Mag-log in"Nakunan ka? Bakit hindi mo sinabi sa akin?" Tanong ni Nolan.
"Para saan pa? Mas mahalaga naman sayo si Lilah kesa sa sarili mong pamilya." Malamig na saad ni Lucil. "I stopped loving you three years ago because of that incident. Napatunayan mong wala lang kwentang asawa." Dagdag pa nito. Hindi gaanong na convince si Nolan na nakunan si Lucil kaya nung umalis ang babae ay tinawagan niya ang secretary niya. "Secretary Shin, pumunta ka sa Apollo's Medical Hospital, at icheck mo ang record ni Lucil three years ago." Utos ni Nolan. "Copy sir." Sagot naman ni secretary Shin. Nung hapon ay bumalik ng office si secretary Shin at dala na ang copy ng records ni Lucil three years ago. At nakita nga doon na nakunan ito. Sising-sisi si Nolan sa nangyari. Lalo na at wala siya doon sa tabi ni Lucil nung kailangang-kailangan talaga siya nito. Tulala buong araw si Nolan sa loob ng office niya dahil dun. Hindi iyon mawala sa isipan niya. Sinisisi niya ang sarili sa nangyari. Kasalanan niya kung bakit iniwan na sila ni Lucil ngayon. Tama si Lucil, wala akong kwentang asawa. Sabi ng isipan ni Nolan. Umuwi nalang sa bahay si Nolan dahil hindi rin naman siya makapag focus sa trabaho. Kumuha agad siya ng beer at ininom ito. Gusto niyang maglasing. Napapikit ito ng malasahan ang mapait na lasa nito. Hindi parin maka move on si Nolan na nakunan si Lucil nung gabing mas pinili niyang hanapin si Lilah kesa samahan itong magpunta ng hospital. Ang akala niya kasi noon ay nag iinarte lang ito. Gabi na nung umuwi galing mamalengke si manang Esther at nagulat pa ito ng makita si Nolan sa living room na nakaupo sa sahig at napapalibugan ng mga empty bottles ng beer. Umiiyak rin ito at panay sambit ng pangalan ni Lucil. "Sir, ano pong problema?" Tanong ni manang Esther. Nilingon naman siya ni Nolan. At nakita ni manang Esther na namumugto na nga ang mga mata nito at halata rin na lasing na lasing na ito. "Iniwan na kami ni Lucil at kasalanan ko kung bakit." Iyak nito saka uminom na naman ng beer. Inagaw naman ni manang Esther ang bote ng beer dahil nakakarami na ito. "Sir, tama na po iyan. Lasing na lasing na kayo." Awat ni manang Esther. Pero inagaw pabalik ni Nolan ang bote ng beer saka tinungga ito. Nanonood naman mula sa kwarto niya si Leland. Nagpasya siyang tawagan si Lilah para pumunta ito. Hindi naman nagtagal ay dumating si Lilah. Nagulat pa ito ng makita si Nolan sa ganong sitwasyon. Never niya pang nakita ito na naglasing ng ganito. "Nolan, halika na. Umakyat na tayo sa kwarto mo at ng makatulog ka na." Saad ni Lilah saka tinulungan na makatayo si Nolan. Inalalayan niya ito papunta sa kwarto nito. Nung makarating na sila sa kwarto ni Nolan ay inihiga niya ito sa kama pero dahil nakakaput sa kanya si Nolan ay natuma rin si Lilah kasama si Nolan. Nakapatong siya ngayon kay Nolan na nakapikit. Nagulat pa nga si Lilah ng magmulat ito ng mga mata at pinakatitigan siya. Maya-maya ay ngumiti ito at hinaplos ang mukha niya. "Nandito ka na." Mababakas ang mangha sa boses nito. Ngumiti naman si Lilah saka sumagot. "Siyempre naman. Matitiis ba naman kita." Saad nito. Nagulat si Lilah ng halikan siya ni Nolan pero kalanunan ay tinugon niya rin ang halik nito. "Mahal kita, Lucil." Saad nito ng maghiwalay ang mga labi nila at nawalan na ito ng malay. Natigilan si Lilah sa narinig. Agad aiyang tumayo dahil sa inis ng ma realize na pinagkamalan pala siya nitong si Lucil. Nagdadabog siyang umalis ng bahay nila Nolan dahil sa inis at selos. Maagang nagising si Lucil dahil niyuyugyug siya ni Lilo. "Hmm?" "Mommy, may tao sa labas hinahanap ka." Saad ni Lilo. Agad namang napabangon si Lucil. "Sino?" Tanong niya. Nahkibit balikat lang si Lilo. Kaya agad na bumngon si Lucil at kinuha ang walis tambo sakanagtungo sa may pintuan. Mahirap na baka masamang tao ang nasa labas. Sabi ng isip ni Lucil. Binuksan na niya ang pinto at inambahan ng hampas ang taong nasa tapat ng pintuan nila. "Sino k—" hindi natuloy ang sasbihin ni Lucil ng makita si Donovan na sinalo ang walis tambo na ipinampalo niya. Agad siyang nahiya dahil sa nangyari. "Pasensiya na. Akala ko kasi masamang tao eh." Paghingi ng paumanhin ni Lucil. "Ganito mo ba tratuhin ang lawyer na tutulong sayo?" Pagsusungit ni Donovan. "Pasensiya ka na talaga. Hindi ko sinasadya." Saad pa ni Lucil. "May muta ka pa." Natatawang saad ni Donovan. Biglang nag init ang pisngi ni Lucil dahil sa hiya at dali-daling isinara ang pinto saka nagtatakbo papuntang banyo. At totoo nga may muta pa siya. "Nakakahiya," saad nito saka naghilamos na. Hindi naman niya alam kung pagbubuksan niya pa ba ito ng pinto o hindi na dahil hiyang-hiya na talaga siya. Pero sa huli ay pinagbuksan niya parin ito ng pinto. "Ano palang ginagawa mo dito? Saka paano mo nalaman ang address ko?" Takang tanong ni Lucil. "I find ways, Lucil." Saad ni Donovan. "BDO lang?" "So ano ngang kailangan mo?" Tanong pa nito. "Gusto ko lang masigurado kong talagang gusto mong tulungan kitang ma divorce sa asawa mo at mas lalong gusto kong masigurado kung papayag ka talaga sa alok ko na kasal." "Oo nga, payag na ako. Basta ma divorce lang ako kay Nolan." "Good. So future wife, baka naman pwedi mo akong papasukin?" Natigilan si Lucil sa itinawag nito sa kanya. "Future wife?" Untag ni Donovan kay Lucil dahil napatulala ito. "Huh?" Takang tanong ni Lucil. "Sabi ko baka pwedi akong pumasok?" "Ah sure. Halika ka, pasok." Pumasok naman na si Donovan. Pero natigilan rin sa paglalakad si Donovan ng harangin siya ni Lilo na naka cross arms pa. "Sino ka? At anong ginagawa mo rito sa pamamahay namin?" Mataray na tanong ni Lilo. Natawa naman si Lucil dahil ang cute magalit ng anak niya. "You must me Lilo. Ako si tito Donovan pero soon pwedi mo na akong tawagin na daddy." Saad ni Donovan at pinantayan pa ang bata. "Bakit naman kita tatawagin na daddy eh hindi naman ikaw ang daddy ko?" Nakataas ang kilay na tanong ni Lilo. Lumingon muna si Donovan kay Lucil saka hinarap ulit si Lilo. Lumapit siya dito saka binulungan ito. "Kasi malapit na kaming ikasal ng mommy mo." Bulong ni Donovan. Nanlaki ang mata ni Lilo at napanganga pa ito sa gulat. Natawa nalang si Donovan sa naging reaction nito. Kaya ginulo nalang niya ang buhok nito. Napasimangot naman si Lilo dahil dun.“Asan na ‘yong baby ko? Ilabas niyo ‘yong baby ko!” Sigaw ni Lucil, natanggal na rin ‘yong swero sa kamay niya dahil sa pagwawala niya. Bigla namang nagtago sa pader si Donovan. Nanginig at nanghina ang mga tuhod niya dahil sa Nakita niya. Hindi niya alam kung paano sasabihin kay Lucil na Wala na Ang baby nila. Alam niyang guguho na naman ang Mundo nito kapag nalaman na nito Ang totoo.Muling sinilip ni Donovan ang Asawa at umiiyak at nagwawala parin ito. Samantalang pilit naman itong pinapakalma Nina Selene at Wilden. Maya-maya ay naisipan na niyang pumasok sa loob ng kwarto. Natigilan saglit si Lucil nang Makita siya. Pero kalaunan ay agad din itong tumayo at tumakbo papalapit sa kanya. Kwenilyuhan agad siya ni Lucil dahil sa Galit nito at Hindi na nakaawat pa sina Selene at Wilden.“Asan na ‘yong baby ko?!” Umiiyak pero Galit paring Tanong ni Lucil. Pero iyak lang din ang naisagot ni Donovan. Pinilit niyang magsalita pero walang boses na lumabas sa bibig niya.“Magsalita ka, asan
“Donovan, pwedi ba kitang makasabay sa pagkain?” Nakangiting Tanong ni Daphne.“Attorney Sanchez, nasaan ang manners mo? Supervisor mo si attorney Ferrer pero bakit pangalan niya Ang tinatawag mo?” Saway ni June kay Daphne.“First name basis po talaga ang tawagan namin ni Donovan. Ganun kmi ka close, attorney Perez.” Parang nagyayabang pa na Saad ni Daphne. Binalingan Naman niya si Donovan at hinawakan ito sa kanang kamay. “Please, Donovan, sabay na Tayo sa pagkain I’l treat you.” Pagpupumilit pa nito.Kaso nairita si Donovan sa ginagawa ni Daphne kaya iwinakli niya Ang kamay nito.“Attorney Sanchez, pasensiya na pero hindi Tayo ganyan ka close para umaasta ka ng ganito sa harap ko. Salamat nalang sa Alok mo pero may kasabay na akong kumain. Halika na, attorney Perez.” Saad pa ni Donovan at naglakad na papalayo. Natatawa namang sumunod sa kanya si June.Hindi Naman makapaniwala si Daphne sa ginawa sa kanya ni Donovan. Pinahiya siya nito sa harap ng iba nilang katrabaho kaya pinagbubul
Katanghaliangtapat nang mga oras na ito, nakaupo lang sa rocking chair si Lucil habang nakatanaw sa magandang tanawin sa harap niya. Naka play Naman mula sa mini speaker niya ang kantang ‘Close to you’ ng The Carpenters na mas damang-dama niya dahil sa malamig na ihip ng hangin. Pinanonood niya mula dito sa kwarto niya si Selene na masayang-masaya na inaaliw ang kambal nitong anak. Napangiti nalang siya sabay himas sa tiyan niya. “I can’t wait to hold you, my princess.” Saad ni Lucil. Siyam na buwan na Kasi ang tiyan niya at ngayong buwan ng October ang kabuwanan niya. Nakahanda na rin ang mga gamit nila na kung sakaling makaramdam na siya ng sakit ay susugod na agad sila ng hospital.Maya-maya ay napatingin sa gawi niya si Selene kaya kinawayan siya nito. Kumaway din Naman siya pabalik dito.“Kamusta ang maganda Kong misis?” Agad na napalingon si Lucil nang marinig ang boses ni Donovan. Nakauwi na pala ito galing trabaho.“Heto, maganda parin.” Pabiro namang wika ni Lucil. Lumapit n
Habang mahimbing pang natutulog si Donovan ay taimtim naman siyang tinititigan ni Lucil. Ngayon niya lang mas na appreciate ang kagwapuhan ng Asawa. Pinakatitigan niya talaga ito mula sa makakapal na kilay nito, pababa sa matangos na ilong, hanggang sa dumako siya sa mapula-pula nitong labi. Nakaramdam si Lucil na para bang inaakit siya ng mga labi ni Donovan. Kaya hinalikan niya ito. Smack lang dapat Ang gagawin niya kaso naramdaman nalang niya tumugon sa halik niya si Donovan at hinawakan nito Ang likod ng ulo niya para Hindi siya lumayo.Pagkatapos ng halik ay naupo ng maayos si Lucil at pinaypayan ang Sarili.“Ikaw ah, kanina mo pa siguro Ako pinagnanasaan?” May nakakalokong ngiti na Saad ni Donovan.“Hindi *huk* ah!” Depensa Naman ni Lucil sa Sarili. Pero tinawanan lang siya ni Donovan nang masinok siya. “Bahala ka nga diyan!” Inis na sad ni Lucil at tumayo na saka naglakad paalis.“Hon, biro lang. Mag-asawa Naman na Tayo kaya okay lang na pagnasaan mo Ako. Hon!” Sigaw pa ni Dono
“Kambal naman ang naging anak natin, bakit hindi mo nalang ibigay sa akin ‘yong isa at ‘yong isa naman ay sayo?” Bumagsak ang bibig ni Selene dahil sa sinabi ni Eric. Mas lalong sumiklab ang Galit niya dahil sa mga pinagsasabi nito.“Anong tingin mo sa mga anak ko, bagay na pweding ipamigay? Lumayas ka talaga sa harapan ko dahil nagdidilim ang paningin ko sayong walanghiya ka!” Pilit na hinihila ni Selene ‘yong stroller ng kambal pero mas malakas ang pagkakahawak ni Eric dito kaya Hindi niya ito Manila.“Huwag ka namang madamot, Selene! Anak ko rin Naman sila kaya may karapatan Ako sa kanila.” Saad pa ni Eric.“Anong anak? Wala kang anak, Eric. Itinapon mo ang karapatan mong maging ama nila Nung panahong tinalikuran mo kaming panagutan. Kaya makaka-alis ka na dahil Hindi ko ibibigay ang kahit sino sa kanila.” Pero ayaw parin bitawan ni Eric ‘yong stroller kaya napilitan si Selene na tapakan Ang paa nito. Dahil dun ay napabitaw na sa stroller si Eric. Dali-dali Namang itinulak papasok
Pagkaraan ng Isang linggo ay bumuti na rin ang pakiramdam ni Selene, pati na Ang baby niyang si Sawyer ay okay na rin at pwedi na nilang iuwi. Kaya ngayong araw ay busy sina Lucil sa bahay sa paghahanda dahil pauwi na nga Ngayon sina Selene. Nagpahanda ito ng masasarap na mga putahe at nag order pa nga siya ng Isang buong lechon. Sakto Naman Nung tapos na Silang maghanda ay nagtatakbo na sina Lilo at Eli mula sa labas dagil ito ang ginawa nilang lookout kung dumating na ba sina Selene.“Nandito na po sila!” Sigaw ni Lilo habang tumatakbo.“Paparating na sila!” Sigaw Naman ni Eli habang nasa likuran ni Lilo at tumatakbo rin. Kaya agad nang nagsilapit sina Lucil at naghanda na Silang salubungin sina Selene.Karga-karga ni Selene si Sawyer at si Weston Naman kay Wilden. Sila Ang nangunguna habang papasok ng mansion. Parehong malalapad ang mga ngiti nila. Nakasunod Naman sa kanila ang parents ni Selene, sila na Ang nagbubuhat ng mga gamit ni Selene.Pagkababa palang ng kotse ay nagtaka n







