/ Romance / Marrying The Casanova / Chapter 5: Transfer Students

공유

Chapter 5: Transfer Students

작가: Ms. JN
last update 최신 업데이트: 2026-01-14 08:09:14

CHAPTER 5: Transfer Students

 "Maybelline, ilang weeks nalang mag mimidterm na tapos magtatransfer ka pa?"

 "I know Mom pero kailangan ko talagang magtransfer sa Livingstone University. Pretty please?"

 Ginawa ko na lahat para lang payagan ako ni Mommy. Nagpacute na ako, hinalikan ko na iyong pisngi niya, niyakap ko na siya, nilambing ko na siya pero hindi parin siya bumibigay.

 "Ano ba talaga ang reason mo bakit mo gustong magtransfer sa ibang school? May nakaaway ka ba sa current school mo?"

 Tanong ni Mommy sa'kin.

 "Wala Ma. Ang babait nga nila sa'kin kaso lang talaga gusto kong pumasok don sa Livingstone. I heard magandang university daw don. Baka sakaling pag lumipat ako don tatalino na ako diba?"

 "If you really want to transfer you can pero hintayin mo nalang na matapos ang sem na'to. Next sem ililipat na kita agad."

 Next sem? Ibig sabihin non..

 Binilang ko iyong buwan pang natitira bago ang second semester gamit ang mga daliri ko.

 Tatlong buwan pa? Three more months? 

 Hindi ako makakahintay ng ganun katagal..

 "Mom, ang tagal pa matapos ng sem. Sige na Mommy please? Sige na. Please help me Mom. Kailangan ko talagang maka transfer don. I promise pag papayag ka, mag-aaral na akong mabuti."

 Nag-isip na muna si Mommy bago siya nagsalita ulit.

"Fine..Fine..Basta, promise me na mag-aaral ka na ng mabuti. If babagsak ka, kahit isang subject man lang, ibabalik kita sa dati mong school."

Waaa!!!

Sa wakas napapayag ko nadin si Mommy.

Dahil sa sobrang tuwa ko niyakap ko agad ng mahigpit si Mommy.

"Thanks Mommy. Super duper mega thank you.."

....

"What?"

"Are you serious?"

Tumango lang ako bilang tugon ko kay May.

"Lilipat ka ng school? Pero malapit na iyong midterms natin."

Sambit naman ni Aya.

"I know pero napapayag ko na si Mommy."

"San ka lilipat?"

Tanong ulit ni Aya.

"Livingstone University."

Sagot ko naman.

"Livingstone? Bakit naman don? I heard madaming maaarte don. Madami din namang maaarte sa school natin pero mas madami ata sa kanila."

"I don't care Aya, basta gusto kong lumipat don."

"Bakit? Anong reason mo?"

Tanong naman ni May.

"Dahil gusto kong makita ulit si Kevin."

"KEVIN?? LASAGNA BOY??"

Tinakpan ko iyong dalawang tenga ko gamit ang mga kamay ko. Kailangan ba talagang sumigaw? Hindi ba pwedeng hinaan lang nila iyong boses nila? Hindi naman kami malayo sa isa't-isa para sumigaw dahil wala naman kami sa bundok.

"Bakit kailangan niyo pang sumigaw?"

"Eh kasi naman.. Lilipat ka lang don para lang makita mo ulit si Lasagna Boy? Ano bang pinakain niya sa'yo at para ka ng adik sa kanya pagkatapos ka niyang hilain."

"Hindi niya ako pinakain. Ako iyong nagpakain sa kanya. Anyway, sa ayaw at sa gusto niyo lilipat na ako don. Hindi ko din hinihingi ang permiso niyo kaya wala na kayong magagawa."

"Kilala ka namin Mia at alam naming hindi ka na talaga namin mapigilan kahit pa tumumbling kami dito sa harap mo."

Napatawa nalang ako sa sinabi ni May.

Tumbling?

hahaha. 

Bakit sa lahat ng word na pwedeng gamitin tumbling pa talaga?

"Dahil hindi ka na namin mapigilan, sasama nalang kami sa'yo."

Nagulat nalang ako sa sinabi ni Aya. 

"Sasama kayo sa'kin? You mean.."

Pero hindi ko na natapos ang sasabihin ko sana dahil dinugtungan na iyon ni Aya at May.

"Yeah.. Lilipat nadin kami ng school!"

Sabay nilang dalawa.

Oh well! Ang swerte ko talaga dito sa mga kaibigan ko.

Hindi ko naman sinabi sa kanila na lumipat din sila ng school pero ginawa parin nila. 

....

"Mia, kinakabahan talaga ako. Pano kung may umaway sa'tin dito?"

Kanina pa talaga itong si Aya. 

Inaamin ko kinakabahan din ako pero ayokong magpatalo sa kaba ko.

Pinili ko to at ginusto ko 'to kaya kailangan kong panindigan.

"Huwag kang mag-alala Aya, walang aaway sa'tin dito."

Sabi ko sa kanya para hindi na siya kabahan pa.

"Oo nga Aya, wala namang aaway satin dito kung hindi natin sila aawayin diba? Huwag ka ngang praning diyan."

 Sambit naman ni May.

Dahil hindi pa ayos iyong uniform namin, naka casual nalang kami. Kaya pagpasok na pagpasok namin sa University nakatitig lahat ng mga estudyante sa'min dahil kami lang iyong naiiba. Wala pa nga kaming ID dahil hindi pa din napoprocess. Dahil sa mga mukha namin, nagmumukha kaming mga outsiders.

Kung hindi lang talaga malakas ang Daddy at Mommy ko sa may-ari ng Livingstone University sigurado akong hindi na kami nakapagtransfer.

Dumeretso na kami ng building namin dahil hindi talaga namin nagustuhan iyong mga titig nila.

Dahil sa hindi ko alam kung ano iyong course ni Kevin dahil hindi pa niya na confirm iyong friend request ko sa kanya, nagstick nalang ako sa dati kong course.

Mabuti nalang talaga at naisipang sumama ng two girls sa'kin. Sigurado akong nahimatay na ako sa kaba kung ako lang talaga ang andito ngayon. Hinanap na namin iyong room na naka assign sa unang subject namin para sa Monday.

"Eto na ba iyon?"

Tanong ni Aya.

Tinignan ko iyong registration form ko.

Room 218. 

"Eto na nga.."

"Mauna ka na May..."

Utos ni Aya kay May.

"Ayoko nga. Nakakahiya. Ikaw nalang kaya."

"Ayoko din noh.."

Tumigil na sina May at Aya sa pagtutulak kong sino ang mauunang pumasok saka sila tumingin ng masama sa'kin.

 "Ano?"

Tanong ko sa kanilang dalawa. Hindi ko gusto ang mga titig nila.

"Ikaw na Mia!!"

"Ako?"

Napaturo nalang ako sa sarili ko. 

"Yup!!"

Sabay tango nilang dalawa.

"Bakit ako? Ayoko noh. Nakakahiya kaya!!"

Pero bigla nalang kinabig ni Aya ang doorknob saka nila ako tinulak papasok sa loob.

Pagpasok na pagpasok ko, ngumiti nalang ako sa kanilang lahat. 

Nakakahiya!!!

"HELLO!!!"

 Bati ko sa kanilang lahat saka ako kumaway.

Akala ko maaga pa para sa klase namin pero bakit andito na iyong teacher?

Early birds ba talaga iyong mga teachers dito?

Ang awkward lang!! Kahit isang kaklase walang nag hello back sa'kin o kaya Hi man lang.

"And you are?"

Tanong ng lalaking professor. Nakasuot siya ng salamin at naka blue na long sleeve habang hawak hawak ang isang white board pen at libro. Nasa kalagitnaan ata siya ng pagsusulat ng pumasok ako. Sa itsura niya, alam kong napaka strict niyang professor. Hindi ko ata gusto ang nanagyayaring ito.

 "Hello po Sir.! I'm Maybelline Mia Park po at transfer student po ako."

Saka ako nag bow sa kanya. Wala akong halong koreana at lalong alam ko na wala ako sa Korea kaya hindi ko kailangang mag bow sa kanya pero dahil sa sobrang hiya nagawa ko iyon. Hindi ko siya kayang tignan sa mga mata niya.

"Miss Park you are very late for your class!"

Galit na sambit nong professor.

Late?

Tama ba iyong narinig ko?

Late ako?

Pero sinigurado naming tatlo na maaga kami ngayon.

Teka lang..Asan na ba sila?

Tumingin ako sa likod ko pero wala sila. Hindi pala sila nakasunod sa'kin.

Akala ko ba mga kaibigan ko sila? Bakit nila ako iniwan sa ere?

"Late po? Ako po late na po ako?"

Hindi ko alam kung anong nakakatawa don sa sinabi ko pero napuno ng tawa ang buong klase. Hindi naman ako nagjojoke ah.

 "Give me your registration form."

Agad ko namang binigay sa professor ang registration form ko.

"You are supposed to be in the next class right after my class. 9:00 AM ang nakasulat dito sa schedule mo and 8:30 AM palang."

Tinignan ko iyong oras gamit ang relo ko.

8:30 pa nga lang.

Nakakahiya!!!

Ibig sabihin hindi ito iyong class ko?

Pagkatapos pa pala nito?

WAAAA!!

Bakit ba hindi ko tinignan iyong oras kanina bago ako pumasok?

Ibinigay na ng professor iyong registration form ko.

"I'm sorry po Sir!!"

Ilang beses akong nag bow sa harap niya. Sobrang nakakahiya talaga. Inistorbo ko iyong klase niya.

 AHHH!! Nakakinis!!

Tumalikod na ako at tinungo iyong pinto. Pero dahil sa pagmamadali kong makalabas..

 Tinapik na naman ako ng malas..

 at nadulas..

HAHAHAHAH!!

HEHEEHEH!!!

HIHIHIHII!!!

 WAAA!!!

Hindi ko na talaga kaya 'to. Bakit ba ayaw akong lubayan ng malas?

Kahit ba isang araw lang hindi ba pwedeng magpahinga?

Hindi lang ako napahiya, pinagtawanan pa ako ng buong klase.

"Let me help you.."

Biglang lumapit ang isang babae sa'kin at inalay ang kamay niya.

Nakakahiya dahil hindi ko naman siya kilala pero kinuha ko narin iyong kamay niya.

Tinulungan niya akong makatayo.

Ang bait niya. Sa lahat ng estudyante na nasa loob ng room, siya lang talaga iyong hindi tumawa. At tinulungan pa niya ako.

 Ang bait niya..

 "Thanks.."

 Mahina kong sambit sa kanya pagkatapos niya akong tulungang makatayo.

"You're welcome."

 Pagtingin ko sa mukha niya, ngumiti siya. Napaka genuine ng mga ngiti niya, walang halong kaplastikan.

Pero hindi ko maalis iyong mga mata ko sa kanya dahil napaka pamilyar talaga ng mukha niya.

"Nagkita na ba tayo somewhere?"

Tanong ko sa kanya.

Tinitigan na niya muna ako bago siya sumagot.

"I guess hindi pa."

Saka siya ngumiti ulit.

Bakit napakapamilyar ng mukha niya?

"You may go out now Miss Park!!"

Dahil sa parang anghel na nasa harap ko muntik ko ng makalimutan na nasa loob pa pala ako ng classroom.

"Opo Sir!"

Saka ako nag bow ulit sa professor.

"Next time be careful. Ang ganda mo pa naman."

Sabi nong babae na tumulong sa'kin.

Ngumiti lang ako sakanya saka ako lumabas ng pinto.

WOAAA!!

"Mia, anong nangyari? bakit ka pumasok don? Hindi pa natin time. 8:30 palang oh."

Sambit ni Aya.

"Anong pumasok? Hindi ako pumasok don tinulak niyo ako. Nakakainis talaga kayo. Iniwan niyo ako sa ere. Kung alam niyo lang kung anong nangyari sa'kin sa loob."

 Nakakainis talaga ang mga kaibigan kong to. Itinaas ko iyong kamao ko para batukan sila pero syempre hindi ko naman ginawa iyon. Hanggang actions lang ako.

Pinahamak ba naman ako.

"Bakit ano bang nangyari?"

Tanong nilang dalawa sa'kin.

"Huwag niyo ng alamin!!"

 Sigaw ko sa kanilang dalawa.

Tumahimik lang ako habang nakasandal sa may railing. Iniisip ko parin iyong babaeng tumulong sa'kin kanina.

Hindi pa daw kami nagkita pero napakapamilyar ng mukha niya.

Alam ko nakita ko na siya somewhere.

Inisip ko talaga ng husto kong san ko siya nakita.

OMO!!!

Siya nga iyon!!

Siya iyong katabi ni Kevin sa picture.

Iyong magandang babae.

Binuksan ko iyong f******k ko gamit ang mobile phone at hinanap ang profile ni Kevin.

Tinitigan ko ulit iyong picture niya at iyong mukha ng katabi niya.

Siya nga. 

Iisa lang sila.

Dito pala siya nag-aaral?

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • Marrying The Casanova   Chapter 60: Mask

    CHAPTER 60: Mask Venice's POV Bumalik ako sa loob ng cafe para kunin iyong phone na naiwan ko sa table. Ang tanga tanga ko para makalimutan ko iyon. Pagpasok ko ng cafe, sinalubong naman agad ako ng waiter na nagpunas ng table namin ni Mia. "Ma'am iyong phone niyo po naiwan." Akala ko talaga eh nawala na iyon pero mabuti nalang at mabait ang staffs nila dito. Inabot sa'kin ng waiter ang phone ko. "Thank you talaga." Kinuha ko na iyong phone ko at tinungo ang pinto ng cafe. Ayokong paghintayin ng matagal si Mia dahil bagong kaibigan ko siya. Nakakahiya naman kung gagawin ko iyon sa kanya. Binuksan ko iyong pinto at nakita si Mia. Tatawagin ko na sana siya ng mapansin ko iyong kasama niyang lalaki. "Si Kevin!!" Bigla nalng bumalik sa isipan ko iyong sinabi ni Mia nong una kaming magkita. May asawa ka na pala Mia? Uhmm.. Oo.. hehe.. Kevin pangalan niya. Sige Venice. Mag-iingat ka. Si Kevin ang asawa ni Mia? Pero bakit? Paano? Andaming tanong na pumasok sa isipan

  • Marrying The Casanova   Chapter 59: New Found Friend?

    CHAPTER 59: New found friend? "Mia!!" "Kilala ba kita?" Tama iyan Mia. Kailangan mong magpanggan na hindi mo kakilala si Jun para naman tumigil na siya sa pang gugulo sa'yo. "Ano na namana ba iyan Mia? Hindi ako nakikipag biruan sa'yo." Bulalas ni Jun. Ang kapal talaga ng mukha niya. Eh sino bang may sabing gusto kong makipagbiruan sa kanya? Sinubukan kong bawiin iyong kamay ko mula kay Jun pero hindi ko magawa dahil masyado siyang malakas. "Mia.. I'm sorry." Nagulat ako sa sinabi ni Jun. Simula pa nong maging kami hindi ko narinig ang salitang 'I'm Sorry' mula sa kanya. Sa tuwing nag-aaway kami ako ang laging humihingi ng tawad kahit hindi ko naman kasalanan. Palaging ako iyong humihingi ng pasensya. "Mia.. Kausapin mo naman ako. Andito ako hindi para awayin o guluhin ka. Andito lang ako para imbitahin ka sa birthday ni Mommy. Sinabi ko kasi sa kanya na pupunta ka." Binuhos ko na iyong lahat ng lakas ko para bawiin iyong kamay ko mula sa pagkakahawak ni Jun kaya nagawa

  • Marrying The Casanova   Chapter 58: Unexpected Seatmate

    CHAPTER 58: Unexpected Seatmate Minabuti ko ng ipagpatuloy nalang iyong paglalakad ko kesa makichismis pa ako don sa sinasabi nilang gwapong lalaki. Baka pa malate ako ng dahil don. Pagpasok ko ng classroom sinalubong agad ako ng mga kaibigan ko. "MIAAA!!" "Mia!" "Mia namiss kita. Long time no see." Sabi ni Aya sa'kin. "haha.. Ang OA mo talaga. Anong long time no see eh nagkita pa tayo kahapon." Kung makaarte talaga itong si Aya wagas eh. Nagbonding kami kagabi kasama ang mga boyfriend namin. Baka kasi hindi na kami makapagbonding na kompleto kaming lahat dahil magiging busy ulit kami sa studies namin. Naupo na ako sa upuan ko kung san katabi ko ulit si Zelle. Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan hanggang sa isa isa ng nagdatingan iyong mga classmates namin. "Mia, I heard may bago daw transfer student dito sa Livingstone University." Kwento ni Zelle sa'kin. Siguro iyon iyong kinabusyhan ng mga estudyante kanina. "Really? Anong department?" Tanong ko kay Z

  • Marrying The Casanova   Chapter 57 : First Day

    CHAPTER 57: First Day "Thank you Mia.." Sabi ulit ni Venice. Ang gandang babae. Ang tangkad. Ang kinis. Ang puti. Ang ganda pa ng pangalan niya. Nasa sa kanya na talaga lahat. Waaa!! Nakakamesmerize iyong beauty niya kaya hindi ko mapigilang mapatitig sa mukha niya. "May dumi ba iyong mukha ko?" Tanong niya sa'kin. "Ahh wala naman.. Ang gada mo kasi eh. hehe" Sabi ko sabay tawa ng mahina. Alam ko masama mainggit pero nakakainggit talaga siya. Siya iyong pang model type na babae. "Kung okay lang sa'yo baka pwedeng hingin ang number mo?" Nagulat ako don sa sinabi niya. Eh I'm just a nobody kung icocompare ako sa kanya tapos hihingin niya iyong number ko. "Huh?" Tanging sagot ko sa kanya. "hehe. Hindi ko alam kung ano iyong dahilan pero sa tingin ko may something sa'yo na gusto ko. Gusto kitang maging kaibigan. Kararating ko lang kasi ng pinas eh." Kaya naman pala medyo may accent na iyong tagalog niya pero sa tingin ko magaling naman siyang magtagalog. May accent

  • Marrying The Casanova   Chapter 56: First Date

    CHAPTER 56: First Date "Kelan daw darating iyong kasambahay?" Tanong ko kay Kevin habang umiinom kami ng kape. Wala ng pasok ngayon dahil sembreak na kaya wala na akong aalahanin. Magagawa ko na lahat ng gusto kong gawin. "Bukas na daw." Sagot ni Kevin saka niya ininom iyong kape niya. "Huh? Bukas na? Agad agad?" Tumango lang si Kevin bilang sagot. Pero naalala ko. Kung may kasambahay na kami ni Kevin hindi ba kami masisikipan sa bahay namin? Ang liit lang kaya ng bahay namin tapos.. "Haalaaa!!!" Bulalas ko.. "Ano? May nangyari ba?" Tanong ni Kevin. "Kung may katulong na tayo. San siya matutulog? Eh diba dalawa lang iyong kwarto natin sa bahay tapos wala pang kama iyong kwarto mo." Sabi ko noon na bibili kami ni Kevin ng kama para sa kabilang kwarto pero ngayon hindi parin nangyayari. Naing busy lang talaga kami pareho. "Alam ko iyon." Tanging sabi ni Kevin. "Eh san matutulog ang kasambahay? Sa sala?" Tanong ko sa kanya. "Sa kwarto ko." Sagot ni K

  • Marrying The Casanova   Chapter 55: Official

    CHAPTER 55: OfficialHindi ko alam kung san ako tutungo ngayon. Tumatakbo lang ako dahil gustong makalayo sa mga problema ko. Sa mga nakita ko at sa nararamdaman ko. Napatigil nalang ako ng biglang pumatak ang ulan galing sa langit. Sinalo ng kanang palad ko iyong patak ng ulan. Hindi ko talaga alam kung matutuwa ba ako dahil dinamayan ako ng langit o mas lalo akong masasaktan dahil pinapaalala ng langit na dapat kong ilabas ang hinanakit na nararamdaman ko. Nagpatuloy na ako sa pagtakbo hanggang sa nahanap ko iyong sarili ko na nakaupo na sa isang madilim na lugar. "Tama na ang lahat ng 'to." Ginawa ko na iyong lahat na pwede kong gawin. Kung tutuusin nga, sobra sobra na iyong ginawa ko para sa nararamdaman ko para kay Kevin pero talagang wala parin. Kailangan ko ng sumuko. Kung ipagpapatuloy ko pa 'to mas lalo lang akong masasaktan. Bigla nalang bumalik sa isipan ko ang lahat tungkol kay Kevin. Nong una kaming magkita sa greenwich. Natapunan pa nga niya ako ng lasagna sa ulo

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status