Share

Chapter 3

Author: Deigratiamimi
last update Last Updated: 2025-02-10 06:06:58

Belle's POV

Tila lumabo ang paligid ko sa pagitan ng epekto ng alak at ng paraan ng pagtitig ni Damian Villareal sa akin. May kung anong misteryo sa mga mata niya—parang tahimik na bagyo na hindi mo agad mahahalata kung magdadala ng ulan o delubyo.

Damian Villareal.

Parang pamilyar ang apelyidong iyon, pero sa puntong ito, wala akong pakialam.

"Belle Ramirez," sabi ko, hindi ko alam kung bakit ko siya sinagot.

Tumango siya at muling uminom ng whiskey. Hindi niya ako tinanong kung bakit ako narito o kung anong problema ko. Hindi siya katulad ng ibang lalaki na agad na nagiging makulit kapag nakakita ng babaeng mukhang wasak o problemado. Sa halip, nanatili lang siyang tahimik, para bang wala siyang balak pangunahan ang kwento ko.

Hindi ko alam kung bakit, pero parang gusto kong magsalita.

"Kakatapos lang ng relasyon ko," bigla kong sinabi, tila ba sinusubukan ang lasa ng mga salitang iyon sa dila ko.

Ang sakit ng katotohanan ay parang matapang na shot ng tequila—mapait, mainit sa sikmura, pero kapag naibulalas mo na, may bahagyang ginhawa.

Tumango siya, hindi nagulat. "Kaya ka narito."

"Yeah."

Hindi ako sanay na makipag-usap sa isang estranghero, lalo na sa isang tulad niya—isang lalaking mukhang alam kung paano umiwas sa damdamin, pero hindi kailanman nawawalan ng kontrol. Pero ngayong gabi, wala akong pakialam. Ngayong gabi, gusto ko lang ng kahit anong bagay na makakapag-alis ng sakit sa dibdib ko, kahit panandalian lang.

Sinakop ng katahimikan ang pagitan namin. Hindi nakakailang, pero mabigat. Para bang iniisip niya kung paano ako kakausapin, habang ako naman ay nag-aalangan kung paano ko isusuka ang lahat ng hinanakit sa loob ko.

Pero hindi ko na kinailangan pang ipaliwanag.

"Kilala ko siya," biglang sabi ni Damian, saka muling uminom.

Napakurap ako. "Sino?"

Ang sagot niya ay dumaan sa pagitan ng tunog ng ice cubes sa baso niya.

"Si Adrian."

Napatigil ako, tila biglang luminaw ang lahat sa pagitan ng kalasingan at gulat. Napatitig ako sa kaniya.

Paano niya kilala si Adrian?

"Wait… what?" Napakunot-noo ako at pinasadahan siya ng tingin. "Anong ibig mong sabihin?"

Ibinaling niya sa akin ang malamig, pero matalim na tingin niya. "Ako ang tiyuhin niya."

Nanlamig ang buong katawan ko.

Hindi ko alam kung ang alak ba ang dahilan kung bakit tila bumagal ang mundo, o ang impormasyong iyon mismo.

"You're joking," halos matatawa akong umiling, pero kita sa mukha niya na wala siyang balak magbiro.

"I'm not."

Dahan-dahan kong inalala ang mukha ni Adrian—ang pamilyar na mata, ang hugis ng kanyang panga. At ngayon, habang nakaupo ako sa tabi ni Damian, bigla kong napansin ang bahagyang pagkakahawig nila. Hindi malapitang magkamukha, pero may ilang katangian sa kanila na pareho—ang matalim na tingin, ang paraan ng pagsasalita na parang palaging sigurado sa lahat ng bagay.

Pero may isang malaking pagkakaiba.

Habang si Adrian ay punong-puno ng kasinungalingan at pagpapanggap, si Damian ay parang isang misteryong hindi mo alam kung gusto mong lutasin o takasan.

"You are serious?" bulong ko, parang hindi pa rin makapaniwala. Paulit-ulit akong napapalunok at parang biglang nawala ang pagkalasing ko.

"Yeah." Nilapag niya ang baso niya at humilig sa upuan. "At alam ko kung paano ka niya trinato."

Napalunok ako. "Paano mo nalaman?"

Nagtagal muna siya ng ilang segundo bago sumagot. "Nabalitaan ko. Hindi ko inakala na makikilala kita nang personal, pero narinig ko na ang tungkol sa ‘yo."

Mas lalong nanikip ang dibdib ko. Ibig sabihin, hindi lang ako basta simpleng ex na niloko. Isa akong pinag-uusapan. Isa akong babae na pinagpyestahan siguro sa mga kwentuhan ng pamilyang iyon. Mas lalong kumulo ang dugo ko nang sumagi sa isipan ko si Adrian.

"Well," pilit akong ngumiti, pilit pinapawi ang sakit, "mukhang alam mo na ang ending ng kwento ko."

Hindi siya sumagot agad. Sa halip, tinignan niya ako na para bang pinag-aaralan niya kung paano ako gumuguho sa harapan niya.

"Tingin mo ba tapos na ang kwento mo?" tanong niya pagkatapos ng ilang saglit.

Nagulat ako sa tanong niya.

"I mean… yeah?" Sinalsal ko ang baso kong wala nang laman. "Niloko ako ng boyfriend ko, nakita ko siyang may iba, tapos na. Pinagpalit niya ako sa babeng kinulang sa ligo. Basta tapos na kami ng lalaking 'yon."

Pero hindi siya mukhang kumbinsido.

Then, just as I was about to change the topic, Damian said something that would change everything.

"Then what if I give you a new story?"

Napakunot-noo ako. "Ano?"

Huminga siya nang malalim bago niya ako tinitigan nang diretso. "Pakakasalan mo ako."

Napatanga ako.

Sa lahat ng posibleng maririnig ko sa gabing ito—sa lahat ng posibleng reaksyon mula sa tiyuhin ng ex ko—hindi ko inaasahan ito.

"What the actual—"

"Hindi kita pinaglalaruan," seryosong sabi niya, hindi man lang natinag sa reaksyon ko. "Gusto kong pakasalan ka, Belle. At hindi ito tungkol sa feelings o pagmamahal."

"Then ano ‘to?" Hindi ko alam kung seryoso ako o lasing na, pero masyado akong shocked para matawa. Kumurap-kurap ako ng tatlong beses.

Isinandal niya ang braso niya sa ibabaw ng bar at yumuko ng bahagya, mas lumapit sa akin.

"Kailangan ko ng asawa," aniya sa mababang tinig. "At kailangan mong gumanti."

Nanlaki ang mata ko.

"Are you—"

"Just think about it." Umangat ang isang sulok ng labi niya, pero hindi iyon ngiti ng kasiyahan. Para itong ngiti ng isang taong sanay sa laro ng kapalaran. "Ikaw, ang babaeng niloko ng pamangkin ko. Ako, ang lalaking may dahilan para sirain ang pride niya."

Hindi ako agad nakapagsalita.

"Bakit mo ‘to ginagawa?" bulong ko. "Don't tell me paglalaruan mo rin ako kagaya ng ginawa ng pamangkin mo?" Tinaasan ko siya ng kilay.

Inikot niya ang baso niya sa pagitan ng mga daliri niya. "Dahil gusto kong malaman kung paano siya masisindak kapag nalaman niyang ang babaeng tinapon niya—ang babaeng hindi niya pinahalagahan—ay magiging asawa ko."

Nanlamig ang buong katawan ko.

This was insane. Completely insane.

Pero sa kaibuturan ng puso ko, may bahagi sa akin na nagising—isang bahagi na gustong makita ang reaksiyon ni Adrian kapag nalaman niyang hindi lang basta nakamove-on ako. Kung 'di napunta ako sa lalaking hindi niya kayang tapatan. Ang kaniyang tiyuhing si Damian Villareal.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Related chapters

  • Marrying My Ex's Billionaire Uncle   Chapter 4

    Belle's POVNapako ako sa kinauupuan ko. Pakiramdam ko, kahit sa dami ng nainom kong alak ay biglang nawala ang epekto nito sa katawan ko. Ang isipan ko lang ang tuluyang nalasing sa mga salitang binitiwan ni Damian Villareal.Pakakasalan ko siya? Papakasalan ko ang tiyuhin ng ex-boyfriend kong manloloko?Ano 'to, panaginip?Umiling ako, pilit inaalis ang kalituhan sa utak ko. “Wait, Damian, seryoso ka ba talaga?”Hindi man lang siya nag-atubili. Tumango siya, saka dahan-dahang uminom muli ng whiskey niya na para bang wala lang.“Yes, I’m serious.”Napatawa ako—hindi dahil sa tuwa, kung 'di dahil sa hindi makapaniwalang sitwasyong ito. “Hindi ko alam kung epekto lang ng alak ‘to, pero sigurado ka bang nasa tamang wisyo ka? Humihithit ka ba? Baka napasobra ang pagtikim mo ng drugs.”Mas lumalim ang ngiti niya, pero hindi ito masaya—para itong ngiti ng isang lalaking sanay sa laro, sanay sa transaksyon, at sanay sa paghawak ng kapalaran ng ibang tao sa kanyang palad."I don't drink when

    Last Updated : 2025-02-10
  • Marrying My Ex's Billionaire Uncle   Chapter 5

    Belle's POV Kinabukasan, nagising akong may matinding sakit ng ulo.Napahawak ako sa sintido ko habang pilit inaalala ang lahat ng nangyari kagabi. Ilang saglit pa bago bumalik sa akin ang alaala—ang galit ko kay Adrian, ang panlilinlang niya, ang alak, ang misteryosong presensya ni Damian… at ang alok na bumago sa lahat.Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.Shit.Pakakasalan ko si Damian Villareal.Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ito panaginip. Hindi rin ito isang bagay na pwede kong balewalain.Napatingin ako sa paligid. Nasa kwarto pa rin ako sa sarili kong condo, kaya kahit papaano, alam kong hindi ako gumawa ng desisyong hindi ko mapapanindigan. Pero ang tanong—matino ba talaga ang naging desisyon ko?Halos wala pang isang araw ang lumipas mula nang mahuli ko si Adrian, pero ngayon, ikakasal na ako sa tiyuhin niya?Napapikit ako nang mariin. Ano bang ginagawa ko?Pero bago pa ako tuluyang lamunin ng panghihinayang, biglang tumunog ang cellphone ko.Damian.Halos

    Last Updated : 2025-02-10
  • Marrying My Ex's Billionaire Uncle   Chapter 6

    Belle's POV Matigas ang titig ni Adrian sa akin, pero hindi ako natinag. Sa halip, mas inilapit ko ang sarili kay Damian. Naramdaman ko ang init ng katawan niya nang dumampi ako sa gilid niya, ang matigas niyang braso ay nakapulupot sa bewang ko na parang pag-aari niya ako. Hindi ko alam kung bakit, pero nagustuhan ko ang pakiramdam. Mabilis akong napalingon kay Adrian. Nandoon pa rin siya, titig na titig sa akin, at kahit hindi siya nagsasalita, rinig na rinig ko ang sigaw ng ego niyang natatapakan. Hindi ko alam kung anong klaseng satisfaction ang dulot ng itsura niya ngayon—'yung parang hindi makapaniwala na ako, ang babaeng pinagpalit niya, ay kasama ngayon ng isang lalaking hindi niya kayang tapatan. Ang kaniyang tiyuhing si Damian. Para akong biglang lumakas, biglang nagkaroon ng laban. “Belle,” may lumunod na lambing sa boses ni Adrian nang sa wakas ay lumapit siya sa amin. “Hindi ko inaasahang makikita kita rito.” Nilingon ko siya, isang pilit na ngiti ang ibinigay ko.

    Last Updated : 2025-02-13
  • Marrying My Ex's Billionaire Uncle   Chapter 7

    Belle's POV Dalawang araw pagkatapos naming lagdaan ang kasunduan, nagising ako sa katotohanang wala na akong atrasan. Lahat ay mabilis na umandar. Mga fittings, meetings with wedding planners, public appearances—parang isang malaking production ang kasal namin ni Damian. At ngayon, heto ako, nakatayo sa harap ng isang malawak na mansyon na tila isang palasyo, may hawak na isang bouquet ng puting bulaklak, sinusubukang pakalmahin ang sarili ko. Ang unang pagtapak sa tahanan ng mga Villareal. Nasa tabi ko si Damian, naka-black button-down at slacks, mukhang business as usual lang sa kanya ang lahat ng ito. Pero para sa akin? Para akong ipapakain sa mga leon. "Bakit ko nga ulit kailangang gawin 'to?" bulong ko habang naglalakad kami papasok sa mansyon. "You're about to be my wife," sagot niya, malamig at direkta. "It's only natural that my family meets you." Napabuntong-hininga ako. Tama naman siya. Kung gusto naming maging kapanipaniwala ang palabas na ito, kailangan kong ipakit

    Last Updated : 2025-02-13
  • Marrying My Ex's Billionaire Uncle   Chapter 8

    Belle's POV Pagkatapos ng matinding tensyon sa hapunan kasama ang pamilya Villareal, hindi ko alam kung paano ko nagawang panatilihing tuwid ang aking likod at hindi matinag sa matatalim nilang tingin. Ngunit sa sandaling umalis na kami sa mansyon, doon ko naramdaman ang bigat ng lahat. Pagkatapos naming magpaalam kay Don Hector at Doña Miranda, mabilis akong naglakad palabas, gustong-gustong makawala sa nakakapasong presensya nila. Damian, as usual, was calm and composed. Para bang sanay na siya sa ganitong eksena. Ngunit bago pa ako makasakay sa sasakyan ni Damian, isang pamilyar na boses ang pumigil sa akin. “Belle, sandali.” Napako ako sa kinatatayuan ko. Si Adrian. Ramdam ko ang paninigas ng buong katawan ko, pero hindi ko siya nilingon agad. Alam kong kung titingnan ko siya, may kung anong bahagi sa akin ang magagalit muli, maghahanap ng kasagutan, ng closure na hindi ko pa rin natatanggap. Ngunit hindi rin ako nagulat nang maramdaman kong lumapit si Damian sa tabi ko,

    Last Updated : 2025-02-14
  • Marrying My Ex's Billionaire Uncle   Chapter 9

    Belle's POV Kinabukasan, nagising ako sa malambot na kama, nakabalot sa mamahaling kumot, pero may kakaibang pakiramdam sa dibdib ko. Para akong bumangon sa isang panaginip—o bangungot, hindi ko pa alam. Ang una kong naalala? Ang mga mata ni Adrian habang tinatanggap niyang wala na akong balak bumalik sa kanya. Ang pagkahawak ni Damian sa baywang ko, na parang isang deklarasyon na ako ay pag-aari niya. Kahit alam kong peke lang ang lahat. Napabuntong-hininga ako at dahan-dahang bumangon. Masyadong tahimik ang paligid. Nang bumaba ako mula sa kwarto, bumungad sa akin ang pamilyar na tanawin ng modernong sala ng penthouse ni Damian. Nandun siya, nakaupo sa isa sa mga leather couches, hawak ang isang tablet habang nagbabasa ng kung ano. Naka-puting button-down siya ngayon, malinis at preskong tingnan, pero may bahagyang gulo sa buhok niya na nagsasabing hindi pa siya tuluyang nakapag-ayos. Napatingin siya sa akin nang maramdaman ang presensya ko. “Good morning,” aniya, walang emosy

    Last Updated : 2025-02-15
  • Marrying My Ex's Billionaire Uncle   Chapter 10

    Belle's POV Ang buong gabi ay tila isang malupit na laro—isang laban ng mga matang nagtatagisan, ng mga ngiting pilit pero puno ng kahulugan. Ngayon, narito ako sa loob ng restroom, nakapatong ang dalawang kamay ko sa marmol na counter habang pinagmamasdan ang sarili ko sa malaking salamin. Mukha akong composed, maayos ang makeup, walang bahid ng kahinaan. Pero sa loob, nagkakagulo ang damdamin ko. Ilang beses kong inulit sa isip ko: Hindi totoo ang kasal na ‘to. Pero bakit parang sa tuwing hinahawakan ako ni Damian sa harap ng ibang tao, parang nagkakaroon ng sariling buhay ang puso ko? Napabuntong-hininga ako at iniiling ang sarili ko. No, Belle. Hindi ka pwedeng mahulog. Nagpakatatag ako at inayos ang sarili. Wala akong choice kundi bumalik sa labas. Kailangan kong gampanan ang papel na ito. Nang lumabas ako ng restroom, hindi ko inaasahang may naghihintay sa akin. Si Adrian. Napahinto ako sa pintuan, hindi makapaniwala. "Belle," mahina niyang tawag, pero sapat na para b

    Last Updated : 2025-02-15
  • Marrying My Ex's Billionaire Uncle   Chapter 11

    Belle's POV Kinabukasan, maaga akong nagising sa malambot na kama ng penthouse. Nakasanayan ko na ang ginhawang dulot ng marangyang silid na ito, pero sa totoo lang, hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng paninibago. Hindi ko pa rin matanggap nang buo na ito na ang buhay ko—isang buhay na batay sa kasunduan, hindi sa pagmamahal. Paglabas ko ng silid, nadatnan ko si Damian sa kusina, nakasuot ng itim na dress shirt na medyo nakabukas ang unang dalawang butones, at naka-slacks. Hindi ko maiwasang mapansin kung gaano siya kaayos kahit bagong gising. Hindi man lang siya lumingon nang bumati ako. "Good morning." "Good morning," sagot niya, abala sa pagbabasa ng kung anong dokumento habang hawak ang tasa ng kape. Lumapit ako sa counter at kumuha ng sarili kong tasa. Inipon ko ang lakas ng loob ko bago nagsalita. "May meeting ka ba today?" tanong ko, pilit na pinapanatiling casual ang tono. Tumango siya at saka tumingin sa akin. "Yeah. Actually, aalis ako mamaya. Pupunta ako ng US for

    Last Updated : 2025-02-15

Latest chapter

  • Marrying My Ex's Billionaire Uncle   Epilogue

    Damian's POV "Mommy! Daddy! Look at me!" Tumingala ako mula sa iniihaw kong barbecue sa garden at nakita ko si Alia, ang aming limang taong gulang na anak, na masayang umiikot sa damuhan suot ang kanyang pink na dress. Kumakaway siya habang nakataas ang maliit niyang kamay, hawak ang isang bulaklak. Napangiti ako at napailing. Ipinunas ko ang tuwalya sa aking mga kamay at lumapit kay Belle, na nakaupo sa garden bench, nakasandal habang hawak ang isang lemonade. "You okay, Wifey ?" bulong ko, hinalikan ko siya sa ulo. "More than okay," sagot niya habang nakatingin kay Alia. "Parang kailan lang, nasa tiyan ko pa siya." Tumingin kami sa isa't isa, parehong may ngiti sa aming mga labi — ang uri ng ngiting puno ng alaala, pagmamahal, at pasasalamat. Five years. Five wonderful, crazy, beautiful years. Matapos naming maging magulang, unti-unti naming inayos ang buhay namin sa paraang hindi mawawala ang paglalambingan at pagmamahalan namin ni Belle. Nagpalit ako ng trabaho setup — an

  • Marrying My Ex's Billionaire Uncle   Chapter 91

    Damian’s POV Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko habang nakatitig kay Belle. Nakatayo siya sa gitna ng baby shower venue, suot ang pastel pink maternity gown, isang kamay nakapatong sa bilog na niyang tiyan, at ang isa ay nakahawak sa maliit na teddy bear na ibinigay sa kaniya ni Mommy bilang regalo. She was glowing. Radiant. Beautiful beyond words. Habang pinagmamasdan ko siya, hindi ko maiwasang maramdaman ang matinding pagmamalaki at pasasalamat. She's my wife. She's carrying our daughter. She's the woman who turned my world into something beautiful. Lumapit ako sa kanya at marahan siyang hinalikan sa noo. "Are you happy?" bulong ko. Tumango siya, habang kumikislap ang mga mata. "More than happy," sagot niya. Lumipas ang mga araw, pagkatapos ng baby shower, naging mas close pa kami ni Belle. Lagi akong nagpapahinga ng schedule para samahan siya sa mga checkups niya. Walang isang appointment ang pinalagpas ko. Gusto ko, bawat tibok ng puso ng anak namin sa ultrasound, n

  • Marrying My Ex's Billionaire Uncle   Chapter 90

    Belle's POVHindi ko mapigilan ang mapangiti habang pinagmamasdan si Damian na abalang nag-i-sketch sa notebook niya. Para siyang bata na excited sa bagong laruan.“Naisip ko,” sambit niya, hindi inaalis ang tingin sa papel, “na gawing pastel pink and white ang theme ng nursery. Tapos lots of fluffy clouds and maybe stars sa ceiling.”Napatawa ako habang hinihimas ang baby bump ko. “Mukhang mas excited ka pa kaysa sa akin, Mr. Villareal.”Lumapit siya sa akin, hinawakan ang kamay ko at hinalikan ang mga daliri ko. “Of course. Gusto kong maging perfect ang lahat para sa little princess natin.”Nag-set kami ng weekend para puntahan ang isang sikat na baby store sa city. Hindi namin sinayang ang oras — pagpasok pa lang, para kaming mga batang naglalaro sa loob.“Belle, look!” Tuwang-tuwa si Damian habang bitbit ang isang maliit na crib na may ukit ng mga bituin at ulap.Napangiti ako. “Ang cute! Pero… hindi ba masyadong maliit ‘yan?”“Hmp. Baby pa naman siya. Hindi naman siya agad lalaki

  • Marrying My Ex's Billionaire Uncle   Chapter 89

    Belle's POV “Hubby, look o…” Tinutok ko ang camera ng phone sa salamin habang naka-side view ako. “Mas halata na talaga si baby, ‘no?” Lumapit si Damian mula sa likod at niyakap ako, marahang hinaplos ang nakausling bahagi ng tiyan ko. “Ang ganda mo pa rin, kahit may bitbit ka nang laman ng langit.” Napangiti ako. “Flattering. Pero seryoso, hindi na kasya ‘yung mga fitted dress ko.” “Then we shop for maternity clothes today. Lahat ng gusto mo. Even ten pairs of comfy pajamas kung gusto mo.” Napahalakhak ako. “Ten agad?” “Gusto ko lang naman na komportable ka. Lalo na’t mas active na si baby ngayon.” Ilang beses ko nang naramdaman ang kakaibang paggalaw sa loob. Para bang maliliit na butterflies na kumakampay sa tiyan ko. Sa tuwing umaga, siya ang unang gumigising para lang ipagluto ako ng agahan. Laging may prutas, mainit na gatas, at isang espesyal na ulam depende sa cravings ko. Minsan sinigang sa umaga, minsan champorado na may tuyo. “Okay ka lang, Wifey?” tanong niya haban

  • Marrying My Ex's Billionaire Uncle   Chapter 88

    Belle’s POVNakahiga ako sa tabi ni Damian, nakabalot ang katawan ko sa kanyang mga bisig. Kapwa kami walang saplot, pero hindi malamig… dahil sapat ang init ng mga katawan namin para punuin ang buong kwarto ng init at damdamin.Ang ilaw ng buwan ay dumadaloy sa puting kurtina. Tumama ito sa mukha niya na parang spotlight—at sa sobrang gwapo niya, para siyang painting ng isang diyos ng pag-ibig na nilikha para sa akin lang.“Grabe ka,” mahinang bulong ko habang hinahaplos ang kanyang dibdib. “Parang hindi ka napagod.”Ngumiti siya, tamad at mapanukso. “How could I be tired? I'm with the woman I love… and the baby I already adore.”Hinimas-himas niya ang tiyan ko na bahagyang nakausli. Hindi pa ito halata, pero sa kanya—ito na ang pinakabanal na parte ng katawan ko."I still can’t believe it," he whispered, placing a soft kiss on my belly. "There's a little version of us growing inside you."“Do you want a boy or a girl?” tanong ko habang nilalaro ang buhok niya."Hmm..." kunwaring nag

  • Marrying My Ex's Billionaire Uncle   Chapter 87

    Belle’s POVPagkakain ko ng chocolate na ibinigay ni Damian, parang may mainit na dumaloy sa katawan ko. It wasn’t the usual kind of sweetness na dulot ng tsokolate. It was deeper… raw… almost like a fire igniting something dormant inside me.Unti-unti kong naramdaman ang panginginig sa laman ko, hindi dahil sa lamig kundi sa tila hindi maipaliwanag na init na gumapang sa balat ko. Napahawak ako sa gilid ng couch habang pinipigilan ang hindi maipaliwanag na kilabot na tila gumuguhit sa batok ko pababa sa spine. Every inch of me started to ache—but not in pain. It was desire. Craving. Hunger.Bumukas ang sliding door at agad kong narinig ang pagpatak ng tubig mula sa buhok ni Damian. Basang-basa siya, kagagaling sa shower, at habang naglalakad siya papalapit sa akin, may kung anong primeval energy ang naramdaman ko. Parang biglang tumahimik ang paligid. Tanging ang tunog ng kanyang mga hakbang at tibok ng puso ko lang ang naririnig ko.He looked dangerous. Irresistibly dangerous.He wa

  • Marrying My Ex's Billionaire Uncle   Chapter 86

    Belle’s POVPagkapasok pa lang namin sa private villa sa Maldives, para akong nanaginip.Sa bawat sulok ng lugar ay puro pag-ibig—mula sa rose petals na nakabuo ng heart shape sa king-sized bed, hanggang sa champagne na nakahanda sa may terrace, at ang mala-paraisong tanawin ng dagat na parang may sariling kwento ng kasalan at pangarap.Nakahawak sa baywang ko si Damian habang iniikot niya ako sa loob ng villa. “Do you like it?” bulong niya sa akin, habang pinapadampi ang labi niya sa gilid ng aking tainga.“I love it,” bulong ko pabalik. “But I love you more.”Ngumisi siya at binuhat ako papunta sa kama. “Then allow me to show you how much I love you too, Mrs. Villareal.”Napatawa ako habang yakap-yakap ang leeg niya. “Again? Hindi pa ba sapat ang pagpapakasal?”“Never enough when it comes to you.”Dahan-dahan niya akong ibinaba sa kama, at sa gitna ng mga puting petals at linen sheets, pinasadahan niya ng tingin ang buong katawan ko—parang ngayon pa lang niya ako ulit nakita.“You’r

  • Marrying My Ex's Billionaire Uncle   Chapter 85

    Belle’s POV Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin—isang malaki, arkong salamin na may golden frame at nakapuwesto sa loob ng private bridal cabana na nasa mismong tabi ng dagat. I could barely recognize myself. The woman staring back had eyes glowing with peace, lips curved in a soft, dreamy smile, and cheeks radiating with something deeper than happiness—fulfillment. Naka-off shoulder na ivory silk gown ako na may manipis na tulle overlay, at sa ilalim ng aking kamay, ramdam na ramdam ko ang munting umbok ng aking tiyan. Our baby. Our miracle. "Iba talaga ang glow mo, Ma’am Belle," ani ni Tessa, ang aming makeup artist, habang pinaplastada ang mga baby hairs sa gilid ng aking mukha. "Baka babae 'yan, siguradong napakaganda!" Napatawa ako nang mahina habang patuloy sa paghimas sa tiyan ko. "Kahit ano pa, basta healthy siya. Pero kung babae, may kakumpetensiya na ako sa puso ni Damian." "Eh ‘di masaya!" sabay tili ni Tessa at ng isa pang stylist. "Pareho kayong princess!" Ti

  • Marrying My Ex's Billionaire Uncle   Chapter 84

    Belle’s POV Mula nang malaman ni Damian na buntis ako, halos hindi siya mawalay sa tabi ko. Kung puwede lang niyang ipalagay ang kama niya sa loob ng OB-GYN clinic, siguradong ginawa na niya. Every check-up, every scan, every prenatal vitamin—he was always there. Lagi siyang nakaalalay, nakaagapay, at kung minsan, mas kabado pa kaysa sa akin. Dalawang linggo na mula nang kumpirmahin namin ang pagbubuntis, at ngayon ay isang espesyal na araw. Pauwi na mula sa business trip abroad si Mommy Darlene. Hindi niya pa alam ang balita, kaya sabik na sabik kami ni Damian na ibahagi ang surpresa—na magiging isa na siyang lola. Nasa loob kami ng malawak na family lounge ng ancestral mansion ng mga Villareal. Hawak ko ang isang piraso ng satin ribbon na nakatali sa maliit na gift box na may laman na baby onesie na may burdado: “See you soon, Lola!” Hinihimas-himas ko ang tiyan ko habang nakaupo sa sofa, sinusubukang pakalmahin ang kaba at kasabikan. Parang hindi pa rin ako makapaniwala mins

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status