Share

Marrying Sage Christensen
Marrying Sage Christensen
Author: Darkei Vance

CHAPTER 1: Rain And Betrayal

       "Ang aga namang nag-eemote ng panahon. Broken yata."

        Napatingala si Serene sa maulap na kalangitan habang niyayakap ang sarili dulot ng malamig na ihip ng hangin. Maya-maya pa lang ay nagsimula nang bumagsak ang maliliit na butil ng ulan sa kanyang mukha.

        It looks like she's going to be late on her appointment with her boss again. Mabuti na lang at considerate ito sa kanya. Alam kasi nitong napakabusy niya dahil may tatlo siyang part-time jobs araw-araw.

       "Lagot. Bakit ba kasi kailangan pang umulan kapag wala akong dalang payong? Ganito na ba talaga ako kamalas?"

     Napabuntong-hininga na lang si Serene at nagsimulang igala ang paningin sa paligid para maghanap ng masisilungan. She was relieved when she spotted a coffee shop on the other side of the road.

          "Magkakape na lang muna ako doon at hintaying huminto ang ulan," she mumbled.

           Nang mag-green light na ay tumawid na siya sa daan habang hindi pa tuluyang lumakas ang ulan. Pumasok kaagad siya sa coffee shop at inorder ang kanyang paboritong French Vanilla coffee.

        She sat near the glass window, looking at the rippled rain water sliding down like little waves. Habang ine-enjoy niya ang sandaling ito, biglang inagaw ang kanyang atensyon ng dalawang tao na kahihinto lang sa labas. Sa tantiya niya ay magkasintahan ang mga ito dahil kulang na lang ay lalanggamin ito sa ilalim ng iisang payong.

        Ngunit hindi niya maintindihan ang sarili nang bigla na lang siyang makaramdam ng tila ba'y pagkabalisa. 'Yong feeling na hindi na niya gustong maramdaman ulit. 'Yong feeling na nagdudulot sa kanya ng trauma. Sunud-sunod na lumagabog ng malakas ang kanyang dibdib.

       Bumaba ang tingin niya sa kanilang magkahawak na kamay. It was at this moment when a pang of pain hit her hard. Halos mag-hyperventilate na siya sa sobrang kaba.

         'Ang tattoo na 'yan... N-No... Hindi 'to totoo. Alam kong nasa ibang bansa siya ngayon para bisitahin ang lola niya.'

         Wala sa sariling nilagok ni Serene ang kape para sana kumalma siya pero bigla siyang nasamid dahil sa init nito. Napaso yata ang dila niya. Wala na siyang magawa pa at nilunok na lang ito. Nakakahiya kasi sa mga tao pag iluluwa pa niya. Her face was tomato red as she wiped herself clean.

        Nang makarecover na siya sa katangahan niya, parang may demonyong bumulong sa kanya upang tingnan ang mala-Kdrama na eksena sa labas. It was a damn perfect timing. Kakababa lang ng lalaki sa hawak nitong payong dahilan upang malantad ang pagkakakilanlan ng mga ito.

         At dito na huminto ang mundo.

         Serene felt her heart being mercilessly stabbed by thousands of daggers until they were torn to shreds. Parang pati kaluluwa niya ay nanginig sa nakita.

         "H-Hindi... Hindi ito magagawa ni Thane sa akin. Iba siya sa kanila, 'di ba?" she whispered to herself in pain and disappoinment. Mahigpit niyang ikinuyom ang mga kamao na nakapatong sa ibabaw ng tuhod niya.

        Mabilis na nagreact ang mga mata niya habang natulala siya sa pagpoproseso sa nasaksihan.

         Tears left wet marks down her flustered cheeks pero kaagad niya itong pinahid gamit ang likod ng kanyang kamay. Hindi siya makapaniwala na pang-pito na si Thane sa mga nangloko sa kanya. Hindi yata nito alam kung gaano kahirap para sa kanya ang magmahal ulit. Akala niya iba ito. 'Yon nga, akala lang pala niya.

          She thought he meant all those promises. But she was wrong, he's a big liar after all! He's no different from those assholes who dumped her before dahil hindi niya maibigay ang kanilang kagustuhan!

       'Kasalanan ko naman. I trusted him so much that I was blinded by his lies. I was confident that his intentions were pure. Ngayon, inaani ko na ang tinanim ko,' she said bitterly in her mind.

     Habang blankong nakatitig si Serene sa kanila, hindi niya maiwasang ikumpara ang sarili sa ipinalit sa kanya. She could tell na ang babaeng ito ay mayaman at 'di hamak na 'mas' angat ito sa kanya sa lahat ng bagay.

         However, despite the layers of make up and expensive clothes she was wearing, her face screams the obvious fact of aesthetic procedures. Pero hindi pa rin maipagkakailang maganda ito.

       Ngayon lang siya nakaramdam ng grabeng insecurity sa buong buhay niya. Napagtanto niyang nagmukha lang pala siyang lumang basahan sa tabi ni Thane.

       Napahinto siya sa kanyang pagmumuni-muni nang bigla siyang inirapan ng babae. Paiyak na naman sana siya ngunit umurong ang luha niya.

        'A-Ano 'yon?'

        Ang sakit na nararamdaman niya ay napalitan ng galit at pait. Hindi niya lubos maisip na ganoong klaseng babae ang ipinalit ni Thane sa kanya. Mayaman at maganda nga, ma-attitude naman.

       Tumayo si Serene sa kinauupuan nang biglang magkatagpo ang paningin nila ni Thane. Ganoon na lang ang pagkadismaya niya sa reaksyon ng lalaki. Hindi man lang ito nagulat na para bang wala itong pakialam kung ano man ang nakita niya. Ni guilt o kaunting remorse ay wala. Sa halip ay taas-noo at proud pa itong nakipagtitigan sa kanya. Or worst, baka sinadya lang talaga ng mga ito na ipakita ang kalokohan nila.

     'Putangina mo, Thane. Ang kapal ng mukha mo!'

       Sandaling nakalimutan ni Serene ang sakit ng harap-harapang panloloko.

         

       'Kung akala mo madali lang ito, Thane, puwes, nagkakamali ka.'

        Hinablot niya ang sling bag at isinukbit sa balikat saka mabilis na naglakad palabas ng coffee shop. Pinagmukha siyang uto-uto ni Thane kaya kailangan niyang gumanti.

       Nang nasa harapan na siya ng dalawa, binigyan niya ito ng nandidiring tingin.

     

        "B-Bakit, Thane?" mahinang tanong niya habang pinipigilang mag-crack ang boses. "Akala ko ba iba ka sa kanila?

       "Wala lang. I just thought you were 'fun' to be with," Thane said in a flat tone with a jerky grin. "But, Serene, you bore me to death."

        'A-Ano raw? Ako? Boring?'

         Saglit siyang natigilan sa sinabi ni Thane. Lahat ay nagflashback sa kanya. That word was painfully nostalgic for her.

         "You heard that, witch? Ngayon alam mo na kung bakit binasura ka niya. Baka nakalimutan mo, if you can't satisfy your man, others will," maarteng sumabat ang babae habang may mapanuksong ngiti at malanding niyapos ang bisig ni Thane saka humilig sa balikat nito.

      'A-Anak ng! Proud pa talaga silang dalawa sa kabalbalan nila.'

        Muntik na siyang masuka sa sinabi ng babae. Kung alam niya lang na gusto lang ni Thane na ikama siya, hindi niya sana ito binigyan ng chance para maging boyfriend niya. Mabuti na lang at alam niya ang boundaries niya every time na nagpapahiwatig si Thane sa kanya. Iritado siyang napabuga ng hangin at pinagkrus ang kamay sa dibdib.

        Lahat ng dating nobyo niya ay ganoon ang rason bago siya lokohin at iwan ng mga ito. Ang habol lang nila sa kanya ay ang isang bagay na hindi niya kayang ibigay.

          Gusto lang naman niya ng masasandalan a magsusuporta sa lahat ng pagdadaanan niya. 'Yong tatanggapin siya kung ano siya. 'Yong maiintindihan siya at irerespeto ang mga desisyon niya. Ngunit bakit puro uhaw sa laman ang laging ibinigay sa kanya ng tadhana?

           "Alam mo ba, Thane? Naniniwala ako sa karma. Pero 'wag kang mag-alala. Hindi ako gagawa ng eskandalo dito. Hindi ko itataya ang kahihiyan ko sa'yo dahil hindi ka worth it. Sino ka ba? At saka, hindi ko sisirain ang moment mo dito sa bantay-salakay na babaeng ito. Hindi ako naninira ng kaligayahan ng iba."

          "What did you just call me, you cheap witch?!" sinigawan si Serene ng babae.

          Si Thane naman ay hindi makaimik. Parang may malalim itong iniisip. Tila ba hindi nito inaasahan ang mga katagang iyon. Sinamantala ni Serene ang sandaling ito.

          "Ano, Thane? Ini-expect mo ba na iiyak ako at magmamakaawang balikan mo? Ngayong ipinakita mo na ang totoong kulay mo, I say you're not worth my tears. Para naman doon sa mga oras na nasayang ko sa'yo, I may not be able to claim it back but they're worth a thousand lessons."

         Namayani ang katahimikan. Bumaling naman siya sa naggagalaiting babae sa tabi ni Thane.

       "Hoy, babae. Kung akala mo naagaw mo na ang boyfriend ko, puwes, nagkakamali ka. Problema ang naagaw mo sa akin kaya 'wag kang masyadong proud. You just saved me from this cheating parasite. Once a cheater, always a cheater. Maniwala ka man sa hindi, ikaw ang susunod na biktima, girl."

          "You! I'm gonna rip your scalp off! Let me go, Thane!" The girl squirmed in rage as she jerked Thane's hand away from her to attack Serene.

           "Stop it, baby. She's not worth your time," mahinahong sabi ni Thane sa babae at niyakap ito ng mahigpit.

           Bitterness swallowed Serene but she hid it behind her smirk. Nagmukha tuloy siyang kontrabida.

        "Well, hindi rin naman kayo worth it ng oras ko. Wait, ano 'tong naaamoy ko? Parang amoy nalalantang laman?" sabi niya na parang nasusuka at saka pinasadahan ng nandidiring tingin ang suot nitong mini skirt.

      "Oops, my bad," she added, covering her mouth with nothing but pure sarcasm. "Amoy kanal pala. May leaking yata sa drainage dito."

         "I'm gonna kill you, ugly witch!"malakas na sigaw ng babae na animo'y bulkang sumabog. Kung hindi lang ito pinigilan ni Thane, malamang ay umatake na ito.

          'Bwesit na 'yan. Siya pa ang may ganang magalit na para bang ako ang may kasalanan. Ang kapal talaga ng mukha!'

         Mahigpit na ikinuyom ni Serene ang kamao. Tinaasan niya lang ito ng kilay habang may mapanuyang ngiti sa labi. Kung wala lang sila sa publikong lugar, malamang sinuntok na niya ito sa mukha nang tumabingi ang ilong nitong makaplastik.

       "Calm down, baby. I'm already yours. She's nothing but an irrelevant person to me now. So just please, please calm down. Alright?"

        Niyakap ni Thane ang babae at hinagod ang likod para pakalmahin ito na tila ba handa nitong kalabanin ang mundo para protektahan ito.

        Napakurap si Serene nang biglang nagflashback ang ganoong eksena nila ni Thane noon. It was supposed to be her. But now, isa na lamang siyang bahagi sa nakaraan nito. Humigit siya ng isang malalim na hininga nang maramdaman ang pag-init ng sulok ng kanyang mga mata.

       'Ano ba? 'Di ba ang sabi ko hindi ako iiyak? Ang tapang-tapang ko pa nga kanina.'

        With that, walang lingon-lingon siyang naglakad palayo habang kaya niya pang pigilan ang sarili.

          She was faking it all the time. Siya pa. Eksperto yata siya diyan.'Yong magkunwaring ayos lang kahit sa loob-loob ay durog na durog na.

       Nang makalayo na siya, hindi na siya nagtitimpi pa at inilabas ang mabigat na dinadala. She just let her tears burst out like a raging river.

       Habang naglalakad siya na puro iyak lang ang inaatupag, hindi niya namalayang dinala na pala siya ng sariling paa sa parking area ng coffee shop.

     Hindi niya alam kung coincidence man o sinadya talaga ng tadhana para bigyang hustisya ang sugatan niyang puso pero ang unang kumuha ng atensyon niya ang isa sa pinakamahalagang bagay sa buhay ni Thane–his motorcycle.

        

      

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status