Share

Chapter 2

Author: Deigratiamimi
last update Last Updated: 2025-02-10 05:54:34

Belle's POV

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nanatiling nakasubsob sa manibela, pero ramdam ko ang bigat ng bawat patak ng luha ko. Ang tahimik na loob ng sasakyan ko ay parang echo chamber ng sakit—parang bawat hikbi ko ay mas lumalakas, paulit-ulit, habang tinutunaw ang lakas na pilit kong pinanghahawakan.

Ang tanga ko.

Paulit-ulit na pumapasok sa isip ko ang eksenang nasaksihan ko. Si Adrian, nakahiga sa kama. Si Adrian, may ibang babaeng yakap at masayang tumatawa. Si Adrian, nakatingin sa akin na parang siya pa ang biktima. Si Adrian, na sinabi sa aking mahal niya raw ako.

Ilang taon kong binuo ang relasyon namin. Ilang beses akong naghintay sa kanya tuwing late siyang dumadating mula sa trabaho. Ilang gabi akong natulog nang mag-isa dahil mas inuuna niya ang mga meeting niya. At ilang beses ko siyang inintindi, iniintindi, at sinasabi sa sarili ko na mahal niya ako kahit hindi niya madalas ipakita at iparamdam.

Tapos, ganito lang? Ganito lang niya ako papalitan?

Nang bumangon ako mula sa manibela, nakita ko ang repleksyon ko sa rearview mirror. Namamaga ang mga mata ko, namumula ang ilong ko, at parang wala nang natitirang sigla sa mukha ko. Hindi ito ang itsura ng Belle na masaya at puno ng pangarap. Ito ang itsura ng Belle na nilamon ng sakit ng isang lalaking hindi marunong makuntento at isang manloloko.

Huminga ako nang malalim at pilit pinatuyo ang mga luha ko gamit ang manggas ng suot kong blazer. Hindi ko hahayaang tuluyang basagin ni Adrian ang natitirang pride ko.

Uuwi na lang ako. Kailangan ko ng pahinga.

Nagsimula akong magmaneho pabalik sa condo ko, pero habang binabaybay ko ang lansangan, napagtanto kong hindi ko kayang umuwi. Doon ako dati tinatawagan ni Adrian. Doon ko siya hinihintay. Doon ko siya iniisip bago matulog. At sa ngayon, doon ko rin mararamdaman ang kawalan niya.

Imbes na dumiretso sa bahay, lumiko ako sa isang pamilyar na bar. Hindi ako mahilig sa inuman, pero sa gabing ito, kailangan kong makalimot kahit sandali lang. Kailangan mong uminom upang mabawasan ang sakit na nararamdaman ko.

Pagpasok ko sa bar, agad akong sinalubong ng mahinang tunog ng jazz music at ang amoy ng alak at usok ng sigarilyo. Hindi ito iyong tipikal na maingay na club na may nagsasayawang lasing. Ito iyong klaseng bar kung saan pumupunta ang mga taong gustong magpakalunod sa sarili nilang mundo habang nakatitig sa baso ng whiskey.

Umupo ako sa isang bakanteng stool sa harap ng bar counter. Ilang segundo lang, lumapit na sa akin ang bartender—isang lalaking nasa late 30s, may rough na mukha at malamlam na tingin.

"Anong sa ‘yo, Miss?" tanong niya, nakatingin sa akin na parang alam na niyang may mabigat akong dinadala.

"Something strong," sagot ko. "Iyong kaya akong lasingin nang mabilis at makatulog ng mabilis."

Tumango siya at walang tanong-tanong na nagsimulang mag-mix ng inumin. Ilang segundo lang, inabot niya sa akin ang isang baso ng amber-colored na alak.

I took a deep breath before taking my first sip.

Tangina.

Masakit sa lalamunan. Masyadong matapang. Pero mas gusto ko ito kaysa sa sakit na nararamdaman ko sa loob.

Ipinatong ko ang siko ko sa counter at napayuko. Dito sa bar, walang nakakakilala sa akin. Walang magtatanong kung bakit namamaga ang mga mata ko o bakit halata sa kilos ko na gusto kong lumimot.

Isang gabi lang.

Isang gabi lang akong magiging mahina.

Isang gabi lang na lulunorin ko ang sarili ko sa alak - para makalimutan ang ginawang panloloko ni Adrian.

"Bad night?"

Nag-angat ako ng tingin nang marinig ang malalim at mababang boses ng isang lalaki mula sa kanan ko. Hindi ko napansin na may katabi na pala ako—isang estrangherong mukhang hindi naman estranghero sa ganitong klaseng lugar. Matangkad, may matipunong pangangatawan, at may suot na dark blue button-down shirt na may dalawang buton na hindi nakakabit. Ang buhok niya ay bahagyang magulo, pero hindi sa paraan na hindi inayos—mukha siyang taong sanay na sa controlled chaos.

Pero ang pinakanakakuha ng pansin ko ay ang mga mata niya.

Matatalim. Para bang sa isang tingin lang, kaya niyang basahin ang buong kaluluwa ko.

"Yeah," sagot ko matapos ang ilang segundong katahimikan. "A very, very bad night."

Tumango siya, tila ba alam na niya ang buong kwento nang hindi ko pa sinasabi. Kinuha niya ang baso niya—isang mamahaling whiskey, mukhang high-end brand—at dahan-dahang inikot iyon sa kanyang kamay bago uminom.

Hindi ko alam kung bakit, pero may kung anong pakiramdam akong dumaloy sa akin. Para bang may kakaibang presensiya ang lalaking ito—hindi niya kailangang magsalita nang marami, pero may bigat ang presensiya niya sa lugar.

"Hindi kita bibigyan ng cliché na advice na ‘move on’ or ‘you deserve better,’" aniya matapos ang isang minuto ng katahimikan. "Pero isang bagay lang ang masasabi ko—huwag mong hayaang matalo ka ng sakit na dulot ng isang lalaking hindi marunong makakita ng tunay na halaga mo. Know your worth."

Napangiti ako—mapait, pero may kaunting bahid ng pagkapresko.

"Sino ka ba? Life coach?" biro ko, sabay ininom ang natitirang laman ng baso ko.

Umangat ang isang sulok ng labi niya. "Hindi. Pero maraming taon na akong nakakakita ng mga babaeng katulad mo rito sa bar na ‘to."

"Hmm, ibig sabihin, marami nang babaeng iniwan at niloko sa buhay mo?" Ngumisi ako.

Mas lumalim ang ngiti niya, pero hindi siya agad sumagot. Imbes, ipinatong niya ang isang kamay sa ibabaw ng bar at marahang ginuhit ang rim ng baso niya gamit ang daliri.

"Maraming babaeng dumaan sa buhay ko, pero hindi lahat sila iniwan ko," aniya sa mababang tinig. "At hindi rin lahat sila gusto kong iwan."

May kung anong kilabot ang gumapang sa likod ko sa paraan ng pagsabi niya noon. Hindi ko alam kung dahil lang sa epekto ng alak o dahil sa paraan ng pagtitig niya sa akin, pero parang bigla akong nahila sa isang mundong hindi ko pa naiintindihan.

"Sino ka nga ba ulit?" tanong ko, medyo mas mahinang boses.

Bumuntong-hininga siya, saka tumingin sa akin nang diretso.

"Damian," sagot niya. "Damian Villareal."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Marrying My Ex's Billionaire Uncle   Epilogue

    Damian's POV "Mommy! Daddy! Look at me!" Tumingala ako mula sa iniihaw kong barbecue sa garden at nakita ko si Alia, ang aming limang taong gulang na anak, na masayang umiikot sa damuhan suot ang kanyang pink na dress. Kumakaway siya habang nakataas ang maliit niyang kamay, hawak ang isang bulaklak. Napangiti ako at napailing. Ipinunas ko ang tuwalya sa aking mga kamay at lumapit kay Belle, na nakaupo sa garden bench, nakasandal habang hawak ang isang lemonade. "You okay, Wifey ?" bulong ko, hinalikan ko siya sa ulo. "More than okay," sagot niya habang nakatingin kay Alia. "Parang kailan lang, nasa tiyan ko pa siya." Tumingin kami sa isa't isa, parehong may ngiti sa aming mga labi — ang uri ng ngiting puno ng alaala, pagmamahal, at pasasalamat. Five years. Five wonderful, crazy, beautiful years. Matapos naming maging magulang, unti-unti naming inayos ang buhay namin sa paraang hindi mawawala ang paglalambingan at pagmamahalan namin ni Belle. Nagpalit ako ng trabaho setup — an

  • Marrying My Ex's Billionaire Uncle   Chapter 91

    Damian’s POV Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko habang nakatitig kay Belle. Nakatayo siya sa gitna ng baby shower venue, suot ang pastel pink maternity gown, isang kamay nakapatong sa bilog na niyang tiyan, at ang isa ay nakahawak sa maliit na teddy bear na ibinigay sa kaniya ni Mommy bilang regalo. She was glowing. Radiant. Beautiful beyond words. Habang pinagmamasdan ko siya, hindi ko maiwasang maramdaman ang matinding pagmamalaki at pasasalamat. She's my wife. She's carrying our daughter. She's the woman who turned my world into something beautiful. Lumapit ako sa kanya at marahan siyang hinalikan sa noo. "Are you happy?" bulong ko. Tumango siya, habang kumikislap ang mga mata. "More than happy," sagot niya. Lumipas ang mga araw, pagkatapos ng baby shower, naging mas close pa kami ni Belle. Lagi akong nagpapahinga ng schedule para samahan siya sa mga checkups niya. Walang isang appointment ang pinalagpas ko. Gusto ko, bawat tibok ng puso ng anak namin sa ultrasound, n

  • Marrying My Ex's Billionaire Uncle   Chapter 90

    Belle's POVHindi ko mapigilan ang mapangiti habang pinagmamasdan si Damian na abalang nag-i-sketch sa notebook niya. Para siyang bata na excited sa bagong laruan.“Naisip ko,” sambit niya, hindi inaalis ang tingin sa papel, “na gawing pastel pink and white ang theme ng nursery. Tapos lots of fluffy clouds and maybe stars sa ceiling.”Napatawa ako habang hinihimas ang baby bump ko. “Mukhang mas excited ka pa kaysa sa akin, Mr. Villareal.”Lumapit siya sa akin, hinawakan ang kamay ko at hinalikan ang mga daliri ko. “Of course. Gusto kong maging perfect ang lahat para sa little princess natin.”Nag-set kami ng weekend para puntahan ang isang sikat na baby store sa city. Hindi namin sinayang ang oras — pagpasok pa lang, para kaming mga batang naglalaro sa loob.“Belle, look!” Tuwang-tuwa si Damian habang bitbit ang isang maliit na crib na may ukit ng mga bituin at ulap.Napangiti ako. “Ang cute! Pero… hindi ba masyadong maliit ‘yan?”“Hmp. Baby pa naman siya. Hindi naman siya agad lalaki

  • Marrying My Ex's Billionaire Uncle   Chapter 89

    Belle's POV “Hubby, look o…” Tinutok ko ang camera ng phone sa salamin habang naka-side view ako. “Mas halata na talaga si baby, ‘no?” Lumapit si Damian mula sa likod at niyakap ako, marahang hinaplos ang nakausling bahagi ng tiyan ko. “Ang ganda mo pa rin, kahit may bitbit ka nang laman ng langit.” Napangiti ako. “Flattering. Pero seryoso, hindi na kasya ‘yung mga fitted dress ko.” “Then we shop for maternity clothes today. Lahat ng gusto mo. Even ten pairs of comfy pajamas kung gusto mo.” Napahalakhak ako. “Ten agad?” “Gusto ko lang naman na komportable ka. Lalo na’t mas active na si baby ngayon.” Ilang beses ko nang naramdaman ang kakaibang paggalaw sa loob. Para bang maliliit na butterflies na kumakampay sa tiyan ko. Sa tuwing umaga, siya ang unang gumigising para lang ipagluto ako ng agahan. Laging may prutas, mainit na gatas, at isang espesyal na ulam depende sa cravings ko. Minsan sinigang sa umaga, minsan champorado na may tuyo. “Okay ka lang, Wifey?” tanong niya haban

  • Marrying My Ex's Billionaire Uncle   Chapter 88

    Belle’s POVNakahiga ako sa tabi ni Damian, nakabalot ang katawan ko sa kanyang mga bisig. Kapwa kami walang saplot, pero hindi malamig… dahil sapat ang init ng mga katawan namin para punuin ang buong kwarto ng init at damdamin.Ang ilaw ng buwan ay dumadaloy sa puting kurtina. Tumama ito sa mukha niya na parang spotlight—at sa sobrang gwapo niya, para siyang painting ng isang diyos ng pag-ibig na nilikha para sa akin lang.“Grabe ka,” mahinang bulong ko habang hinahaplos ang kanyang dibdib. “Parang hindi ka napagod.”Ngumiti siya, tamad at mapanukso. “How could I be tired? I'm with the woman I love… and the baby I already adore.”Hinimas-himas niya ang tiyan ko na bahagyang nakausli. Hindi pa ito halata, pero sa kanya—ito na ang pinakabanal na parte ng katawan ko."I still can’t believe it," he whispered, placing a soft kiss on my belly. "There's a little version of us growing inside you."“Do you want a boy or a girl?” tanong ko habang nilalaro ang buhok niya."Hmm..." kunwaring nag

  • Marrying My Ex's Billionaire Uncle   Chapter 87

    Belle’s POVPagkakain ko ng chocolate na ibinigay ni Damian, parang may mainit na dumaloy sa katawan ko. It wasn’t the usual kind of sweetness na dulot ng tsokolate. It was deeper… raw… almost like a fire igniting something dormant inside me.Unti-unti kong naramdaman ang panginginig sa laman ko, hindi dahil sa lamig kundi sa tila hindi maipaliwanag na init na gumapang sa balat ko. Napahawak ako sa gilid ng couch habang pinipigilan ang hindi maipaliwanag na kilabot na tila gumuguhit sa batok ko pababa sa spine. Every inch of me started to ache—but not in pain. It was desire. Craving. Hunger.Bumukas ang sliding door at agad kong narinig ang pagpatak ng tubig mula sa buhok ni Damian. Basang-basa siya, kagagaling sa shower, at habang naglalakad siya papalapit sa akin, may kung anong primeval energy ang naramdaman ko. Parang biglang tumahimik ang paligid. Tanging ang tunog ng kanyang mga hakbang at tibok ng puso ko lang ang naririnig ko.He looked dangerous. Irresistibly dangerous.He wa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status