Share

Chapter Three

last update publish date: 2025-09-30 16:07:00

"Gianna, the tomboy, punched me without a second thought." inis kong wika habang dinadamdam ang sakit ng aking kaliwang mata na sinuntok ni Gianna.

Sapo-sapo ang aking kaliwang mata na sinabutan ko si Tomboy. Akala niya siguro hindi ko siya papatulan kahit babae siya. Hinawakan ko ang buhok ni Gianna na nakatali sa bonbonan habang pilit niyang kinuha ang kamay kong nakahawak dito.

"Bitawan mo ako Romane, p*****a ka!" nangigigil na sigaw sa akin ni Gianna at bago pa man niya ako masipa mabilis ko siyang tinulak at napaupo siya sa sahig habang ang likod nito ay tumama sa upuan.

Galit na galit ang mukhang tumingin sa akin si Tomboy. At hindi ko na hinintay pa na makabwelo ito, tumakbo na ako kaagad.

"Gago ka Romane! Bumalik ka dito!" sigaw sa akin ni tomboy na nakasunod sa akin. Ngunit hindi ko na siya pinansin, bagkus dumiretso na ako sa aking kwarto para magtago. Bago pa ako mahuli at mapagalitan nina Mommy at Daddy.

Monday.

I am holding the sponge and trying to hide my black eye. That tomboy makes blood boil everyday. I hate her! She did this to me. At ang nakakatawa pa ay hindi man lang siya pinagalitan ni mommy at daddy, sa halip, ako pa ang sinabon.

Kisyo, hindi ko raw ginagalang si Gianna, dahil babae daw ito at hindi daw dapat binabastos.

Duh! They didn't see that Gianna Rae is not a girl she's mostly a guy. No! She's acting like a man kahit hindi naman. That little tomboy is full of shit. May araw ka rin sa akin na Tibuli ka. Tandaan mo yan makakaganti din ako sayo, marks my word. Tiim ang bagang kong nakaharap sa salamin habang pilit tinatakpan ang aking pasa.

'Ano ba? Kanina ko pa ito ginagawa. Bakit hindi ko pa rin maperfect. Argh!

Paano ko ma-hide ang black eye ko na 'to? Walang kuwenta naman tong tutorial na to sa YouTube bakit pa nila pinangalandakan na makakatulong to? Grr.

Nagmumukha tuloy akong stress na panda. "Putangina." inis na rekalmo ko habang binubura ang nilagay kong nude foundation ni Mommy. Pina-ikot-ikot ko pa sa aking black eye ko.

Pasalamat nga ako at tulog na tulog silang dalawa ni daddy nang kinuha ko 'to. Baka magkagulo pa kapag nakita nila akong nagnanakaw ng make up set ni Mommy.

Mabuti na lang at maraming spare si mommy.

Bakit kaya gumagastos pa ang mga babae sa mga ganito para gumanda? Mas maganda nga ang natural beauty tulad na lang kay Tomboy. Walang make up, walang lipstick, walang kahit anong powder na nilalagay sa mukha. Palibhasa Tomboy kaya ganon. Simpleng tomboy ang putik.

"Damn! Ma-le-late na ako sa first class ko. What the heck tomboy." inis kong wika at muling kumuha nag wet tissue at agad na sinalampak sa pagmumukha ko.

"Damn it!" Kinuha ko ang aking cellphone na nakapatong sa side table at dinial ang number ni tomboy. "She's the reason why I got this, so she needs to help me fix this." Pagka-dial ko ng number ni tomboy ay kaagad kong dinikit sa teynga ko ang cellphone ko at narinig kong nagriring ang sa kabilang linya. "Ang tagal sumagot nang putik. Gusto niya pa yata ika-crash ko siya sa room niya. Anak ng mantika naman o, ang tagal—10seconds, 11, 12, 13, 14, 15—at ayon, sinagot din ng tomboy.

"Hello. Ang aga mo naman tumawag. Ano ang kailangan mo?" bungad ni Tomboy sa akin.

"Tomboy punta ka dito sa kuwarto ko bilisan mo." utos ko sa kanya.

"At bakit naman ako pupunta diyan? Para asarin ulit o para dagdagan ang buko mo?" tanong ni Tomboy, halatang may malaking ayaw sa boses nito.

"Basta pumunta ka, may ibibigay ako sayo. May damit akong gusto mo sa kabinet ko, diba?" pangguguyo ko sa kanya. Alam ko na kakagat kaagad ito. Marami kasi akong damit na gusto ni Gianna, na kahit anong hingi niya hindi ko binibigay sa kanya. Bahala siya sa buhay niya. Bumili siya kung gusto niya, hindi 'yong kukunin niya na lang niya palagi ang mga damit ko.

Magnanakaw pa naman ang Tomboy na 'yon, kinukuha niya ang damit ko at isusuot, lalo na kung manligaw ito. Ang bobo talaga ni Tomboy.

"Sigurado ka? Bubogbogin kita kapag niloloko mo lang ako." banta sa akin ni Tomboy habang halata sa boses nito na nakangiti ito.

"May black eye na nga ako, ayoko nang madagdagan pa 'to, no." sagot ko naman sa kanya habang tinitignan sa salamin ang nagva-violet kong mata.

"Walang bawian 'yan, ha. Lagot ka talaga sa akin kapag nagsisinungaling ka. Antayin mo ako diyan papunta na ako." ani nito sa akin at bago pa man nito pinatay ang call ay narinig ko ang pagbukas nito ng pinto.

Sabi ko sa inyo, e, mabilis talaga ang Tomboy na iyon kapag may kapalit. Ang galing talaga. Wala na talaga libre ngayon, pati tulong may bayad na. Kawawa naman ang mga bata sa susunod na henerasyon, baka pati paghinga may bayad.

Inilapag ko ang aking cellphone sa tabi ko at saka muling hinarap ang salamin. Pinahiran mo ulit nang cream ang paligid ng aking mata at nilagyan foundation ni Mommy. Nasa ganoong ayos ako nang bigla nalang bumukas ang pintuna na ikinagulat ko.

"Anak ka ng putik! Hindi kaba marunong kumatok na Tomboy?" inis kong tanong kay Gianna habang nakatingin nang masama.

"Akala ko ba pinapapunta mo ako dito, bakit nagalit ka ng pumasok ako?" sagot nito saka umupo sa ibabaw ng kama ko.

"Kasi hindi ka marunong kumatok. Nag-aaral ka naman, matalino ka naman, pero sa pagkatok bobo ka." galit na sagot ko sa kanya at muling kumuha ng wet tissue para punasan ang kumalat na foundation sa mukha ko.

"You already gave me your permission to enter your room when you called me. So, bakit pa ako kakatok kung alam mo naman na pupunta ako dito? Ako ba ang bobo o ikaw?" pabalang na sagot ni tomboy sa akin.

Anak ng maraming patis. Ang tomboy na 'to sarap i-umpog sa upuan. Hindi ba nito alam ang salitang privacy? Kung sa batas nga may data privacy, ano pa kaya sa pamamahay ko? "Duh! You don't know what 'private privacy' means, Tomboy? Don't forget to listen to our ethics teacher," sarcastic kong wika sa kanya at binato sa kanya ang wet tissue. "Help me to hide this black eye you did," utos ko sa kanya. "Faster."

"Yes po, Boss." sagot naman nito sa akin at kinuha ang wet tissue sabay tapon sa akin pabalik na tumama sa ilong ko.

"Anak ka talaga ng Patis na tomboy ka, masakit 'yon, ha. Huwag mong antayin na maubos ang pasensiya ko sayo, dahil alam mo kung paano ako magalit." banta ko sa kanya.

"I know kung paano ka magalit naghuhubad ka pa nga shorts mo, e." sagot nito sa akin na nang-aasar.

"What? Ako naghuhubad kapag nagalit? When? Where? I can't recognize the details." tanong ko sa kanya habang nagpipigil.

Totoo naman na hindi ako naghuhubad kapag nagalit. Saan na naman niya nakuha ang mga pinagsasabi niya? Kapag ako nagalit magtago kana dahil hindi kita titigilan hangga't hindi ako makakaganti. Hayst.

Naalala ko tuloy ang ginawa ko sa Tomboy na 'to noong maliliit pa kami. Nagalit ako noon kay tomboy dahil nasira niya ang dragon balls kong laruan at dahil that time palagi pa akong nanonood ng dragon balls, kaya naging paborito ko ito.

Naapakan ni Gianna ang laruan kong si San Goku at naputol ang kamay nito kaya hayon, tumaas ang dugo ko habang nakatingin sa kamay ni San Goku na nasa sahig. Habang si tomboy nakatingin sa akin na tila iiyak.

Nang makita niya akong handa ng manlapa tumakbo na si Tomboy at nang hinabol ko siya ay hindi ko siya naabutan. Hindi ko mahabol ang tomboy dahil sa bilis nitong tumakbo kaya ang ginawa ko ay umuwi na lang sa bahay namin at kumuha ng lighter saka pinasok ang kuwarto nito. Kinuha ko ang mga laruan ni Tomboy kasama ang paborito nitong Toy Story at sinindihan.

Hindi lang diyan nagtatapos, kinuha ko pa ang backpack niyang pampasok sa school at kinalat sa kuwarto ni Tomboy. Ang mga notebook nito ay ginupit-gupit ko at pinutol ko pa ang mga lapis niya. Gano'n ako kasama kapag magalit at maraming beses pa na ulit 'yon. Ang pinakamalala ay ang sinampal ko siya sa pagkuha niya ng damit ko sa kabinet, isusuot ko pa naman sana ang stripes na polong iyon, pero inunahan ako ng siraulo. Sinuot ang polo ko para manligaw sa kaklase niya. Baliw talaga.

Naramdaman ko ang pag-dantay ng kamay ni Tomboy sa mukha ko. Nabigla tuloy ako dahilan para maalis ako sa pag-alala sa nakaraan.

"Ayusin mo Tomboy, ha. Iyong mawawala talaga ang black eye ko." utos ko sa kanya.

"Naku biik ilang araw pa ang hihintayin mo para mawala talaga to." sagot naman nito sa akin at naglagay ng kung anong mabasa sa mukha ko. Kita mo lang wala akong salita na hindi nito binabara napakawalang galang talaga nito sa amo. Kapag ganito ang tauhan ko palalayasin ko talaga kaagad sa pamamahay ko pero mamaya nalang di pa siya tapos e. "Ano naman ang nilalagay mo sa mata ko? usisa ko sa kanya.

"Liquid foundation. Duh. Ipikit mo ng maayos ang mata mo, Biik. Nakakairita ka pa naman." utos nito sa akin ng nagtangka akong tignan siya.

"Putik bilisan mo naman male-late na tayo sa school."

"Alam ko."

"Alam mo Naman pa---hindi ko na natapos pa ang iba ko pang sasabihin ng makita ko ang suot nitong maroon na T-shirt. Mabilis kong kinuha ang kamay nitong naglalagay ng liquid foundation sa mata ko, kasabay nang pag-dineklara nitong tapos na siya.

"Tapos mo ng takpan ang black eye ko pero sa suot mo magsisimula pa lang tayo." sagot ko sa kanya na nakangisi. Kaagad ko siyang sinunggaban at itinulak sa ibabaw ng kama.

"Ninakaw mo naman ang damit ko na tomboy ka. Magtutuos tayo ngayon." wika ko sa kanya sabay talon sa ibabaw ng kama. Anak ka ng Tomboy.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Mariaciliena
buset ka talaga Romane. ang tawa ko di maubos-ubos sa bawat chapter..........
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Marrying The Tomboy   Chapter Fifty- Finale

    TITA Joyce, nakakainis kana." naiinis kong wika kay Joyce ng makita ko siya sa kusina na gumagawa ng nachos. "Gianna, ‘yang pag-tita tita mo sa akin ang dahilan para masampal kita." wika ni tita Joyce na hindi nakatingin sa akin. "Wala akong pakialam kung masampal mo ako tita mommy, pero please tigilan mo na si Giarra. Ang bata-bata pa ni Giarra kung anu-ano na ang ginagawa mo." "Bakit? Mali ba ang ginagawa ko sa apo ko? Tinuturuan ko lang siya kung paano maging isang normal na babae." naka-pameywang na sagot sa akin ni tita Joyce na humarap sa akin. "Hindi, tita mommy. Ang anak ko ay anim na taon pa lamg, pero ang mga tinuturo mo pang adult na." "At ano ang gusto mong ituro ko kay Giarra? Ang manligaw sa mga babae? Ang panghaharana mo sa kapitbahay natin?" tanong sa akin ni tita na seryoso ang mukha habang nakapameywang pa rin. Ugh! Natamaan ako doon, pero lipas na iyon. Sobrang tagal na, six years old na nga si Giarra. "It was me, tita. At lipas na iyon. Nabulok na ng pa

  • Marrying The Tomboy   Chapter Fort-Nine

    SIX YEARS later. "Tita mommy, where are you?" humahangos kong tawag sa ina ni Romane. Nawala kasi bigla sa tabi ko si Giarra. Alam ko na kinuha na naman nito at tinuturuan maglagay ng make up at lipstick. Anim na taon pa lang ang anak naming babae ni Romane, at ayokong lumandi ito ng maaga. Kabi-birthday lang ni Giarra last week. Maygad! Laking tuwa at pasasalamat ni Romane sa akin noong malaman niyang buntis ako. Syempre, pati ang mga magulang namin natuwa. Mas masaya pa ang mga ito kay sa’kin. Nang malaman ng lahat na buntis ako lalo na si tita mommy, bigla itong nagbago. Lalo na noonh nalaman niyang babae ang pinagbunbuntis ko. Araw-araw itong naka- bantay sa akin. Daig niua niya ang sinasahorang body guard. Baka daw kasi magaya sa akin na Tomboy. Hay naku! Noong araw na ipinanganak ko si Giarra mas humigpit pa si tita mommy. Daig na niya ako, na siyang umere sa anak ko. Palagi din ninanakaw ni tita mommy Joyce si Giarra, para daw turuan ito kung paano maging babae. Kapag a

  • Marrying The Tomboy   Chapter Forty-Eight

    NADATNAN namin sina tita mommy, tito daddy at tatay Mario na maayos ng nakaupo. Nag-uusap ang mga ito at nagtatawanan. Nagtaas ng tingin si Tita mommy at nagsalubong ang aming mga mata. Ngumit ito at saka nagsalita. "Kanina ka pa hinahanap ni Romane, anak." si tita mommy Joyce. "Nandon lang po ako sa labas tita mommy. Nanonood sa mga gumagawa at tumutulong na din, kung kailangan nila ng tulong." sagot ko ng makalapit na kami sa kanila. Tinignan ko si tatay na nakaupo sa tabi ni tito daddy Rom. Simula ng ikasal kami ni Romane mas naging close si tatay at si tito daddy. Ngumiti ako kay tatay saka sumenyas na kumain na siya. "Mukhang excited ka sa party ninyo mamaya, hija." nakangiting wika sa akin ni tito Rom. "Medyo lang po." sagot ka saka ako tumingin kay Romane ng masama. Ang laki kasi ng ngiti nito, parang baliw. Pinaghatak pa ako ni Romane ng upuan at saka pinaupo bago ito umupo sa tabi ko. "Akala ko talaga dati anak hindi ka magbabago. Thanks God at dininig niya ang panalan

  • Marrying The Tomboy   Chapter Forty-Seven

    ANNIVERSARY.April 14, 2015. Maingay, magulo, mausok at busy ang mga tao. Halos lahat nasa kusina. Abala ang lahat sa paghanda at may nagtatrabaho dito at may nagtatrabaho doon. Ngayong araw kasi ang first anniversary ng kasal namin ni Romane, kaya heto ako, busy. Tumitingin lang naman. Sa katitingin ko sa mga ginagawa ng mga kasama namin sa bahay para akong nahihilo. Lalo na dito sa nagde-decorate. May naglalagay ng abubot sa loob at labas ng bahay. Malaki kasi ang lawn ng bahay at may lanai na katabi kaya dito namin naisip idaos ang party. May nilagay din silang mini-stage sa gitna na kulay puti. Tapos ang parang bubong ay kulay puti at green na tela. Mga upuan na kulay puti ang cover na may green na tali sa gitna. Pati ang round table ay may puting mantel na may nakapatong na kulay green na vase. Ang vase ay may bulaklak na kulay puti at green. Ang ganda nito tingnan. Halos katulad lang ito no’ng araw na kinasal kami ni Romane. Ang pinagkaiba lang ay ang venue, ang nagde-decor

  • Marrying The Tomboy   Chapter Forty-Six

    NAIINIS na pumasok ako sa kuwarto. Habang iniisip ang mga hindi magandang tanong ni tita mommy kanina sa akin sa mall. Saan ka ba nakakita ng matandang babae, matandang biyenan na puro kabastusan ang lumalabas sa bibig? Nakakahiya! Kung si Romane lang ang nagsasalita nang gano'n, malamang, natahi ko na ang bibig, na-ER pa. "Akala mo kung magsalita walang tao sa paligid. Akala mo, hindi babae at hindi niya anak ang pinag-uusapan." inis kong wika sabay tanggal ng aking malambot na tsenilas at saka umupo sa ibabaw ng kama.“Bahala na nga! Tulogan ko na nga lang silang lahat.” wika ko saka tumalukbong ng kumot. ALAS TRES ng hapon, biglang dumating si Romane at dumiretso ito sa akin. Hindi man lang nito tiningnan ang ina na tumatawag sa kaniya. “Romane, I am calling you. Are you acting like a mute?” pikon na wika ng ina nito. Habang mukha nito ay hindi maipinta. “I missed you.” bulong ni Romane sa tainga ko pagkatapos humalik sa pisngi ko. Umupo ito sa katabi kong upuan at saka lamang

  • Marrying The Tomboy   Chapter Forty-Five

    DALI-dali kong tinakpan ang bibig ni tita mommy, ka babaeng tao pero ang bibig basa. Hindi man lang ito nahiya, may mga lalaki pa naman sa tabi namin at isa pa, involve ang anak niya. Privacy naming mag-asawa iyon. Ang bibig niyong Biyenan ko, walang preno. Mabuti sana kung nasa bahay lang kami. Magtatanong na nga lang nang gano'n nasa mall pa. "Tita mommy, ang bibig mo. Hindi mo ba naalala na nasa labas tayo?" inis na tanong ko sa kaniya saka nahihiyang tumingin sa paligid at sa katabi naming driver. Hayst! Nag-aalangan itong tumingin kay Nikko at sa paligid bago tumingin sa akin at dahan-dahan na tinanggal ang kamay ko na nakatakip sa bibig nito. "Hehe. Sorry." nahihiya na humingi ito ng pasensiya. Ngunit hindi na niya mabawi pa dahil nasabi na nito at narinig na ng iba. "Wala naman kasi akong ibang gusto, kundi ang magka-apo na sa inyo." pabulong na wika ni tita-mommy sa akin. Huminga ako nang malalim para kalmahin ang aking sarili. At para ihanda na rin sa magiging reaksiyon

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status