Share

Chapter Four

last update Last Updated: 2025-09-30 16:44:00

"Gago ka talagang Tomboy ka. Magnanakaw ka talaga. Marami ka nang nanakaw na damit ko." wika ko sa kanya habang pilit na hinuhubad ang T-shirt na suot niya.

"Akin ito, kaya babawiin ko." wika ko pa na nakapatong sa ibabaw ni tomboy habang pilit akong tinutulak nito. Putangina, pumapalag pa.

Sa bawat pagtangka ko na hubarin ang damit na suot ni Tomboy ay siya rin ang salag nito gamit ang dalawang kamay. Habang pilit akong tinutulak. Inipit ko ang katawan niya gamit ang dalawa kong tuhod kaya nababawasn ang paggalaw nito.

"Tumigil kana nga Romane, nakakagalit kana. Umalis ka sa ibabaw ko, gago." galit na wika sa akin ni tomboy habang nakatukod ang kanan niyang kamay niya sa didib ko. Habang pilit akong tinutulak palayo. "Hindi ko isusuot ‘to kung hindi ito akin." wika pa niya sa akin sabay lakumos ng mukha ko.

"Aray!” sigaw ko sa sobrang sakit. Ramdam ko ang pagbaon nang mga kuko ni Gianna sa pisngi ko.

"Aray, Gianna! sigaw ko ulit. Nanggigil na tiniie ko ang sakit at hapdi dulot nang pagbaon ng mga kuko nito sa mukha ko. Wala akong pakialam sayo basta hubarin mo itong damit ko." wika ko sa kanya habang pilit na humawak para hindi makawala sa pagkahawak ko si Gianna. Pero ang putik, ang galing makipag-wrestling mukhang matatalo pa ako sa lakas ng lesbian na ‘to.

"Kung ako sayo tomboy manahimik na lang ako at ibigay sa tunay na may-ari ang damit na ‘yan." suhestiyon ko sa kanya. Lumipat ang kamay nito sa ilong ko at tinusok gamit ang lapis na nasa higaan ko? Putik paano nagkaroon nang lapis sa higaan ko hindi naman ako nagsusulat or nagdo-drawing sa ibabaw ng kama? Saan nanggaling ang lapis na hawak nito?

Mabuti na lang bago pa at hindi pa natasahan kung natasahan, naku, butas na ang ilong ko ngayon. Lintik talaga ang tomboy ‘to. Ako na nga ang nawalan tapos siya pa ang matapang. Lagot ka sa akin ngayon, hindi talaga kita titigilan.

Hinawakan ko ang lapis na nasa ilong ko at marahan na inalis ito kahit na malakas si Gianna. Huhuhu. Ang ilong ko nasira na yata kailangan ko na yatang ipa-retoke ang matangos kong ilong.

Gusto ko na hawakan at tingnan ang ilong ko, but I have no time. Dahil si tomboy ay parang carabao na handa sa Rodeo. Mabuti nga at nakahawak ang isa ko pa na kamay, kung hindi baka tumalsik na ako.

"Tomboy, hubarin mo ang damit ko." utos kay tomboy habang pinipigil ko ang galit ko sa kanya.

"Ayoko! sigaw niya din sa akin. Mas nilakasan niya pa ang boses niya, mas malakas pa sa sigaw ko kanina. Putik nanghahamon talaga ang Tomboy na to.

"Huhubarin mo o sasabunutan kita?" banta ko sa kanya.

"Subukan mo." sagot nito sa akin na tila mamghahamon. Ang mga sumunod na hakbang nito ang hindi ko nabantayan. Mabilis itong bumangon at halos buong lakas niya akong tinulak mabuti nalang at napa-kapit ako sa pantalon ni Gianna.Kung hindi, nahulog na sana ako sa sahig at nabagok ang ulo. Baliw talaga ang tomboy na ‘to, ginagalit pa ako lalo.

Mabilis ang galaw ko hinawakan ko siya sa paa at hinatak palapit sa akin. Anak ng patis itong si Tomboy nasipa pa rin ako at tinamaan ako sa mukha. Naku! Naku, mukhang nadagdagan pa yata ang black eye ko.

Lintik na! Napapikit ko saglit para ikalma ang aking sarili ayokong gamitan nanh buong lakas ang tomboy na ‘to baka mapatay ko lang. “Romane Romano lll, kalma. Kumalma ka.” ani ko sa sarili ko sabay salag sa dalawang kamay nitong papalapit sa mukha ko.

Mukhang sasabunutan pa ako nitong tomboy na ‘to. Nang mahawakan ko ang dalawang kamay nito pilit kong pinagsama sa isang kamay ko at nagtagumpay naman ako. Akala niya siguro mas malakas siya sa akin. Kailan ba last kami nag-wrestling? Two months ago? Dahil sa binuko niya ako doon sa babae na nililigawan ko.

Sinabihan niya ang babae na may iba akong girlfriend at hanggang ngayon umiihi pa rin ako sa higaan. She humiliated me at ang gaga na Patricia naniwala din kay Gianna. At pinagsabi pa talaga sa iba na umiihi pa ako sa higaan. Siniraan ako nitong tomboy na ‘to, ‘yon pala liligawan niya din si Patricia.

"Marami ka ng kasalanan sa aking babae ka. Sobrang dami na." wika ko sa kanya. Pilit itong kumawala sa gapos ko sa kanya ngunit hindi ko siya bibitawan hanggat hindi ko mahubad ang damit na suot niya.

Pinag-isa ko ang mga kamay nito habang pilit nitong kinuha ginamit pa nito ang paa nito pero sorry na lang siya, dahil nakaluhod ako ngayon sa hita nito. Iniipit ko ang dalawang hita ni Gianna gamit ang magkabila kong tuhod, gusto ko na nga siyang sakalin. O kaya sampalin. P’wede din ‘yong katulad talaga sa wrestling, ‘yong dalawang paa nasa leeg at sinasakal ang kalaban. Gustong-gusto ko nang gawin sa kanya ‘yon, matagal na. Mas na ‘yong aakyat ako sa matataas at saka tumalon sa nakahilata niyang katawan sa sahig.

Kunwari ako si Misteryo at si Gianna naman si Randy Hurton kung pwede lang talaga ligwak sa akin ang babaeng ‘to. Gusto ko talagang gawin sa kanya. Ang kaso malagot na naman ako kay mommy baka mapapalo na naman ako nang hanger. Grabe talaga ang mommy ko hanggang ngayon pinapalo niya pa rin ako ng hanger at kinakapihan itong tomboy na ‘to.

"Romane, umalis ka sa ibabaw ko kung ayaw mong sumigaw ako." pagbabata niya sa akin.

"Wala akong pakialam. Kahit gumamit kapa ng microphone." sagot ko naman sa kanya sabay hawak ng damit kong suot nito para hubarin sa kanya. Hindi ko pa lubusan na naiangat ang damit nito ay bigla na lang itong sumigaw ng malakas. Sa lakas at tinis ng boses nito daig pa ang ibon na maya.

Ewan ko lang kung pagkatapos nito makarinig pa ako, nabingi na yata sa sigaw ni Gianna. Binitawan ko ang dalawang kamay ni Gianna at mabilis na tinakpan ang aking tainga. Ang hindi ko lang inaasahan ay ang pagtulak nito sa akin, kaya tuloy plakda ako ngayon sa sahig. Bago pa man ako lumanding sa sahig, nasipa ko si Gianna nang hindi sinasadya. Kaya heto, pareho kaming nasa sahig ngayon.

Ako, nahulog sa paahan nang kama at si Tomboy naman ay nasiksik sa gilid ng table ko. Mabilis akong bumangon kahit masakit ang aking likod na tumama sa sahig. Dali-dali kong nilapitan si tomboy para e-check hindi na kasi ito gumalaw nang mahulog ito. Baka natuluyan na ito, ayokong makulong.

"Hoy, Tomboy, umalis ka diyan. Tumayo ka.” wika ko sa kay Gianna habang kinakabahan. Ngunit hindi gumalaw si Gianna, nakapikit din ang mga mata nito.

'Anak ng patis napuruhan ko yata si Tomboy.’ Hindi siya p’wedeng mamatay sa kuwarto ko. Nakakita ako sa TV na tinatapon nila sa malayo ang katawan ng napatay nila, kailangan ko nang malaking sako o kaya malaking garbage bag. Dapat sa gabi ko gagawin ang pagdisptsa ng katawan ni Tomboy. Anak ng patis talaga.'

"Hoy, Tomboy, tumayo ka. Hindi ka nakakatuwa." kausap ko pa pero sa totoo lang, sobrang natatakot na ako.

Ayoko ko makulong no, gusto ko pa mag-asawa at magka-anak ng tatlo. Dalawang lalaki at isang babae. Isang babae lang para isa lang ang sakit ko sa ulo.

"Hoy, Tomboy." tawag ko kay tomboy at binato ko ito maliit na bola na pinipress ko kapag naii-stress ako. Nakakatulong sa akin ang bolang yan dahil diyan hindi ko pa nasuntok ng malakas ang tomboy na to.

"Hoy, Tomboy, kita ko ang boobs mong maliit." wika ko sa kanya pero hindi ko inaasahan ang mangyayari pagkasabi ko nang katagang iyon biglang tumayo si tomboy at nag-ala sadaku.

Hindi ko napansin na nakalugay pala ang undercut nitong buhok at ang putik na tomboy, tinumba niya pa ang table ko nagsihulugan tuloy ang mga gamit na nakapatong. Wait? Ang tablet ko para sa ML ko. Waahh! Nahulog din sa sahig. Wala na. Wala na akong ML, nakalimutan ko pa naman ang password ko diyan. Hindi ko na nga nila-log out yan. Sakit sa ulo ko talaga itong si Tomboy.

"Gago ka na Tomboy ka, hinulog mo ang tablet ko. Paano na ang ML ko." halos mangiyak-ngiyak kong wika kay Gianna.

"Gago ka talaga na Romano ka, ginawan mo pa ako ng black eye." wika ni Gianna sabay hawi nang kanyang buhok na nakatakip sa mukha nito. Idinuro pa sa akin ang namumula nitong mata.

"Kasalanan ko ba yon? Ikaw kaya ang nagtulak sa akin." depensa ko.

"Sinabihan mo pa ako na walang boobs." wika niya sa akin sabay hawak sa aking dalawang tainga. "Napakabastos mo talagang bakla ka." wika ni tomboy habang nahawak pa rin siya sa tainga ko. Ang sakit!

"A-aray. T-talaga namang puro ka likod." sagot ko sa kanya na hindi nagpapatalo. Sasagot at sasagot ako kahit uma-aray sa sakit. Dahil no choice na ako at kailangan kong gumanti kay tomboy hinawakan ko din ang magkabila niyang teynga at pinisil kaya ngayon magkasabay na kaming sumisigaw sa sakit.

"Aray! Romane bitawan mo ang tainga ko, putangina ka!” sigaw sa akin ni tomboy na mas lalo pang hinigpitan ang pagkahawak sa aking tainga.

"Tomboy, bitawan mo ang tainga ko, ang sakit. Shit!"

"Bibitaw ka o sisipain ko ‘yang dragonballs mo?”pagbabanta sa akin ni Tomboy sa akin kaya napatigil ako at napatingin sa aking harapan.

"Subukan mo at sisipain ko din yang cupcake mo. Akala mo ha. Gaganti ako at sabay-sabay taong masaktan.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Mariaciliena
ano ang cupcake Roman?...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Marrying The Tomboy   Chapter Thirty-Seven

    PARTY."Hi, sweetie, how are you?" malanding bati sa akin ni Stefanie San Diego. Si Stefanie and siyang paka-kasalan ko sana, ngunit pinili kong pakasalan si Gianna at siyang asawa ko na ngayon. Humawak sa aking balikat si Stefanie saka nilaro-laro ang kuwelyo ng suot kong white long-sleeves. Pahaplos na nilandas ng kamay ni Stefanie ang aking balikat pababa sa aking dibdib habang kagat-kagat ang ibabang labi nito. Sobrang landi talag."Romane. Oh my, Romane.” bigkas nito ng pangalan ko na puno nang pang-aakit. “I missed you, Romane.” ani nito saka dumukwang at binigyan ako ng wet kiss sa pisngi. Eww! Gusto ko siyang itulak kaso hindi ko magawa dahil kay Mayor. Isa pa, oyoko nang eskandalo sa ika-23rd year anniversary nina mommy at daddy. Ninong sa kasal ni Mommy at Daddy si Mayor, respected person, pero itong anak niya walang respeto.Bisita nina Mommy si Mayor San Diego at ang pamilya nito, kaya tiis muna ako. Hahanap na lang ako ng paraan para makalayo sa babaeng ito. Umatras ako

  • Marrying The Tomboy   Chapter Thirty-Six

    Hayst!Tatlong buwang na kaming kasal ni Gianna at isang buwan na ring sumasakit ang ulo ko dahil sa kaniya. Walang may nakakaalam ng kasal na kami bukod sa mga iilang kamag-anak at pili na kaibigan namin ni Gianna. Kaya kahit papa’no malaya pa siyang makagala and worst makapanligaw. Ilang beses ko na siyang nahuling nag-aakyat ng ligaw sa bagong lipat na kapitbahay namin. May dalwang dalaga at dalawang lalaking anak kasi ang mag-asawa. At ang masaklap ay natipuhan ni Gianna ang isa. Kay heto ako ngayon, stress na stress na sa kaniya. Gusto ko na nga balian ng paa si Tomboy, para hindi na makalabas ng bahay. Higit sa lahat, hindi na makapangharana. Yes, hinarana ni Gianna ang anak ng kapitbahay namin. Kinuntsaba pa nito ang driver at katulong ng mga ito. Naiinis at nagagalit na napahilamos ako sa aking mukha at pabalik-balik na nagpalakad-lakad dito sa sala ng bahay. Napauwi ako ng maaga galing sa opisina dahil sa tawag ni mommy. Grabe pa naman ang pinagsasabi ni Mommy Joyce sa ak

  • Marrying The Tomboy   Chapter Thirty-Five

    "LET’s go, Babe. Swimming tayo." yaya ko kay Gianna habang nakatingin sa kan’ya na may malaking ngiti sa labi. Gusto kong magtampisaw sa dagat at umuwing na-enjoy ang bakasyon. Hindi po ito honeymoon, bakasyon lang ito. Paano ba naman ako maka-score nito kung masyadong mailap at amazona itong asawa ko? May sugat pa nga ako sa balikat dulot ng pagkakagat nito sa akin kahapon. May sugat din ako bibig ng sinuntok niya ako at kahapon din nangyari iyon. Ang kaninang malakinh ngiti sa labi ko ay biglang napalis nang tumama sa pagmumukha ko ang magkasunod na unan. Hindi man lang ako nakailag at sapol kaagad ako sa mukha. Siraulo talaga itong si Gianna. Muntik pa akong matumba sa lakas nang pagkabato niya sa akin. "Ano na naman na ang kasalanan ko sa’yo, Babe?" asik ko saka pinulot ang dalawang unan na nasa sahig. Habang si Gianna ay nangangaligkig na tila giniginaw kapag sinasambit ko ang katagang "babe". Shit, nandidiri ang putik. Dadating ang araw uungol ka din sa akin. 'Sakyan mo lang

  • Marrying The Tomboy   Chapter Thirty-Four

    Nagising ako ng naramdaman ko ang sakit ng tiyan. Bigla na lang kasi may tumamang tuhod, tubod ni Gianna. Sa laki ng kamang ito, heto, si Gianna nakayakap sa akin. Hindi ko na nga namalayan na nakatulog ako. Pagkatapos ko kasing maligo kanina humiga na ako kaagad. Bigla kasinh ginupo nang antok dahil na din sa pagod. Nauna akong maligo kaysa kay Tomboy. Busy kasi ito kanina sa kawre- wrestling ng dove at rose petals at hindi nito tinigilan hanggang sa walang matira sa kama. Sa huli tumawag na ito sa intercom at nanghingi ng walis at dustpan. Si Gianna na rin mismo ang nagwalis kahit sinasabi na ng taga-linis na siya na lang ang gagawa. Hindi talaga ito pumayag, gigil na gigil pa ito sa pagwawalis habang kagat ang ibabang labi. Pagkatapos nitong masiguro na wala ng petals sa sahig at sa kama namin ngumisi ito ng malaki na tila nanalo sa lotto. Baliw talaga. Bumalik ang tingin ko kay Gianna ng bigla na lang itong yumakap sa akin. Nagulat pa ako. Hindi ko nga siya niyakap pabalik

  • Marrying The Tomboy   Chapter Thirty-Three

    Pagka-akyat namin sa eroplano, hinanap ko kaagad ang designated sets namin ni Gianna. Inaantok pa rin kasi ito at gusto ko din na makatulog siya kahit ilang minuto lang. May bata pa akong kasabay maglakad sa isle ng eroplano. At may kasama din akong alagain na akala mo batang hindi nabigyan ng candy. Nilingon ko si Gianna na nakasunod sa akin. Wala itong kagan- gana kong maglakad at halos hinahatak ko na lang siya. Lalakqd, hindi ang ginagawa ni Gianna, gusto ko na siyang kutusan. "Gianna bilisan mo, please." wika ko. Imbes na bilisan, kabaliktaran ang ginagawa nito. Mukhanga sinusubok ni Tomboy ang pasensiya ko. Imbes na maglakad tumigil ito sa paglalakad. Kamuntik pa itong madapa dahil sa pagkahila ko sa kan’ya. Mabuti na lang mabilis ako at nasalo ko siya kaagad, kung hindi tatama sa semento ang tuhod niya. "Umayos ka nga kasi Gianna." nagtitimpi kong wika sa kan’ya. "Ayoko ng maglakad, Romane, pagod na ako." wika sa akin ni Gianna na tila iiyak. Napabuntong hininga na lang ak

  • Marrying The Tomboy   Chapter Thirty-Two

    "NAKAPIKIT na ako." mabilis kong sagot saka tumalikod na din. Ayokong masuntok pa ulit ang guwapo kong mukha, no. Sana hindi ko na lang sinabi kanina na titiisin ko lahat. Kasi hindi ko na matiis ang sakit ng suntok niya. Parang gusto ko na siyang putulan ng mga kamay. "Tapos kana ba?" tanong ko sa kan’ya habang nakatalikod at nakapikit pa rin."Hindi pa. Hindi ko nga matanggal-tanggal itong suot ko na ‘to. Nakakainit na ng ulo." sagot sa akin ni Gianna. Halatang nahihirapan ito, sa dami ba naman kasi ng petticoat na suot nito."Lagi naman mainit ang ulo mo. Gaano ba kabigat at kadami iyang suot mo?" nagtataka kong tanong ko at humarap dito. Hinawakan ko ang gown na suot nito para tulungan sana ito. Ngunit winaksi nito ang kamay ko at sinamaan ako ng tingin. "Tutulungan na nga kita parang ayaw mo pa. Tapos galit ka pa.” ani ko sabay talikod. Ilang minuto ang nakalipas ng bigla na lang itong

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status