Hello, everyone. Thank you po sa pagsuporta sa story nina Lev and Tianna. Your support was highly appreciated! Thank you for reaching this far!
He looked into my eyes and stepped closer. “Because Lucy or you known as Heidi was my twin, babe.” “A-ano?” gulat kong sigaw.Ngumiti siya nang maliit. “She's my twin, babe,” ulit niya.Hindi makapaniwalang tinignan ko siya. All I can see in his eyes was sincerity.Umiling ako at itinuro siya. “Sinungaling! Kayong dalawa lang ni Louise ang magkapatid! Hindi mo man lang ginalingan ang palusot mo!” Niyakap niya ako pero nagpumiglas ako. “Sinungaling ka!” Umiling siya. “I’m telling the truth, babe. Lucy was my twin.”Umiyak ako nang umiyak. So, all this time? I'm so— Hinayaan ko siyang yakapin ako hanggang sa tumahan ako ay nanatili siyang tahimik.“P-paano nangyari ‘yon? Naguguluhan ako,” tanong ko sa kanya habang nagpupunas ako ng luha.Iginiya niya ako paupong sofa. “Lucy and I didn't grow up with each other because…” huminga nang malalim si Lev. “She was raised by our grandmother. Alam mo naman na masyadong magulo ang buhay namin noon dahil sa pagtatalo nila sa negosyo. Para prot
Hindi ko alam kung gaano katagal ang naging biyahe namin. Nagising na lang ako nang lumiwanag ang paligid dahil sa pagtanggal ng mga kahon. “Tianna, nandito na tayo sa bayan.”Ngumiti ako at tumayo.“Maraming salamat po.”Akmang maglalakad na ako nang pigilan niya ako. “Tianna, wait lang. Ipinabibigay ito ni Mila sa ‘yo.” Inabot niya sa akin ang ilang libong pera.Nanlaki ang mga mata ko. “Po? Hindi na po kailangan. Sobrang laki na po ng naitulong ninyo sa akin.”Ngumisi siya. “Sige nga. Sabihin mo sa akin. Paano ka magsisimulang umuwi sa inyo kung wala kang pera?” istrikto niyang tanong.Natigilan ako. Oo nga.Kinuha ko ang pera. “Maraming salamat po. Maraming salamat…”Tipid siyang tumango. “Mag-iingat ka.”Pinagmamasdan ko ang truck na palayo sa akin.Ngayon ay nagsi-sink in na sa isip ko na ako na lang. Hindi ko alam kung saan o paano ako magsisimula.Medyo mainit na rin ang sikat ng araw pero tiniis ko. Naglibot-libot ako sa lugar para malaman kung nasaan ako.Nagtanong-tanong a
Ramdam ko ang panginginig ng tuhod ko.Agad akong tumakbo palabas ng bahay pero nakasalubong ko si Manang Mila. Bumulusok ang luha ko at yumakap kay manang. “B-bakit ka umiiyak, Tianna?” nag-aalalang tanong niya.“N-natatakot po ako, Manang Mila,” nanginginig kong sagot.Inilayo niya ako sa kanya at tinignan ako. “S-saan?” I pursed my lips. “K-kay Vencio po. Natatakot po ako. N-nakita ko po na may nilalagay siya sa gatas ko,” sabi ko ‘tsaka humagulhol.Napaawang ang bibig ni manang at nanlaki ang mga mata niya. “Ano?!” impit niyang sigaw.Nanginginig ang mga kamay ko na hinawakan ang kamay niya. “Please po, manang. Tulungan niyo po ako kahit para na lang po sa baby ko.”Matagal akong tinitigan ni manang. “S-sige. Tutulungan kita.” Nakahinga ako nang maluwag at niyakap siya nang mahigpit. “M-maraming salamat po, manang!”“Tianna?” Napahiwalay ako kay manang nang marinig kong tinawag ako ni Vencio.“Are you okay?”Pinahid ko ang luha ko at nilingon ko siya at nakita kong hawak niya
(Tianna POV)Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na nanatili rito sa lugar na pinagdalhan sa akin ni Vencio dahil sa totoo lang ay napapagod na ako sa kaka-check ng date dahil wala rin namang nangyayari. Matagal na rin ng huli akong pinuntahan ni Vencio pero tuloy-tuloy pa rin naman ang pagdating ng supply namin ni Manang Mila kaya sa tingin ko ay ayos lang… dahil sa totoo lang ay hindi ko na alam kung paano ko pa pakikisamahan si Vencio. “Aba, Tianna. Hindi ka pa rin ba natutulog? Halos madaling araw na, ah?” Nilingon ko si Manang Mila at tipid na ngumiti. “Hindi po kasi ako makatulog.”Bumuntong hininga siya at ipinatong sa balikat ko ang jacket. “Malamig dito sa balkonahe. Baka sipunin ka, kawawa naman ang baby mo.” Bumaba ang tingin niya sa medyo malaki ko ng baby bump.“Hindi naman po siguro, manang. Sariwa nga po ang hangin, nakaka-relax… taliwas sa nararamdaman ko,” humina ng kaunti ang boses ko.“Alam kong nalulungkot ka pero huwag mo masyadong damdamin dahil nakakasama s
(Vencio POV)“Saan ka na naman pupunta, Vencio?” galit na tanong ni daddy sa akin.“I'm going to check on Tia,” tamad kong sagot.Sinamaan ako nang tingin ni daddy. “I told you, stop seeing her! She's just messing up our life more! Look what Lev did to our business! He took away our investors!” halos lumabas na lahat ng ugat sa leeg na daddy sa sobrang lakas ng sigaw niya.“I don't care, dad. Tia is the most important person in my life.”He pointed his fingers to me. “Vencio! When are you going to learn, huh?! Hindi ba’t nangyari na ang ganito noon?! Kung hindi ko pa ginawan ng paraan ay baka nasa kulungan ka na ngayon! Pero imbes na tulungan mo ako ay perwisyo lang ang dinulot mo! Manang-mana ka talaga sa ina mo!”Kumunot ang noo ko. “What do you mean?”Napatigil si daddy at nag-iwas nang tingin. “S-so, what I'm saying is stay away from that girl and return her to Lev.” I could literally feel his uneasiness but I don't care that much. Umiling ako. “I would never do that, dad. Tia w
Abala ako sa pag-aayos ng mga vase sa sala nang marinig kong may pumasok.“Tia, look what I got for you!” masayang sabi ni Vencio at ipinakita ang plastic.Ngumiti ako. “Thank you, Vencio! Matagal ko nang gustong kumain ng prutas, eh!” Agad kong kinain ang mga prutas na dala niya. Super ang sarap! Pakiramdam ko ay nangulila talaga ako sa prutas kaya’t mabilis ko talagang naubos ‘yon.Kaya sobrang naiinip na talaga ako, lalo’t ang caretaker na si Manang Mila lang ang kasama ko rito na palagi rin namang abala.“Tia.”Napahinto ako sa pagliligpit ng mga pinagkainan ko. “Bakit?”“I just want you to know that you should be careful. Lev was looking for you. Don't trust him because for sure, he will just try to manipulate you with his words.”Tumango ako. “Oo, alam ko naman ‘yon, Vencio pero gusto ko talagang makausap ang mga anak ko, kahit sa tawag lang.”Halos isang linggo na ako dito sa bahay na pinagdalhan sa akin ni Vencio, and so far hindi ko naman pinagsisihan na sumama ako sa kanya.