로그인Namutla nang husto si Jade. Hindi niya inasahan na sasabihin iyon ni August sa harap ng maraming tao. Ang pinakamalala sa lahat ay ang malisya sa likod ng mga salita nito—hindi hobby o interes ang tinutukoy nito kundi ang katawan niya. "Side interest ko lang ang pagpa-part-time bilang waitress. Hindi ako naghihirap," sabi ni Jade na may pilit na ngiti. Kahit nagpapanggap lang siya ay kailangan niya itong gawin para makahanap ng tyansang makatakas. Kahit gustong-gusto na niyang magalit ay pinigilan niya ang sarili. Ang galit ay hahantong lang sa gulo, at sa sitwasyon niya ngayon na wala siyang pangalan o back-up ay kailangan niyang umiwas sa kahit anong conflict. Isa pa ay subordinate siya ni Zhenna. Dahil wala sa duty si Zhenna ngayon ay ayaw niyang gawan ito ng problema. Gusto lang niyang maayos ito nang tahimik. "Jade, huwag ka nang magsinungaling. Magkakasama tayo sa iisang circle. Isang tanong lang sa paligid at malalaman na agad kung gaano kahirap ang sitwasyon mo." Mayaban
Alam ni Asher na araw-araw pumupunta si Jade para makita si Caleb. Sinasadya niyang hindi magpakita dahil gusto niyang makita kung paano siya susubukang kontakin ni Jade. Sa isip niya ay si Caleb ang nagsisilbing tali na mag-uugnay sa kanila habambuhay. Naniniwala siya na ang hirap na pinagdaanan ni Jade para lang maipanganak si Caleb ay patunay na malalim pa rin ang pagmamahal nito sa kanya. Inasahan niya na pagkalabas nito ng kulungan ay gagamitin nito ang lahat ng paraan—umpisa sa anak nila—para lang makabalik sa piling niya.Pero naghintay siya nang naghintay, at parang hangin lang siya kay Jade. Araw-araw lang itong nakikipagkita kay Caleb at tahimik na umaalis ng Madrigal Estate.Habang lalo siyang binabalewala ay lalong hindi mapakali si Asher."Jade, tigilan mo na ang panloloko sa sarili mo! Alam ng lahat kung gaano mo ako ka desperadong minahal. Yung baluktot na pagmamahal mo na yun ang sumira sa buhay mo at nagdala sayo sa kulungan!"Sa dulo ay hindi na napigilan ni Jade.
Siyempre ay walang kaalam alam si Jade sa gulo ng isip ni Ezekiel. Tumango lang siya nang walang pag-aalinlangan. "Oo naman. Gusto ko sanang makakain si Yuze ng kahit anong gusto niya, pero... hindi talaga kaya ng health niya. Sa totoo lang, tingin ko ang pinakamalaking kaligayahan na pwedeng makuha ng isang tao ay ang mabuhay nang walang masyadong bawal." "Kahit sa pagkain man yan o sa mga bagay na gusto mong gawin," mahina niyang dagdag. Sa loob-loob niya ay naiinggit siya kay Xianne. Kahit gumawa si Xianne ng mga bagay na talagang malala ay laging nandoon ang mga magulang nila at si Vince para protektahan ito. Hindi nila ito sinisisi. Sa halip ay pakiramdam nila ay may utang sila rito dahil sa kapabayaan nila noong makidnap ito. Siguro nga ang pagmamahal ay ganoon—yung pakiramdam na lagi kang may utang sa isang tao. Pero habang iniisip niya iyon ay nakaramdam siya ng kaunting kalituhan. Bakit ba siya ganito kadedikado kay Yuze? Ang pag-aalala niya ay tila nahihigitan na ang n
Dati, ang akala ni Jade ay isang malamig at walang pusong tao si Ezekiel—yung tipong sobrang hirap pakisamahan. Hindi niya inaasahan na si Ezekiel, na halos estranghero sa kanya, ang gagawa ng paraan para bigyan siya ng dignidad. Samantalang si Vince, ang kuya na kasama niya sa paglaki ay binalewala ang nararamdaman niya at harap-harapan pa siyang ipinahiya. Nang marinig mismo kay Ezekiel na guest ng pamilya Elizalde si Jade ay bakas ang matinding gulat sa mukha nina Vince at Xianne. Si Lenora naman ay mukhang tuwang-tuwa. Agad siyang bumati. "Mr. Elizalde, matagal na rin tayong hindi nagkikita. Pasok ka muna at maupo sandali." Sumulyap si Ezekiel sa loob at bahagyang tumango bilang paggalang. "Hindi ko alam na naka-confine din pala rito si Mrs. Guevarra. Kamusta ang pakiramdam niyo?" Nagulat si Lenora sa pagiging polite ni Ezekiel sa kanya. Dahil dito ay pakiramdam niya ay nakikinabang siya sa panganay niyang anak na si Jade. Dati na silang nagkaka-krus ng landas ni Eze
Gaya ng inaasahan, ang lahat ito ay para lang sa imahe ng pamilya Guevarra. Kung hindi lang dahil sa reputasyon nila ay malamang ay hindi na nila nagawang suportahan pa si Jade pagkalabas niya ng kulungan. Wala naman silang blood relation at madali lang sana para sa kanila na i-dissolve ang adoption at pabayaan na lang siya sa sarili niya. Pero kilalang pamilya ang mga Guevarra. Dahil mahigit isang dekada siyang tumayo bilang panganay na anak ng pamilya ay kilala ang mukha ni Jade sa circle nila. Mula nang bumalik si Xianne ay alam na ng lahat na adopted daughter lang siya. Kapag tinalikuran nila siya ngayon ay siguradong pagtsitsismisan sila ng mga tao. "Galing na ako sa kulungan at nagdala na ng matinding kahihiyan sa pamilya Guevarra. Ano pa bang halaga niyan ngayon?" prangkang tanong ni Jade. Totoo ang nararamdaman niya. Hindi lang iyon hirit para mairita sila. Gaya ng hula niya ay bakas ang pagkailang sa mga mukha nina Lenora at Vince. Takot na takot naman si Xianne na pag-
"Mom, may hindi ka alam. Ayaw ko lang na mag-alala ka habang nasa ospital ka, pero ang dahilan kung bakit ayaw nang bumalik ni Ate sa Guevarra Family Estate ay dahil... nakatira na siya kay Ezekiel Elizalde," sabi ni Xianne, halatang naglulungkot-lungkutan ang boses.Muntik nang mapatawa nang mapait si Jade.Kitang-kita na si Xianne ang pinaka-ayaw na bumalik siya sa mansyon ng mga Guevarra ngayon dahil handa pa itong gumawa ng mga harap-harapang kasinungalingan para lang masiguro iyon."Xianne, please lang. Huwag kang mag-imbento hangga't wala kang hawak na ebidensya," malamig na sabi ni Jade.Kung wala lang si Lenora ay baka nasampal na niya si Xianne para lang tumahimik ito. Ang tanging nagpipigil na lang sa kanya ay ang ilang taon na pagpapalaki sa kanya ng pamilyang Guevarra."Paano naging imbento ito? Sinabi sa akin ni Asher ang lahat. Doon ka nakatira sa bahay ng tito niya at nilalapitan mo pa ang pinsan niyang si Yuze. Ttinalikuran mo na si Caleb. Nanahimik lang ako kasi ayaw







