Stay tuned for more updates!
Belle's POV Pagkatapos ng isang buong araw ng pagpapanggap bilang executive assistant ni Damian—na, by the way, mas nakakapagod pa kaysa sa pagiging bank teller—isa lang ang pinanghahawakan kong dahilan kung bakit hindi ko pa siya sinasakal. Milk tea. Oo, ‘yung simpleng inumin na may pearls. ‘Yun lang ang nagbibigay sa akin ng motivation para hindi iwanan ang trabaho ko sa harap niya. Nasa elevator kami ngayon, pababa ng ground floor. Naka-cross ang arms ko habang si Damian naman ay tahimik lang, mukhang busy sa pag-iisip ng kung anumang evil plan niya sa buhay. Napalingon ako sa kanya. “Sana ‘di mo nakakalimutan ‘yung usapan natin.” Napakunot ang noo niya. “Anong usapan?” Napalunok ako ng inis. “Seryoso ka?!” Tiningnan niya lang ako nang blangko. “Damian! Ang milk tea ko!” Napakurap siya. “Hindi ka pa rin ba tapos sa isyu na ‘yan?” “Isyu? Damian, ito lang ang nagpapalakas ng loob ko na tapusin ang araw sa opisina mo! Ang reward ko!” Umirap siya. “Parang bata.” “At least
Belle's POV Pagkauwi namin sa penthouse, akala ko ay makakapagpahinga na ako nang tahimik. Pero hindi pala. Hindi pa ako nakakalabas nang maayos sa sasakyan ni Damian, may narinig na akong malalim niyang buntong-hininga. Napataas ang kilay ko habang nilingon siya. “Ano na naman ang problema mo?” Tumingin siya sa akin, halatang iritado. “Ikaw.” Napakurap ako. “Wow. Ikaw na ata ang pinaka-straightforward na taong nakilala ko.” Tumayo siya nang tuwid at sinarado ang pinto ng sasakyan. “Belle, kung alam ko lang na ang kasama ko sa kasunduang kasal na ‘to ay isang pasaway, baka nag-isip muna ako ng sampung beses.” Naglakad ako papasok ng penthouse habang hawak ang natitira kong milk tea. “Well, too late for regrets, Mister Villareal. I’m already here, and there’s nothing you can do about it.” Sinundan niya ako sa loob. “Alam mo bang napaka-childish mo?” Huminto ako sa gitna ng sala at humarap sa kanya. “Childish? Dahil lang sa milk tea?” “Hindi lang doon,” sagot niya, inalis ang
Belle's POV Pagkababa ko mula sa kwarto, naamoy ko agad ang matapang na aroma ng kape. Napakunot ang noo ko. Sa pagkakaalam ko, may chef naman si Damian para asikasuhin ang pagkain niya. Pero bakit parang ang tahimik ngayon? Pumasok ako sa kusina at napatigil sa nakita ko—si Damian mismo, nakatayo sa harap ng stove, suot ang itim na long-sleeved shirt na may bahagyang nakasukbit na apron. Sa gilid ng counter, may isang tasa ng kape at isang plato ng toast. Napataas ang kilay ko. “Wow. Sino ‘to at ano ang ginawa niya kay Damian Villareal?” Lumingon siya sa akin, halatang hindi natuwa sa komentaryo ko. “Anong sinasabi mo?” Nilapitan ko siya, saka tumingin sa kawali kung saan may niluluto siyang scrambled eggs. “Ikaw mismo ang nagluluto ng breakfast mo? Hindi ba’t may chef ka?” “Tanghali pa darating ang chef.” “So? Hindi ka ba marunong um-order sa labas?” Nagtaas siya ng kilay. “Hindi ko kailangang umasa sa iba para sa simpleng bagay.” Napanguso ako. “Huh. Ibig sabihin, marunong
Belle's POV Pagdating ko sa opisina, agad akong napabuntong-hininga. Kahit ilang araw na ako rito, hindi pa rin ako sanay sa atmosphere. Lahat ng tao ay pormal, masyadong seryoso, at parang takot sa amo nilang si Damian Villareal—na, unfortunately, asawa ko. Pinandilatan ko ang sarili ko sa reflection ng elevator. Asawa mo nga siya, Belle. Pero hindi totoo. Scripted lang. Pagdating ko sa floor ng opisina niya, dumiretso ako sa desk ko. Assistant daw ako ng boss. More like personal suffering manager. Wala pang isang minuto mula nang umupo ako, bumukas ang pinto ng opisina ni Damian. Lumabas siya, suot ang perpektong itim na suit, mukhang nagmamadali. “Belle,” tawag niya, malamig ang boses. “Wow, good morning din sa 'yo, Mister ko,” sagot ko, nakangiti nang pilit. Hindi siya nagpatinag. “Dala mo ba ang reports na pinagawa ko kahapon?” Napakurap ako. Reports? Bigla kong naalala—oh, shoot. Hindi ko pa pala natatapos! “Uh…” Tinapik-tapik ko ang desk ko, kunwari hinahanap ang file
Belle's POV Isang oras na akong nakaupo sa desk ko, pero hindi pa rin ako maka-move on sa inis ko kay Damian. Akala mo kung sino kung makapag-utos! Akala mo hindi ako asawa niya!Well, technically, hindi naman talaga…Pero still! Wala man lang konting appreciation? Sinayang ko ang energy ko sa paggawa ng report tapos kung makapagsalita siya, parang isa akong empleyado na nagkamali sa order ng kape niya.Hinawakan ko ang ulo ko. “Ugh! Nakakainis talaga siya!”“Ah, ma’am?”Napalingon ako sa assistant ni Damian—si Helen. Nakatayo siya sa harap ko, mukhang kinakabahan.“Bakit?”“P-Pinapatawag po kayo ni Sir Damian sa office niya.”Napairap ako. “Ano na naman kayang reklamo niya?”Hindi sumagot si Helen, pero halatang ayaw niyang mapag-initan ni Damian. Huminga ako nang malalim bago tumayo, bitbit ang ni-revise kong report, at dumiretso sa opisina ng boss-slash-asawa kong walang puso.Pagpasok ko, naroon siya, nakatayo malapit sa glass wall ng opisina, nakatingin sa city view. Classic ‘my
Belle's POV Nakaharap ako ngayon sa salamin, pinagmamasdan ang sarili ko sa suot kong itim na dress. Napangiti ako. Bagay na bagay sa akin. Simple pero eleganteng tingnan. At higit sa lahat, deadly sexy.Sinulyapan ko ang relo ko. 7:30 PM. May kalahating oras pa bago magsimula ang business dinner ni Damian."Belle, bilisan mo," malamig na boses ni Damian ang umalingawngaw mula sa pinto ng kwarto ko. "Ayokong malate."Napairap ako at sinadyang patagalin pa ang sarili ko. Kung gusto niyang mainis, fine, let’s test his patience."Ano ba, Damian? Aalis pa lang tayo, pero ang sungit mo na agad," sagot ko habang inaayos ang buhok ko.Narinig kong bumuntong-hininga siya. "Kung hindi mo tatapusin ‘yang kaartehan mo sa loob ng dalawang minuto, iiwan kita."Napangisi ako. Like hell you will.Sinuot ko ang stiletto ko at lumabas ng kwarto, bitbit ang maliit kong clutch bag. Nagtagpo ang mga mata namin. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, at kahit wala siyang sinasabi, alam kong may gusto
Belle's POV Pagdating namin sa bahay, pakiramdam ko ay nakaligtas ako sa isang digmaan. Hindi biro ang dinner na ‘yon—ang titikas ng mga negosyante at ang bigat ng ambiance. Pero ang pinaka-highlight ng gabi? Siyempre, ang inis na inis na mukha ni Damian habang sinasagot ko ang mga business moguls niya.Sa totoo lang, hindi ko naman intensyon na guluhin ang dinner niya. Pero hello? Bakit ko naman palalampasin ang pagkakataong inisin siya? Lalo na’t ang initial plan niya lang pala ay gawin akong isang tahimik na trophy wife na ngingiti lang sa tabi niya. As if!Pagkatapos kong magpalit ng damit, lumabas ako ng kwarto para kumuha ng tubig sa kusina. At sino pa nga ba ang makikita ko roon kung 'di si Mr. Cold and Grumpy? Nakasuot pa rin siya ng slacks at nakabukas ang ilang butones ng polo niya, revealing just a hint of his toned chest.Napanguso ako. Sayang ang hitsura kung laging singlamig ng yelo ang ugali.Tumingin siya sa akin, halatang may gustong sabihin. Alam kong tungkol ito sa
Belle's POV Welcome to Hell… este, MarketingPagbaba ko sa third floor, agad akong sinalubong ng isang babae na mukhang nasa mid-40s na. Elegante ang dating niya, mataray ang aura, at halatang high-ranking employee."Mrs. Villareal?" tanong niya, diretsong tumingin sa akin mula ulo hanggang paa.Ngumiti ako. "Just Belle, please."Hindi siya ngumiti pabalik. Ang cold. Parang si Damian lang, huh."Ako si Ms. Herrera, ang head ng Marketing Department. Sinabihan na kami ni Mr. Villareal na ikaw ay i-aassign sa team namin."Kumunot ang noo ko. Ano ‘tong nararamdaman kong may something off sa tono niya?"Great! I’m excited to work with you, Ms. Herrera!""Sana nga," sagot niya na parang may halong duda.Okay, wow. Kahit hindi niya sabihin, ramdam kong hindi siya natutuwa sa presence ko. I get it, baka iniisip niyang binaby ko lang ‘to dahil asawa ako ng boss nila. Excuse me, I am a working woman!Sumama ako sa kanya papunta sa isang row ng cubicles. May mga empleyado na napapatingin sa aki
Damian's POV "Mommy! Daddy! Look at me!" Tumingala ako mula sa iniihaw kong barbecue sa garden at nakita ko si Alia, ang aming limang taong gulang na anak, na masayang umiikot sa damuhan suot ang kanyang pink na dress. Kumakaway siya habang nakataas ang maliit niyang kamay, hawak ang isang bulaklak. Napangiti ako at napailing. Ipinunas ko ang tuwalya sa aking mga kamay at lumapit kay Belle, na nakaupo sa garden bench, nakasandal habang hawak ang isang lemonade. "You okay, Wifey ?" bulong ko, hinalikan ko siya sa ulo. "More than okay," sagot niya habang nakatingin kay Alia. "Parang kailan lang, nasa tiyan ko pa siya." Tumingin kami sa isa't isa, parehong may ngiti sa aming mga labi — ang uri ng ngiting puno ng alaala, pagmamahal, at pasasalamat. Five years. Five wonderful, crazy, beautiful years. Matapos naming maging magulang, unti-unti naming inayos ang buhay namin sa paraang hindi mawawala ang paglalambingan at pagmamahalan namin ni Belle. Nagpalit ako ng trabaho setup — an
Damian’s POV Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko habang nakatitig kay Belle. Nakatayo siya sa gitna ng baby shower venue, suot ang pastel pink maternity gown, isang kamay nakapatong sa bilog na niyang tiyan, at ang isa ay nakahawak sa maliit na teddy bear na ibinigay sa kaniya ni Mommy bilang regalo. She was glowing. Radiant. Beautiful beyond words. Habang pinagmamasdan ko siya, hindi ko maiwasang maramdaman ang matinding pagmamalaki at pasasalamat. She's my wife. She's carrying our daughter. She's the woman who turned my world into something beautiful. Lumapit ako sa kanya at marahan siyang hinalikan sa noo. "Are you happy?" bulong ko. Tumango siya, habang kumikislap ang mga mata. "More than happy," sagot niya. Lumipas ang mga araw, pagkatapos ng baby shower, naging mas close pa kami ni Belle. Lagi akong nagpapahinga ng schedule para samahan siya sa mga checkups niya. Walang isang appointment ang pinalagpas ko. Gusto ko, bawat tibok ng puso ng anak namin sa ultrasound, n
Belle's POVHindi ko mapigilan ang mapangiti habang pinagmamasdan si Damian na abalang nag-i-sketch sa notebook niya. Para siyang bata na excited sa bagong laruan.“Naisip ko,” sambit niya, hindi inaalis ang tingin sa papel, “na gawing pastel pink and white ang theme ng nursery. Tapos lots of fluffy clouds and maybe stars sa ceiling.”Napatawa ako habang hinihimas ang baby bump ko. “Mukhang mas excited ka pa kaysa sa akin, Mr. Villareal.”Lumapit siya sa akin, hinawakan ang kamay ko at hinalikan ang mga daliri ko. “Of course. Gusto kong maging perfect ang lahat para sa little princess natin.”Nag-set kami ng weekend para puntahan ang isang sikat na baby store sa city. Hindi namin sinayang ang oras — pagpasok pa lang, para kaming mga batang naglalaro sa loob.“Belle, look!” Tuwang-tuwa si Damian habang bitbit ang isang maliit na crib na may ukit ng mga bituin at ulap.Napangiti ako. “Ang cute! Pero… hindi ba masyadong maliit ‘yan?”“Hmp. Baby pa naman siya. Hindi naman siya agad lalaki
Belle's POV “Hubby, look o…” Tinutok ko ang camera ng phone sa salamin habang naka-side view ako. “Mas halata na talaga si baby, ‘no?” Lumapit si Damian mula sa likod at niyakap ako, marahang hinaplos ang nakausling bahagi ng tiyan ko. “Ang ganda mo pa rin, kahit may bitbit ka nang laman ng langit.” Napangiti ako. “Flattering. Pero seryoso, hindi na kasya ‘yung mga fitted dress ko.” “Then we shop for maternity clothes today. Lahat ng gusto mo. Even ten pairs of comfy pajamas kung gusto mo.” Napahalakhak ako. “Ten agad?” “Gusto ko lang naman na komportable ka. Lalo na’t mas active na si baby ngayon.” Ilang beses ko nang naramdaman ang kakaibang paggalaw sa loob. Para bang maliliit na butterflies na kumakampay sa tiyan ko. Sa tuwing umaga, siya ang unang gumigising para lang ipagluto ako ng agahan. Laging may prutas, mainit na gatas, at isang espesyal na ulam depende sa cravings ko. Minsan sinigang sa umaga, minsan champorado na may tuyo. “Okay ka lang, Wifey?” tanong niya haban
Belle’s POVNakahiga ako sa tabi ni Damian, nakabalot ang katawan ko sa kanyang mga bisig. Kapwa kami walang saplot, pero hindi malamig… dahil sapat ang init ng mga katawan namin para punuin ang buong kwarto ng init at damdamin.Ang ilaw ng buwan ay dumadaloy sa puting kurtina. Tumama ito sa mukha niya na parang spotlight—at sa sobrang gwapo niya, para siyang painting ng isang diyos ng pag-ibig na nilikha para sa akin lang.“Grabe ka,” mahinang bulong ko habang hinahaplos ang kanyang dibdib. “Parang hindi ka napagod.”Ngumiti siya, tamad at mapanukso. “How could I be tired? I'm with the woman I love… and the baby I already adore.”Hinimas-himas niya ang tiyan ko na bahagyang nakausli. Hindi pa ito halata, pero sa kanya—ito na ang pinakabanal na parte ng katawan ko."I still can’t believe it," he whispered, placing a soft kiss on my belly. "There's a little version of us growing inside you."“Do you want a boy or a girl?” tanong ko habang nilalaro ang buhok niya."Hmm..." kunwaring nag
Belle’s POVPagkakain ko ng chocolate na ibinigay ni Damian, parang may mainit na dumaloy sa katawan ko. It wasn’t the usual kind of sweetness na dulot ng tsokolate. It was deeper… raw… almost like a fire igniting something dormant inside me.Unti-unti kong naramdaman ang panginginig sa laman ko, hindi dahil sa lamig kundi sa tila hindi maipaliwanag na init na gumapang sa balat ko. Napahawak ako sa gilid ng couch habang pinipigilan ang hindi maipaliwanag na kilabot na tila gumuguhit sa batok ko pababa sa spine. Every inch of me started to ache—but not in pain. It was desire. Craving. Hunger.Bumukas ang sliding door at agad kong narinig ang pagpatak ng tubig mula sa buhok ni Damian. Basang-basa siya, kagagaling sa shower, at habang naglalakad siya papalapit sa akin, may kung anong primeval energy ang naramdaman ko. Parang biglang tumahimik ang paligid. Tanging ang tunog ng kanyang mga hakbang at tibok ng puso ko lang ang naririnig ko.He looked dangerous. Irresistibly dangerous.He wa
Belle’s POVPagkapasok pa lang namin sa private villa sa Maldives, para akong nanaginip.Sa bawat sulok ng lugar ay puro pag-ibig—mula sa rose petals na nakabuo ng heart shape sa king-sized bed, hanggang sa champagne na nakahanda sa may terrace, at ang mala-paraisong tanawin ng dagat na parang may sariling kwento ng kasalan at pangarap.Nakahawak sa baywang ko si Damian habang iniikot niya ako sa loob ng villa. “Do you like it?” bulong niya sa akin, habang pinapadampi ang labi niya sa gilid ng aking tainga.“I love it,” bulong ko pabalik. “But I love you more.”Ngumisi siya at binuhat ako papunta sa kama. “Then allow me to show you how much I love you too, Mrs. Villareal.”Napatawa ako habang yakap-yakap ang leeg niya. “Again? Hindi pa ba sapat ang pagpapakasal?”“Never enough when it comes to you.”Dahan-dahan niya akong ibinaba sa kama, at sa gitna ng mga puting petals at linen sheets, pinasadahan niya ng tingin ang buong katawan ko—parang ngayon pa lang niya ako ulit nakita.“You’r
Belle’s POV Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin—isang malaki, arkong salamin na may golden frame at nakapuwesto sa loob ng private bridal cabana na nasa mismong tabi ng dagat. I could barely recognize myself. The woman staring back had eyes glowing with peace, lips curved in a soft, dreamy smile, and cheeks radiating with something deeper than happiness—fulfillment. Naka-off shoulder na ivory silk gown ako na may manipis na tulle overlay, at sa ilalim ng aking kamay, ramdam na ramdam ko ang munting umbok ng aking tiyan. Our baby. Our miracle. "Iba talaga ang glow mo, Ma’am Belle," ani ni Tessa, ang aming makeup artist, habang pinaplastada ang mga baby hairs sa gilid ng aking mukha. "Baka babae 'yan, siguradong napakaganda!" Napatawa ako nang mahina habang patuloy sa paghimas sa tiyan ko. "Kahit ano pa, basta healthy siya. Pero kung babae, may kakumpetensiya na ako sa puso ni Damian." "Eh ‘di masaya!" sabay tili ni Tessa at ng isa pang stylist. "Pareho kayong princess!" Ti
Belle’s POV Mula nang malaman ni Damian na buntis ako, halos hindi siya mawalay sa tabi ko. Kung puwede lang niyang ipalagay ang kama niya sa loob ng OB-GYN clinic, siguradong ginawa na niya. Every check-up, every scan, every prenatal vitamin—he was always there. Lagi siyang nakaalalay, nakaagapay, at kung minsan, mas kabado pa kaysa sa akin. Dalawang linggo na mula nang kumpirmahin namin ang pagbubuntis, at ngayon ay isang espesyal na araw. Pauwi na mula sa business trip abroad si Mommy Darlene. Hindi niya pa alam ang balita, kaya sabik na sabik kami ni Damian na ibahagi ang surpresa—na magiging isa na siyang lola. Nasa loob kami ng malawak na family lounge ng ancestral mansion ng mga Villareal. Hawak ko ang isang piraso ng satin ribbon na nakatali sa maliit na gift box na may laman na baby onesie na may burdado: “See you soon, Lola!” Hinihimas-himas ko ang tiyan ko habang nakaupo sa sofa, sinusubukang pakalmahin ang kaba at kasabikan. Parang hindi pa rin ako makapaniwala mins