Share

Marrying her Billionaire Baby Daddy
Marrying her Billionaire Baby Daddy
Author: Georgina Lee

Kabanata 1

Author: Georgina Lee
last update Last Updated: 2025-02-21 17:08:24

"You're pregnant…"

Gulat na napatingin si Graciella Santiago sa maliit na larawan na nasa monitor. Tama ba ang narinig niya? Buntis siya?

Kalmado lang na nakatingin ang doktor sa kanya. Marami na siyang nakitang babae na kagaya ni Graciella ang reaksyon sa tuwing sinasabi niyang positibo ang resulta.

"Is this your first pregnancy? Kung hindi ay kailan ang huli?" Tanong ng doktor.

Hindi agad nakasagot si Graciella, masyado siyang nagulat sa nalaman niya at hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya.

"Abortion can lead to a lifelong infertility Miss Santiago," biglang sabi ng doktor nang hindi siya magsalita.

Namilog ang kanyang mata sa narinig. "Wala po akong balak magpa-abort Doc!" 

Agad na umamo ang mukha ng doktor sa sinabi niya. "You're three and a half weeks pregnant. Your baby is in good position pero kailangan mo parin ng regular check-up para mamonitor natin ang kalagayan niya at masigurado ang kalusugan niya."

Halos wala sa sarili si Graciella nang lumabas siya ng ospital. Hindi niya aakalain na mabubuntis siya nang dahil lang sa isang gabing pagkakamali. Pero dahil nabuo na ang bata, paninindigan niya iyon. Ang problema nalang niya ay kung paano niya sasabihin sa kanyang ina at kapatid ang kalagayan niya.

Sumakay siya sa kanyang electric scooter at hindi na pinansin pa ang medyo maalinsangan na panahon. Bumili muna siya ng prutas bago siya tuluyang umuwi sa bahay nila subalit nasa labas palang siya ng pinto ay dinig na dinig na niya ang boses ng kanyang Mama Thelma.

"Mabuti naman at nadalaw mo ako anak. Hindi katulad ng kapatid mong si Graciella na kung anu-anong kalokohan nalang siguro ang ginawa sa labas."

"Ma, matino naman si Graciella. Katunayan abala nga siya lagi sa trabaho niya," pagtatanggol ng kanyang Kuya Garett sa kanya.

Sarkastiko namang natawa ang kanyang ina. "Hah! Ang sabihin mo, napakawalang utang na loob ng batang yan. Biro mo yun, fifteen thousand lang ang binibigay niya sakin gayong malaki naman ang sahod niya. Sigurado akong marami ng naipon ang babaeng yan. Ang mabuti pa, magpatulong ka sa kanya na makabili ng kotse para naman may magamit ka dahil kapag nag-asawa na siya, yung asawa na niya ang makikinabang sa pera niya at hindi na tayo!"

Hindi niya maiwasang madismaya sa narinig niya mula sa kanyang ina.

"Oo nga pala, yung kakilala ko, naghahanap ng babaeng mapapangasawa ang tiyuhin niya. Balita ko handang magbayad ang lalaki ng malaking pera dahil matanda na at nangangailangan ng makakasama sa buhay. Dapat ipakasal natin si Graciella sa lalaking yun para kapag binayaran tayo, makakabili ka na ng mas malaking bahay Garett," dagdag pa ng kanyang ina.

"Ma! Malaki na ako at nakakatandang kapatid ako ni Graciella. Isa pa, may trabaho ako, hindi ko kailangan ng pera ng kapatid ko," kontra ng Kuya niya.

"Ano bang pera niya ang pinagsasabi mo. Pera ko yun Garett. Kahit na siya ang nagtatrabaho, ako ang nagpalaki sa kanya kaya kung tutuusin akin yun bilang kabayaran sa pag-aaruga ko sa kanya."

Hindi na sumagot pa ang Kuya Garett niya pero dinig niya ang pagpakawala nito ng isang malalim na buntong hininga.

"Nasaan na kaya ang batang yun ng masabi ko sa kanya ang tungkol sa pagpapakasal niya," palatak ng kanyang ina.

Hindi na siya nakatiis pa at tuluyan ng pumasok sa loob. Tila hindi naman inaasahan ng kanyang ina ang pagdating niya. Kita pa niya ang kaunting kaba sa ekspresyon nito.

Hilaw itong ngumiti. "Graciella, anak… Kanina ka pa ba? Nagbibiruan kasi kami ng Kuya mo pero pwede ring totohanin. Alam mo kasi, hindi naman batayan ang edad sa pag-aasawa. Ang importante ay may pera—" 

"Ma, ayoko pong magpakasal," putol niya sa sasabihin sana nito.

Tila napagod na ang kanyang ina sa pagkukunwari nito at agad na tumikwas ang isa nitong kilay. "Hindi ko hinihingi ang opinyon mo, Graciella. Ako ang bumuhay sayo kaya dapat lang na tumanaw ka ng utang na loob. Magpapakasal ka sa lalaking yun sa ayaw at sa gusto mo!"

Simula nang mga bata pa sila ng Kuya Garett niya, ramdam niyang hindi siya paborito ng kanyang ina. Tuwing pumupunta ng bayan ang Mama Thelma niya, ang Kuya Garett niya lang ang may pasalubong pag-uwi. Binibilhan din ito ng kanyang ina ng magagandang damit samantalang siya ay halos hindi nito napagtutuunan ng pansin.

Tiniis niya ang pagtrato nito sa kanya dahil kahit papaano, ito ang nagbigay ng buhay sa kanya pero hindi siya makapaniwala na darating sila sa punto na pipilitin siya nitong magpakasal dahil lang sa pera.

Huminga siya ng malalim kasabay ng pagkuyom ng kanyang kamao. "Ma, buntis ako kaya hindi ako pwedeng magpakasal sa lalaking sinasabi mo pero kung ipagpipilitan mo talaga, sigurado ka bang matatanggap niya ang kalagayan ko ngayon?" Walang pag-aalinlangan niyang sambit.

Kita niya ang labis na gulat sa mukha ng kanyang Mama Thelma at Kuya Garett.

Unang nakabawi ang kanyang ina at pinanlisikan siya ng mga mata. "Hindi kita pinalaki para magiging malanding babae Graciella! Ipagpapalagay ko na hindi mo sinabi ang bagay na iyan pero kapag narinig ko pa mismo ulit sa bibig mo ang mga katagang sinabi mo, makikita mo talaga ang hinahanap mo!"

Pinili ni Graciella na talikuran na ang kanyang ina. Kilala niya ito. Alam niyang hindi ito titigil hangga't hindi nito nakukuha ang gusto.

Nasa labas na siya ng bahay nang maramdaman niya ang pagsunod ng Kuya Garett niya sa kanya. 

"Huwag mo ng alalahanin ang sinabi ni Mama, Graciella. Hindi ko balak na kuhanin ang pera mo o pilitin kang magpakasal."

Tipid siyang ngumiti. "Alam ko naman yun, Kuya."

Kahit na hindi siya paborito ng mga magulang niya, mahal na mahal naman siya ng Kuya Garett niya. Ito ang nag-aalaga sa kanya mula ng mga bata pa sila. Kung wala ito, hindi siya sigurado kung mabubuhay siya at aabot sa edad niya ngayon.

Ngumiti din ang kanyang kapatid. "Mabuti naman. Pero kahit galit ka kay Mama, hindi parin magandang biro ang sinabi mo kanina, Graciella."

"Sino bang nagsasabing nagbibiro ako Kuya. Buntis ako at plano na naming magpakasal ng ama ng batang dinadala ko."

Nanlaki ang mga mata ng Kuya Garett niya. Mabilis nitong hinawakan ang kanyang braso kasabay ng sunod-sunod nitong mga tanong. Wala naman siyang ibang ginawa kundi ipinakita dito ang ultrasound picture na ibinigay sa kanya kanina sa ospital. At dahil sa gulat ng kanyang kapatid. Sinamantala niya iyon para makaalis sa bahay nila.

Habang naglalakad siya ay nasapo niya ang kanyang noo. Ano bang nakain niya at sinabi niya dito na magpapakasal sila ng lalaking nakabuntis sa kanya?

Napabuntong hininga nalang siya. Sigurado siyang palalayasin siya ng Mama Thelma niya sa pamamahay nila at ayaw din naman niyang mag-alala ang Kuya Garett niya sa kanya. Kaya kung ipagpapatuloy niya ang pagbubuntis niya, kailangan niya ng lalaking tatayo bilang ama ng anak niya!

Pero ayaw naman niyang magpakasal sa lalaking gusto ng kanyang ina para sa kanya. Baka mamaya, uugod-ugod na yun o di kaya ay matandang hukluban!

Napakamot siya ng ulo kahit na wala namang makati nang maalala niya ang lalaking naka-one night stand niya isang buwan na ang nakalipas.

Mabilis niyang dinukot ang calling card nito na kanyang itinabi at tinawagan ang numero. Agad namang sumagot ang nasa kabilang linya kaya hindi na siya naghintay pa ng matagal.

"Hello, Sir. Naalala niyo pa po ba ang nangyari sa hotel La Grande Suite 503 isang buwan na ang nakalipas? Sinabi mo sakin na tatawagan kita kapag may kailangan ako sayo. Ngayon, kailangan ko ang tulong mo. Hihintayin kita sa Civil Affairs Bureau dito sa Makati dahil kailangan mo akong pakasalan…"

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (6)
goodnovel comment avatar
Calista Dale
wow ha tapang mo girl
goodnovel comment avatar
Adora Miano
haha ang taray ng bida babae palaban yeah so exciting story'tale
goodnovel comment avatar
Lezel Cadilo
nice story po
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 625

    "Mabuti nalang at mabilis mong napatahan si Gavin," ani Kimmy habang pinapanood sina Garett at Gavin sa unahan na naglalaro. Maging si Grandma Hermania ay naroon din at nakikipagkulitan sa kanyang pamangkin.Tipid naman siyang ngumiti. "Malapit talaga sakin si Gavin kahit noon paman kaya madali ko lang nahuhuli ang kiliti niya."Napangiti narin si Kimmy bago napasulyap sa umbok ng tiyan ni Graciella. "Sana ikaw ang magiging kamukha ng baby at hindi si Levine.""At bakit hindi ako?"Pareho silang napalingon sa likuran at nakitang naroon na si Levine. May bitbit itong box ng donut at pizza. Agad na nakarating sa kinaroroonan niya ang lalaki at hinalikan ang kanyang noo."The two of you are gossiping about me," nakasimangot nitong wika.Mahina siyang natawa. Maging si Kimmy ay ganun din. Sa kabila ng nagawa ng kanyang kapatid na si Beatrice sa relasyon ng dalawa, nanatiling civil ang pakikitungo nila ni Levine sa isa't-isa."Nagsasabi lang naman ako ng totoo," katwiran ni Kimmy."At baki

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 624

    Sa ilang araw na pananatili niya sa mansion kung saan siya dating nakatira, mas lalo pa siyang nakaramdam ng pangungulila sa kanyang mga magulang. Sobrang dami niyang planong gawin pero wala pang ni isa sa mga iyon ang nagagawa niya dahil narin nais ni Drake at Grandma Hermania na pagpapahingahin muna siya.Kasalukuyan siyang nagpipinta sa harapan ng hardin ni Grandma Hermania nang makarinig siya ng mga yabag na papalapit sa gawi niya. Agad siyang lumingon at ganun nalang ang tuwang nararamdaman niya nang makitang ang Kuya Garett niya ang naroon kasama si Gavin at ang kaibigan niyang si Kimmy."Graciella!" Matinis ang boses na sigaw ni Kimmy at patakbong nagtungo sa kinauupuan niya.Napangiti siya habang hinihintay itong makalapit. Agad naman siyang niyakap ni Kimmy ng mahigpit. Gumanti din siya ng yakap sa babae. Matagal-tagal narin magmula ng huli silang magkita."I miss you, Graciella. Noong nakaraan na nasa ospital ka pa kating-kati na akong bisitahin ka kaya lang sabi ng asawa mo

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 623

    Parehong nagkatinginan sina Hermania at Drake. Huminga naman ng malalim ang matandang babae bago masuyong pinisil ang kamay ni Hannah. "I will be glad to bring you there, hija pero sa tingin ko, hindi pa ito ang tamang oras," malumanay nitong wika. "Grandma Hermania is right, wife," segunda ni Drake at napasulyap pa sa tiyan ni Graciella. Naiintindihan naman ni Graciella ang rason kung bakit ayaw siyang papuntahin ng mga ito sa puntod ng kanyang ama. Subalit kahit na anong pagpipigil pa ang gawin ng mga ito, wala siyang planong sumunod. Nais lang naman niyang bisitahin ang kanyang ama. Ilang taon din siyang nawala at hindi naaalala anh existence nito. "Please. I will be careful for my baby. Just let me visit my father," pagsusumamo niya. Makasabay ding napabuntong hininga ang dalawa. Muling pinunsan ni Drake ang mga luha sa pisngi ni Graciella at tipid na ngumiti. "Okay. I will set a schedule this week para bisitahin natin ang puntod ng Daddy mo. Sa ngayon ay kailangan mo munang

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 622

    Mabilis lang na lumipas ang mga araw at tuluyan ng nakalabas ng ospital si Graciella at maging si Grandma Hermania. At dahil mag-isa nalang ang ginang sa villa, naisipan ni Graciella na doon na muna sila umuwi ni Drake. Nang magpaalam sila kay Grandma Celestina ay agad namang pumayag ang ginang. Naisip din nito na mas mainam na samahan muna nila si Grandma Hermania dahil hindi to gaya niya na may kasama pang asawa."Halika, hija... Ito ang dati mong silid. Naalala mo pa ba?" Excited nitong tanong.Dahan-dahan siyang pumasok sa loob ng silid. Bawat hakbang niya, bumabaha ang mga malalabo at malinaw na alaala sa isipan niya.Nakita niya ang batang siya na tumatakbo sa loob ng silid habang habol-habol siya ng kanyang Daddy William. Nakatanaw naman sa kanila ang kanyang Mommy Aurora habang nakaupo sa gilid ng kama at dahil sa takot na mahuli ng kanyang ama, agad siyang nagtungo sa kanyang ina.Masaya naman siya nitong niyakap kaya wala ng nagawa pa ang Daddy niya kundi makiyakap narin sa

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 621

    Pareho silang maluha-luha habang nakatingin sa monitor. They will be having a baby boy!"Ang cute. He already had a nose," halos maiiyak na wika ni Graciella.Masuyo naman na hinalikan ni Drake ang noo ni Graciella. Kahit siya ay labis na tuwa ang nararamdaman ng mga oras na iyon. Pakiramdam niya siya na ang pinakamasayang tao sa buong mundo. "Thank you for carrying my child, wife. You don't know how happy I am today."Kahit na maiiyak na siya ay hindi niya maiwasang mapangiti. "Ano ka ba?! Dalawa naman tayong gumawa niyan kaya wag kang magthank you."Sa sinabi niya ay napangiti ang doctor habang nakamasid sa kanila bago nito itinuro ang isang partikular na area sa screen."This is your baby's heartbeat. Do you want to listen to it?" Halos magkasabay lang silang tumango. Agad na inabot sa kanila ng doctor ang fetoscope at inilagay sa kanilang tenga.Tuluyan ng tumulo ang mga pinipigilang luha ni Graciella habang nakikinig sa heartbeat ng kanyang baby at pinapanood iyon sa screen. Tun

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 620

    Mabilis na nagmulat ng mga mata si Drake. Why is he the one sleeping? Hindi ba't dapat binabantayan niya si Graciella? Hinanda niya itong silid para sa asawa niya pero siya itong nakahiga sa kama. Kinapa niya ang kanyang tabi subalit nanlaki ang kanyang mga mata nang mapagtanto na nag-iisa lang siya sa loob ng silid. Agad na gumapang ang walang kapantay na kaba sa kanyang sistema. Where is his wife? Did something happen again? Agad siyang umalis sa kama at tumakbo palabas. The guards that he assigned were at the doorstep guarding. "Nasaan si Graciella?" Tanong niya. "Kasama po si Sir Ortega, Master Levine nang umalis siya. May importante daw po silang asikasuhin sa ibaba," magalang na tugon ng isa. Hinugot niya ang kanyang cellphone at mabilis na tinawagan si Owen pero hindi paman iyon nagring, natanaw na niya ang dalawa sa hallway na kaswal na nag-uusap. Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras at patakbong sinalubong ng yakap si Graciella. Nagulat naman si Graciella sa ginawa ng l

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status