Share

CHAPTER 2: Sir?!

       Mas lalong sumama ang pakiramdam ni Serene. Pinapaalala nito 'yong mga oras na inaalok siyang turuan ni Thane na magdrive.  Wala siyang alam sa mga ganitong bagay pero sigurado siyang mamahalin ito dahil minsan na itong nagasgasan noon at halos ikinabaliw ito ni Thane.

      Ngunit nang maalala niya ang kawalang hiyang ginawa nito sa kanya at 'yong pagyakap-yakap nito sa babaeng ipinalit sa kanya, nabuhay muli ang galit at panghihinayang sa kanyang puso. Ngayon, kailangan niyang ilabas ang lahat ng iyon. Kailangan niya ng mapagbuntunan dahil hindi siya matatahimik pagkatapos niyang tratuhin na parang basura.

        Parang biglang sinapian si Serene ng masamang espiritu. Walang ibang bagay sa isip niya kundi paghihinagpis habang ang mga kamay niya ay madaling nakahanap ng gunting mula sa kanyang sling bag.

        "Goodbye to your precious treasure, Thane. Patawarin mo 'ko, Thunder, pero kailangan kung gawin 'to!" nanginginig sa gigil niyang sabi sa motorsiklo at walang pagdadalawang-isip itong pinagsasaksak.

      "This is for breaking my heart! Paladesisyon ka kasing loko ka!" aniya at sinaksak ang malambot na pad ng upuan nito hanggang sa napuno ito ng mga butas.

       "Ito naman sa panloloko at pagpalit mo sa akin ng walang valid reason! Damn you, fucking cheater!"

        Ngayon, tinatarget naman niya ang mga gulong nito. Hindi siya tumigil hangga't may natira pang hangin sa mga ito. Pinuno niya ng gasgas ang buong motorsiklo. Wala siyang itinirang hindi nabahiran ng kanyang paghihiganti. Bawat dapo ng gunting ay sinisiguro niyang maramdaman ni Thane ang kanyang hinanakit kapag nakita ito.

       "I hate you to death, Thane!"

       Sumigaw siya matapos ilabas ang bigat ng kanyang dibdib. Wala siyang pake kung may makakakita man sa kanya. Umiiyak lang siya na parang baliw. All she wanted was to cry until she hahd no tears left.

 

      "Woah! Woah! What the–?! Tell me this isn't real!"

   

       Napahinto si Serene nang makarinig siya ng isang hysterical na sigaw mula sa likuran niya. Nang tumingin siya dito, sumalubong sa kanyang ang namumutlang lalaki. Nanginginig ang kamay nitong nakatakip sa bibig. Para itong nakikita ng isang kahindik-hindik na krimen.

        "U-Uh..."Awkward na tumikhim si Serene.

         

        "Don't 'uh-uh' me, Missy! Ikaw... Alam mo ba kung ano ang ginawa mo? High ka ba?!"

          "H-Ha?"

          Napakurap si Serene at humigit ng malalim na hininga. Ngayon lang siya natamaan ng hiya.

         Crying in public like a mental person and making a mess of someone else's belonging. Has she completely gone crazy? Well, if it belongs to Thane, she doesn't care whatever judgement people might throw at her. She must get her revenge at all costs.

            Pero ang problema ay–

         "You! Don't you dare act clueless, Missy! M-Minurder mo lang naman MTT Turbine Street Fighter ng friend ko!" he screamed at the top of his lungs, recklessly massaging his temples. "Shit! Paano ko 'to sasabihin sa kanya?!"

         'A-Ano raw? His friend's MTT what?'

         Kumunot ang noo ni Serene habang pasimpleng pinunasan ang kanyang luha gamit ang likod ng kamay niya.

        'Kaibigan ba siya ni Thane?'

        Alam niyang sobrang open si Thane sa kanya about his circle of friends kaya kilala niya halos lahat ang mga ito pero hindi pa niya nakita ang lalaking ito kailanman.

      "Huh? Eh, ano naman ngayon? Anong konek nito kay Thane? Deserve niya 'to dahil napakawalang hiya niya! Kung tutuusin, wala lang 'to sa ginawa niya sa akin! Pagbabayaran niya ang damage na ginawa niya dito!" turo niya sa sariling puso.

        "Ano bang pinagsasabi mo? And who on earth is this Thane? Baliw ka ba?!" clueless at naguguluhang tanong nito.

        Then Serene was suddenly hit by a punch of thought–a reality that made her sober and realized what exactly she was doing. Namutla siya na para bang nawala ang lahat ng dugo sa kanyang katawan. Nafrozen yata ang mga ugat niya. Pero ang puso niya ay nagwawala. Kulang na lang ay tatalon ito palabas ng ribcage niya.

         "K-Kaibigan ka ni Thane, 'di ba? Girlfriend niya ako–ay wait, ex pala. Damn it. Ano ba 'tong pinagsasabi ko?! Pero kakabreak lang namin ngayon dahil gago siya and he cheated on me in broad daylight!" nagpapanic na sabi niya.

       "Look, Missy. Wala akong paki kung ano ang pinagsasabi mo at wala akong alam sa Thane na 'yan. All I know is you're dead if the owner of that motorcycle finds out."

        Sa hindi malamang dahilan, unti-unting kumalma ang lalaki. May hitsura ito. Kutis labanos, matangkad at may brown na chinitong mga mata. Parang naiintindihan nito ang pinagdaanan ni Serene. Ngayon ay kaswal na itong nakatayo habang pinagkrus ang kamay sa dibdib.

        "N-Nagsisinungaling ka lang, 'di ba?" hinihingal na sabi ni Serene.

          "And why should I lie? This is a serious matter."

       Tinaasan siya ng kilay ng lalaki. Pero deep inside, pinipigilan lang niyang huwag ngunit dahil natutuwa siya sa reaksyon ni Serene. Parang gusto niya tuloy inisin ito lalo.

         Bago pa man makasagot si Serene, may biglang dumaan na motor sa harapan nila. Nabitawan niya ang hawak na gunting nang makita kung sino iyon.

       Si Thane at 'yong babae! Inirapan pa siya nito!

       'Nagsasabi nga ng totoo ang lalaking ito.'   

      Kinumpara niya ang motor ni Thane dito sa isang minurder niya. Halos magkapareho lang ito. Ang pinagkaiba nga lang ay two-seater 'yong kay Thane at solo naman itong gutay-gutay sa harapan niya ngayon.

       Saka pa lang niya tinanggap ang kanyang pagkakamali. Pero bakit ba kasi ito magkaparehong kulay pula? May colorblindness pa naman siya!

        'Imposible! Ano ba 'tong napasok ko?! Bakit nangyari lahat sa 'kin 'to sa kalahating araw lang?'

 

         Tumakas ang kaluluwa ni Serene sa katawan. Nararamdan niya ang panghihina ng tuhod niya kaya napaupo na lang siya at magkabilaang sinabunutan ang sarili.

      "Jusko po," nanginginig na sambit niya. "S-Sorry, Sir, nagkamali ako. Sana m-mapatawad niyo 'ko, Sir. Parang awa niyo na."

        Dali-daling lumuhod si Serene habang nagmamakaawa na parang batang takot mapalo ng tsinelas ng kanyang nanay. Hindi na niya alam kung ano ang gagawin.

        Saan siya kukuha ng pera para pambayad dito? What if ipapakulong siya nito kung hindi siya makapagbayad?

         

      "Please, S-Sir," pagmamakaawa pa niya.

       Nagsimula na naman siyang maluha. Natatakot siya hanggang sa kaibuturan ng kanyang kaluluwa.

 

       Bumuntong-hininga ang lalaki na para bang may narealize ito na isang bagay. Sa isip-isip niya, hindi niya maipagkaila na maganda ito.

         "Kung gusto mong mapatawad kita, magbayad ka ngayon din," walang prenong sabi nito na para bang ang dali-dali lang hanapin ng pera.

       "H-Ho? S-Seryoso po ba kayo, Sir?" Muntik nang mahulog ang mga mata ni Serene sa gulat at kaba.

       "I am serious. Magbayad ka ngayon din or else it'll be too late if the owner finds out. Trust me, hindi mo 'yon magugustuhan."   

        

         "W-Wait, Sir, naman!"Napakagat si Serene sa kanyang labi habang nanginginig ang boses. "P-Paano... Saan... S-Saan ako kukuha ng pera? Jusko! Katapusan ko na yata!"

          "Calm down. Hindi pa ako tapos sa sasabihin ko."

   

         Natigilan si Serene saglit.

        "May iba akong paraan na hindi mo kailangan magbayad ni sentimo."

         Biglang namayani ang katahimikan.

         'A-Ano raw? Teka, totoo ba itong narinig ko? '

       "H-Ho?"

       "Date me for one week," simpleng sabi nito.

         Parang nabingi si Serene sa narinig. Napanganga na lang siya.

        

        "A-Ano ho?" hindi makapaniwalang sambi niya.

    

        "I said date me for one week at wala ka nang babayaran kahit ano."

       

      Matamang pinagmasdan ni Serene ang lalaki na para bang sinusubukan niyang malaman kung nagsasabi ba ito ng totoo o kung may anumang nakatagong motibo sa kanyang alok. Hinahayaan lang siya ng lalaki. He just let her take her time and stood with ease and confidence.

        "S-Sir, a-are you kidding me?" she asked, still in doubt. 

       "No. I'm serious."

       'Hindi nga siya nagbibiro!'

       There was a moment of silence.

       Serene pondered if it was worth the risk dating this stranger. He doesn't seem like a bad person either. Bigla na lang bumaha ang luha niya na parang ilog. Para siyang nakalutang sa alapaap.

        "I accept it, Sir! I accept it! So kailan tayo magsisimula?"

          To her happiness and relief, she hugged on his leg like an excited puppy. Wala siyang pake kahit pa naramdaman niyang tumulo ang malagkit na bagay mula sa kanyang ilong.

         Nakita niya ang pag-aliwalas ng mukha ng lalaki. Namumula ang tenga at pisngi nito. Iniiwasan pa nitong magkatagpo ang kanilang mga mata.

        "Tumayo ka na diyan. Baka isipin pa ng mga tao na pinapaiyak kita," anito habang iginala ang tingin sa paligid.

         "U-Uh, s-sorry, Sir," nahihiyang sabi ni Serene at straight na tumayo. Mabilis niyang kinuha ang panyo sa kanyang bag upang punasan ang kanyang mukha.

       "Alright. But stop calling me that. Para naman akong istriktong boss nito. Just call me Lev." Napakamot ito sa batok.

   

         "Lev. Ang cool naman, " tumango-tango niyang sabi.

           'Pero more like a cheesy name. Parang 'Love' lang.'

          "I know what you're thinking. But if you call me 'Love', it's more than fine." Ngumisi ito.

          'Luh?'

         "You wish. I prefer calling you 'Sir',"  ganti niya. "Hmm. How about that, Sir?"

        Sir...

        Sir...

        Biglang naalala ni Serene ang kanyang appointment. Nagpapanic kaagad siya.

         "Naku, lagot ako kay Boss nito! Sir, este, Lev, may importante pa pala akong lakad, eh. Nakalimutan ko. Sobrang late ko na pala!"

   

       Kinalkal niya ang kanyang bag at kinuha ang kanyang calling card at saka ibinigay kay Lev. Bilang babae, hindi talaga siya basta-basta na lang  namimigay ng calling card lalo na sa mga kakakilala niya pa lang unless it's work-related. Pero iba ang sitwasyon niya ngayon. Kailangan niya si Lev para hindi siya makulong.

         "Okay, okay. It's not like I'm not letting you leave. Pero mag-ingat ka na lang."

        "Sige, salamat. Text mo na lang ako kapag may time ka."

      "Sure!"

        Hindi napansin ni Lev na nakangiti na pala siya ng malapad. Palakaibigan siyang tao pero first time niyang makipagkaibigan ng ganoon kabilis na para bang matagal na silang magkakilala.

      "At nakuha mo pa talagang magsaya matapos mong ipahamak ang bagay na hiniram mo lang?"

       Nawala ang ngiti ni Lev at mabilis na napalitan ng takot. Napakamot siya sa likod ng ulo–isang habit sa tuwing kinakabahan siya.

       "W-Wait. Let me explain, bro. I–"

       Hindi na natapos ni Lev ang gusto niyang sabihin nang hilahin siya nito palayo gamit ang kanyang tenga.

        

     

     

        

        

     

       

      

      

  

       

   

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status