CHAPTER 1
GALING si Charlaine sa kaniyang trabaho nang nasa loob na siya ng kanilang bahay ay agad siyang sinalubong ng kaniyang mga magulang. Nagulat pa siya nang biglang tumayo agad ang mga ito na para bang siya na lamang ang hinihintay na dumating.
“Bakit ganiyang na lamang kayo makatingin sa ‘kin?” nagtataka niyang tanong. Hinubad na rin niya ang kaniyang suot na sapatos. Hindi niya alam kung ano ang gustong sabihin ng mga ito. “Umupo ka muna bago namin sasabihin sa ‘yo ang dapat naming sabihin,” imporma ng kaniyang mama na ngayon ay titig na titig sa kaniya. Nang maayos na rin siya ay agad siyang lumapit sa sofa. Umupo na agad si Charlaine. “Tungkol saan na naman po?” tanong niya ulit. Umupo ang kaniyang mga magulang. Napabuntonghinga rin ang mama niya. Sandali ay nakita niya ang pagtulo ng luha nito. Nagulat siya. Hindi alam ni Charlaine kung ano ang sasabihin niya. Tumikhim ang kaniyang papa. “We lost so much money. If this problem with our company will continue, even this house will be out of our hands,” saad nito. Dahil sa impormasyon narinig niya ay napatayo na siya. Sa loob ng ilang taon ay ngayon lang niya narinig na nagkaroon ng problema ang kompanya nila. Nanginginig ang kaniyang mga tuhod dahil alam niya kung ano ang nararamdaman ng kaniyang mga magulang ngayon. Hindi puwedeng mawala sa kanila ang tanging nagbigay ng kaginhawaan sa buhay nila. “Ma, Pa, hindi iyan magandang biro,” sabi niya na punong-puno ng pag-alala sa kaniyang boses. Hindi man kasing laki ng ibang kompanya ang kanilang pinapatakbong kompanya, mahalaga ito sa kanila. “Hindi kami nagbibiro sa ‘yo, Charlaine. We have been fooled by other investors,” malungkot na sabi ng kaniyang papa. “Nalaman na lamang namin na unti-unti nang nawala ang profit, revenue, at iba pang share na nakukuha ng kompanya natin.” Napatampal na laman siya sa kaniyang mukha. Galit siya sa kaniyang sarili. “Iimbistigahan natin ito,” giit niya. Nagtinginan ang kaniyang mga magulang na para bang ang ideya niyang iyon ay isang pagpapatawa lang. Muli siyang umupo sa sofa. Hindi niya kayang unawain kung bakit bigla na lamang ay nagkaganito ang lahat. “There must be someone behind this problem!” galit niyang sabi. “Hindi naman ito mangyayari kung wala, di ba?” Hindi umimik ang kaniyang mga magulang. Hindi kailanman niya nakita noon na ganito nag-alala ang mga ito “Gagawa tayo ng paraan,” saad niya. “Hindi na kaya ng ating pera ang ganito, Anak. Mabilis na ubos ang pera sa ating kompanya,” paliwanag ng kaniyang papa na mas lalong nagpaalala sa kaniya. There is someone wanting us to suffer! Iyon ang kaniyang naisip sa puntong iyon. Natahimik na lamang sila. Isang katahimikan na nakakabingi. Kaya nagsalita na ulit siya para magpaalam sa mga ito. “Doon muna ako sa kuwarto,” kagat-labi niyang sabi. Tumango lang sa kaniya ng malungkot ang mga magulang. Kapagkuwan ay dumiretso na siya sa kaniyang sariling kuwarto. Nasasaktan talaga siya at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na unti-unti nang nawawala ang kanilang pinaghirap. Nagbihis na siya ng damit, napagdesisyunan niyang mag-inom muna. Isa kasi sa pag-iinom ang kaniyang way out of stress. “Pupunta muna ako sa bar,” imporma niya sa kaniyang mga magulang nang nadatnan pa rin niya ito doon. Kitang-kita pa rin niya ang hinagpis sa ekspresyon ng mukha ng mga ito. “May kasama ka ba doon?” malungkot na tanong ng mama niya. “Kasama ko po mga barkada ko,” pagsisinungaling niya kahit ang totoo naman talaga ay mag-isa lang siya doon. Lumabas na agad siya at dumiretso na sa bar. Isa sa paborito ni Charlaine ang Paradise Bar, pero hindi iyon ang pupuntahan ni Charlaine dahil maraming tao doon. “Tempt Me Bar,” basa niya. Sa katunayan, matagal na nakikita ni Charlaine ang bar na ito ngunit kailanman ay hindi pa niya nasubukang pasukin kung ano nga bang klaseng bar ito. Kahit nagdadalawang-isip man siya ay talagang pumasok na siya. Sinalubong agad siya ng isang malaking bouncer. “One table, ma’am?” tanong nito. Hindi niya ito tiningnan sa mukha dahil masiyado itong mataas. Bumaling lang ang kaniyang paningin sa paligid. “One table for one person, please,” imporma niya. Agad na ina-sist siya nito patungo sa isang receptionist. Aba, kakaiba ang bar na ‘to, ah! Sabi niya sa sarili. “You will pay 500 pesos po, all-in na po iyan kasi may promo po tayo ngayon. Sabi rin sa amin ng may-ari ay kapag babae, dapat binibigyan ng isang lalaki,” saad nito. Nagulat si Charlaine sa kaniyang nalaman. Medyo na pa atras siya ng kaunti. Anong klaseng bar ‘to? Nambubugaw? Saad ni Charlaine sa kaniyang sarili. Bagaman gusto niyang kalimutan ang malaking problema ng kanilang pamilya ngayon. Napaisip pa si Charlaine kung itutuloy niya ba ito o umalis na lamang at humanap ng ibang bar. “Ma’am?” sambit ng receptionist. “Y-Yes, ayos lang sa ‘kin,” saad ni Charlaine. May iilang sinulat pa ang receptionist. Nang matapos din ito ay tumawag ulit ito ng isang boucer. “Table number 25,” imporma nito sa bouncer. Kakaiba talaga ang bar na ito! namamanghang sabi niya. Nang nasa table na siya ay agad siyang umupo roon. Naghintay na lang siya na may lumapit sa kaniyang waiter. “Talaga bang may lalaking lalapit sa ‘kin?” napatanong na lamang siya sa kaniyang sarili. Iyon kasi ang sinabi sa receptionist. Bukod sa waiter ay iyon lang ang aasahan niya at ang unlimited na bucket of beer. Sandali pa ang lumipas ay may lumapit na sa kaniyang waiter. Malay ba niya, mas inaasahan niyang makita na agad ang lalaking siguro ay makakausap niya o di kaya ay makakainuman. Hindi niya pa kasi alam kung ano ang patakaran dito sa Tempt Me Bar. “Ma’am, ito na po pala ang beer niyo,” pagsasalita nito. Tumango si Charlaine at ngumiti sa guwapong waiter. Nang matapos din ito ay agad itong bumaling sa kaniya. “If you need anything po, you can call me or any of the bouncers,” sabi nito. Tumango lang ulit siya. Nakatanaw kasi siya sa mga Amerikanong nagsasayawan sa dance floor. Bukod sa nag-enjoy siyang mapanuod ang mga ito ay nagandahan din siya sa musika. Sandali pa ang lumipas ay kumuha siya ng isang bote ng beer na nasa malaking bucket. Maliit lang ang bote. Mabilis siyang uminom. Dahil hindi naman siya palainom na tao ay alam niyang mabilis lang siyang matamaan ng alak. “May I set with you?” tanong ng isang Amerikano na biglang lumapit sa kaniya. Hindi niya ito inaasahan kaya agad siyang naalerto. Napalayo siya ng kaunti na tinawanan lang ng mahina ng Amerikano. Ito na ba ang sinabi nila? Isang lalaki ang lalapit sa ‘kin? tanong niya sa kaniyang sarili. “Don’t worry, I will not hurt you,” sambit nito. Kinalma naman niya ang kaniyang sarili. “You can have one,” imporma niya dito habang tiningnan ni Charlaine ang bucket ng beer. Ngumiti ang Amerikano kay Charlaine kaya mabilis din siyang ngumiti. “Nilapitan kita kasi nag-iisa ka lang,” sambit nito. Nanlaki ang mga mata ni Charlaine nang marinig niya iyon. “Nagta-Tagalog ka pala?” namamanghang tanong niya. Tumawa lang ng mahina si Charlaine. Nang maubos na niya ang isang bote ay kumuha na ulit siya. Nahihilo na si Charlaine pero alam pa niya kung ano ang kaniyang ginagawa. “Matagal na kasi ako dito sa Pilipinas at saka na-adopt ko na rin ang culture ng mga tao dito,” paliwanag naman nito. Kahit papaano ay wala naman siyang nararamdamang masama sa Amerikano. Kaya sige lang sila ng pag-uusap. Namalayan na lamang ni Charlaine ang kaniyang sarili na hilong-hilo na. Nawala na rin ang Amerikano dahil nagpaalam na ito. Ngunit sandali pa ang lumipas, may isang lalaki ang lumapit sa kaniya. Hindi na niya ito matingnan ng maayos. “Nag-iisa ka lang ba dito?” tanong nito sa boses na parang nang-aakit. Doon na niya tiningnan ang lalaki. Bagaman ay hindi klaro sa kaniyang paningin ang mukha nito. Naka-topless ito. Mabilis pa namang maakit si Charlaine kapag nakakakita siya ng isang lalaking walang saplot sa taas. Namalayan na lamang ni Charlaine ang sarili na napakagat-labi. “Bakit?” may paghahamon niyang tanong. Sa mga oras na iyon, iba na ang tumatakbo sa kaniyang isipan. Alam niyang mali ang pagsamantalahan ang isang lalaking nasa kaniyang harapan pero nadadala siya sa init ng kaniyang buong katawan. “I think you need help,” saad nito. Natawa siya kahit wala namang nakakatawa sa sinabi ng lalaki. Tumayo na rin siya. Hindi man lang natakot sa kaniya ang lalaki kaya mas lalo niyang pinakita ang kaniyang kagalakan. Gusto niyang pigilan ang sarili pero hindi niya magawa. ‘Yes, I need a help,” tugon niya, naigat niya rin ang labi na parang inakit ng husto ang lalaki. Nakita niya ang nakakalokong ngisi ng lalaki. Nang tumayo si Charlaine ay agad niyang hinalikan ang lalaki. It was out of her dizziness. Pinipigilan siya ng kaniyang isipan pero hindi sinusunod ng kaniyang katawan. Ang gusto niyang mangyari sa puntong iyon ay makasiping niya ang n*******d na lalaki.CHAPTER 65.2 Tumango-tango siya. “Pagbuksan mo na lang ako ng gate. Papasok na ako.” Sinunod agad siya ni Mia. Nang bumukas na ang gate ay agad na siyang pumasok. Habang nasa loob pa siya ng kotse ay talagang tumulo ang kaniyang mga luha. Mabilis din naman niya iyong pinunasan. Bago siya lumabas ng kotse ay kinuha niya ang folder. Inilagay ito sa ilalim. “David, bakit ba nagkaganito pa ang buhay natin?” tanong niya. Nang makapasok na siya sa loob ng bahay ay malinis naman ito. Alam niyang nilinisan ni Mia ang mga kalat. “Ilang araw na siyang ganito?” tanong niya kay Mia dahil nasa likuran na ito. “Noong araw na umalis kayo ay sobra siyang naglalasing. Galit na galit si Sir, nagsisigaw siya po. Umabot po iyon kahapon. Kaya hindi ko po alam kung magwa-wild na naman po iyon dito ngayon,” paliwanag nito. Napaahaplos na lamang siya ng kaniyang mukha. “Thank you for staying her, Mia. Talagan
CHAPTER 65 KAILANMAN ay hindi pa niya naisip na umuwi sa kanilang bahay. Ngunit hindi na mapipigilan ni Charlaine ang kaniyang sarili. Ang mga impormasyon na binigay ni Harris sa kaniya ay labis niyang hindi pinagkakatiwalaan. How come David did it? She could not spell it out. “Hindi ako maniniwala hanggang hindi mo sinasabi sa akin!” giit niya sa sarili. Wala ding alam si Jacob na umalis na muna siya. Kasi ayaw niyang mag-alala ito sa kaniya. Mabuti na wala itong alam. Habang nasa biyahe pa rin siya ay kinakabahan siyang harapin ang asawa. “David, hindi ako maniniwala hanggang hindi mo sasabihin sa akin ang totoo!” bulong pa niya sa ere na para bang kausap lamang niya ito. She never thought of this before. Buong akala niya ay isang mabuting tao lamang si David. Pani-paniwala siya. O baka mas pinaniwalaan lamang niya si Harris? “Papaniwalaan ko ba ang taong iyon?” nagdadalawang-isip naman talaga si Charlaine. What i
CHAPTER 64KAKATAPOS lang ni Charlaine maligo ay nakatanggap siya ng text galing kay Harris. Kahit binolock niya ito ay hindi pa rin ito tumitigil. Kinuha niya ang folder na binigay ni Harris sa kaniya. “Ano bang puwede kon gawin?” tanong niya sa ere. Titig na titig siya sa folder. Kapagkuwan ay muling tumunong ang kaniyang cell phone. “Si Harris ito. Same spot. Kunin mo ang mga impormasyong nakalap ko.” Hindi niya mawari kung ano ang gagawin sa minutong iyon. Wala siyang ginagawang hakbang ay hindi magiging maayos ang lahat. Mananatiling katanungan ang lahat na kaguluhan na ito. Kaya nag-isip si Charlaine. Umupo siya sa silya habang titig na titig pa rin sa folder. “Alam ko na!” Napatayo na siya kapagkuwan. Nag-text din siya kay Harris. Nang nasa salas na siya ay nadatnan niya si Jacob na nakipaglaro kay Yuhan. Napansin siya nito. “Saan ang punta mo ngayon?” taka nitong tanong.
CHAPTER 63TATLONG ARAW NA ang mabilis na nakalipas ay hindi pa rin maka-move on si Charlaine sa kaniyang mga nalaman. Hanggang sa mga minutong ito, pilit pa rin niyang iniisip na walang katotohanan sa mga iyon. Gabi na at hindi pa rin siya makatulog. Nasa kusina siya ngayon. “Hey!” Agad niyang napalingon kay Jacob. Ngumiti siya dito. “Hindi ka pa ba matutulog?” tanong nito agad. “Hindi pa talaga ako inaantok. Sadyang marami lang ako niisip,” pagdadahilan niya. Kumuha ng tubig si Jacob sa ref. “Ikaw ba, bakit hindi ka pa natutulog?” tanong naman niya ditong nakaupo sa upuan. Mahina itong tumawa. “Tungkol din sa sarili kong problema. Nahihirapan pa rin akong mag-decide kahit pumayag na sina Aling Mercy at Mang Ben.” Napabuntonghininga na lamang si Charlaine. “May kaniya-kaniya talaga tayong problema, ano? Pero gusto ko na talagang makawala sa problema na ito,”
CHAPTER 62“PAANO ako makakasigurado na hindi mo lang ako niloloko, Harris?” giit niyang tanong nang marinig niya ang mga sarili nito. She would ever easily believed him. “Alam mo naman na anong nangyari sa atin noon. Talagang mahihirapan kang makuha ang loob ko.” Titig na titig siyang tumingin dito habang sinasabi ang mga iyon. Ngunit nakatitig na rin pala talaga sa kaniya si Harris. Ngumisi din ito kapagkuwan. “I don’t want to invalidate your feeling, Charlaine. Nirerespeto ko iyon. Sabi ko nga, humihingi ako ng kapatawaran sa mga nangyari sa atin noon. I was so weird, sadistic, and chaotic husband to you. Damang-dama ko ang pagkamuhi mo sa ‘kin,” paliwanag nitong nakatitig pa rin sa kaniya. “Dapat mo lang talagang maintindihan ang lahat, Harris. Kaya itong mga sinasabi mo, you can’t guarantee my belief. Marami na akong naranasang kagaguhan noong mag-asawa pa tayo. And now, you act like you are my knight in shining armor? What do you think I will
CHAPTER 61 HANDA nang harapin ni Charlaine si Harris. She would take a risk again para lang malaman kung nagsasabi ba ito ng totoo sa kaniya. “Ma’am, saan po kayo?” tanong ng tax driver. “Horizon Park,” simpleng sagot niya. Hindi na sumagot ang taxi driver. Nag-iisip na rin siya ng malalim. Hindi akalan ni Charlaine na ang lalaking gusto niyang hindi makita ay makikita na naman niya. Kung hindi naman niya ito gagawin, hindi niya malalaman ang gustong sabihin ni Harris. “Malayo pa ba ang Horizon Park?” tanong niya nang nainip na. “Malayo pa ng kaunti,” tugon nito. Tumingin na lamang siya sa kaniyang relos. She was so late. Hapon naman kasi ang usapan nila. Wala rin siyang pakialam kung ma-late siya. Ipinikit niya muna ang kaniyang mga mata at inaalala si David. “Marami na tayong napagdaanan hamon sa buhay ngunit b