Share

Chapter Four

Penulis: Charlie
last update Tanggal publikasi: 2026-04-23 09:43:59

"Ah!"

Mabilis na umarte si Xianne na parang natumba nang malakas sa sahig. Pagtingala nito ay namumula na ang mga mata niya.

"Jade, alam kong nahirapan ka nitong mga nakaraang taon, kaya sige lang... saktan mo ako o murahin mo ako kung doon gagaan ang pakiramdam mo. Hindi ako lalaban..."

Sa panonood ng drama niya ay nakaramdam si Jade ng matinding pagkasuka.

Limang taon na ang nakakalipas nang mabuko niya ang tunay na kulay ni Xianne. Hindi na siya muling magpapauto rito.

Pak!

Isang matinding hapdi ang gumuhit sa pisngi ni Jade. Napahawak siya sa mukha at tumingin kay Vince na puno ng pandidiri ang expression. Ang itinuturing niyang kuya ay sinampal siya.

Hindi sumama ang loob ni Jade. Sa halip ay tumawa siya nang mapait. "Ang galing sumampal. Bagay na bagay talaga kayong magkapatid—ang isa magaling mag-drama, ang isa naman bida-bidang kontrabida."

"Ikaw—!"

Namula sa galit si Vince, parang sasabog nanaman ang pasensya niya.

Biglang may pumasok na kotse sa driveway. Nagbago agad ang aura ni Vince. Tinulungan niya si Xianne na tumayo at lumambot ang boses nang babalaan si Jade. "Nandito si Caleb ngayon. Ayaw na kitang patulan para lang hindi masira ang imahe mo sa harap ng bata."

Nang mabanggit si Caleb ay biglang lumambot ang expression ni Jade. Doon niya napansin ang kotseng huminto. Bumaba si Asher at tumayo sa harap niya.

Mukhang masigla pa rin ang lalaki. Wala na ang pagiging isip-bata nito noong estudyante pa sila five years ago. Napalitan na ito ng pagiging mature at seryoso, pero gwapo pa rin at puno ng kumpyansa sa sarili.

"Long time no see. Congratulations sa kalayaan mo." Ang boses nito ay kasing-lamig at kasing-sarap pa rin pakinggan gaya ng dati.

Napahigpit ang kuyom ng kamao ni Jade, naninikip ang dibdib nya sa sakit. Bumabalik ang lahat ng alaala. Parang may bara ang lalamunan niya. Wala siyang maibigkas na salita.

Habang nanonood ay nag-apoy sa selos ang mga mata ni Xianne. Hinawakan niya ang kamay ni Vince at nanghihinang nagsalita.

"Kuya, ang sakit ng bukung-bukong ko. Mukhang na-sprain ako nung natumba ako kanina."

"Bubuhatin na kita sa loob para makapagpahinga ka."

Akmang yayakapin na sana siya ni Vince para buhatin pero umiling si Xianne. Sa halip ay tumingin ito nang may pagnanasa kay Asher. Naintindihan agad ni Vince ang gusto ng kapatid.

Tumingin siya kay Asher. "Asher, fiancee ka na ni Xianne ngayon. Buhatin mo na siya sa loob."

Malamig ang naging reaksyon ni Asher, halatang ayaw niya habang halos mapunit ang mukha ni Xianne sa pilit na ngiti.

"Siguro bumigat na ako nitong mga nakaraang araw. Baka hindi na ako kayang buhatin ni Asher. Kasalanan ko ito, sobrang taba ko kasi..."

Napatingin si Jade sa kanilang dalawa. Nag-aaway ba itong mag-fiancee? Sobrang awkward ng vibe nila.

Siguro dahil nahuli ni Asher ang tingin ni Jade ay biglang nagbago ang isip nito. "Sige na. Kaya naman kitang buhatin."

Biglang lumiwanag ang mukha ni Xianne sa tuwa.

Kagat-labi namang lumapit si Asher dito. Akmang yuyuko na ito nang biglang may sumigaw na bata.

"Giddy-up! Giddy-up! Bagal mo naman! Go, horsy!"

Isang matabang batang lalaki ang nakasakay sa likod ng isang katulong habang iwinagayway ang mga kamay at paa na parang nangangabayo. Hirap na hirap ang katulong sa paggapang at mukhang pagod na pagod na.

"Young Master Caleb, malayo pa ba tayo?" pakiusap nito.

Natulala si Jade kay Caleb. Ilang sandali siyang hindi nakagalaw bago tumakbo papalapit sa bata. Hinawakan niya ang kamay nito habang nanginginig ang boses nya sa emosyon. "Caleb, ako ito... ang Mommy mo! Nakabalik na si Mommy!"

Pinagmasdan niya itong mabuti pero hindi niya ito kamukha. Sobrang taba ng bata. Ang baba nito ay halos tatlong layer na. Hindi ito pwedeng magpatuloy dahil masisira ang health ng bata sa ganitong bigat.

"Mommy?"

Nagulat si Caleb. "Sabi ni Daddy nasa ibang bansa si Mommy at matatagalan bago bumalik. Ikaw ang Mommy ko?"

"Oo, ako ang Mommy mo. Nandito na ako, at hindi na kita iiwan ulit..." Tuloy-tuloy ang agos ng luha ni Jade. Lumuhod siya para yakapin si Caleb.

Nang marealize niyang nakasakay pa rin ito sa katulong ay sinubukan niyang buhatin ang bata pababa. Pero sa sobrang taba nito ay hindi niya ito kayang igalaw.

"Caleb, baba ka muna. Pagpahingahin muna natin si Ate Lan, okay?"

"Ayoko! Hindi pa ako tapos maglaro!"

Naggigigil na tumalon si Caleb sa likod ni Lan at hinila ang kuwelyo nito na parang tali ng kabayo. Namilipit sa sakit ang katulong at hirap na ring huminga.

"Caleb! Bakit mo ginagawa yan? Baba ka na ngayon din!" Hindi makapaniwala si Jade. Hindi niya akalaing lalaking ganito ka-spoiled at pasaway ang anak niya.

"Ayoko nga!" Nakasimangot ang matabang mukha ni Caleb. Hindi niya pinansin si Jade at patuloy lang sa pangangabayo habang sumisigaw ng "Giddy-up! Giddy-up!"

Naghihingalo na si Lan sa bigat. Sa takot ay biglang hinila ni Jade si Caleb pababa. Dahil sa pagmamadali ay napalakas ang hila niya kaya tumilapon si Caleb sa sahig.

"Ah! Ah! Ang sakit! Ang sakit-sakit!"

Nagpagulong-gulong si Caleb sa sahig habang umiiyak. "Bad Mommy! Masama si Mommy! Papatayin niya ako! Daddy, tulong!"

Iwinagayway ni Caleb ang mga kamay niya kay Asher para magpasaklolo.

Susubukan sana siyang itayo ni Jade pero biglang sinipa ni Caleb ang binti niya sa mismong parte kung saan dati siyang may bali.

Sa sobrang sakit ay napaupo si Jade nang walang oras sa sahig.

Napakunot-noo si Asher. Lumapit siya at hinila si Caleb patayo saka pinagpag ang alikabok sa damit nito. Tumingin siya nang may inis kay Jade. "Anak mo yan. Ganyan ba dapat umasta ang isang ina?"

Akala ni Asher ay aalagaan nitong mabuti ang bata dahil dugo't laman niya ito. Hindi niya akalaing ganito ang ugali ni Jade. Sa halip na makuha ang loob ng bata ay mas lalo lang siyang kinamuhian nito.

"Asher, tinuruan mo ba si Caleb sa loob ng limang taon? Tingnan mo kung anong ginawa niyo sa kanya!" Huminga nang malalim si Jade para pakalmahin ang sarili.

Suminghal lang ang lalaki. "Sino bang nagsabi sayong ipanganak mo siya nang wala akong pahintulot?"

"Sige. Dahil ayaw mo naman siyang kilalanin ay kukunin ko na si Caleb. Ako na ang magpapalaki sa kanya simula ngayon."

Wala siyang makitang pagmamahal sa mga mata ni Asher para sa bata. Halatang pinabayaan lang itong lumaki nang spoiled. Ngayong naging ganito na ang ugali ng bata ay hindi na niya kayang hayaan pa itong manatili doon.

"Palalakihin mo mag-isa? Jade, anong kakayahan mo para palakihin si Caleb ngayon? Para maghirap siya kasama mo?"

Biglang nag-init ang ulo ni Asher.

Para lang hindi tawaging illegitimate si Caleb ay nilunok niya ang pride niya para iuwi ang bata sa mansyon ng mga Madrigal. Binigay nila ang lahat ng luho rito. Kailan ba sila nagkulang? Tapos ngayon ay siya pa ang sisisihin?

"Kaya ko siyang palakihin. Baka hindi ko maibigay ang buhay-mayaman pero hindi ko hahayaang lumaki siyang ganyan ang ugali." Kalmado ang boses ni Jade.

Lumingon siya kay Caleb at nakiusap nang malambing. "Caleb, sama ka kay Mommy, ha?"

"Ayoko!"

Marahas na itinabig ni Caleb ang kamay niya habang puno ng pandidiri ang mukha. "Ayokong sumama sayo! Mayaman ang family ko. Eh ikaw? May pera ka ba? Kung wala kang pera ay ayaw kitang maging Mommy!"

Parang pinupunit ang puso ni Jade sa narinig. Mas matatanggap niya pa kung ayaw nito sa kanya dahil hindi sila magkakilala, pero ang marinig ang ganoong salita—na ayaw nito sakanya kung wala syang pera—ay sobrang sakit marinig.

"Caleb, bakit ka naging ganyan..." humahagulgol na si Jade.

Tinulak siya ni Caleb at tumakbo papasok sa loob ng bahay. Habang nanonood ay gustong matawa ni Xianne.

Mabilis niyang tinakpan ang bibig niya na parang gulat na gulat. "Diyos ko! Hindi naman ganyan si Caleb dati. Baka masyado lang siyang excited na makita ang Mommy niya sa unang pagkakataon?"

"Nasa genes ang ugali. Naging ganyan si Caleb dahil ganyan din ang nanay niya!" galit na sabi ni Asher habang nakatitig nang matalim kay Jade.

"Kung alam ko lang na mauuwi sa ganito ay sana hindi ko na lang hinayaang ipanganak mo siya!”

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Marrying My Ex-Fiancee's Uncle After I Got Out Of Prison   Chapter Thirty Two

    Namutla nang husto si Jade. Hindi niya inasahan na sasabihin iyon ni August sa harap ng maraming tao. Ang pinakamalala sa lahat ay ang malisya sa likod ng mga salita nito—hindi hobby o interes ang tinutukoy nito kundi ang katawan niya. "Side interest ko lang ang pagpa-part-time bilang waitress. Hindi ako naghihirap," sabi ni Jade na may pilit na ngiti. Kahit nagpapanggap lang siya ay kailangan niya itong gawin para makahanap ng tyansang makatakas. Kahit gustong-gusto na niyang magalit ay pinigilan niya ang sarili. Ang galit ay hahantong lang sa gulo, at sa sitwasyon niya ngayon na wala siyang pangalan o back-up ay kailangan niyang umiwas sa kahit anong conflict. Isa pa ay subordinate siya ni Zhenna. Dahil wala sa duty si Zhenna ngayon ay ayaw niyang gawan ito ng problema. Gusto lang niyang maayos ito nang tahimik. "Jade, huwag ka nang magsinungaling. Magkakasama tayo sa iisang circle. Isang tanong lang sa paligid at malalaman na agad kung gaano kahirap ang sitwasyon mo." Mayaban

  • Marrying My Ex-Fiancee's Uncle After I Got Out Of Prison   Chapter Thirty One

    Alam ni Asher na araw-araw pumupunta si Jade para makita si Caleb. Sinasadya niyang hindi magpakita dahil gusto niyang makita kung paano siya susubukang kontakin ni Jade. Sa isip niya ay si Caleb ang nagsisilbing tali na mag-uugnay sa kanila habambuhay. Naniniwala siya na ang hirap na pinagdaanan ni Jade para lang maipanganak si Caleb ay patunay na malalim pa rin ang pagmamahal nito sa kanya. Inasahan niya na pagkalabas nito ng kulungan ay gagamitin nito ang lahat ng paraan—umpisa sa anak nila—para lang makabalik sa piling niya.Pero naghintay siya nang naghintay, at parang hangin lang siya kay Jade. Araw-araw lang itong nakikipagkita kay Caleb at tahimik na umaalis ng Madrigal Estate.Habang lalo siyang binabalewala ay lalong hindi mapakali si Asher."Jade, tigilan mo na ang panloloko sa sarili mo! Alam ng lahat kung gaano mo ako ka desperadong minahal. Yung baluktot na pagmamahal mo na yun ang sumira sa buhay mo at nagdala sayo sa kulungan!"Sa dulo ay hindi na napigilan ni Jade.

  • Marrying My Ex-Fiancee's Uncle After I Got Out Of Prison   Chapter Thirty

    Siyempre ay walang kaalam alam si Jade sa gulo ng isip ni Ezekiel. Tumango lang siya nang walang pag-aalinlangan. "Oo naman. Gusto ko sanang makakain si Yuze ng kahit anong gusto niya, pero... hindi talaga kaya ng health niya. Sa totoo lang, tingin ko ang pinakamalaking kaligayahan na pwedeng makuha ng isang tao ay ang mabuhay nang walang masyadong bawal." "Kahit sa pagkain man yan o sa mga bagay na gusto mong gawin," mahina niyang dagdag. Sa loob-loob niya ay naiinggit siya kay Xianne. Kahit gumawa si Xianne ng mga bagay na talagang malala ay laging nandoon ang mga magulang nila at si Vince para protektahan ito. Hindi nila ito sinisisi. Sa halip ay pakiramdam nila ay may utang sila rito dahil sa kapabayaan nila noong makidnap ito. Siguro nga ang pagmamahal ay ganoon—yung pakiramdam na lagi kang may utang sa isang tao. Pero habang iniisip niya iyon ay nakaramdam siya ng kaunting kalituhan. Bakit ba siya ganito kadedikado kay Yuze? Ang pag-aalala niya ay tila nahihigitan na ang n

  • Marrying My Ex-Fiancee's Uncle After I Got Out Of Prison   Chapter Twenty Nine

    Dati, ang akala ni Jade ay isang malamig at walang pusong tao si Ezekiel—yung tipong sobrang hirap pakisamahan. Hindi niya inaasahan na si Ezekiel, na halos estranghero sa kanya, ang gagawa ng paraan para bigyan siya ng dignidad. Samantalang si Vince, ang kuya na kasama niya sa paglaki ay binalewala ang nararamdaman niya at harap-harapan pa siyang ipinahiya. Nang marinig mismo kay Ezekiel na guest ng pamilya Elizalde si Jade ay bakas ang matinding gulat sa mukha nina Vince at Xianne. Si Lenora naman ay mukhang tuwang-tuwa. Agad siyang bumati. "Mr. Elizalde, matagal na rin tayong hindi nagkikita. Pasok ka muna at maupo sandali." Sumulyap si Ezekiel sa loob at bahagyang tumango bilang paggalang. "Hindi ko alam na naka-confine din pala rito si Mrs. Guevarra. Kamusta ang pakiramdam niyo?" Nagulat si Lenora sa pagiging polite ni Ezekiel sa kanya. Dahil dito ay pakiramdam niya ay nakikinabang siya sa panganay niyang anak na si Jade. Dati na silang nagkaka-krus ng landas ni Eze

  • Marrying My Ex-Fiancee's Uncle After I Got Out Of Prison   Chapter Twenty Eight

    Gaya ng inaasahan, ang lahat ito ay para lang sa imahe ng pamilya Guevarra. Kung hindi lang dahil sa reputasyon nila ay malamang ay hindi na nila nagawang suportahan pa si Jade pagkalabas niya ng kulungan. Wala naman silang blood relation at madali lang sana para sa kanila na i-dissolve ang adoption at pabayaan na lang siya sa sarili niya. Pero kilalang pamilya ang mga Guevarra. Dahil mahigit isang dekada siyang tumayo bilang panganay na anak ng pamilya ay kilala ang mukha ni Jade sa circle nila. Mula nang bumalik si Xianne ay alam na ng lahat na adopted daughter lang siya. Kapag tinalikuran nila siya ngayon ay siguradong pagtsitsismisan sila ng mga tao. "Galing na ako sa kulungan at nagdala na ng matinding kahihiyan sa pamilya Guevarra. Ano pa bang halaga niyan ngayon?" prangkang tanong ni Jade. Totoo ang nararamdaman niya. Hindi lang iyon hirit para mairita sila. Gaya ng hula niya ay bakas ang pagkailang sa mga mukha nina Lenora at Vince. Takot na takot naman si Xianne na pag-

  • Marrying My Ex-Fiancee's Uncle After I Got Out Of Prison   Chapter Twenty Seven

    "Mom, may hindi ka alam. Ayaw ko lang na mag-alala ka habang nasa ospital ka, pero ang dahilan kung bakit ayaw nang bumalik ni Ate sa Guevarra Family Estate ay dahil... nakatira na siya kay Ezekiel Elizalde," sabi ni Xianne, halatang naglulungkot-lungkutan ang boses.Muntik nang mapatawa nang mapait si Jade.Kitang-kita na si Xianne ang pinaka-ayaw na bumalik siya sa mansyon ng mga Guevarra ngayon dahil handa pa itong gumawa ng mga harap-harapang kasinungalingan para lang masiguro iyon."Xianne, please lang. Huwag kang mag-imbento hangga't wala kang hawak na ebidensya," malamig na sabi ni Jade.Kung wala lang si Lenora ay baka nasampal na niya si Xianne para lang tumahimik ito. Ang tanging nagpipigil na lang sa kanya ay ang ilang taon na pagpapalaki sa kanya ng pamilyang Guevarra."Paano naging imbento ito? Sinabi sa akin ni Asher ang lahat. Doon ka nakatira sa bahay ng tito niya at nilalapitan mo pa ang pinsan niyang si Yuze. Ttinalikuran mo na si Caleb. Nanahimik lang ako kasi ayaw

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status