Present Napabalik ang isip ko sa reyalidad nang makarinig ako ng sunod-sunod na pagkatok sa pintuan.Agad akong tumayo at inilapag lang basta sa lamesa ang album.Nang buksan ko ang pinto ay nakita ko si Lev na nakangiti habang may hawak na boquet. “Hi, this is for you.” He smiled.Bumilis ang tibok ng puso ko kaya agad akong nag-iwas nang tingin. Talaga naman! Tianna, kumalma ka.“A-anong ginagawa mo rito?” tanong ko.“I'm here to give you lunch. I personally cook this for you,” he said happily as he raised his hand, holding a paper bag.Umirap ako at nilakihan ang bukas ng pinto. “Sige, pasok ka.”Excited na pumasok si Lev sa bahay at agad nilapag ang boquet sa lamesa at pumunta ng kusina.Tahimik ko lang siyang pinagmamasdan sa ginagawa niya. Inayos niya ang mga pagkain. Nang ilabas niya ang dala niyang mga plato, mangkok, baso at utensils ay hindi ko maiwasang hindi mapangiti.Kompleto pa talaga ang dala niya, ah.Nang lumingon siya sa akin ay agad akong nag-iwas nang tingin at
Umismid ako. “Anong tawag niyo sa ginagawa ninyo?”Nag-iwas ang dalawa nang tingin. “Alam niyo, huwag na kayo mag-away parang hindi rin kayo magkaibigan ah! Nauna pa nga kayong magkaibigan kaysa makilala ko kayo.”“Tia, ayaw ko naman sanang makipagtalo sa boyfriend mo. Ang kaso lang ay masyado siyang tamang hinala.”“Tumigil ka! Ikaw nga, yakap ka ng yakap sa may girlfriend ng may girlfriend!” inis na sabi ni Lev.Bumuntong hininga ako. “Kung ayaw niyo tumigil sa pagbabangayan. Mas mabuting umalis na kayo.”Tumahimik silang dalawa at umupo sa waiting area. Mamaya lang ay dumating si nanay habang umiiyak.Agad akong lumapit sa kanya at inilalayan ko siyang umupo. “Ano pong sabi ng doktor, nay?”Hinawakan ni nanay nang mahigpit ang kamay ko bago siya tumingin sa amin ni Vencio. “W-wala na sila….” sabi niya bago siya muling humugulhol kasabay nang pagkaluhod ni Vencio sa sahig. Napakurap ako. “Sinong sila?” Sobrang bilis ng tibok ng puso ko… Hindi ko alam… pero parang may ideya nang
“Aalis na ako,” mahinang sabi ni Lev.Marahan akong tumango. “Pakisabi na rin sa mga bata na ako na ang susundo sa kanila sa school.”“Okay.”Tumalikod na sa akin si Lev. Akala ko ay aalis na siya pero nakailang hakbang pa lang siya ay lumingon ulit siya sa akin. “H-hindi ba talaga ako kasali?” alanganin niyang tanong.Pinaglapat ko ang labi ko at napapikit. Pinigilan kong mapangiti. Hay nako. Ang kulit talaga! “Lev, ipapaalala ko lang sa ‘yo na naglayas ako para makapag-isip. Hindi para magbakasyon.”Nagkamot siya ng batok. “But—”“No buts. Umuwi ka na para makapagpahinga ka na rin.”Bagsak ang balikat na naglakad siya palayo.Nang masiguro kong umalis na siya ay pumasok na rin ako sa bahay.Agad kong binuksan ang flashlight na dala ko upang makita ang daan.Ilang taon din kasing hindi natirhan itong bahay kaya naputulan na rin ng kuryente.Nilinis ko lang muna ang kwarto ko at para naman may matulugan ako ngayong gabi.Habang nakahiga ako sa papag ay hindi ko maiwasang hindi maisip
Halos hindi ako makagalaw at gusto ko na lang lumubog sa lupa sa sobrang pagkahiya nang madami ng tao ang nakiusisa.Nakarinig ako ng malakas na mga bulungan.“Pinagsabay ata ni Mrs. Gray sina Sir Lev at Sir Vencio.”“Oo nga.”“Nako, kawawa namam si Sir Lev.”“Shut up, everyone! The party is over!” galit na sabi ni Lev. Nanahimik ang mga tao at kanya-kanya na silang takbo.Tumingin sa akin si Lev. Sobrang lamig ng tingin niya sa akin. “Umuwi na tayo.”Napakurap ako ngunit agad rin akong tumango.Sabay kaming naglakad patungo ng parking lot, walang imikan, pawang kaluskos lang ng sapatapos ang naririnig.Hanggang sa makarating kami sa bahay ay wala pa ring umik si Lev. Gustong-gusto ko siyang kausapin pero napapanghinaan ako ng loob sa tuwing nakikita ko ang walang emosyong mata niya.Ayaw ko ng ganito, ang bigat sa pakiramdam.Nabuo ang desisyon sa isip ko. Huminga ako nang malalim bago ako lumabas ng banyo. Nakita ko si Lev na nakatalikod sa direksyonko.Agad akong humiga ng kama n
Vencio smiled. “Suprise!”“Anong ginagawa mo rito?” “I was invited by the company.”Binaba ko ang plato na pinaglalagyan ng cookies.Agad ko siyang hinila papunta sa medyo tagong parte ng venue. “Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin?”“I was about to tell you, last time but you ended the call.”Nag-iwas ako nang tingin. “Sorry. Mas mabuti na rin sigurong hindi na tayo mag-usap pa.”Kumunot ang noo ni Vencio. “Why? Parang biglaan naman yata. Okay pa tayo noong nakaraan, ah.”“K-kasi—”“Dahil ba piinagbabawalan ka ng asawa mo.” pagpapatuloy niya.Binasa ko ang labi ko. “H-hindi naman sa ganoon, Vencio. Respeto ko na lang din ‘yon sa asawa ko. Kahit sino namang asawa ay ayaw na may ibang kasama ang asawa niya.”Tumawa nang pagak si Vencio. “Wala namang kwentang dahilan n’yan. Magkaibigan tayo, Tia. Walang malisya. ‘Yang asawa mo lang ata ang may makitid na utak, eh.”Sinamaan ko siya nang tingin. “Wala namang ganyanan, Vencio. Huwag mong pagsalitaan ng ganyan si Lev.”Hindi sumagot si
Umaga pa lang kanina ay naghahanda na ako para sa gaganaping anniversary party dahil wala pa rin akong isusuot. Ang gusto nga sana ni Lev ay magpagawa na lang ako pero hindi ako pumayag dahil bukod sa gastos lang ‘yon ay hindi na aabot sa date. Supposed to be pa nga ay kahapon pa sana ako bibili ng damit, ang kaso ayaw akong paalisin ni Lev at cuddle time raw. “Ma'am, ang ganda niyo po! Grabe, ang glowing niyo po ngayon. Ano pong sekreto niyo?” sabi ng make-up artist ko. Namumula ang pisnging tumawa ako. “Wala naman. Ganoon pa rin naman sa usual routine ko.” “Ganyan talaga kapag inlove, ‘di ba po ba, ma'am?” tanong ng kasama niya. “Correct!” Isinuot ko na ang red sleeveless a line gown na napili ko kanina. Simple lang ang tabas nito at kaunting diamonds ang nagdala nito. “Babe?” tawag sa akin ni Lev. Agad ko siyang nilingon. Nakita ko kung paano nalaglag ang panga niya nang humarap ako sa kanya. “Lev? Bakit?” tanong ko nang magtagal ang tingin niya sa akin. “