All Chapters of Marrying Sage Christensen : Chapter 1 - Chapter 4
4 Chapters
CHAPTER 1: Rain And Betrayal
"Ang aga namang nag-eemote ng panahon. Broken yata." Napatingala si Serene sa maulap na kalangitan habang niyayakap ang sarili dulot ng malamig na ihip ng hangin. Maya-maya pa lang ay nagsimula nang bumagsak ang maliliit na butil ng ulan sa kanyang mukha. It looks like she's going to be late on her appointment with her boss again. Mabuti na lang at considerate ito sa kanya. Alam kasi nitong napakabusy niya dahil may tatlo siyang part-time jobs araw-araw. "Lagot. Bakit ba kasi kailangan pang umulan kapag wala akong dalang payong? Ganito na ba talaga ako kamalas?" Napabuntong-hininga na lang si Serene at nagsimulang igala ang paningin sa paligid para maghanap ng masisilungan. She was relieved when she spotted a coffee shop on the other side of the road. "Magkakape na lang muna ako doon at hintaying huminto ang ulan," she mumbled. Nang mag-green light na ay tumawid na siya sa daan habang hindi pa tuluyang lumakas ang ulan. Pumaso
Read more
CHAPTER 2: Sir?!
Mas lalong sumama ang pakiramdam ni Serene. Pinapaalala nito 'yong mga oras na inaalok siyang turuan ni Thane na magdrive. Wala siyang alam sa mga ganitong bagay pero sigurado siyang mamahalin ito dahil minsan na itong nagasgasan noon at halos ikinabaliw ito ni Thane. Ngunit nang maalala niya ang kawalang hiyang ginawa nito sa kanya at 'yong pagyakap-yakap nito sa babaeng ipinalit sa kanya, nabuhay muli ang galit at panghihinayang sa kanyang puso. Ngayon, kailangan niyang ilabas ang lahat ng iyon. Kailangan niya ng mapagbuntunan dahil hindi siya matatahimik pagkatapos niyang tratuhin na parang basura. Parang biglang sinapian si Serene ng masamang espiritu. Walang ibang bagay sa isip niya kundi paghihinagpis habang ang mga kamay niya ay madaling nakahanap ng gunting mula sa kanyang sling bag. "Goodbye to your precious treasure, Thane. Patawarin mo 'ko, Thunder, pero kailangan kung gawin 'to!" nanginginig sa gigil niyang sabi sa motorsiklo at walang pagda
Read more
CHAPTER 3: Church Or Jail?
"Ano?!" Umalingawngaw ang boses ni Serene sa buong opisina. Halos lumuwa na ang kanyang mga mata. 'Totoo ba 'yong narinig ko? Kailangan ko na yatang maglinis ng tainga.' "Yup, you heard it right, Ms. Mendez. You're fired at kailangan mong magbayad ng ten million dollars for the damages," sabi ng matandang lalaki na para bang alam nito ang nasa isipan ni Serene. 'Damn. Ito na naman. Bakit palagi na lang akong naiinvolved sa pera kahit saan ako magpunta?' Saglit na pinilig ni Serene ang kanyang ulo. Hindi siya makapaniwala. She gulped a lump in her throat. "S-Sorry, Sir. P-Pero seryoso po ba kayo?" "A mess just happened inside my VIP bar last night. Tingnan mo 'to. Ito ang resulta ng kagagawan mo. Alam mo ba kung magkano 'to?" Itinuro ng matanda ang box na may mga basag na baso at bote ng alak. Pinanliitan siya ng mata nito. "Do you think I am in the mood to joke around?" 'Naku po! Sana panaginip lang 'to. Pakiusap gisingin niyo 'ko
Read more
CHAPTER 4: Wedding Day
Ngayon ang nakatakdang araw ng napagkasunduang kasal. Tinotoo talaga ng matanda ang sinabi nito noon kay Serene. Nanginginig na bumaba ng kotse si Serene. Kaagad namang lumapit sa kanya ang designer at taga-makeup para i-check kung ayos lang ba suot niya at makeup. Suot niya ang isang mamahaling strapless na white wedding gown. Lumilitaw ang hulma ng kanyang balingkinitang katawan lalo na ang kurba ng kanyang maliit na beywang. Naiinitan na tuloy siya kahit kakababa niya lang. Tirik na tirik pa naman ang araw. 'Jusko. Ang hapit naman nito at ang init pa. Ano ako, piniritong lumpia?' May mabigat na turtle neck style necklace pa na nakasabit sa kanyang leeg. Dumagdag pa ang takong ng suot niyang heels. Kahit five inches lang ito at wala pang two minutes nang maglakad siya, pakiramdam niya ay maglulupasay siya anumang oras dahil sa kaba at pangangawit ng paa. Ayaw din naman niyang magreklamo kasi natural lang ito sa mga mayayaman. Ayaw niyang mapa
Read more
DMCA.com Protection Status