Pulang-pula si Leland dahil sa kahihiyan kaya nagtago ito sa isang sulok.
Pinuntahan naman siya ni Lilah at pilit na kinausap. "Leland, I'm sorry. Hindi ko naman alam na hindi mapagkakatiwalaan yung lalaking gumawa ng space fortress. Scammer siya." Inis na saad ni Lilah. "Pinahiya mo ako!" May hinanakit sa boses ni Leland ng sabihin iyon. "I didn't mean it, Leland. Kahit kailan hindi ko ginustong ipahiya ka." Sinuyo ni Lilah si Leland at kalaunan ay napaamo naman niya ito. "Hayaan mo ipapahiya natin si Lilo, hindi ko hahayaan na siya ang manalo." Kaya pumunta sa backstage si Lilah kung nasaan nakapila ang mga bata kasama ang mga gawa nila. Nakita ni Lilah si Lilo sa isang gilid at nakita niya sa tabi nito ang Eiffel tower na project nito. Napakaganda ng pagkakagawa nito. Parang expert ang gumawa nun. Mas lalong nanaig ang inggit sa sistema ni Lilah ng mapagtantong si Lucil ang gumawa nun. Kahit anong gawin niya ay lamang na lamang parin sa kanya si Lucil. Dumaan sa may gawi ni Lilo si Lilah at balak niyang apakan yung project ni Lilo. Pero nakita siya ni Lilo kaya itinulak siya nito. Nadapa naman si Lilah at na sprained pa ang kanang paa nito. "Lilo? How could you do this to me?!" Inis na saad ni Lilah. Napatakbo naman papuntang backstage sina Lucil at Nolan ng marinig ang kaguluhan. Nilapitan ni Lucil ang anak. At tinulungan namang tumayo ni Nolan si Lilah. "Anong nangyari dito?" Tanong ni Nolan. "Itinulak ako ni Lilo. Hindi ko alam kung bakit." Nagkunwari pang umiiyak si Lilah. "Hindi totoo 'yan. Binalak mong sirain yung project ko kaya itinulak kita para hindi mo maapakan yung gawa namin ni mommy." Saad ni Lilo. "Is that true, Lilah?" Tanong ni Nolan. Agad naman na napailing si Lilah. "Of course not! Why would I do that?" Pagdadahilan pa nito. "Hindi ko pinalaking sinungaling ang anak ko, Lilah. Alam kong nagsasabi siya ng katotohanan." Saad ni Lucil. Natigil sila sa pag uusap ng tawagin na sa stage si Lilo. "Mag sorry ka sa anak ko." Saad ni Nolan. "Nolan?" Hindi makapaniwalang tanong ni Lilah. "Kasalanan mo ang nangyari kaya mag sorry ka sa anak ko." Pero tinawag na ulit sa stage si Lilo kaya natigil na sila sa pag uusap. "Kapag nanalo ako kailangang mag sorry ka sa akin." Saad ni Lilo. "Sure." Taas noong saad ni Lilah. Umakyat na ng stage si Lilo dala ang Eiffel tower na project niya. Humanga ang mga nakakita sa project niya dahil ang ganda nito. "Ang Eiffel tower na ito ay gawa naming dalawa ni mommy." Panimula ni Lilo. Nakuha niya agad ang attention ng mga manonood. Kaya tinutukan agad siya ng camera ng media. "Ang Eifel tower na ito ang sumisimbolo kay mommy. Mataas at matatag na babae." Patuloy pa nito. Natapos ni Lilo ang speech niya ng walang script dahil saulong-saulo niya ang sasabihin niya. Bilang isang five years old ay matalas na ang memory niya kaya hindi na niya kailangan ng script. Pumalakpak at nagsitayuan ang lahat matapos mag speech ni Lilo. Hangang-hanga sila sa galing ng pagsasalita ni Lilo parang hindi bata ang nagsasalita sa stage. Nagtapos ang event at si Lilo ang nanguna sa klase. "Tita Lilah, humingi ka na po ng sorry sa akin kasi nanalo ako." Saad ni Lilo. Napairap naman si Lilah. "Fine, sorry." Saad nito. "Yung mas sincere po sana." Saad pa ni Lilo. "Bakit ba ang demanding mo?" Tumaas na ang noses ni Lilah. "Huwag mong pinagtataasan ng boses ang anak ko." Saad ni Nolan. "Sorry, na carried away lang ako." Saad ni Lilah. Hinarap naman niya si Lilo. "Lilo, I'm sorry hindi na mauulit." Tumango naman si Lilo saka lumapit na sa mommy niya. Akmang aalis na sila Lucil ng pihilan siya ni Nolan. "Mas makakabuti kay Lilo na sa akin siya sumama." Saad nito. Humarap naman si Lucil. "Ang bata ang magdedesisyon kung saan siya sasama." Humarap naman si Lucil sa anak at tinanong ito. "Kay mommy po ako sasama." Saad ni Lilo. "Hindi makakabuti sa kanya na sayo siya sumama." Saad pa ni Nolan. "Alam ko kung paano magpalaki ng anak, Nolan. Ikaw, bantayan mo ng maigi si Leland. Mukhang mas mapapasama siya kung hindi mo siya pagtutuunan ng pansin." Saka na umalis sina Lucil at Lilo. Kinabukasan habang nasa gitna ng meeting si Nolan ay sumulpot sa gitna nila si Lucil. "Anong ginagawa mo dito?" "Bilang magiging tagapagmay ari ng half ng share sa company na ito ay nararapat lang na dumalo ako sa mga meeting." Saad ni Lucil. Nagtiim bagang naman si Nolan. Hindi niya aasahan na gagawin ito ni Lucil. Nung matapos ang meeting ay kinausap ni Nolan si Lucil. "Nababaliw ka na ba?" Galit na tanong nito. "Hindi. Totoo naman na ako na ang magmamay ari ng half ng share mo dito sa kompanya kaya nararapat lang na andito ako." "Kahit na, dapat hindi ka sumulpot ng walang pasabi." "Hindi ko na kailangang magpaalam pa sayo dahil hiwalay naman na tayo." "Baka nakakalimutan mo na hindi pa tayo nadi-divorce totally?" "Wala akong pake." "Pwedi ka pang umatras." Saad ni Nolan. "Ano?" Hindi makapaniwalang tanong ni Lucil. "Itigil mo na itong kabaliwan na ito at bumalik ka na sa bahay. Kakalimutan ko ang lahat ng nangyari." Napuno bigla ng halakhak ni Lucil ang office ni Nolan. Halos hindi na ito makahinga kakatawa. "Simula nung iwan ko ang pamilyang Marquez ay ni minsan hindi ko binalak na bumalik." Saad ni Lucil ng matigil na sa kakatawa. "Wala akong balak na bumalik sa buhay mo, Nolan." Dagdag pa nito. May kinuha si Nolan sa loob ng isang drawer at ibinigay kay Lucil. "Ano ito?" Tanong ni Lucil. "Buksan mo." Utos ni Nolan. Pagbukas ni Lucil ay bumungad sa kanya ang isang bracelet na may pendant na four leaf clover. "Hindi ko size ito. Size ito ni Lilah." Natawa si Lucil. "Si Lucil nalang palagi ang pinapahalagahan mo. Natatandaan mo pa ba three years ago nung magpapasama ako sa hospital pero umalis ka para hanapin si Lilah imbis na dalhin ako sa hospital." "Tinawagan pa kita pero hindi mo sinagot." "Lasing na lasing nun si Lilah at kailangan niya ng magaalaga." Saad ni Nolan. "Alam mo bang nakunan ako nun?" Saad ni Lucil. Hindi naman agad nakapagsalita si Nolan."Calixta?" Gulat na gulat na tanong ni Donovan. Hindi siya makapaniwala na makikita niya ngayong ang kaisa-isang babaeng naging fling niya Nung college days niya."Donovan?" Gulat din na Tanong ni Calixta nang Makita si Donovan.Nagtataka namang napatingin si Lucil kay Donovan at dun sa babae."Kilala mo siya?" Tanong ni Lucil kay Donovan. Biglang Hindi nakapagsalita si Donovan at pinagpapawisan na rin siya ng malamig."Kilala mo ba ijo, si Calixta? Secretary siya ni Sebastian." Saad Naman ng mama ni Selene."Magkaklase po kami Nung college, ma'am." Saad Naman ni Calixta. Napalunok bigla si Donovan nang sabihin iyon ni Calixta. Ayaw niyang malaman ni Lucil na may namagitan sa kanila ni Calixta noon.Alam niyang matagal na iyon pero sa muli nilang pagtatagpo Ngayon ay ayaw na niyang hungkatin pa ang nakaraan. Naisip ni Donovan na mas maigi nalang ilibing nalang ang kahapon."Halika, Calixta, at sabayan mo kami sa pagkain." Pag aaya ng mama ni Selene. Tatanggi pa sana si Calixta pero na
"Talaga, bumalik na ang alaala mo?" Tanong ni Lucil. Nakangiti namang tumango si Donovan."Kailan pa?""Nung araw na naaksidente Tayo. Dun bumalik 'yong alaala ko. Hindi ko lang nagsabi Sayo Kasi naging Malala 'yong kalagayan mo at nakalimutan ko na ring sabihin ang tungkol dun dahil sa mga nangyari." Paliwanag ni Donovan. Agad na niyakap ni Lucil si Donovan sa sobrang tuwa niya."Masaya Ako para sayo, hon.""Naalala na rin kita sa wakas. Pasensiya na at medyo natagalan Bago kita maalala muli.""Wala 'yon, ang mahalaga ay bumalik na Ngayon ang memorya mo at naalala mo na ulit Ako.""Sa lahat ba Naman nang nakakalimutan ko ay 'yong babaeng pinakamamahal ko pa talaga.""Kahit papaano ay may maganda rin palang naidulot 'yong aksidente na 'yon. Dahil dun bumalik ang alaala mo. Disaster pero somehow blessing din.""Nakakalungkot lang dahil nawala 'yong first baby natin." Malungkot na Saad ni Donovan."Baka Hindi talaga para sa atin 'yong baby na 'yon. Tanggapin nalang natin.""Gawa nalang
"Eh Ikaw, bakit ang hilig mong manisi ng iba? Bakit Hindi mo rin Makita na may kasalanan at pagkukulang ka rin Naman?" Hindi na napigilan pa ni Selene na sabihin ito.Natigilan at Hindi agad nakapagsalita si Lucil dahil dito. Hindi niya inasahan na sasabihin ito sa kanya ni Selene."Ikaw 'yong mommy nila pero palagi mo Silang iniwan sa akin. Ako 'yung walang anak sa acting dalawa pero Ikaw pa itong nagbubuhay dalaga dahil iniaasa mo Naman sa akin 'yong mga anak mo. Lucil, may Sarili din Akong Buhay. Hindi Naman pwedi na Ikaw at 'yong mga anak mo lang lagi ang intindihin ko." Paglalabas ni Selene ng hinanakit niya.Natahimik nalang si Lucil, Hindi niya alam na may kinikimkim palang ganito si Selene."Yong nangyari kay Leland, sa totoo lang Hindi ko lang kasalanan 'yon, kasalanan mo rin 'yon! Pagod na pagod Ako Nung mga oras na iyon pero iniwan mo sa akin si Leland. Akala ko hahanapin mo si Lilo pero Hindi, dahil nagsaya lang kayo sa labas ni Donovan. Ako dahil sa pagod ko Hindi ko nama
Hindi na napigilan pa ni Lucil na maging emosyonal sa pinag uusapan nilang dalawa ni Wilden. "Kasalanan niya kung bakit nawala 'yong baby namin Kasi matigas ang ulo niya. Kung nakinig lang sana siya sa akin edi sana Hindi kami naaksidente at Hindi sana nawala 'yong baby namin." Umiiyak na usal ni Lucil."Pero Wala Naman nang magagawa kung magsisisihan kayo. Kahit habang Buhay mo pang kamuhian si Donovan sa pagkawala ng baby niyo ay Wala ring magagawa iyan. Hindi na maibabalik ang Buhay ng baby niyo. Pero 'yong relasyon niyong mag Asawa ay pwedi niyo pang maayos.""Lucil, huwag mong hayaan na kainin ka ng Galit mo. Please ayusin niyo 'to. Patawarin mo na si Donovan. Alam kung Hindi niya ginustong makunan ka."Umiiyak na umiling si Lucil."Hindi ko siya kayang harapin ni ang makasama ulit sa iisang bubong.""Kaya ba bumalik ka kay Nolan?""Ano? Wilden, huwag mo Akong pinagbibintangan ng kung ano-ano.""Nakita ng dalawang mata ko na masaya kayong kumakain sa labas kanina. Ikaw, si Lilo,
Habang patuloy na umiinom sa loob ng Isang bar si Donovan ay may lumapit sa kaya na Isang magandang babae."Donovan?" Tawag ng babae. Napalingon naman dito si Donovan at napangiti siya ng makilala 'yong babae."Michelle! Anong ginagawa mo dito?" Saad ni Donovan."Ikaw nga dapat ang tinatanong ko niyan eh. Ano bang ginagawa mo dito at tanghaling tapat naglalasing ka?" Umupo ito sa tabi ni Donovan.Siya si Michelle Guardian, Isa ring lawyer kagaya ni Donovan. Nagtatrabaho sila ni Donovan sa Isang law firm kaya magkakilala Silang dalawa. Pagmamay ari rin niya ang bar na ito at Hindi lamang alam ni Donovan."May problema ba kayo ng Asawa mo?" Tanong pa ni Michelle. Pero sa halip na sumagot ay uminom lang ng alak si Donovan."So may problema nga kayo? Sige na mag kwento ka na, nakikinig Ako."Nakatingin lang sa kanila mula sa likod si Wilden na Hindi pa pala umuwi."Iniwan na niya Ako." Saad ni Donovan. Nanlaki Naman ang mata ni Michelle dahil sa gulat."Bakit? Ano bang nangyari?" "Nabali
Tumuloy muna sa Isang hotel sina Lucil, Selene, at Lilo pansamantala. Habang nag-a-unpack ng mga gamit nila sina Selene at Lilo, si Lucil Naman ay nakatulala habang nakaharap sa glass window ng kwarto niya."Bes, sigurado ka bang Hindi mo 'to pagsisisihan?" Tanong ni Selene. Pero Hindi sumagot si Lucil, nakatingin parin ito sa labas.Dumaan pa ang mga araw at palagi paring nakatulala si Lucil. Halos Hindi na siya makausap. Kapag mag Isa lang siya ay palagi rin siyang umiiyak dahil sa pangungulila kay Leland at sa baby na Hindi pa niya nakikita. Parang nawalan na rin siya ng ganang mabuhay. Kada gabi hinihiling niya na sana Hindi na siya magising kinabukasan. Kaya sobra siyang naiinis kapag bumabangon siya tuwing Umaga dahil Hindi nangyari ang gusto niyang mangyari.Ngayong araw ay nasa loob lang ng kwarto niya si Lucil. Nakasandal sa glass window at umiiyak habang nakamasid sa baba.Maya-maya ay bumukas ang pinto ng kwarto niya at pumasok si Lilo."Mommy, are you crying again?" Tanon