LOGINHindi gumagalaw si Donovan. Nakatitig lang ito sa lalaking may hawak ng baril habang pilit kinokontrol ang galit na unti-unting sumisira sa natitira nitong pasensya.Sa likod ng lalaki, mahigpit na nakakapit si Lilo kay Liam habang umiiyak. At bawat hikbi ng anak nila parang kutsilyong paulit-ulit na tumatama sa dibdib ni Lucil.“Daddy…”Nanginginig ang boses ni Lilo. Takot na takot. At iyon ang pinakamasakit makita. Dahil matapos mawala si Leland, nangako silang dalawa ni Donovan na hinding-hindi nila hahayaang mapahamak si Lilo. Pero ngayon narito ulit sila. Nawawalan na naman ng anak.“Please…” umiiyak na sabi ni Lilo. “Take me home…”Napapikit si Lucil habang mabilis na tumulo ang luha niya. Sa tabi niya, ramdam niyang nanginginig na rin ang paghinga ni Donovan. Hindi ito umiimik. Pero kilala niya ito. At alam niyang ilang segundo na lang baka tuluyan nang sumabog ito.“Donovan,” mahina niyang tawag.Hindi ito lumingon. Nakatitig lang kay Lilo. Parang ang buong mundo nito ay umiik
Mabigat ang hangin sa paligid ng abandonadong warehouse malapit sa pier. Tahimik ang gabi, pero ramdam ni Lucil ang mabilis na tibok ng puso niya habang nakatanaw sa malaking kalawangin na gusali sa harap nila. Naroon si Lilo. Kailangan naroon siya. At habang iniisip niya iyon, mas lalo siyang kinakabahan.Sa tabi niya, tahimik lang si Donovan habang kinakausap ang head of security nito. Pero kahit kalmado ang mukha nito, alam ni Lucil na galit na galit na ito. Hindi niya kailangang hulaan. Kilala niya si Donovan. Kapag tahimik ito nang ganito, mas delikado.“Sir,” sabi ng isa sa mga tauhan nito habang nakatingin sa tablet. “May movement sa loob. Dalawang lalaki ang nakita namin.”“At ang mga bata?” malamig na tanong ni Donovan.“We can’t confirm yet.”Napapikit si Lucil.God. Please.Hindi niya kayang may mangyari kay Lilo. Dahil minsan na silang nawalan ng anak. At hindi na niya kakayanin kung mangyayari ulit iyon.May bahagi ng pamilya nila na tuluyang namatay kasama ni Leland. Hin
Mabigat ang katahimikan sa loob ng sasakyan habang mabilis na minamaneho ni Donovan ang itim nitong SUV sa gitna ng gabi. Nasa passenger seat si Lucil, mahigpit ang hawak sa cellphone habang paulit-ulit niyang iniisip ang note na ipinadala ng lalaking humahabol kay Daphne.“Return my son. Or next time, it won’t be a toy.”Hindi siya mapakali. May kung anong mali. At habang tumatagal, mas lumalala ang pakiramdam niya.“Hindi pa rin sumasagot si Daphne?” tanong ni Donovan habang nakatingin sa daan.Umiling siya.“No.”Tahimik ulit. Mabilis ang takbo ng sasakyan pero parang kulang pa rin iyon para habulin ang kaba sa dibdib nila.Maya-maya biglang tumunog ang phone ni Lucil.Unknown number.Agad silang parehong napatingin doon. At sa isang segundo, parang parehong huminto ang paghinga nila.“Don’t answer yet,” seryosong sabi ni Donovan.Pero bago pa man niya maibaba ang phone, muling tumawag iyon. Paulit-ulit. Parang pinipilit talaga siya.Dahan-dahang sinagot ni Lucil ang tawag.“Hello?
Mahigpit ang hawak ni Lucil sa manibela habang mabilis niyang binabaybay ang daan papunta sa Ferrer Law firm. Halos hindi niya maramdaman ang sarili niyang paghinga. Paulit-ulit tumatakbo sa isip niya ang malamig na boses ng lalaking tumawag.“Tell your husband to stop hiding what belongs to me.”Nanlamig siya nang maalala iyon. At mas lalo siyang kinabahan dahil malinaw na isang bagay, kasama na si Donovan sa gulong hindi naman nito ginawa.“Damn it…”Mas diniinan niya ang silinyador. Hindi niya alam kailan nagsimula. Hindi niya alam kung anong eksaktong sandali siya tuluyang bumigay. Pero habang papunta siya kay Donovan ngayon, wala nang natitirang pagdududa sa puso niya. Hindi niya kayang mawala ito.Pagdating niya sa headquarters ng Ferrer Law firm, agad siyang bumaba ng kotse. Nagulat pa ang mga empleyado nang makita siyang halos tumatakbo papasok.“Ma’am Lucil—”“Where’s Donovan?”“Sir is in the executive meeting room—”Hindi na niya hinintay matapos ang sasabihin ng receptioni
Halos hindi natulog si Lucil. Madaling-araw na pero gising pa rin siya, nakaupo sa malamig na sahig ng condo niya habang nakasandal sa sofa. Tahimik ang buong unit, pero parang hindi tumitigil ang ingay sa loob ng isip niya.Paulit-ulit bumabalik ang mukha ni Daphne. Ang pag-iyak nito. Ang pag-amin nito. At higit sa lahat, ang mukha ni Donovan noong gabing umalis siya. Basang-basa sa ulan. Humahabol sa sasakyan niya.Umiiyak habang nagsusumamo siyang makinig muna.Napapikit si Lucil habang mahigpit na napahawak sa dibdib niya.“God…”Ngayon niya lang tuluyang naiintindihan. Hindi pala siya niloko ni Donovan. At ang pinakamasakit, hindi man lang niya ito binigyan ng pagkakataong magpaliwanag.Tatlong taon. Tatlong taon niyang iniwan ang lalaking walang ginawa kundi mahalin siya.Biglang tumunog ang cellphone niya. Napatingin siya rito. At nakita niya ang pangalan ni Donovan sa screen.Nanigas siya. Matagal bago niya iyon sinagot.“Hello.”Tahimik sa kabilang linya sandali. Parang nagul
Hindi agad nakaalis si Donovan matapos umiyak si Lucil.Tahimik lang itong nakatayo sa likod niya habang pilit niyang inaayos ang sarili niya. Nakatalikod siya rito, parehong kamay nakahawak sa gilid ng mesa habang pilit pinapakalma ang mabilis na tibok ng dibdib niya.Nakakahiya. Hindi siya umiiyak. Hindi siya mahina.Pero bakit ngayong kaharap ulit niya si Donovan, parang bumabalik siya sa dating Lucil na handang ibigay lahat para sa lalaking ito?“Lucil…”“Please leave.”Mahina lang ang boses niya pero ramdam ni Donovan ang pagod doon.Matagal muna itong hindi nagsalita. Pagkatapos, dahan-dahan siyang narinig na huminga ito nang malalim.“I’ll go.”Tahimik.“Pero isang beses ko lang sasabihin ‘to.” Bumaba ang boses nito. “Hindi ko anak ang batang kasama ni Daphne.”Napapikit si Lucil.Tatlong araw na ang nakalipas mula nang makita niya si Daphne. At hanggang ngayon, sariwa pa rin iyon sa isip niya.Pagkasara ng pinto ng opisina niya matapos umalis si Donovan, saka lang siya napaupo
“Kambal naman ang naging anak natin, bakit hindi mo nalang ibigay sa akin ‘yong isa at ‘yong isa naman ay sayo?” Bumagsak ang bibig ni Selene dahil sa sinabi ni Eric. Mas lalong sumiklab ang Galit niya dahil sa mga pinagsasabi nito.“Anong tingin mo sa mga anak ko, bagay na pweding ipamigay? Lumaya
Pagkaraan ng Isang linggo ay bumuti na rin ang pakiramdam ni Selene, pati na Ang baby niyang si Sawyer ay okay na rin at pwedi na nilang iuwi. Kaya ngayong araw ay busy sina Lucil sa bahay sa paghahanda dahil pauwi na nga Ngayon sina Selene. Nagpahanda ito ng masasarap na mga putahe at nag order p
For the first time, simula Nung mag divorce sila Lucil at Nolan ay ngayon lang ulit umingay at sumaya ang bahay na ito. Kaya napangiti nalang si Nolan. “Best birthday ever…” Ani nito. Habang nagsasaya sila ay biglang tumunog ang doorbell, hudyat na may tao sa labas.“May inaasahan ka pa bang bisit
Gabi na pero nasa terrace parin si Lucil at nakatingala lang sa buwan. Hindi parin niya makalimutan iyong mga inamin ni Nolan kanina. Ramdam naman niya na hindi siya mahal ni Nolan noong mag-asawa pa sila pero nagulat parin siya ng malaman niyang ni katiting na pagmamahal ay wala talagang naramdama







