Pagkatapos niyang patayin ang tawag ay sumakay na siya sa kanyang electric scooter at nagtungo sa Civil Affairs Bureau para doon hintayin ang lalaki. Tulala siya habang nakaabang sa harapan ng building. Ni hindi na nga niya namalayan na may sasakyan na palang huminto sa harapan niya.
Napapitlag nalang siya nang may anino na halos tumabon sa kanya. Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin at agad na sumalubong sa kanya ang isang pares ng itim na mga mata na para bang hihigupin ang sinumang tumitig doon.
Sinipat niya ng tingin ang lalaki. Matangkad ito at matikas, nakasuot ng isang salamin, may matapang na awra na parang hindi marunong magbiro. Siguro nasa lampas six feet ang tangkad nito. Kahit sa height niyang five four inches, kailangan pa niyang tumingla kung kakausapin niya ito.
"You're the one who called me?" Tanong nito sa baritonong boses.
Ito ba ang lalaking naka-one night stand niya?
Dahil masyadong magulo ang utak niya ng gabing may nangyari sa kanila, halos hindi na niya matandaan ang detalye ng itsura nito. Basta pagkatapos niyang makuha ang ibinigay nitong calling card ay walang likod-lingon siyang tumakbo palabas ng hotel.
Muli niyang pinasadahan ng tingin ang lalaki. Inihanda na niya ang sarili niya kanina na pakasalan ito kahit pa anuman ang itsura ng estranghero pero ngayong nasa harapan na niya ito, lihim siyang napangiti. Kulang ang salitang gwapo para ilarawan ang lalaki kaya sigurado siyang magiging maganda ang itsura ng magiging anak nila.
Bumaba ang kanyang tingin sa suot nitong three piece suit. Mukha iyong mamahalin. Hindi niya maiwasang ikumpara ang binata sa mga mayamang bidang lalaki na napapanood niya sa Kdràma hanggang sa mapadako ang tingin niya sa kotseng dala nito. Luma na iyon at konting panahon nalang ay masisira na.
Pero sa kabila ng nakita niya ay nakahinga parin siya ng maluwag na pumunta ito at hindi siya binigo. "Hello, Sir. Ako po si Graciella Santiago," aniya at naglahad ng kamay.
Subalit imbes na makipagkamay sa kanya ay tiningnan lang iyon ng lalaki. "You're that woman from that night?" Malamig nitong turan at tiningan pa siya mula ulo hanggang paa na para bang pinag-aaralan nito ang kabuuan niya.
"Paano ko masisiguro na nagsasabi ka ng totoo?" Nakataas ang isang kilay nitong tanong.
Kinagat niya ang pang-ibaba niyang labi bago dahan-dahang lumapit dito.
Kinunutan naman siya nito ng noo. "What are you doing?" Naniningkit ang mga mata nitong angil.
"Naalala mo ba nung gabing may nangyari sa'tin? Diba panay ang halik mo sa dibdib ko tapos napansin mo yung balat ko sa bandang yun. Akala mo pa nga chikinini din eh. Gusto mo bang makita?" Bulong niya.
Binigyan siya nito ng naeeskandalong tingin.
Tila hindi naman makapaniwala si Drake sa pinagsasabi ng babae. Ito palang ang pangalawa nilang paghaharap pero masyado yatang walang preno ang bibig nito.
"Sigurado ka ba kanina sa sinabi mo na gusto mo akong pakasalan?"
Kinabahan si Graciella nang makita ang madilim na awra ng lalaki. Hindi naman ganun kalakas ang kumpyansa niya pero dahil nasabi na niya kanina ang pakay niya kaya paninindigan niya iyon.
"Sinabi mo sakin noong nakaraan na tawagan kita kapag may kailangan ako kaya yun ang ginawa ko. I called you here para panindigan ako. Don't tell me nagsisinungaling kalang?"
Sarkastiko itong tumawa. "You do know who I am, woman, and yet you still dared to ask me for a marriage…"
Pera ang ibig sabihin ni Drake sa mga katagang binitawan nito sa babae noong nakaraang buwan. Isa ang angkan ng mga Yoshida sa pinakamayamang negosyante sa Pilipinas at maging hanggang sa Japan. Mapili siya pagdating sa babae at hindi basta-basta namumulot nalang sa kung saan-saang club.
Pero may naglagay ng droga sa inumin niya noong nakaraan. At sa hindi sinasadya ay may nangyari sa kanila ng babaeng nasa harapan niya ngayon na walang iba kundi si Graciella. Pero pagkatapos ay tumakbo nalang ito bigla. Akala niya ay iba ito sa mga babaeng nakilala niya pero nagkamali pala siya. Mas masahol pa nga at talagang nagdemand pa na pakasalan niya ito!
Pero tila hindi naman naintindihan ni Graciella ang punto ng kausap nito. "Huwag kang mag-alala Sir, kahit na maikasal tayong dalawa, hindi ako manghihingi ng pera sayo. Magtatrabaho parin naman ako," aniya bago napasulyap sa kotse nito.
"Isa pa, base sa kotseng dala mo, mukhang mas malaki ang kinikita ko kaysa sayo kaya wala kang dapat ipag-alala, hindi ako isang mapagsamantala," kaswal niyang wika.
Hindi naman sa pagmamalaki pero nagtatrabaho siya bilang sales agent sa isa sa pinakasikat na car company sa Makati—ang Dynamic Wheels. At dahil sales champion siya halos buwan-buwan, kumikita siya ng halos fifty thousand a month. At kapag may sinwerte sa commission ay higit pa.
Kaya kahit na mukhang mayaman ang lalaking nasa harapan niya, hindi naman siya basta-basta nalang mahihiya dito dahil may ibubuga din naman siya.
Lihim namang napailing si Drake habang pinagmamasdan si Graciella. Ilang saglit pa'y napasulyap siya sa kanyang sasakyan na nasa may kalayuan. Dahil nagmamadali siyang umalis kanina, sasakyan ng tauhan niya ang ginamit niya. Hindi niya inaasahan na aakalain nitong sa kanya ang bulok na kotseng nasa harapan nila.
Mataman na tinitigan ni Drake si Graciella. "Hindi ka natatakot sakin?"
Napanguso naman ang huli. "Bakit naman ako matatakot sayo?"
Karamihan sa mga kalalakihan ngayon ay iresponsable. Kung tutuusin nga ay aksidente lang naman ang nangyari sa kanila noong nakaraang buwan pero pinili parin nitong puntahan siya at pakiharapan kaysa tumakas at balewalain siya dahil nakuha na nito ang puri niya. Sapat na iyon para masasabi niyang responsableng klase ng lalaki ang ama ng anak niya.
Muli na naman siya nitong pinasadahan ng tingin. Hindi naman siya umiwas at nakipagsukatan pa ng titig sa lalaki.
"Let's go?" Aya niya sa binata.
Tinaasan naman siya nito ng kilay at sinimangutan pa. "Where?"
"To get a marriage certificate. Diba nga tinawag kita dito para pakasalan ako," ani Graciella na para bang isang simpleng bagay lang ang hinihingi nito sa kanya.
Hindi siya basta-basta nagpapatali. Pero nakangako na siya dito na na ibibigay niya anuman ang hilingin nito. Isa pa, something in this woman interest him the most. Hindi niya mawari kung talaga bang hindi siya nito kilala o nag-mamaang-maangan lang ito para paikutin siya sa sarili nitong mga palad.
Pero sa kabilang banda, kung sakali man na niloloko lang siya ng babaeng ito, madali lang sa kanya ang pahirapan ang buhay nito. He's Drake Levine Yoshida after all.
"Okay, let's get married then," sa wakas ang sagot ng lalaki.
Nakahinga naman ng maluwag si Graciella. Agad siyang sumunod dito papasok ng Civil Affair Beauru ng may munting ngiti sa labi.
"That bítch!" Nanggagalaiti niyang sigaw at walang pag-aalinlangan na inihampas sa sahig ang hawak niyang baso.Agad namang nakakuha ng atensyon ng ina ni Beatrice ang ingay ng pagkabasag. Nang makarating siya sa kinaroroonan ni Beatrice ay mabilis niyang niyakap ang dalaga sa takot na baka saktan na naman nito ang sarili."Anong nangyayari sayo, hija?" Nag-aalala niyang tanong."Mommy... Bakit ba ang bwisit Graciella na iyon ang pinakasalan ni Levine. Bakit hindi ako?" Humagulgol nitong sambit.Walang ideya si Mathilda tungkol sa kasal ni Levine. Hindi rin niya alam ang tungkol kay Graciella. Kung hindi pa nabanggit sa kanya ni Oliver ang lahat, hindi pa niya malalaman."Stop cursing that Graciella woman, Beatrice. Hindi ba't siya ang nagligtas sayo mula sa mga kidnappers? Isa pa, kahit na hindi natin lubusang kilala ang babaeng yun, hindi natin mababago ang katotohanan na asawa siya ni Levine."Huminga ng malalim si Mathilda bago hinawakan ang magkabilang pisngi ni Beatrice at pinah
Nang kumunekta ang tawag niya sa kabilang linya, agad naman iyong sinagot ni Oliver. "Graciella. I'm glad you called. Kumusta ang pakiramdam mo?" Agarang bungad ni Oliver.Naalala niyang may sugat ito noong nasa ospital ang babae at marahas pa itong hinila ni Levine palayo sa kanya. Hindi lang siya nakapagreact dahil wala naman siyang karapatan kumpara sa asawa nito."Ayos lang ako, Sir Oliver," kaswal na sagot ni Graciella.Nakahinga ng maluwag si Oliver. "Mabuti naman kung ganun. Oo nga pala, napatawag ka. Sigurado akong may importante kang sadya sa akin."Kahit na nakakausap na niya si Graciella, ramdam niyang hindi parin siya itinuturing na kaibigan ng babae. Medyo malayo parin ang loob nito sa kanya kaya sigurado siyang hindi ito tatawag para makipagtsismisan sa kanya.Napangiti naman si Graciella. Talagang matalino din si Oliver. "Naalala niyo po ba noong huli tayong nag-usap sa telepono? Tumawag po ako para sa katuparan ng bagay na nais kong hilingin sa iyo."Agad namang napata
Dahan-dahan na iminulat ni Graciella ang kanyang mga mata. Bahagya pa siyang napasinghap nang mabungaran niya ang mukha ni Drake na nakatunghay sa kanya."Good morning," bati nito sa paos na boses."G—good morning," aniya at nahihiyang sumubsob sa dibdib nito.They've done it again last night. Hindi niya alam kung bakit nahihiya pa siya eh maraming beses na naman nilang inulit ang nangyari.Narinig niya ang mahinang tawa ni Drake at hinalikan ang tuktok ng kanyang ulo. "Are you shy?"Hindi siya sumagot bagkus ay hinigpitan pa ang yakap kay Drake. Nasa ganun silang posisyon nang makarinig sila ng pagring ng cellphone. Napasulyap siya sa kanyang telepono at napagtantong kay Drake iyon."May tumatawag sayo," ungot niya sa lalaki nang mapansin na hindi man lang ito gumalaw sa pwesto nila, ni lingunin ang cellphone nito."Hayaan mo yan. Gusto ko pang mahiga," kaswal na sagot ni Drake.Magmula ng bata pa siya, ang pagpapakatakbo na ng kumpanya ang iniisip niya. Bawat araw ay nagsisipag siya
Unti-unting napapikit ang kanyang mga mata kasabay ng kanyang panghihina. Ni hindi na nga niya namalayan na gumapang na pala si Drake paakyat at nagpantay na ang mukha nila."Hindi kapa pwedeng matulog, wife. Wag kang madaya," anito sa mapaglarong boses.Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at agad na sumalubong sa kanyang paningin ang namumulang mga labi ni Drake."Pagod na ako, Drake," nakanguso niyany sambit.Hindi naman siya nagsisinungaling. Talagang napagod siya kahit na wala naman siyang ibang ginagawa kundi tanggapin ang ipinalasap nitong sarap sa kanya.Umangat ang sulok ng labi nito bago lumuhod sa harapan niya. Pinanood niya ang kanyang asawa na kasalukuyang naghuhubad ng suot nitong damit hanggang sa tumambad sa kanya ang matipuno nitong pangangatawan.Naglakbay ang kanyang mga mata sa kabuuan ni Drake hanggang sa dumako ang kanyang mga mata sa naghuhumindik nitong pagkalalàki. Ilang beses siyang napalunok dahil bigla nalang nanuyo ang lalamunan niya."Are you
Mabilis na bumalikwas ng bangon si Drake at agad na humarap kay Graciella. Kaswal lang din siyang humiga ng maayos at tinakpan ng kumot ang buo niyang katawan."Umalis na sila?" Tanong nito sa nagniningning na mga mata.Napailing nalang si Graciella. Hindi niya inaasahan na may pagkachildish pala si Drake sa kabila ng personalidad na meron ang lalaki. Siguro totoo nga ang mga nababasa niya na lumalabas ang ugali na hindi mo naman madalas na maipakita sa iba kapag kasama mo ang taong mahal mo."Tinutukso ka lang daw nila dahil alam nilang ayaw mo na nandito sila," tugon niya.Isang mapaglarong ngiti ang sumilay sa labi ni Drake. "Then pwede na nating ituloy?"Agad naman siyang umingos. "Anong itutuloy? Hindi ba't ayaw mo dahil inaantok ka na? Pwes matulog ka na Drake. Hindi maganda sa taong kagagaling lang sa ospital ang nagpupuyat."Imbes sundin ang sinabi niya ay agad siyang niyakap ng lalaki. "Wala naman akong sakit. Kahit na madaling araw na ako matutulog walang problema—""Sayo ba
Agad na nagningning ang mga mata ni Celestina sa narinig. "Talaga, hija? Ayos lang ba yun sayo?" Naninigurado nitong tanong."Oo naman po. May isang extrang silid itong bahay," tukoy niya sa kanyang kwarto.Agad namang napapalakpak si Grandma Celestina sa narinig. "Aba'y kung ganun, dito nalang tayo matulog ngayong gabi, sweetheart. Ayos lang ba yun sayo, Drake?" Baling pa nito sa asawa niya.Kung gaano kasaya si Grandma Celestina, ganun naman kabusangot ang mukha ni Drake. Hindi talaga itinago ng lalaki ang disgusto sa mukha nito na ikinatawa niya."Wag po kayong mag-alala, Grandma. Ayos lang po kay Drake na dito kayo matutulog ngayong gabi."Naunang pumasok sa kanyang silid si Drake. Hindi niya alam kung nagmamagandang loob lang ba ang asawa niya o sinasadya talaga nitong sa apartment nila patulugin ang lolo at lola niya para bitinin siya. Alinman sa dalawa ang rason, pareho namang hindi nakakatuwa ang resulta.Daig pa niya ang naparusahan. He just wanted to spend a quality time with