Share

CHAPTER 3: Church Or Jail?

     "Ano?!"

        Umalingawngaw ang boses ni Serene sa buong opisina. Halos lumuwa na ang kanyang mga mata.

      'Totoo ba 'yong narinig ko? Kailangan ko na yatang maglinis ng tainga.'

      "Yup, you heard it right, Ms. Mendez. You're fired at kailangan mong magbayad ng ten million dollars for the damages," sabi ng matandang lalaki na para bang alam nito ang nasa isipan ni Serene.

        'Damn. Ito na naman. Bakit palagi na lang akong naiinvolved sa pera kahit saan ako magpunta?'

     Saglit na pinilig ni Serene ang kanyang ulo. Hindi siya makapaniwala. She gulped a lump in her throat. "S-Sorry, Sir. P-Pero seryoso po ba kayo?"

       "A mess just happened inside my VIP bar last night. Tingnan mo 'to. Ito ang resulta ng kagagawan mo. Alam mo ba kung magkano 'to?" Itinuro ng matanda ang box na may mga basag na baso at bote ng alak. Pinanliitan siya ng mata nito. "Do you think I am in the mood to joke around?"

       'Naku po! Sana panaginip lang 'to. Pakiusap gisingin niyo 'ko!'

       "Stop hitting your own head,  Ms. Mendez." Sinadyang ibinagsak ng matanda ang kamay nito sa marble na mesa. "Hindi ka nananaginip. Ito ang reyalidad. Sino ang magbabayad ng mga utang mo kapag nabaliw ka ng tuluyan?"

        Awtomatikong napahinto si Serene dahil sa gulat at hiya. Hindi niya napansin kung ano ang pinaggagawa niya. Habit niya kasi 'to at minsan ay hindi na niya nakokontrol ang kanyang sarili lalo na kapag nagpipigil siya. Kung hindi lang niya boss ang matandang ito, malamang ay hindi siya hahantong sa nakakahiyang habit na ito.

        "P-Pero, Sir. Parang sobra naman po yata 'yon. Dalawang bote ng alak at isang baso lang naman 'yong nabasag ko. At saka, pinoprotektahan ko lang naman ang sarili ko sa manyakis na 'yon. Alam kong walang boss na hahayaang bastusin ang mga empleyado nila, 'di ba, Sir?" paliwanag niya habang unti-unting namumuo ang pawis sa kanyang noo.

      Bumuntong-hininga ang matanda. "Sinasabi mo bang masama akong boss?"

        "H-Hindi naman, Sir. Hindi 'yon ang ibig kong sabihin. Sa tingin ko lang hindi 'yon patas–"

        "Fifteen million dollars."

        "P-Po? Sir, ano po ang ibig niyong sabihin?"

         "Twenty million dollars."

          Muntik nang mahimatay si Serene sa kanyang kinauupuan.

      

        "No, wait. Sir, please! Nagmamakaawa po ako sa inyo. Kahit ibenta ko pa ang kaluluwa ko sa demonyo, hindi ko pa rin kayang bayaran ang ganoon kalaking halaga. Bawat sentimo ay mahalaga sa akin."

       

          "Twenty-five million dollars."

          'Lintek na 'yan! Ang sama pala ng ugali ng matandang ito!'

         "Teka lang, Sir. Mali 'to. Please, pakinggan niyo muna ako. Nagmamakaawa po ako sa inyo."

      Sobrang nagpapanic na si Serene. Hindi na niya alam kung ano ang gagawin. Naiipit na naman siya.

        'Argh! Bakit ba lumaki ng ganoon ang ten million dollars na 'yon sa ilang segundo lang? Hindi ko 'to matatanggap!'

        Tuluyang naging blangko ang utak niya. Bakit ba kasi hindi muna siya hayaan nitong magsalita at pakinggan siya kahit isang minuto lang? Tinanggal na nga siya nito bilang tagahugas ng baso. She felt so taken advantage of!

        Wala na talaga siyang ibang maisip. Sapat na 'yong matanggal siya pero ang magbayad ng ganoong halaga dahil doon sa mga nabasag niya? No way!

          Mabilis siyang kumuha ng isang basag na piraso ng bote at itinutok ito sa sariling leeg. Nanginginig siya sa kanyang ginagawa.

        "Sir, since hindi ka naman makikinig sa akin, mas mabuti na lang siguro na mamatay ako. This way, hindi na ako makapagbayad ng ganoong halaga na napakaimposibleng bayaran ng isang mahirap kagaya ko. Hindi mo na rin ako mapapakulong. Wala namang silbi ang buhay ko at wala akong pake kung mamamatay ako ngayon din. Matatalo ka, Sir," sabi niya habang hinahabol ang sariling hininga.

       

        Natigilan ang matanda. Ang istriktong mukha nito ay tila ba lumambot at napalitan ng pagkabahala.

         "Kahit patay na ako, hindi kita hahayaang mabuhay ng tahimik. I'll turn into a vengeful ghost and haunt the shit out of you. I swear I'll tear you apart kapag nakita kita sa impyerno," dagdag niya.

   

         The old man anxiously crossed his arms on his chest and sat straight. Halatang pinipilit nitong itago ang gulat nito sa ginawa niya. Hindi niya ito ini-expect dahil sa pagkakaalam niya, Serene fears death the most.

       He cleared his throat. "Ms. Mendez, stop wasting my time. Sabihin mo lang sa akin kung ayaw mo magbayad. May iba naman akong paraan."

      "P-Po?"

       Unti-unting lumuwah ang pagkakahawak ni Serene sa matulis na bagay.

        Tumango ang matanda. "But first, put that down."

         "O-Opo..." Awkward niya itong inilagay pabalik sa box.

        Sa wakas ay nakahinga na siya ng maluwag. Of course,takot siyang mamatay 'no! Kahit ang intensyon niya lang ay takutin ang matanda pero wala talaga siyang planong magpakamatay.

       'So ito lang pala ang solusyon? Sana naisip ko 'to kaagad kanina. Siguro hindi lolobo ng ganoon 'yong pagbabayaran ko.'

        "So, a-ano 'yon, Sir? Pangako, gagawin ko ang lahat."

       

      'Ah, bakit ba palagi na lang akong naiipit sa ganito?'

      "Well, you only need two do two things, Ms. Mendez. First, you have to marry my grandson. Alam mo namang matanda na ako at bilang na ang mga araw ko. Gusto lang siguraduhin na hindi siya mag-iisa pagkatapos kong lisanin ang mundong ito. Second, I want to see my great-grandchild above anything else. Of course, hindi lang 'yong utang mo sa akin ang mababayaran mo, I will pay all your debts until the last penny with just one swipe," kaswal na sabi ng matanda.

        "A-Ano?!"

          Bumagsak ang panga ni Serene sa narinig. Nanuyo ang kanyang lalamunan dahil sa kakahigop niya ng hangin. Mauubusan yata siya ng hininga sa mga sinasabi nitong boss niya. Parang mahihimatay siya anumang oras.

        'Anak ng pating naman, oh!  Ano ba 'tong pinagsasabi niya? Kaninang umaga lang, nadurog ang puso ko tapos pagkalipas ng ilang oras, nagkaroon ako ng ka-date at future husband? Hindi lang 'yan, may kasama pang 'great-grandchild' na kondisyon! Punyemas na 'yan! Ano ba ang nagawa ko sa past life ko at pinarusahan ako ng ganito?!'

     "Ms. Mendez, let me clarify myself. Dalawa lang ang pwede mong puntahan. Simbahan o kulungan?"ngumisi ang matanda ng may halong pagbabanta.

       'Maryosep! Sana matamaan ako ng kidlat! 'Yong pang one hit talaga para isang sakit lang at dedz na agad!'

       Namayani ang katahimikan.

      Gulung-gulo ang isipan niya. Ni hindi nga niya maisuko ang bataan kahit gaano niya pa kamahal 'yong tao, 'yong magkaanak pa kaya sa taong hindi niya kilala?

       Bago pa siya makahanap ng isasagot sa alok ng matanda, biglang nang-ring ang kanyang cellphone. Nagpaalam muna siya saglit at sinagot ito. Sumikdo ang takot at kaba niya sa dibdib nang makita ang pangalan ng caller. Si Dr. Lynch ito, ang doctor ng kanyang anim na taong gulang na kapatid na si Sherry.

        Matapos ang ilang minutong pag-uusap nila, pinunasan muna ni Serene ang luha sa kanyang mga mata. Bagsak ang balikat niya habang bumalik sa loob ng opisina.

       Why is this world so unfair to them? Ang gusto niya lang naman ay mabuhay ng normal ang kanyang kapatid. It doesn't matter if she have to crawl on her knees as long as her sister is doing fine. But that was just a wishful thinking. The reality for them is inescapable unless a miracle happens.

        'Bakit? Bakit kami pa? Hindi pa ba sapat ang paghihirap namin?'

   

         Serene faked a cough and sat down on the same seat. Matamang tininingan naman siya ng matanda. There was confidence in his eyes. He smelled success in his plan.

        "G-Gagawin ko 'yon, Sir," halos pabulong na sabi niya habang nanginginig ang kanyang labi. Her fists clenched under the table  as she pressed them tightly on her knees.

        "Oh? I didn't quite hear it. Ano nga ulit 'yong sinabi mo?"

          He playfully scratched his ear with his pinky finger. There he was completely smirking like the cunning old man he was.

          'Sir, bakit hindi na lang tayo ang magpapakasal at araw-araw kitang isusumpa na dalawin ni Kamatayan nang sa ganoon ay mapapasakin na ang lahat ng yaman mo?'

        She wanted to say out of frustration.

       Bam!

       Hindi na niya napigilan ang kanyang emosyon. Bumagsak ang kanyang kamao sa marble table na nasa gitna nilang dalawa.

        "I will do it, Sir! Wala akong pake kung sino man ang gusto mong ipakasal sa akin. Just... Just give me someone to marry and I'll have my reward! Damn it, why am I even saying this!"

       "Now that's the spirit! Gusto ko 'yan." He spread his arms to the heavens like his wish has been granted.

         Napairap na lang siya sa isip niya dahil sa inis. Nanggigil tuloy siyang suntukin ito sa mukha. Hindi niya kasi matanggap na napapaikot siya ng matandang ito.

         After he celebrated his success, he pulled out a piece of paper from the wooden shelf behind him at binigay ito sa kanya.

        "Sign this contract and deal done,"sabi nito na bumalik na sa seryosong pagmumukha.

        Kinuha niya ito at siniguradong basahin ng mabuti. Kailangan niyang mag-ingat lalo na sa mga ganitong bagay na kailangan ng signature niya.

        Handa na siyang madiskubre ang nakasulat dito pero nagtaka siya nang dalawang pangungusap lang ang nakaprint sa gitna ng maluwang na papel.

        'I am Serenity Mendez. I swear I'll be struck by a lightning if I break or fail to fulfill our agreement.'

     'Gago! Anong klaseng kalokohan ba 'to? Kontrata pa ba 'to? Parang tanga.'

        "Are you signing it or not? Sinasayang mo lang ang oras ko, Ms  Mendez," pabalang na sabi nito at saka humikab."Two minutes left and I'll be late for my meeting."

          Wala nang ibang sinabi si Serene. Pissed as hell, she grabbed the pen and signed the paper without blinking.

       'Tama. Ginagawa ko 'to para kay Sherry at sa mga utang namin.'

       "By the way, three days later is the day. See you soon, my future granddaughter-in-law." Kumindat ito sa kanya at umalis na para sa meeting.

        Inabot siya ng ilang segundo para mag-sink-in sa utak niya ang sinabi ng matandang boss.

       "Anak ng! Ano 'yon?!"

        

      

            

        

        

        

    

        

      

     

     

      

    

        

      

        

       

      

        

  

        

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status