LOGIN
Bumubuhos ang malakas na ulan nang dahan-dahang bumukas ang mabigat na gate ng Manila Women’s Correctional.
Lumabas si Jade suot ang lumang white tshirt at maong na pantalon. Mabigat ang bawat hakbang niya at tila matutumba na. Wala siyang dalang payong kaya hinayaan na lang niyang humampas ang ulan sa maputla at hapo niyang mukha. Isang matangkad na lalaki ang bumaba mula sa itim na sedan na nakapark sa gilid ng kalsada. Nilapitan siya nito habang may dalang payong pero napatigil ito at sandaling natigilan nang makita ang itsura niya. "Limang taon din ang lumipas, Jade. Ang laki ng ipinayat mo. Sumama ka na sa akin pauwi. Nagluto si Mommy ng maraming pagkain. Hinihintay ka ng lahat." Doon lang dahan-dahang iniangat ni Jade ang kanyang ulo. Tiningnan niya ang lalaki sa harap niya at ang kanyang mga labi ay bahagyang kumurba sa isang mapait na ngiti. "Kuya Vince, wag mo na abalahin ang sarili mo." "Hindi ko na bahay ang mansyon ng mga Guevarra. Wala na akong dahilan para bumalik pa doon." Desidido na siya nang tumalikod para umalis pero biglang hinawakan ni Vince ang braso niya nang napakahigpit. "Jade, ano bang arte ito? Kalalaya mo lang, hindi mo man lang natapos ang high school—paano ka mabubuhay nang wala ang proteksyon ng pamilya natin?" "May sarili akong mga kamay at paa. May natutunan naman akong trabaho sa loob." Flat ang pagkakasabi ni Jade. Walang emosyon at parang isang makina. Dahil sa sobrang inis sa lamig ng pakikitungo ni Jade ay bigla siyang binitiwan ni Vince nang marahas. "Fine! Alam kong galit ka sa amin, pero utang mo yun kay Xianne! At saka, nagbayad kami sa loob para siguraduhing hindi ka mahirapan. Nangako rin kaming tutulungan ka paglabas mo. Hindi ka pa ba kuntento?" "Ano bang utang ko sa kanya?" nangingilid ang luha sa mga mata ni Jade pero dahil sa lakas ng ulan ay hindi na malaman kung luha ba yun o tubig-ulan. Ampon lang siya ng mga Guevarra. Isa syang pekeng tagapag mana, habang ang tunay na anak ay ang kapatid-kapatiran niyang si Xianne. Dati raw na-kidnap si Xianne noong bata pa ito. Sa sobrang pangungulila ng mga magulang nila ay kinuha nila si Jade mula sa ampunan. Noong nahanap na si Xianne at nakabalik sa bahay, lahat ng luho ay ibinigay dito para makabawi sa mga taon na nawala ito. Hindi kailanman nagtanim ng sama ng loob si Jade. Para sa kanya, ang maampon ng isang mayamang pamilya ay parang himala na noon. Kaya naman ginawa niya ang lahat para maging mabuting kapatid. Hindi niya akalaing napakasama pala ni Xianne. Palagi siyang sineset-up nito at tuwing may gulo itong ginagawa sa labas ay kay Jade palagi ang sisi. Paulit-ulit yong tiniis ni Jade dahil sa utang na loob. Hanggang sa isang araw ay may muntik na mapatay si Xianne at pinilit siya ng pamilya Guevarra na akuin ang kasalanan nito. "Hindi ko kasalanan yun. Ang paghihirap niya ng ilang taon dahil nakidnap sya ay hindi ko rin kasalanan." Huminga nang malalim si Jade dahil ayaw na niyang makipagtalo. Limang taon na ang nakakalipas nang matauhan siya. Hamak na tau-tauhan lang pala siya sa laro ng mga Guevarra. Kahit ang pag-ampon sa kanya ay business move lang pala. Pinili nila ang pinakamagandang bata sa ampunan para ihanda sa isang strategic marriage sa hinaharap. Noong bata siya ay hindi niya yun nakita. Akala niya talaga ay may pamilya na siya. Pero ngayon ay malinaw na sakanya ang lahat. "Alam kong galit ka dahil ikaw ang pinasalo namin sa kasalanan ni Xianne," sabi ni Vince na medyo lumambot na ang boses. "Pero hindi mo ba gustong makita si Caleb? Biological mother ka pa rin niya. Nandoon siya sa bahay at nandoon din si Asher." "Pero paalala lang. Fiancee na ngayon ni Asher si Xianne.” dugtong nito. Natigilan si Jade, hindi na pinansin ang nauna nitong sinabi dahil napunta ang atensyon nya sa pangalang binanggat nito. "Caleb..." Iyon ang anak na dinala niya ng siyam na buwan at ipinanganak sa loob ng kulungan pero kinuha agad sa kanya ng pamilya Madrigal pagkapanganak pa lang. "Pupunta ako sa bahay niyo ng mag-isa." Ang ginamit niyang salita ay punta at hindi balik. Wala na syang balak bumalik sa lugar na iyon. Sapat na ang hirap at sakripisyo nya para sa pamilyang iyon. Tiningnan niya nang malamig ang pamilyar na itim na sedan. Dati ay dito siya hinahatid-sundo ni Vince sa school. Ngayon, hinding-hindi na siya tatapak sa loob niyan. "Ayokong sumakay sa kotse mo," diretsong sabi niya na parang wala lang. "Jade, ikaw—!" Galit na galit si Vince. Itinaas nito ang kamay para sana sampalin siya. Iniharap ni Jade ang mukha niya habang hinihintay ang sampal. Hindi siya lalaban, ituturing niya itong huling bayad para sa labing-apat na taon na itinaguyod siya ng mga Guevarra. Apat na taon siya nang maampon, at labing-walo nang makulong. Tamang-tama, fourteen years. "Sige, bahala ka sa buhay mo. Liblib na lugar ito. Wala kang makikitang taxi dito at wala kang kahit singko sa bulsa mo. Tingnan natin kung paano ka makakauwi!" Ayaw ni Vince ang pagiging prideful ni Jade. Gusto niyang marealize nito na wala siyang silbi kung wala ang mga Guevarra. Umaasa siyang babalik din ito para magmakaawa sa kanila. Hindi man lang niya iniwan ang payong bago niya pinaharurot palayo ang itim nyang sedan. Habang pinapanood ang papalayong kotse ay nakaramdam si Jade ng kakaibang ginhawa. Parang may nabawas na bigat sa dibdib niya. Kahit basang-basa na siya at nanginginig ay hindi na kasing-lamig ng puso niya noong limang taon na ang nakakalipas nang traydurin siya ng pamilya niya. Pero habang naglalakad sa kalsada ay narealize niyang hindi nagsisinungaling si Vince. Nasa gitna ng bundok ang kulungan at sobrang layo sa kabihasnan. Wala man lang dumadaang sasakyan o tao. Paano siya makakarating sa siyudad? Paano niya makikita si Caleb? Limang taon siyang walang balita sa labas at sapat na ang panahong yun para tuluyang magbago ang isang tao. Dati, punong-puno siya ng self-confidence. Ngayon ay basag na siya at hirap na ring huminga dahil ang bigat ng dibdib nya sa lahat ng naipong sama ng loob. Sa loob ng kulungan ay wala siyang natanggap na special treatment na sinasabi ni Vince. Sa katunayan ay naging impyerno ang buhay niya doon. Kung hindi lang dahil sa pag-asang makita si Caleb ay baka matagal na siyang sumuko sa buhay. Dahil sa isiping yun ay pinilit ni Jade na magpatuloy sa paglalakad pababa ng bundok. Padilim na nang padilim ang langit pero wala pa ring sasakyan. Wala man lang siyang mahanap na sasakyan na pwedeng mahingan ng sakay. Dahil sa tagal sa kulungan ay marami na siyang naging sakit sa katawan. Idagdag pa ang napakalamig na ulan, nanghina na siya at salit-salit ang pakiramdam ng ginaw at init dahil sa lagnat. Bawat hakbang ay parang tinutusok ng karayom ang mga paa niya. Hapo na siya at hindi na malaman kung pawis o ulan ba ang tumatagaktak sa mukha niya. Sa sandaling yun ay nakaramdam siya ng kaunting pagsisisi. Dahil sa lintik na pride na yan ay hindi siya sumakay sa kotse. Biglang may liwanag na tumama sa kanya. Nang makita ang papalapit na sasakyan ay hindi na nag dalawang isip si Jade. Tumakbo siya sa gitna ng kalsada at itinaas ang mga kamay para harangan ito. Screeech—! Umiwas ang kotse pero hindi na nito tuluyang naiwasan si Jade. Agad itong nag-preno at huminto ilang pulgada na lang ang layo sa kanya. Napaupo si Jade sa kalsada sa sobrang kaba. "Sir Ezekiel, okay lang po ba ang bata?" Agad na lumingon si Emilio para tingnan ang dalawang pasahero sa likod. Tumingin muna si Ezekiel sa labas ng bintana bago binaling ang tingin sa batang lalaking karga niya. Walang emosyon ang bata, parang walang buhay ang mga mata habang nilalaro ang isang maliit na toy train. "Bumaba ka at tingnan mo," utos niya. Tumango si Emilio bago bumaba ng kotse at mabilis na tinulungan si Jade na tumayo. Sa sobrang hina ni Jade ay hindi na niya kayang tumayo nang mag-isa. Pasuray-suray siya kahit inaalalayan na siya. Akala ni Emilio ay modus lang ito para makahingi ng pera kaya naiinis siyang nagsalita. "Hindi ganito ang tamang pag-scam. Alam mo ba kung sino ang nasa loob ng kotseng ito? Umalis ka na habang maaga pa kundi malalagot ka talaga." "Papunta ho ba kayo sa city? Pwede po bang... pwede po bang makisabay?" Hinawakan ni Jade ang braso ni Emilio na parang ito na lang ang tanging pag-asa niya. Halos mapatalon si Emilio. "Baliw ka ba, Miss?" Paubos na ang lakas ni Jade, nag-aapoy na siya sa lagnat pero nanginginig pa rin sa ginaw. Lumuhod siya sa harap nito at nakiusap. "Sige na po... kahit ibaba niyo na lang ako sa Kamuning Road..." Ang pagmamakaawa ay naging natural na sa kanya sa loob ng limang taon. Ang pride at dignidad ay mga luhong matagal na niyang binitiwan. Hindi na alam ni Emilio ang gagawin. Dahil babae ang kaharap niya ay hindi niya ito basta-basta maipaalis nang marahas kaya na-stuck sila sa sitwasyon. Sakto namang bumukas ang pinto sa likod. Isang itim na payong at makinang na leather shoes ang unang lumitaw, kasunod ang mahahabang binti na suot ang isang mamahaling trousers. Dahan-dahang lumapit si Ezekiel habang hawak ang kanyang payong. Ang tingin niya ay nakapako sa itaas ng ulo ni Jade at ang boses niya ay malalim at baritono. "Tumingin ka sa akin." Iniangat ni Jade ang kanyang ulo para tingnan ang lalaki, at biglang nanliit ang kanyang mga mata. Siya pala ito...Siyempre ay walang kaalam alam si Jade sa gulo ng isip ni Ezekiel. Tumango lang siya nang walang pag-aalinlangan. "Oo naman. Gusto ko sanang makakain si Yuze ng kahit anong gusto niya, pero... hindi talaga kaya ng health niya. Sa totoo lang, tingin ko ang pinakamalaking kaligayahan na pwedeng makuha ng isang tao ay ang mabuhay nang walang masyadong bawal." "Kahit sa pagkain man yan o sa mga bagay na gusto mong gawin," mahina niyang dagdag. Sa loob-loob niya ay naiinggit siya kay Xianne. Kahit gumawa si Xianne ng mga bagay na talagang malala ay laging nandoon ang mga magulang nila at si Vince para protektahan ito. Hindi nila ito sinisisi. Sa halip ay pakiramdam nila ay may utang sila rito dahil sa kapabayaan nila noong makidnap ito. Siguro nga ang pagmamahal ay ganoon—yung pakiramdam na lagi kang may utang sa isang tao. Pero habang iniisip niya iyon ay nakaramdam siya ng kaunting kalituhan. Bakit ba siya ganito kadedikado kay Yuze? Ang pag-aalala niya ay tila nahihigitan na ang n
Dati, ang akala ni Jade ay isang malamig at walang pusong tao si Ezekiel—yung tipong sobrang hirap pakisamahan. Hindi niya inaasahan na si Ezekiel, na halos estranghero sa kanya, ang gagawa ng paraan para bigyan siya ng dignidad. Samantalang si Vince, ang kuya na kasama niya sa paglaki ay binalewala ang nararamdaman niya at harap-harapan pa siyang ipinahiya. Nang marinig mismo kay Ezekiel na guest ng pamilya Elizalde si Jade ay bakas ang matinding gulat sa mukha nina Vince at Xianne. Si Lenora naman ay mukhang tuwang-tuwa. Agad siyang bumati. "Mr. Elizalde, matagal na rin tayong hindi nagkikita. Pasok ka muna at maupo sandali." Sumulyap si Ezekiel sa loob at bahagyang tumango bilang paggalang. "Hindi ko alam na naka-confine din pala rito si Mrs. Guevarra. Kamusta ang pakiramdam niyo?" Nagulat si Lenora sa pagiging polite ni Ezekiel sa kanya. Dahil dito ay pakiramdam niya ay nakikinabang siya sa panganay niyang anak na si Jade. Dati na silang nagkaka-krus ng landas ni Eze
Gaya ng inaasahan, ang lahat ito ay para lang sa imahe ng pamilya Guevarra. Kung hindi lang dahil sa reputasyon nila ay malamang ay hindi na nila nagawang suportahan pa si Jade pagkalabas niya ng kulungan. Wala naman silang blood relation at madali lang sana para sa kanila na i-dissolve ang adoption at pabayaan na lang siya sa sarili niya. Pero kilalang pamilya ang mga Guevarra. Dahil mahigit isang dekada siyang tumayo bilang panganay na anak ng pamilya ay kilala ang mukha ni Jade sa circle nila. Mula nang bumalik si Xianne ay alam na ng lahat na adopted daughter lang siya. Kapag tinalikuran nila siya ngayon ay siguradong pagtsitsismisan sila ng mga tao. "Galing na ako sa kulungan at nagdala na ng matinding kahihiyan sa pamilya Guevarra. Ano pa bang halaga niyan ngayon?" prangkang tanong ni Jade. Totoo ang nararamdaman niya. Hindi lang iyon hirit para mairita sila. Gaya ng hula niya ay bakas ang pagkailang sa mga mukha nina Lenora at Vince. Takot na takot naman si Xianne na pag-
"Mom, may hindi ka alam. Ayaw ko lang na mag-alala ka habang nasa ospital ka, pero ang dahilan kung bakit ayaw nang bumalik ni Ate sa Guevarra Family Estate ay dahil... nakatira na siya kay Ezekiel Elizalde," sabi ni Xianne, halatang naglulungkot-lungkutan ang boses.Muntik nang mapatawa nang mapait si Jade.Kitang-kita na si Xianne ang pinaka-ayaw na bumalik siya sa mansyon ng mga Guevarra ngayon dahil handa pa itong gumawa ng mga harap-harapang kasinungalingan para lang masiguro iyon."Xianne, please lang. Huwag kang mag-imbento hangga't wala kang hawak na ebidensya," malamig na sabi ni Jade.Kung wala lang si Lenora ay baka nasampal na niya si Xianne para lang tumahimik ito. Ang tanging nagpipigil na lang sa kanya ay ang ilang taon na pagpapalaki sa kanya ng pamilyang Guevarra."Paano naging imbento ito? Sinabi sa akin ni Asher ang lahat. Doon ka nakatira sa bahay ng tito niya at nilalapitan mo pa ang pinsan niyang si Yuze. Ttinalikuran mo na si Caleb. Nanahimik lang ako kasi ayaw
"Anong dapat irespeto sa taong ginagamit ang edad para mambully ng iba?"Nagpakawala ng malamig na tawa si Jade. "Magalang na nga ang pagtrato ko sa kanya nang ganyan."Naalala niya noon, sinadya siyang ikulong ni Dorothy sa isang storage room at hinayaang magutom at mauhaw buong araw. Nagbalat ang kanyang labi sa dehydration. Pero ang mas masakit ay dahil sa insidenteng yun ay hindi siya nakapunta sa isang mahalagang dance competition—isang pagkakataong hinding-hindi na niya mababawi kailanman.Siyempre ay hindi yun gagawin ni Dorothy nang mag-isa. Tauhan ito ni Xianne at sumusunod lang ito sa utos nito. Pero ang isang sipsip na tulad niya ay kailangang maturuan ng leksyon. Ang sobrang pagtitimpi ay nagbibigay lang ng lakas ng loob sa kanila para maging mas mapangahas.Dati ay naging mabuti si Jade kay Dorothy. Pero nung bumalik si Xianne ay agad itong bumaliktad at naging tau-tauhan ng tunay na anak para pahirapan siya sa bawat pagkakataon.Heh.Sa tuwing naaalala niya ang lahat ay
"Jade, nagkataon lang na narinig kita mula sa labas. Hindi ako nakikinig sa usapan niyo. Sino ba sa tingin mo ang kaharap mo?" Muling sumabog ang galit ni Vince at lalong naging agresibo ang boses nito. "Hindi mo pa rin sinasagot ang tanong ko. Bakit nakikipag-ugnayan ka pa rin kay Ezekiel!” "At bakit hindi?" balik na tanong ni Jade habang bakas ang pagkapagod sa boses. Namula ang mga mata ni Vince sa tindi ng emosyon. "Umaasa ka pa rin ba kay Asher? Fiancee na siya ni Xianne. Narinig mo naman kagabi na magkasama sila. Pinapayuhan kita na sumuko ka na! Wag mong isiping magagamit mo si Ezekiel para makalapit ulit kay Asher." Nagpakawala ng isang mapait at hindi makapaniwalang tawa si Jade. "Mr. Guevarra, nawawala ka na ba sa sarili mo? Bakit ko nanaising makuha ang lalaking nagamit na ni Xianne? Nakakadiri!" "Ikaw! Paano mo nagagawang pagsalitaan nang ganyan si Xianne? Mula ngayon ay lumayo ka kay Ezekiel! Kahit dahil pa yan kay Asher o sa kahit anong rason ay wala kang dapat







