Share

Marrying Mr. Stepbrother
Marrying Mr. Stepbrother
Penulis: Eyah

KABANATA 1

MARI

I've been living here in the U.S. for almost a decade now. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit kailangan ko pang bumalik sa... sa nakakainis na bansang iyon!

Ngayon ang simula ng annual two-week-long vacation ko sa trabaho. And I should be happy now, right? Pero nang dahil sa 'napakagandang' surprise ni Aunt Melissa ay nasira na lahat ng plano ko at nawala na rin ang lahat ng kaligayahan na dapat kong maramdaman.

"Are you ready to leave, honey? Your flight is on two hours."

Hawak ang kahon ng huling sapatos na ilalagay ko sa maleta ay napalingon ako kay Aunt Melissa. Nakatayo siya at nakasandal sa mismong pintuan ng kwarto ko. Hindi ko alam kung gaano na siya katagal doon. But her posture is just saying na pinapanood niya ako sa kung anumang ginagawa ko.

"You don't have to remind me 'bout the hell that's waiting for me, Aunt." mapaklang saad ko sa kanya.

Pabagsak pa akong umupo sa malambot kong kama, hanggang sa tuluyan ko nang ibinagsak ang sarili ko roon pahiga.

"I'm gonna miss this bed. Argh, kung bakit kasi kailangan ko pang umalis." usal ko habang nakapikit.

Hindi ba pwedeng nanaginip lang muna ako? Can't this be unreal?

"You've been here for almost a decade now, sweetie. Hindi mo ba nami-miss ang daddy mo? How about your best friend? Si... ano nga ulit ang pangalan no'n? Liya? Miya...?"

"Riya." pagtatama ko sa kanya. "How would I miss Dad, eh lagi niya naman akong binibisita rito? Isa pa, Riya and I are always in touch with each other. Lagi kaming magka-video call at—"

"At iniisip mo na sapat na iyon?" Tumawa si Aunt Melissa na para bang may nakakatawa nga sa pagitan namin ngayon. "You shouldn't be thinking that way, hija. Kahit segu-segundo pa kayong mag-video call ng best friend mo, hindi pa rin noon mahihigitan o matutumbasan man lang ang essence ng pagiging magkasama. 'Yung literal na magkasama, ha? Isa pa 'yang sa daddy mo. Aren't you wondering on why in this entire year, eh hindi ka man lang niya nabisita maski isang beses?"

Napabuntung-hininga ako. She has a point, anyway. Sa loob kasi ng maraming taon, mula nang dito na ako tumira kasama ni Aunt Melissa ay hindi pa pumalya si daddy sa pagbisita sa akin. Tuwing birthday ko, bagong-taon, at kahit sa mga pagkakataon na sadyang gusto niya lang akong bisitahin o dahil may free time siya. But this year is different. Halos mangangalahati na ang taon, pero hanggang ngayon ay hindi pa siya nakakabisita sa akin. Not even once.

"B-Busy daw siya sa trabaho, sabi niya." sabi ko na lang.

Hindi naman siya sumagot agad, dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"A-Ahm... Yeah, I-I know." nauutal na saad niya mayamaya, nag-iwas pa ng tingin sa akin. Pero bakit siya nauutal? And... she seems uncomfortable, huh? "Kaya nga nagdesisyon na ako na pagbakasyunin ka sa Pinas, eh. It's high time you make the adjustments. Ikaw naman ang dumalaw sa daddy mo. Hindi 'yung siya ang laging mag-aadjust para mabisita ka. Lalo na ngayon. Mas nagiging busy siya sa pagpapatakbo sa mga businesses niyo."

Ako naman ang hindi agad nakasagot.

I have to admit that she has a point. Again. Tumatanda na rin si Daddy at nasa tamang edad naman na ako para ako naman ang gumawa ng hakbang para magkasama kami. It's been ten years na rin since I went here para takasan ang madilim na nakaraan ko. 

Oo, kahit nasa murang edad pa lang ako noon ay aware na ako sa mga nangyayari sa paligid ko. Alam ko na dinala lang ako ni Aunt Melissa rito dahil naniniwala siyang mas mabilis akong makakalimot dito. Makakalimot sa biglaang pagkamatay ng mommy ko...

"So, this is where you're always going everytime that you should be in school."

Napasinghap ako sabay napalingon sa boses na bigla ko na lang narinig sa bandang likuran ko. It was Aunt Melissa.

Agad akong nakaramdam ng kaba. Base sa tingin at tono ng pananalita niya ay alam kong naiinis siya. Sa akin, o sa mga ginagawa ko. O baka sa parehas.

"A-Aunt M-Melissa... W-What are you doing here?" utal kong tanong sa kanya.

Bahagya kong itinago sa likuran ko ang hawak kong bungkos ng bulaklak. Ibibigay ko sana iyon kay mommy gaya ng ginagawa ko araw-araw tuwing palihim ko siyang binibisita dito.

"Ikaw ang dapat kong tanungin niyan, Mari. Ano'ng ginagawa mo rito? Aren't you should be at your school right now? Pero bakit ka nandito?" 

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya dahil hindi ko na kayang salubungin ang nanlilisik niyang mga mata.

"A-Aunt... I-I can explain—"

"Huwag ka sa akin magpaliwanag. Go to your dad, he needs your explanation better than I do. Hindi mo ba naisip na mag-aalala ang daddy mo, na mag-aalala kami sa'yo?" Hindi ako sumagot at napayuko na lang. I could feel my heart getting heavy. Bahagya na ring nanlalabo ang mga mata ko gawa ng mga luha na unti-unti nang namumuo sa mga sulok nito. "Sumama ka sa akin. I'll be taking you home—"

"B-But I want to stay with Mommy—"

"Huwag ka nang makulit, Mari, kung ayaw mong magalit pa ako sa'yo."

Hindi ko na nagawang lumaban pa nang hilahin ako bigla ni Aunt Melissa. Nabitawan ko ang mga bulaklak na hawak ko. I cry as I stare at my mother's grave. Habang mahigpit pa rin ang pagkakahawak sa akin ni Aunt Melissa na walang lingun-lingon sa paghila sa akin papunta sa sasakyan niya.

Later that night, I got the lecture of my life. Pinagsabihan ako ni Daddy, maging ni Aunt Melissa. I saw them fighting in range. But that exact moment, wala naman talaga akong pakialam sa pagtatalo nila. What hurt me the most was the fact that they are fighting because of nothing aside from me. Dahil sa akin kung bakit sila nag-aaway.

"What came to your mind, Mari? What have you done?" mahina ngunit mariing saad ni daddy.

Hindi ako umusal maski isang salita. Yumuko lang ako, umiiyak pa rin.

"Mari, kinakausap ka ng daddy mo. Speak up!" malakas na sambit naman ni Aunt Melissa.

Napapitlag ako, tsaka napahagulhol na.

"Oh, gosh... Ito na nga ba ang sinasabi ko." rinig ko pang sabi ulit ni Aunt Melissa. Nakita ko pa sa peripheral vision ko kung paano niya hinawi ng marahas ang buhok niya. She even sighed.

"Mari, please, sumagot ka naman. Hindi ko na alam kung saan ako nagkulang—"

"I-I just want to be with Mommy more..." umiiyak na saad ko.

Inakala kong pagagalitan na naman nila ako, sisigawan. Pero nagulat ako nang bigla na lang akong yakapin ni Aunt Melissa. Umiiyak din siya. Even dad is.

Hindi ko alam kung dahil sa akin pa rin ba kaya sila umiiyak. Basta ang alam ko lang, malinaw na hindi sila natutuwa sa mga ginawa ko. I know it was wrong. I am certain. Pero mali ba na gusto ko pang makasama ang mommy ko kahit hindi ko na nakikita ng pisikal ang katawan niya?

"Umakyat ka na muna sa taas. Go to your room, Mari. I'll go there, too. May pag-uusapan lang kami saglit ng daddy mo." mayamaya ay utos ulit ni Aunt Melissa. Kalmado na siya.

Hindi na lang ako kumibo at nakayukong sinunod na lang ang utos niya. Umakyat nga ako sa taas, pero hindi ko tumuloy sa kwarto ko. Sa halip ay nagtago ako sa isang malaking vase na may halaman kung saan tanaw ko pa rin sina Daddy at siguradong maririnig ko pa rin ang kung anumang pag-uusapan nila. I know, it is wrong. But I can't just let myself be clueless about everything that's hapenning. Lalo na at sigurado akong ako ang magiging topic nila.

"What's there for us to talk about, Ate?" rinig ko agad na tanong ni daddy makalipas lang ang halos isang minuto.

"About you and your daughter. Gusto kong isama si Mari sa California. Doon muna siya sa akin habang—"

"What?! You know, you can't do that to me! To us!" malakas na sambit ni Daddy sabay hawi sa buhok niya. "I already lost my wife, Ate. Hindi ko hahayaan na pati si Mari ay mawala pa sa akin."

"Hindi mawawala sa iyo ang anak mo, Mauricio! Ano ka ba?!" ganting asik din ni Aunt Melissa. "Hindi mo ba nakikita? It's been two weeks since Agatha died. Pero habang tumatagal, imbis na maka-move on ay parang lalo lang nalulugmok si Mari sa sitwasyon kinasasadlakan niya. And I don't know but... I am starting to think na baka kaya siya nagkakaganiyan ay dahil sa environment niya. She's in this place na lalong makakapagpaalala sa kanya sa mommy niya. And I hate to see her struggle.

Remember what happened to me when our mother died? I am certain I was in the same situation as your daughter now. Ang pinagkaiba lang ay masyado pa siyang bata. Are you gonna let this tragedy ruin your own daughter's entire life?!"

Daddy didn't utter any words after that. He just sighed, and cried. Napaupo pa siya sa couch na para bang bigla siyang nakaramdam ng panghihina.

Tinabihan naman siya agad ni Aunt Melissa. Maybe, she's comforting her. Hinimas-himas niya kasi ang likod ni daddy sabay yakap dito.

"Alam kong hindi madali para sa iyo, Ricio. Pero hihintayin pa ba nating lumala ang lagay ni Mari bago tayo umaksiyon?"

Hindi ko na kinaya pang pakinggan ang mga susunod na sasabihin nila. I run directly to my room. Parang pinagsisisihan ko na nakinig pa ako sa usapan nila. Dahil tama nga ako. I am the reason on why they're seemed to be in trouble these past few days. Ako nga ang problema nila. But I can't see any problem with me longing to be with my mother even at lease with her grave.

Isang linggo lang ang lumipas matapos ang tagpong iyon ay namalayan ko na lang ang sarili ko na nakasakay na sa isang eroplano. Kasama si Aunt Melissa at paalis na sa bansang kinalakihan ko. Gusto kong umiyak, pero huli na ang lahat. I was forced to leave everything behind. Si Daddy, ang best friend ko, ang buhay na kinamulatan at kinalakihan ko, at higit sa lahat, si mommy...

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status