyler sa condo nya.Pinapunta ni Scott ang private doctor na si Doctor Chad Rodriguez. Matagal na etong Family Doctor nila kaya naman si Doc.Chad ang naisip ni Scott na tawagan para tulungan si Skyler."Kailangan nya mag pahinga Mr. Dela Vega. Nakita ko rin na kulang sa tulog etong kaibigan mo at kulang din sa kain."- seryosong sagot ni Doc. Chad kay Scott. Napatingin naman si Scott sa mahimbing na natutulog na Skyler.Kaya pala ang gaan ni Skyler nung binuhat eto ni Scott yun pala ay kulang eto sa kain. Masyado atang busy si Skyler sa mga ginagawa nito kaya pati pagkain at pagtulog ay hindi na nito magawa."Sino ba etong kaibigan mo Mr.Dela Vega? At mukhang mahalaga etong binata na to saiyo? Ngayon ko lang k

  • Marry Me, Skyler Perez. [ BL | Tagalog ]   25. Sick.

    Hindi mawala ang ngiti ni Skyler sa mga labi kahit ramdam parin nya ang bigat ng pakeramdam nya.Akala nya kasi ay magmamakaawa sya ngayon sa Professor nila dahil wala syang mahanap na model para sa project nya.Pero parang narinig ni Lord ang kanyang hiling at sa wakas dumating na ang model na tutulong sakanya para matuloy ang kanyang pangarap."Salamat talaga Joseph. At pumayag kang maging model ko." -paulit-ulit na pasasalamat ni Skyler kay Joseph. Nakasakay na sila sa bus papuntang T University. Sakto naman kasing walang klase si Joseph kaya makakaattend ito ng Model presentation nila Skyler para sa project."Ano ka ba Skyler, Ako nga dapat ang mag pasalamat sayo. Di ba sinabi ko kahapon kakausapin mo si Scott Dela Vega para di nya ituloy yung pag bili nung lupa namin? Ano nga pala ginawa mo at nag bago ang isip nya?"- takang tanong ni Joseph. "Wala naman. Kinausap ko lang sya. Hindi ko nga akalain na hindi nya na tinuloy yung pagbili nung lupa nyo."- simpleng sagot ni Skyler ka

  • Marry Me, Skyler Perez. [ BL | Tagalog ]   24. Kind.

    Nandito pa din si Skyler sa mansion ng mga Dela Vega.Nakapag palit na rin sya ng damit na binigay sakanya ni Scott. Di lang sanay si Skyler sa t-shirt na suot nya. Habang nag papalit kasi sya kanina ay nakita nya may tag price pa yung damit.Sobrang gulat si Skyler sa nabasa nya sa tag price ay 200,000 pesos lang naman yung presyo nung shirt na binigay sakanya ni Scott. White shirt lang na ang laki nung logo sa gitna pero sobrang mahal.Pikit mata na lang sinuot ni Skyler lahat nung nasa paper bags. Wala naman na syang choice at ayaw na rin nyang mag inarte. Paglabas ni Skyler sa bathroom ay hinanap ni Skyler yung Butler na kasama nya kanina. Nawala eto bigla kaya napakamot sa ulo si Skyler."Nasaan na kaya yun?"- kamot sa ulong tanong ni Skyler sa kanyang sarili habang hinahanap parin yung Butler nila Scott.Itatanong lang kasi ni Skyler kung saan ba sya pwede mag patuyo nung mga nabasa nyang damit.Nung hindi nya mahanap yung butler ay kinuha na lang ni Skyler yung cellphone na na

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status