Hindi mapigilan ni Jade na maawa kay Ezekiel. Tutal ay bihirang maging metikuloso ang mga tatay kumpara sa mga nanay. Ang magpalaki ng anak nang mag-isa, lalo na ang may special needs, ay siguradong nakakapanghina minsan. Magalang siyang nagtanong. "Mr. Elizalde, nagmeryenda po ba si Yuze bago mag-dinner?" "Hindi, hindi siya mahilig sa snacks," sagot ni Ezekiel. "Kung ganoon ay sobrang konti nga ng nakain niya para sa hapunan. Okay lang po ba kung susubukan ko siyang pakiusapan na kumain pa nang konti?" mungkahi ni Jade. Nagningning ang madidilim na mata ng lalaki. Halatang hindi nito inaasahan ang pag-volunteer nya. Matapos ang ilang sandali ay tumango ito nang bahagya. "Sige, Miss Jade. Ikaw na ang bahala." Tumayo si Jade at umikot sa mesa para tumabi kay Yuze. Nakayuko ang bata habang pinaglalaruan ang sariling mga daliri. Inilapit ni Jade ang plato sa harap niya at kinuha ang kutsilyo at tinidor saka hiniwa ang natitirang steak sa maliliit na piraso. "Young Master Yuze, g
Dernière mise à jour : 2026-04-23 Read More