Share

Chapter 4

Author: Deigratiamimi
last update Last Updated: 2025-02-10 06:21:06

Belle's POV

Napako ako sa kinauupuan ko. Pakiramdam ko, kahit sa dami ng nainom kong alak ay biglang nawala ang epekto nito sa katawan ko. Ang isipan ko lang ang tuluyang nalasing sa mga salitang binitiwan ni Damian Villareal.

Pakakasalan ko siya? Papakasalan ko ang tiyuhin ng ex-boyfriend kong manloloko?

Ano 'to, panaginip?

Umiling ako, pilit inaalis ang kalituhan sa utak ko. “Wait, Damian, seryoso ka ba talaga?”

Hindi man lang siya nag-atubili. Tumango siya, saka dahan-dahang uminom muli ng whiskey niya na para bang wala lang.

“Yes, I’m serious.”

Napatawa ako—hindi dahil sa tuwa, kung 'di dahil sa hindi makapaniwalang sitwasyong ito. “Hindi ko alam kung epekto lang ng alak ‘to, pero sigurado ka bang nasa tamang wisyo ka? Humihithit ka ba? Baka napasobra ang pagtikim mo ng drugs.”

Mas lumalim ang ngiti niya, pero hindi ito masaya—para itong ngiti ng isang lalaking sanay sa laro, sanay sa transaksyon, at sanay sa paghawak ng kapalaran ng ibang tao sa kanyang palad.

"I don't drink when I make business proposals, Miss Belle Ramirez."

Business? Proposal?!

Parang lalo akong tinamaan ng hilo, hindi dahil sa alak kung 'di dahil sa direksyon ng usapang ‘to.

“Wait—so you’re telling me… gusto mong pakasalan ako. Pero hindi dahil mahal mo ako.”

Tumango siya, hindi man lang kumurap. “Tama.”

“Hindi dahil gusto mo ako?”

“Hindi rin.”

Napalunok ako. "Then why?"

Bumuntong-hininga siya, saka tumingin sa akin na para bang sinusukat kung kaya ko bang tanggapin ang sagot niya.

"Dahil may kailangan ako," aniya. "At may kailangan ka rin."

"Kailangan ko?" Napakunot-noo ako. "Damian, wala akong kailangan sa 'yo—"

"Revenge."

Natahimik ako.

"You need revenge," aniya, mas mababa ang tono ng boses niya, pero mas matalim ang bawat salita. "Gusto mong masaktan si Adrian sa paraang hindi niya kayang lunukin. At ako? Kailangan kong isalba ang reputasyon ko sa pamilya ko."

Napakuyom ang kamay ko. "So... ikaw din?"

Umangat ang isang sulok ng labi niya. "Yes. Hindi lang ikaw ang may unfinished business sa kanya."

Napalunok ako. Shit.

Kung totoo ang sinasabi niya, ibig sabihin, hindi lang basta ordinaryong billionaire si Damian. May personal din siyang dahilan para gawin 'to kay Adrian.

Pero bakit ako?

"Maraming ibang babae riyan, Damian Villareal," sabi ko nang mahina. "Bakit ako?"

It was a valid question. Kung kailangan lang niya ng babaeng ipapakita sa pamilya niya, maraming willing d'yan. Pero bakit ako—ang ex-girlfriend ng pamangkin niya?

"Because you are perfect for this role," sagot niya, diretso at walang pag-aalinlangan. "Ikaw ang babaeng pinakaayaw makita ni Adrian sa tabi ko. Ikaw ang babaeng hindi niya kayang tiisin na nasa akin."

Mas lumalim ang titig niya at ramdam ko ang bigat ng mga salita niya.

“At gusto kong makita kung paano siya masisira kapag nalaman niyang ikaw ang babaeng magiging asawa ko.”

Tangina.

Napapikit ako. Hindi ko alam kung anong mas nakakabaliw—ang mga sinabi niya o ang katotohanang sa loob-loob ko… may parte sa akin na natutuksong tanggapin ang alok niya.

"Damian, this is insane," bulong ko, hindi makatingin sa kanya.

"I know."

"And it's wrong."

"Maybe."

"And it won't end well."

Umangat ang isang kilay niya. "Who said anything about happy endings?"

Napatingin ako sa kanya.

Si Damian Villareal ay hindi mukhang lalaking naghahanap ng kwento ng fairytale. Hindi siya prinsipe sa isang love story. Siya ang lalaking handang gumawa ng sarili niyang ending kahit pa madugo o masakit ang proseso.

Sa pagitan ng mga pangakong nawasak at damdaming hindi ko kayang intindihin, isang tanong ang hindi ko maiwasang umalingawngaw sa utak ko.

Kaya ko bang sumabay sa laro niya?

Dahil kung tatanggapin ko ang alok niyang kasal… wala nang atrasan.

Pinaglaruan ko ang baso sa harapan ko, sinusubukang iwasan ang tingin ni Damian.

Pakakasalan ko ba siya?

Ang utak ko ay tila isang sirang plakang paulit-ulit na inuulit ang tanong na ‘yon. Ilang minuto na ang lumipas mula nang marinig ko ang kanyang alok, pero hindi ko pa rin alam kung paano iyon ipoproseso.

“Belle Ramirez.”

Napatingin ako sa kanya. Masyadong mapanuri ang tingin niya, para bang binabasa niya kung ano ang iniisip ko.

“Tinatanggap mo ba ang alok kong kasal?” tanong niya, malamig at diretso.

Napalunok ako. “Damian, this is crazy.”

“Hindi ko sinabi na hindi.”

“Hindi lang ‘to basta kasunduan—”

“Pero hindi rin ito tungkol sa pag-ibig,” putol niya sa akin. “So don’t overthink it.”

Napapikit ako at huminga nang malalim. Hindi ko alam kung paano naging ganito kabilis ang pangyayari. Kanina lang, dinadala ko pa ang sakit ng pagtataksil ni Adrian, galit ako, durog ako. Pero ngayon, may isang lalaking kaharap ko, isang lalaking may hawak na alok na kayang baguhin ang takbo ng buhay ko.

Isang papel na kasal.

Isang kasunduang walang halong emosyon.

Isang pagkakataong makita kung paano babagsak si Adrian sa sandaling malaman niyang ang babaeng pinabayaan niya ay magiging asawa ng taong hindi niya kayang pantayan—ng mismong tiyuhin niyang mas makapangyarihan, mas mayaman, at mas delikado kaysa sa kanya.

Naramdaman ko ang isang pirasong pride na bumangon mula sa loob ko.

“Bakit ako?” mahina kong tanong.

Tumaas ang isang kilay niya. “Sinabi ko na ‘yan.”

“Hindi ‘yong dahilan mo kay Adrian,” saad ko. “Bakit mo ako gustong pakasalan? Pwede kang humanap ng kahit sinong babae na willing pumasok sa ganitong kasunduan. Bakit ako, Damian?”

Tumahimik siya sandali, saka marahang bumuntong-hininga.

“Dahil hindi ka mahina.”

Napakurap ako. “Ano?”

“You are not weak, Belle,” ulit niya, mas matigas ang boses. “Hindi ka katulad ng ibang babae na tatakbo palayo pagkatapos mong masaktan. Hindi ka umiyak sa isang sulok. Imbes, nandito ka, nakatingin sa akin nang diretso, pilit lumalaban sa sakit kahit na halata sa mata mo kung gaano ka durog.”

Hindi ko alam kung bakit, pero ang mga salitang ‘yon ay may kung anong ginawa sa akin.

Kasi totoo.

Hindi ako umiyak sa harap ni Adrian. Hindi ako nagmakaawa. Hindi ako lumuhod at nakiusap na mahalin niya akong muli.

Lumaban ako.

Ngayon, nakaupo ako sa harap ng isang lalaking nag-alok ng paraan para bumangon nang tuluyan at tulungan akong ipaghigante laban kay Adrian.

“Alam kong hindi ka madaling maapektuhan ng takot, Belle,” pagpapatuloy ni Damian. “At alam kong kaya mong panindigan ang isang kasunduang tulad nito.”

Napakuyom ako ng palad.

“Paano kung hindi?” hamon ko.

Nagbaba siya ng tingin sa baso niya bago muling tumingin sa akin. “Then you’re free to walk away.”

Doon ako natigilan.

Dahil alam kong may choice ako.

Pwede kong tanggihan ang lahat ng ‘to, pwede akong tumayo at lumabas ng bar na ito, iiwan ang lahat ng sakit at galit ko. Pero kaya ko ba? Kaya ko bang hayaang si Adrian ay lumakad palayo na parang wala lang nangyari?

O gusto kong ipakita sa kanya kung sino ang babaeng hindi niya kayang lokohin?

Bumigat ang dibdib ko, at alam kong dumating na ako sa puntong hindi ko na mababawi.

Huminga ako nang malalim bago ko siya tinignan.

“Kailan ang kasal?”

Walang nagbago sa ekspresyon niya. Para bang alam niyang tatanggapin ko ‘to mula sa simula.

“Sa lalong madaling panahon.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Marrying My Ex's Billionaire Uncle   Epilogue

    Damian's POV "Mommy! Daddy! Look at me!" Tumingala ako mula sa iniihaw kong barbecue sa garden at nakita ko si Alia, ang aming limang taong gulang na anak, na masayang umiikot sa damuhan suot ang kanyang pink na dress. Kumakaway siya habang nakataas ang maliit niyang kamay, hawak ang isang bulaklak. Napangiti ako at napailing. Ipinunas ko ang tuwalya sa aking mga kamay at lumapit kay Belle, na nakaupo sa garden bench, nakasandal habang hawak ang isang lemonade. "You okay, Wifey ?" bulong ko, hinalikan ko siya sa ulo. "More than okay," sagot niya habang nakatingin kay Alia. "Parang kailan lang, nasa tiyan ko pa siya." Tumingin kami sa isa't isa, parehong may ngiti sa aming mga labi — ang uri ng ngiting puno ng alaala, pagmamahal, at pasasalamat. Five years. Five wonderful, crazy, beautiful years. Matapos naming maging magulang, unti-unti naming inayos ang buhay namin sa paraang hindi mawawala ang paglalambingan at pagmamahalan namin ni Belle. Nagpalit ako ng trabaho setup — an

  • Marrying My Ex's Billionaire Uncle   Chapter 91

    Damian’s POV Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko habang nakatitig kay Belle. Nakatayo siya sa gitna ng baby shower venue, suot ang pastel pink maternity gown, isang kamay nakapatong sa bilog na niyang tiyan, at ang isa ay nakahawak sa maliit na teddy bear na ibinigay sa kaniya ni Mommy bilang regalo. She was glowing. Radiant. Beautiful beyond words. Habang pinagmamasdan ko siya, hindi ko maiwasang maramdaman ang matinding pagmamalaki at pasasalamat. She's my wife. She's carrying our daughter. She's the woman who turned my world into something beautiful. Lumapit ako sa kanya at marahan siyang hinalikan sa noo. "Are you happy?" bulong ko. Tumango siya, habang kumikislap ang mga mata. "More than happy," sagot niya. Lumipas ang mga araw, pagkatapos ng baby shower, naging mas close pa kami ni Belle. Lagi akong nagpapahinga ng schedule para samahan siya sa mga checkups niya. Walang isang appointment ang pinalagpas ko. Gusto ko, bawat tibok ng puso ng anak namin sa ultrasound, n

  • Marrying My Ex's Billionaire Uncle   Chapter 90

    Belle's POVHindi ko mapigilan ang mapangiti habang pinagmamasdan si Damian na abalang nag-i-sketch sa notebook niya. Para siyang bata na excited sa bagong laruan.“Naisip ko,” sambit niya, hindi inaalis ang tingin sa papel, “na gawing pastel pink and white ang theme ng nursery. Tapos lots of fluffy clouds and maybe stars sa ceiling.”Napatawa ako habang hinihimas ang baby bump ko. “Mukhang mas excited ka pa kaysa sa akin, Mr. Villareal.”Lumapit siya sa akin, hinawakan ang kamay ko at hinalikan ang mga daliri ko. “Of course. Gusto kong maging perfect ang lahat para sa little princess natin.”Nag-set kami ng weekend para puntahan ang isang sikat na baby store sa city. Hindi namin sinayang ang oras — pagpasok pa lang, para kaming mga batang naglalaro sa loob.“Belle, look!” Tuwang-tuwa si Damian habang bitbit ang isang maliit na crib na may ukit ng mga bituin at ulap.Napangiti ako. “Ang cute! Pero… hindi ba masyadong maliit ‘yan?”“Hmp. Baby pa naman siya. Hindi naman siya agad lalaki

  • Marrying My Ex's Billionaire Uncle   Chapter 89

    Belle's POV “Hubby, look o…” Tinutok ko ang camera ng phone sa salamin habang naka-side view ako. “Mas halata na talaga si baby, ‘no?” Lumapit si Damian mula sa likod at niyakap ako, marahang hinaplos ang nakausling bahagi ng tiyan ko. “Ang ganda mo pa rin, kahit may bitbit ka nang laman ng langit.” Napangiti ako. “Flattering. Pero seryoso, hindi na kasya ‘yung mga fitted dress ko.” “Then we shop for maternity clothes today. Lahat ng gusto mo. Even ten pairs of comfy pajamas kung gusto mo.” Napahalakhak ako. “Ten agad?” “Gusto ko lang naman na komportable ka. Lalo na’t mas active na si baby ngayon.” Ilang beses ko nang naramdaman ang kakaibang paggalaw sa loob. Para bang maliliit na butterflies na kumakampay sa tiyan ko. Sa tuwing umaga, siya ang unang gumigising para lang ipagluto ako ng agahan. Laging may prutas, mainit na gatas, at isang espesyal na ulam depende sa cravings ko. Minsan sinigang sa umaga, minsan champorado na may tuyo. “Okay ka lang, Wifey?” tanong niya haban

  • Marrying My Ex's Billionaire Uncle   Chapter 88

    Belle’s POVNakahiga ako sa tabi ni Damian, nakabalot ang katawan ko sa kanyang mga bisig. Kapwa kami walang saplot, pero hindi malamig… dahil sapat ang init ng mga katawan namin para punuin ang buong kwarto ng init at damdamin.Ang ilaw ng buwan ay dumadaloy sa puting kurtina. Tumama ito sa mukha niya na parang spotlight—at sa sobrang gwapo niya, para siyang painting ng isang diyos ng pag-ibig na nilikha para sa akin lang.“Grabe ka,” mahinang bulong ko habang hinahaplos ang kanyang dibdib. “Parang hindi ka napagod.”Ngumiti siya, tamad at mapanukso. “How could I be tired? I'm with the woman I love… and the baby I already adore.”Hinimas-himas niya ang tiyan ko na bahagyang nakausli. Hindi pa ito halata, pero sa kanya—ito na ang pinakabanal na parte ng katawan ko."I still can’t believe it," he whispered, placing a soft kiss on my belly. "There's a little version of us growing inside you."“Do you want a boy or a girl?” tanong ko habang nilalaro ang buhok niya."Hmm..." kunwaring nag

  • Marrying My Ex's Billionaire Uncle   Chapter 87

    Belle’s POVPagkakain ko ng chocolate na ibinigay ni Damian, parang may mainit na dumaloy sa katawan ko. It wasn’t the usual kind of sweetness na dulot ng tsokolate. It was deeper… raw… almost like a fire igniting something dormant inside me.Unti-unti kong naramdaman ang panginginig sa laman ko, hindi dahil sa lamig kundi sa tila hindi maipaliwanag na init na gumapang sa balat ko. Napahawak ako sa gilid ng couch habang pinipigilan ang hindi maipaliwanag na kilabot na tila gumuguhit sa batok ko pababa sa spine. Every inch of me started to ache—but not in pain. It was desire. Craving. Hunger.Bumukas ang sliding door at agad kong narinig ang pagpatak ng tubig mula sa buhok ni Damian. Basang-basa siya, kagagaling sa shower, at habang naglalakad siya papalapit sa akin, may kung anong primeval energy ang naramdaman ko. Parang biglang tumahimik ang paligid. Tanging ang tunog ng kanyang mga hakbang at tibok ng puso ko lang ang naririnig ko.He looked dangerous. Irresistibly dangerous.He wa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status