LOGINNabigla si Jade sa biglaang galaw ni Ezekiel kaya mabilis niya itong itinulak palayo.
Hindi niya talaga mabasa ang lalaking ito at napaka-weird ng mga kilos. Wala naman silang koneksyon sa isa’t isa kaya bakit ito nagpakita ng kabaitan at dinala pa siya rito para ayusan? Posible kayang… Hindi, impossible. Hindi ambisyosa si Jade. Sigurado siyang walang dahilan para magka-interes sa kanya ang isang Ezekiel Elizalde. "Mr. Elizalde, anong ginagawa niyo?" nagdududang tanong ni Jade. "May birthmark ka sa collarbone." Nakapako ang tingin ni Ezekiel sa mismong parte na yun habang kaswal na inaayos ang sarili niyang kuwelyo. Napatingin din si Jade sa sarili bago sumagot. "Opo, birthmark ko na ito simula nung pinanganak ako." Nagtataka siya dahil hindi niya talaga makuha kung anong point ni Ezekiel. "Akala ko kasi dumi lang." Medyo dumilim ang tingin ni Ezekiel habang nagbibigay ng maikling explanation. "Samahan mo muna si Yuze maglaro." dagdag pa nito. "Ako?" nag-hesitate si Jade. "Pero kailangan ko na pong pumunta sa mansyon ng mga Guevarra." "Sampung minuto lang. Babayaran kita ng limang libo." Ang tono ng lalaki ay hindi pwedeng baliin. “Kapag nagsalita siya sa loob ng sampung minuto na yun ay dadagdagan ko ang bayad. Gagawin kong sampung libo." "Ano?!” Natigilan si Jade. Anong nangyayari? Pero mukhang hindi naman nagbibiro si Ezekiel. "Anong gusto niyong ipalaro ko sa kanya?" tanong ni Jade. "Kahit ano." Itinuro ni Ezekiel ang isang direksyon. "Nandoon siya sa lounge." "Sige po." Tumango na lang si Jade nang wala nang maraming tanong. Hindi naman siya masyadong matatagalan sa sampung minuto. Naisip din niya na kasing-edad lang ni Yuze si Caleb. Kung susubukan niyang makipag-interact kay Yuze ngayon ay baka magkaroon siya ng idea kung paano makikipaglaro kay Caleb mamaya. Tsaka sa laki ng bayad na yun ay pwede na siyang umalis sa mga Guevarra at mag-rent ng sarili niyang matitirhan. Medyo gumaan ang pakiramdam ni Jade dahil sa naisip. "Miss Jade," bati nito ni Emilio habang naka abang sa tapat ng pinto. "Medyo unique ang sitwasyon ni Young Master Yuze. Kapag hindi siya nagsalita ay wag kang kabahan. Normal lang yun sa kanya." Dahil dito ay nakaramdam ng pag-aalala si Jade. "Anong problema kay Yuze?" Ibinaba ni Emilio ang boses niya. "May autism ang young master. Hindi na siya nagsasalita simula nung bata pa siya. Hindi sa hindi niya kaya, kundi ayaw niya lang talagang makipag-communicate sa iba. Kaya yung pagtawag niya sayo ng Ate kanina sa kotse ay sobrang bihira at nakakagulat!" "Ganun pala..." tumango si Jade. Kaya pala ganun ang hiling ni Ezekiel. Gusto nitong makita kung mapapagsalita niya si Yuze. At kaya siguro siya inayusan ay dahil ayaw ni Ezekiel na matakot ang bata sa madungis niyang itsura kanina. Nakaramdam si Jade ng awa para sa bata. "Sasamahan ko lang si Master Yuze, pero hindi po ako doctor. Baka hindi ko rin siya mapagsalita." Pagpasok niya sa lounge ay nakita niya si Yuze sa sahig na naglalaro ng building blocks. Hindi man lang ito tumingin nang pumasok siya. Wala talagang imik. Lumapit si Jade at lumuhod sa tabi nito. "Yuze, magpakilala muna si Ate. Ako si Jade. Ang Jade ay isinusulat nang ganito, ang ibig sabihin nito ay isang mahalagang hiyas..." Habang nagsasalita ay isinulat niya ang pangalan niya sa papel at iniabot ang panulat. "Pwede mo bang isulat ang pangalan mo para kay Ate?" Nakatungo lang si Yuze sa blocks niya, deadma lang kay Jade. Kahit medyo frustrated ay hindi nagalit si Jade dahil alam niya ang condition nito. Mas lalo pa siyang naawa. "Ate." Isang malambot at parang boses-anghel na salita ang narinig niya. Hindi nagkamali si Jade ngayon. Tinawag siyang Ate ulit? "Yuze, ilang taon ka na ba? Twenty-three na ako. Siguro mga four o five ka pa lang kaya dapat Tita na ang tawag mo sa akin." Naalala niya si Caleb na kasing-edad nito kaya naisip niyang parang hindi bagay ang Ate. "Hindi ka... mukhang... tita," biglang sagot ni Yuze. Putol-putol ang bawat salita nito. "Five... years... old..." Natigilan si Jade. Tama ba ang narinig niya? Hindi naman pala tahimik si Yuze gaya ng sabi ni Emilio. Marunong naman pala itong magsalita. "Ang cute naman ni Yuze. Sige, Ate na lang ang itawag mo sa akin ha." Sa sobrang tuwa ay hindi mapigilan ni Jade na haplusin ang ulo ng bata. Pero biglang naging mailap si Yuze, hinarangan nito ang sariling ulo at sumigaw. "Ah!" "Sorry, Yuze! Anong problema? Gusto lang kitang haplusin." Nabigla si Jade sa reaksyon nito. Puno ng takot ang mga mata ni Yuze. Namaluktot ito at nanginginig nang sobra. Mukhang takot na takot ang bata kaya agad itong niyakap ni Jade at hinaplos ang likod para kumalma. "Huwag kang matakot, Yuze. Poprotektahan ka ni Ate." Nanginginig pa rin ang bata, kaya napaisip si Jade—sinasaktan ba ni Ezekiel ang anak niya? Parang trauma response ito ng isang batang nakakaranas ng pananakit. Unti-unti namang kumalma si Yuze sa yakap niya habang bumubulong. "Hindi takot... hindi takot..." Eksaktong pagpasok ni Ezekiel ay nakita niya si Yuze na nakayakap nang mahigpit kay Jade. Nanliit ang mga mata nito at may bakas ng gulat sa gwapo nitong mukha. "Yuze." Malalim ang boses nito. Agad na bumitaw si Jade sa yakap habang tumayo si Yuze para lumapit sa tatay niya. Binuhat ni Ezekiel ang anak habang ang tingin ay nakapako kay Jade. "Tapos na ang sampung minuto. Ihahatid na kita sa mansyon niyo." "Salamat po." Tumigil ang Maybach sa tapat ng gate ng mga Guevarra. Nakahintay doon si Vince para sa pagbabalik ni Jade. Nakilala niya ang plate number ng kotse at nang mapagtanto niya kung kanino ito ay biglang bumukas ang pinto at lumabas si Jade. Nanigas ang expression ni Vince habang naglalakad palapit. "Jade, paano mo nakuha ang—" Nagulat siya dahil hindi na madungis si Jade. Sa halip ay mukha itong elegante at sosyal sa bago nitong suot. Tiningnan ni Vince ang loob ng kotse at nakita si Ezekiel Elizalde. Anong nangyayari? Kakalaya lang ni Jade kaya kailan pa ito nagkaroon ng koneksyon kay Ezekiel? "Young Master Guevarra, long time no see." bati ni Emilio. Ibinaba ni Ezekiel ang bintana. "Nakita ko lang ang kapatid mo sa kalsada kaya hinatid ko na rito." "Salamat, Mr. Elizalde." Napakunot-noo si Vince habang sinusuri si Jade mula ulo hanggang paa. "Dahil naging mabait kayo para bilhan si Jade ng mga damit na yan, sabihin niyo lang kung magkano at ittransfer ko ang pera sa inyo." "Huwag na. Farewell." Agad na sumara ang bintana at nag-utos si Ezekiel kay Emilio na umalis na. Hindi man lang nakapag paalam si Vince. Hinarap agad ni Vince si Jade nang may galit. "Magsalita ka! Ano ito? Bakit magiging mabait sayo ang isang Ezekiel Elizalde para bilhan ka ng damit? Jade, ano bang ginawa mo!" Magpapaliwanag sana si Jade pero sa paraan ng paghusga ni Vince ay nawalan na siya ng gana. Naalala niya ang nakaraan—kahit anong mangyari sa kanila ni Xianne ay palaging si Xianne ang kinakampihan ng kuya niya. Hindi nito inaalam ang totoo. Mas gusto nitong manisi agad. "Kuya, nakauwi na rin sa wakas si Jade. Bakit mo ba siya pinapagalitan?" Biglang may sumabat na matamis na boses. Nakita ni Jade si Xianne na naka-bihis pang-mayaman din at magandang-maganda ang ayos. Pero nang makita ni Xianne na hindi mukhang basahan si Jade kundi ayos na ayos pa ay may dumaan na selos sa mga mata nito. Pero mabilis itong napalitan ng plastik na ngiti. "Jade, welcome back! Na-miss kita nang sobra!" Susubukan sana ni Xianne na hawakan ang braso ni Jade nang malambing pero naging malamig ang mukha ni Jade at itinabig ang kamay nito. "Wag kang kadiri.”Siyempre ay walang kaalam alam si Jade sa gulo ng isip ni Ezekiel. Tumango lang siya nang walang pag-aalinlangan. "Oo naman. Gusto ko sanang makakain si Yuze ng kahit anong gusto niya, pero... hindi talaga kaya ng health niya. Sa totoo lang, tingin ko ang pinakamalaking kaligayahan na pwedeng makuha ng isang tao ay ang mabuhay nang walang masyadong bawal." "Kahit sa pagkain man yan o sa mga bagay na gusto mong gawin," mahina niyang dagdag. Sa loob-loob niya ay naiinggit siya kay Xianne. Kahit gumawa si Xianne ng mga bagay na talagang malala ay laging nandoon ang mga magulang nila at si Vince para protektahan ito. Hindi nila ito sinisisi. Sa halip ay pakiramdam nila ay may utang sila rito dahil sa kapabayaan nila noong makidnap ito. Siguro nga ang pagmamahal ay ganoon—yung pakiramdam na lagi kang may utang sa isang tao. Pero habang iniisip niya iyon ay nakaramdam siya ng kaunting kalituhan. Bakit ba siya ganito kadedikado kay Yuze? Ang pag-aalala niya ay tila nahihigitan na ang n
Dati, ang akala ni Jade ay isang malamig at walang pusong tao si Ezekiel—yung tipong sobrang hirap pakisamahan. Hindi niya inaasahan na si Ezekiel, na halos estranghero sa kanya, ang gagawa ng paraan para bigyan siya ng dignidad. Samantalang si Vince, ang kuya na kasama niya sa paglaki ay binalewala ang nararamdaman niya at harap-harapan pa siyang ipinahiya. Nang marinig mismo kay Ezekiel na guest ng pamilya Elizalde si Jade ay bakas ang matinding gulat sa mukha nina Vince at Xianne. Si Lenora naman ay mukhang tuwang-tuwa. Agad siyang bumati. "Mr. Elizalde, matagal na rin tayong hindi nagkikita. Pasok ka muna at maupo sandali." Sumulyap si Ezekiel sa loob at bahagyang tumango bilang paggalang. "Hindi ko alam na naka-confine din pala rito si Mrs. Guevarra. Kamusta ang pakiramdam niyo?" Nagulat si Lenora sa pagiging polite ni Ezekiel sa kanya. Dahil dito ay pakiramdam niya ay nakikinabang siya sa panganay niyang anak na si Jade. Dati na silang nagkaka-krus ng landas ni Eze
Gaya ng inaasahan, ang lahat ito ay para lang sa imahe ng pamilya Guevarra. Kung hindi lang dahil sa reputasyon nila ay malamang ay hindi na nila nagawang suportahan pa si Jade pagkalabas niya ng kulungan. Wala naman silang blood relation at madali lang sana para sa kanila na i-dissolve ang adoption at pabayaan na lang siya sa sarili niya. Pero kilalang pamilya ang mga Guevarra. Dahil mahigit isang dekada siyang tumayo bilang panganay na anak ng pamilya ay kilala ang mukha ni Jade sa circle nila. Mula nang bumalik si Xianne ay alam na ng lahat na adopted daughter lang siya. Kapag tinalikuran nila siya ngayon ay siguradong pagtsitsismisan sila ng mga tao. "Galing na ako sa kulungan at nagdala na ng matinding kahihiyan sa pamilya Guevarra. Ano pa bang halaga niyan ngayon?" prangkang tanong ni Jade. Totoo ang nararamdaman niya. Hindi lang iyon hirit para mairita sila. Gaya ng hula niya ay bakas ang pagkailang sa mga mukha nina Lenora at Vince. Takot na takot naman si Xianne na pag-
"Mom, may hindi ka alam. Ayaw ko lang na mag-alala ka habang nasa ospital ka, pero ang dahilan kung bakit ayaw nang bumalik ni Ate sa Guevarra Family Estate ay dahil... nakatira na siya kay Ezekiel Elizalde," sabi ni Xianne, halatang naglulungkot-lungkutan ang boses.Muntik nang mapatawa nang mapait si Jade.Kitang-kita na si Xianne ang pinaka-ayaw na bumalik siya sa mansyon ng mga Guevarra ngayon dahil handa pa itong gumawa ng mga harap-harapang kasinungalingan para lang masiguro iyon."Xianne, please lang. Huwag kang mag-imbento hangga't wala kang hawak na ebidensya," malamig na sabi ni Jade.Kung wala lang si Lenora ay baka nasampal na niya si Xianne para lang tumahimik ito. Ang tanging nagpipigil na lang sa kanya ay ang ilang taon na pagpapalaki sa kanya ng pamilyang Guevarra."Paano naging imbento ito? Sinabi sa akin ni Asher ang lahat. Doon ka nakatira sa bahay ng tito niya at nilalapitan mo pa ang pinsan niyang si Yuze. Ttinalikuran mo na si Caleb. Nanahimik lang ako kasi ayaw
"Anong dapat irespeto sa taong ginagamit ang edad para mambully ng iba?"Nagpakawala ng malamig na tawa si Jade. "Magalang na nga ang pagtrato ko sa kanya nang ganyan."Naalala niya noon, sinadya siyang ikulong ni Dorothy sa isang storage room at hinayaang magutom at mauhaw buong araw. Nagbalat ang kanyang labi sa dehydration. Pero ang mas masakit ay dahil sa insidenteng yun ay hindi siya nakapunta sa isang mahalagang dance competition—isang pagkakataong hinding-hindi na niya mababawi kailanman.Siyempre ay hindi yun gagawin ni Dorothy nang mag-isa. Tauhan ito ni Xianne at sumusunod lang ito sa utos nito. Pero ang isang sipsip na tulad niya ay kailangang maturuan ng leksyon. Ang sobrang pagtitimpi ay nagbibigay lang ng lakas ng loob sa kanila para maging mas mapangahas.Dati ay naging mabuti si Jade kay Dorothy. Pero nung bumalik si Xianne ay agad itong bumaliktad at naging tau-tauhan ng tunay na anak para pahirapan siya sa bawat pagkakataon.Heh.Sa tuwing naaalala niya ang lahat ay
"Jade, nagkataon lang na narinig kita mula sa labas. Hindi ako nakikinig sa usapan niyo. Sino ba sa tingin mo ang kaharap mo?" Muling sumabog ang galit ni Vince at lalong naging agresibo ang boses nito. "Hindi mo pa rin sinasagot ang tanong ko. Bakit nakikipag-ugnayan ka pa rin kay Ezekiel!” "At bakit hindi?" balik na tanong ni Jade habang bakas ang pagkapagod sa boses. Namula ang mga mata ni Vince sa tindi ng emosyon. "Umaasa ka pa rin ba kay Asher? Fiancee na siya ni Xianne. Narinig mo naman kagabi na magkasama sila. Pinapayuhan kita na sumuko ka na! Wag mong isiping magagamit mo si Ezekiel para makalapit ulit kay Asher." Nagpakawala ng isang mapait at hindi makapaniwalang tawa si Jade. "Mr. Guevarra, nawawala ka na ba sa sarili mo? Bakit ko nanaising makuha ang lalaking nagamit na ni Xianne? Nakakadiri!" "Ikaw! Paano mo nagagawang pagsalitaan nang ganyan si Xianne? Mula ngayon ay lumayo ka kay Ezekiel! Kahit dahil pa yan kay Asher o sa kahit anong rason ay wala kang dapat







