LOGIN"Anong nangyayari?"
Lumabas si Lenora nang marinig ang gulo. Ito ang umampon kay Jade. Ang itinuring nyang ina sa loob ng ilang taong pananatili nya sa tahanan ng mga Guevarra. Nang makita sina Asher at Jade na magkasama ay nagmamadali siyang lumapit at humarang sa gitna nila. Hinarap niya si Jade at hinawakan ang kamay nito habang suot ang mukha ng isang nag-aalalang ina. "Jade, sobrang naghirap ka. Na-miss ka nang sobra ni Mommy. Ngayong kumpleto na ang pamilya natin ay hindi na tayo muling magkakahiwalay, ha?" Akmang yayakapin siya ni Lenora pero umatras si Jade para umiwas. Magalang ang boses niya pero kasing-lamig ng yelo. "Mrs. Guevarra." "Anong... anong tinawag mo sa akin?" "Hindi niyo po ako tunay na anak. Mas bagay na Mrs. Guevarra na ang itawag ko sa inyo simula ngayon." Malayo ang tingin ni Jade at mas lalo pang naging distant ang tono niya. "Nagdaramdam ka pa rin ba kay Mommy?" Napatingin si Lenora kay Asher. May mga bagay na hindi niya masabi sa harap nito. Muling hinawakan ni Lenora ang kamay ni Jade at hinila ito papasok sa living room. "Ang mahalaga ay nakauwi ka na. Nagluto ako ng lahat ng paborito mong ulam." Naramdaman ni Jade ang hapdi sa kanyang puso. Minsan ay hindi na niya alam kung naranasan niya ba talaga ang tunay na pagmamahal ng isang ina. Siguro bago bumalik si Xianne ay itinuring talaga siyang anak ni Lenora pero hanggang doon nalang iyon. Balak sana ni Jade na umalis agad pagkakita kay Caleb pero nang banggitin ni Lenora na ipinagluto siya ng paborito niyang ulam ay lumambot ang puso niya kaya nanatili siya. Nang makaupo na ang lahat ay naglabas si Lenora ng isang steaming bowl ng fish with pickled green beans. Ngumiti siya nang matamis kay Jade. "Nandito na sa wakas si Jade. Paboritong-paborito niya itong fish with pickled green beans ko." "Jade, kumain ka na. Kumain ka lang nang marami. Kung gusto mo, ipagluluto kita nito araw-araw!" Habang pinapanood ni Jade ang usok na lumalabas sa isda ay nanlamig ang puso niya. Unti-unting naging yelo ang nararamdaman niya. Hindi siya ang mahilig sa ulam na ito dahil si Xianne ang may gusto nito. Sa totoo lang ay allergic si Jade sa isda. Dati tuwing inihahain ito ay ang mga gulay lang na kasama nito ang nakakain niya. Ang tunay niyang paborito ay ang sweet and sour pork na luto ni Lenora. Pero dahil hindi ito gusto ni Xianne ay bihirang-bihira itong lumabas sa hapag. Hanggang sa nakulong na siya at hindi nya na ulit natikman iyon. Habang nakatulala si Jade ay biglang tumayo si Caleb sa upuan niya at nag-kamay para kumuha ng isda. Nagbalik sa wisyo si Jade at akmang papagalitan sana ang bata pero nauna nang nagsalita si Asher. "Umupo ka!" Dalawang salita lang pero napaamo agad ang bata. Nanigas si Caleb sa kinatatayuan at hindi na nangahas na gumalaw pa. Doon narealize ni Jade na ang anak niya ay naging isang bully—matapang sa mahihina pero takot na takot sa malalakas. Sobrang sakit para sa kanya ang katotohanang ito. Paano naging ganito ang anak niya? Kailangan niyang gumawa ng paraan. Hindi na pwedeng manatili si Caleb sa pamilya Madrigal. Kung magpapatuloy ito ay lalo lang itong magiging pasaway at magiging walang kwentang tagapagmana. "Simula nung nakulong si Jade ay humina na ang katawan ni Mommy dahil sa stress. Bihira na siyang magpunta sa kusina," sabi ni Xianne sa isang plastik na tono. Tumingin siya kay Jade at nagpatuloy. "Jade, palagi kang iniisip ni Mommy. Sinubukan ka niyang padalhan ng pagkain nung nasa loob ka pa pero ayaw mo siyang harapin. Sobrang naguilty si Mommy hanggang sa nagkasakit siya sa lungkot... Kaya dapat ubusin mo yang isda mamaya. Wag mong bibiguin si Mommy! Kapag naging masaya siya ay siguradong gagaling na ang katawan niya." Nakita ni Jade ang mapang-uyam na ngiti sa mga labi ni Xianne. Tumingin nang makahulugan si Lenora kay Xianne. "Xianne, tama na yan. Kakabalik lang ng kapatid mo. Hayaan mo muna siyang mag-adjust." Pagkatapos ay kumuha si Lenora ng malaking piraso ng isda at inilagay sa bowl ni Jade. "Jade, kumain ka pa. Siguradong hindi masarap ang pagkain sa loob. Tingnan mo ang sarili mo, sobrang payat mo na." Hindi nagsalita si Jade at hindi rin niya hinawakan ang kanyang kubyertos. Nagbago ang expression nina Vince at Asher. Nagkatinginan sila pero walang nagsalita agad. Sa huli ay si Vince ang tumayo. Ipinagpalit niya ang plato niya sa plato ni Jade. "Mom, allergic si Jade sa isda." Sulyap lang ang ibinigay ni Jade sa kanya pero nanatiling malamig ang kanyang mga mata. Walang bakas ng pasasalamat. Kahit nakaramdam ng inis si Vince ay hindi niya ito ipinakita. "Ano?" Mukhang hindi naman sinasadya ni Lenora. Namula ang mukha nito sa hiya. "Pero ang natatandaan ko paborito ni Jade ang..." "Si Xianne ang may gusto ng fish with pickled green beans," pagtatama ni Vince. Napanganga si Lenora pero walang lumabas na salita. Naging awkward ang mood sa loob ng kwarto. "Kasalanan ko. Nagkapalit siguro ang alam kong paborito nina Jade at Xianne. Sweet and sour pork nga pala ang gusto ni Jade. Ipagluluto ko siya ngayon din." Akmang tatayo si Lenora pero pinigilan siya ni Jade. "Huwag na po!" "Ituloy niyo na lang ang pagkain niyo. May kailangan pa akong asikasuhin kaya aalis na din agad ako." Tumayo si Jade at naglakad palabas pero mabilis siyang nahabol ni Vince at hinawakan sa braso. "Jade, sabi ni Mommy ay ipagluluto ka niya ulit. Ano pa bang gusto mo? Inihanda na rin namin ang kwarto mo. Simula ngayon ay dito ka na titira sa mansyon. Kung may kailangan ka ay sabihin mo lang. Sa tingin mo ba magagawa ka naming saktan?" "Hindi ko ito bahay. Wala akong dahilan para manatili." Pinilit ni Jade na maging kalmado. May naalala siya kaya lumapit siya kay Asher. Nakatitig ang pamilya Guevarra sa kanya. Inakala ni Vince na aawayin niya si Xianne dahil kay Asher kaya akmang hihilahin niya si Jade pero narinig niyang nagtanong ito. "Mr. Madrigal, mayroon ka bang dalawang daang piso na cash?" Dahil sa pormal na tawag na yun ay napakunot-noo si Asher. Parang bumigat ang hangin sa paligid niya. "Meron. Bakit?" "Pahiram." Iniabot ni Jade ang kanyang kamay. Biglang namang sumigaw si Caleb. "Mommy, ang hirap mo naman! Ayaw ko na sayo! Wala ka kahit dalawang daang piso lang? Oh my god!" Tinitigan ni Asher ang bata kaya nanahimik ito agad. Binigyan niya si Jade ng palusot para hindi mapahiya. "Kagagaling lang ng Mommy mo sa ibang bansa. Dollars ang dala niya at hindi local na pera." Itinatago niya ang katotohanan kay Caleb. Ayaw niyang malaman ng bata na galing sa kulungan si Jade dahil natatakot siyang ma-trauma ang bata. Naglabas si Asher ng dalawang lila na papel mula sa wallet niya at inilagay sa palad ni Jade. "Huwag mo na itong bayaran." "Anong itsura ng foreign money? Gusto ko makita!" Tumakbo si Caleb kay Jade at sumigaw. "Pakita mo sa akin! Ngayon na!" Napahiya si Jade kaya pinilit niyang amuhin ang bata. "May gagawin pa si Mommy ngayon. Bukas ay ipakikita ko sayo ang dollars." Hindi siya nagsisinungaling. Kailangan niya ang dalawang daang piso para mag-taxi at hanapin si Sir Ezekiel. Hindi pa nito naibibigay ang reward na ipinangako sa kanya kanina. Kapag nakuha na niya ang pera na yun ay magkakaroon na siya ng sapat na budget para makasama si Caleb kahit ilang araw lang. Nakahawak nang mahigpit si Jade sa pera. Tiningnan niya si Lenora at nilunok ang lahat ng sakit na naipon sa loob ng limang taon habang nagpapaalam sa huling pagkakataon. "Mommy—ito na ang huling beses na tatawagin kitang ganyan. Ituring na nating kabayaran ang limang taon ko sa kulungan para sa lahat ng pagpapalaki niyo sa akin. Simula sa oras na ito ay wala na tayong utang sa isa't isa. Tapos na ang ugnayan natin. Hindi na ako parte ng pamilya niyo." Pagkatapos nito ay tumalikod siya at umalis nang tuluyan. Napatitig si Asher sa pinto habang nakakunot ang noo. "Anong ibig niyang sabihin doon?" Kinabahan naman si Xianne. Kumapit siya sa braso ni Asher at mukhang kaawa awa saka nagsalita. "Asher, parang sobrang nag-aalala ka sa kanya simula nung lumabas siya. May nararamdaman ka pa ba para sa kanya? Kung meron man... handa akong magparaya para sa kaligayahan mo..." "Huwag kang magsalita nang ganyan," putol ni Asher. "Hanggang ngayon ay parang lantang gulay pa rin si Lucille at walang malay. Ang isang masamang babaeng tulad ni Jade ay hindi kailanman karapat-dapat maging asawa ko!”Namutla nang husto si Jade. Hindi niya inasahan na sasabihin iyon ni August sa harap ng maraming tao. Ang pinakamalala sa lahat ay ang malisya sa likod ng mga salita nito—hindi hobby o interes ang tinutukoy nito kundi ang katawan niya. "Side interest ko lang ang pagpa-part-time bilang waitress. Hindi ako naghihirap," sabi ni Jade na may pilit na ngiti. Kahit nagpapanggap lang siya ay kailangan niya itong gawin para makahanap ng tyansang makatakas. Kahit gustong-gusto na niyang magalit ay pinigilan niya ang sarili. Ang galit ay hahantong lang sa gulo, at sa sitwasyon niya ngayon na wala siyang pangalan o back-up ay kailangan niyang umiwas sa kahit anong conflict. Isa pa ay subordinate siya ni Zhenna. Dahil wala sa duty si Zhenna ngayon ay ayaw niyang gawan ito ng problema. Gusto lang niyang maayos ito nang tahimik. "Jade, huwag ka nang magsinungaling. Magkakasama tayo sa iisang circle. Isang tanong lang sa paligid at malalaman na agad kung gaano kahirap ang sitwasyon mo." Mayaban
Alam ni Asher na araw-araw pumupunta si Jade para makita si Caleb. Sinasadya niyang hindi magpakita dahil gusto niyang makita kung paano siya susubukang kontakin ni Jade. Sa isip niya ay si Caleb ang nagsisilbing tali na mag-uugnay sa kanila habambuhay. Naniniwala siya na ang hirap na pinagdaanan ni Jade para lang maipanganak si Caleb ay patunay na malalim pa rin ang pagmamahal nito sa kanya. Inasahan niya na pagkalabas nito ng kulungan ay gagamitin nito ang lahat ng paraan—umpisa sa anak nila—para lang makabalik sa piling niya.Pero naghintay siya nang naghintay, at parang hangin lang siya kay Jade. Araw-araw lang itong nakikipagkita kay Caleb at tahimik na umaalis ng Madrigal Estate.Habang lalo siyang binabalewala ay lalong hindi mapakali si Asher."Jade, tigilan mo na ang panloloko sa sarili mo! Alam ng lahat kung gaano mo ako ka desperadong minahal. Yung baluktot na pagmamahal mo na yun ang sumira sa buhay mo at nagdala sayo sa kulungan!"Sa dulo ay hindi na napigilan ni Jade.
Siyempre ay walang kaalam alam si Jade sa gulo ng isip ni Ezekiel. Tumango lang siya nang walang pag-aalinlangan. "Oo naman. Gusto ko sanang makakain si Yuze ng kahit anong gusto niya, pero... hindi talaga kaya ng health niya. Sa totoo lang, tingin ko ang pinakamalaking kaligayahan na pwedeng makuha ng isang tao ay ang mabuhay nang walang masyadong bawal." "Kahit sa pagkain man yan o sa mga bagay na gusto mong gawin," mahina niyang dagdag. Sa loob-loob niya ay naiinggit siya kay Xianne. Kahit gumawa si Xianne ng mga bagay na talagang malala ay laging nandoon ang mga magulang nila at si Vince para protektahan ito. Hindi nila ito sinisisi. Sa halip ay pakiramdam nila ay may utang sila rito dahil sa kapabayaan nila noong makidnap ito. Siguro nga ang pagmamahal ay ganoon—yung pakiramdam na lagi kang may utang sa isang tao. Pero habang iniisip niya iyon ay nakaramdam siya ng kaunting kalituhan. Bakit ba siya ganito kadedikado kay Yuze? Ang pag-aalala niya ay tila nahihigitan na ang n
Dati, ang akala ni Jade ay isang malamig at walang pusong tao si Ezekiel—yung tipong sobrang hirap pakisamahan. Hindi niya inaasahan na si Ezekiel, na halos estranghero sa kanya, ang gagawa ng paraan para bigyan siya ng dignidad. Samantalang si Vince, ang kuya na kasama niya sa paglaki ay binalewala ang nararamdaman niya at harap-harapan pa siyang ipinahiya. Nang marinig mismo kay Ezekiel na guest ng pamilya Elizalde si Jade ay bakas ang matinding gulat sa mukha nina Vince at Xianne. Si Lenora naman ay mukhang tuwang-tuwa. Agad siyang bumati. "Mr. Elizalde, matagal na rin tayong hindi nagkikita. Pasok ka muna at maupo sandali." Sumulyap si Ezekiel sa loob at bahagyang tumango bilang paggalang. "Hindi ko alam na naka-confine din pala rito si Mrs. Guevarra. Kamusta ang pakiramdam niyo?" Nagulat si Lenora sa pagiging polite ni Ezekiel sa kanya. Dahil dito ay pakiramdam niya ay nakikinabang siya sa panganay niyang anak na si Jade. Dati na silang nagkaka-krus ng landas ni Eze
Gaya ng inaasahan, ang lahat ito ay para lang sa imahe ng pamilya Guevarra. Kung hindi lang dahil sa reputasyon nila ay malamang ay hindi na nila nagawang suportahan pa si Jade pagkalabas niya ng kulungan. Wala naman silang blood relation at madali lang sana para sa kanila na i-dissolve ang adoption at pabayaan na lang siya sa sarili niya. Pero kilalang pamilya ang mga Guevarra. Dahil mahigit isang dekada siyang tumayo bilang panganay na anak ng pamilya ay kilala ang mukha ni Jade sa circle nila. Mula nang bumalik si Xianne ay alam na ng lahat na adopted daughter lang siya. Kapag tinalikuran nila siya ngayon ay siguradong pagtsitsismisan sila ng mga tao. "Galing na ako sa kulungan at nagdala na ng matinding kahihiyan sa pamilya Guevarra. Ano pa bang halaga niyan ngayon?" prangkang tanong ni Jade. Totoo ang nararamdaman niya. Hindi lang iyon hirit para mairita sila. Gaya ng hula niya ay bakas ang pagkailang sa mga mukha nina Lenora at Vince. Takot na takot naman si Xianne na pag-
"Mom, may hindi ka alam. Ayaw ko lang na mag-alala ka habang nasa ospital ka, pero ang dahilan kung bakit ayaw nang bumalik ni Ate sa Guevarra Family Estate ay dahil... nakatira na siya kay Ezekiel Elizalde," sabi ni Xianne, halatang naglulungkot-lungkutan ang boses.Muntik nang mapatawa nang mapait si Jade.Kitang-kita na si Xianne ang pinaka-ayaw na bumalik siya sa mansyon ng mga Guevarra ngayon dahil handa pa itong gumawa ng mga harap-harapang kasinungalingan para lang masiguro iyon."Xianne, please lang. Huwag kang mag-imbento hangga't wala kang hawak na ebidensya," malamig na sabi ni Jade.Kung wala lang si Lenora ay baka nasampal na niya si Xianne para lang tumahimik ito. Ang tanging nagpipigil na lang sa kanya ay ang ilang taon na pagpapalaki sa kanya ng pamilyang Guevarra."Paano naging imbento ito? Sinabi sa akin ni Asher ang lahat. Doon ka nakatira sa bahay ng tito niya at nilalapitan mo pa ang pinsan niyang si Yuze. Ttinalikuran mo na si Caleb. Nanahimik lang ako kasi ayaw







