"Papaanong naging eight thousand pesos nalang ang presyo ng bracelet?" Hindi makapaniwalang tanong ni Garett.Tipid namang ngumiti si Kimmy. "Madalas na bumibili ang kapatid ko sa jewelry shop na ito kaya naman humingi ako ng VVIP discount sa kanila," paliwanag pa ng babae.Katunayan ay nagsisinungaling lang naman talaga si Kimmy. Ang jewelry shop ay pag-aari ng pamilya nila. Kung tutuusin, kaya niyang ibigay kay Garett ang bracelet ng libre. Pero alam din niyang kagaya ni Graciella, ayaw ni Garett na nananamantala ng sitwasyon para makalamang sa kapwa kaya nag-isip siya ng mainam na paraan para maipakita ang pasasalamat niya sa lalaki.At ang saleslady naman na nangmaliit sa kanilang dalawa ni Garett, syempre, tinanggal na niya ito!Tumango din ang manager bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Kimmy. "Tama po ang sinabi ni Miss Inoue, Sir. Nagbibigay po kami ng distinguished discount sa mga VVIP customers."Eighteen thousand talaga ang halaga ng bracelet kanina kaya laking tuwa ni Garett
Kinabukasan, umalis na ng bahay si Garett nang makitang kalmado na pareho ang mga magulang niya. Gaya noong nakaraang araw, abala siya sa shop dahil sa dami ng mga customers na maya't-maya ang dating. Hapon na nang matapos siya. May mga orders pa nga sana siya pero maaga siyang nagsara ng tindahan para sa isang magandang okasyon.Habang binabaybay niya ang daan papunta sa destinasyon niya, nakita niya ang isang sasakyan na naka-on ang hazard light sa gitna ng traffic. Maingay narin ang paligid dahil sa busina ng iba't-ibang sasakyan na naabala ng nasiraan.Ilang sandali pa ang lumipas subalit walang dumating na tulong mula sa mga naroon. Habang papalapit siya, napagtanto ni Garret na ang kaibigan pala ni Graciella na si Kimberly ang driver ng sasakyan.Sa kabilang banda, nayayamot na si Kimmy dahil sa busina ng mga dumadaang sasakyan. May ilan pang minumura siya at sinasabihang istorbo. "Kita niyo ngang nasiraan ako, diba?!" Naiinis niyang asik.Huminga siya ng malalim para hamigin an
"Bitiwan mo yang baseball bat at umalis ka sa pamamahay ko!" Mahina subalit may diing sambit ni Garry.Nataranta si Ramon sa inasal ni Garry. Wala siyang nagawa pa kundi sundin ang sinabi ng kanyang bayaw. Habang pinagmamasdan niya ang mabagsik na mukha ng lalaki, nanayo ang lahat ng balahibo niya sa katawan.Parang mukha talaga itong papatay ng tao. Akala niya wala itong pakialam kay Graciella sa loob ng mahabang panahon kaya hindi niya lubos maintindihan kung bakit nagagalit ang lalaki sa kanilang dalawa ni Thelma ngayon. Talaga bang kinakampihan nito si Graciella kaysa sa kapatid niya?Kung tutuusin ay isang hamak na sugarol lang si Garry kaya hindi siya dapat na matakot sa lalaki. Pero ngayong gabi, tila sinasaniban ito ng ibang espiritu kaya hindi na siya nakipagtalo pa. Matapos mabitawan ang baseball bat, tumalikod siya't umalis sa nagngangalit niyang mga ngipin.Hindi kumbinsido si Garett na walang ng gagawin pa si Ramon kaya't hinabol niya ang lalaki at naabutan niya itong pai
Mang mapagtanto ni Thelma na si Garett ang dumating, nakahinga siya ng maluwag subalit ang malamig at nakamamatay na tingin ng kanyang anak ay nagdulot ng pagkabalisa sa kanya."Akala ko kung sino na. Tinakot mo naman ako Garett! Gabi na. Ano bang ginagawa mo dito? Dapat tumawag ka sakin na papunta ka pala—""Kayong dalawa, anong ginagawa ninyo ni Uncle at saan kayo pupunta gayong malalim na ang gabi?" Putol ni Garett sa sasabihin sana ni Thelma.Hilaw na ngumiti si Thelma. Wala siyang balak na sabihin kay Garett na susugod sila sa bahay ni Graciella. "N—nandito kami para magpahinga," pagsisinungaling niya.Subalit si Garett ang klase ng tao na hindi mo basta-basta mauutakan. Mabilis itong naglakad papunta sa gawi niya at hinablot ang kanyang kamay na may hawak na patalim na nasa kanyang likuran.Kumulimlim ang mukha ni Garett. "Pwede ko bang malaman kung ano ang gagawin ninyo sa kútsilyo gayong malapit ng maghating gabi?"Kahit na napakamaldita ni Thelma sa iba, inaamin niyang may ta
Sa takot ni Thelma sa nangyayari, mariin siyang napahawak sa kamay ni Ramon. "A—anong gagawin natin ngayon?!" Natataranta niyang tanong.Kahit na agresibo siyang klase ng tao, hindi niya inaasahan na sobrang daming taong susugod sa kanya ngayon. Sa takot niya'y nanginginig na pati boses niya.Nataranta narin si Ramon. Akmang magsasalita siya nang makarinig sila ng isang sigaw kasabay ng pagturo ng isa sa mga online influencers sa gawi nila."Hindi ba't si Thelma Santiago yan?! Nasa malapit lang sila. Halina kayo! Lapitan natin!"Isang grupo na tila mga asong úlol ang napalingon sa kinaroroonan nina Thelma at Ramon. Nang mapagtanto ng mga ito na sina Thelma at Ramon nga ang nakita nila, nag-uunahan sila sa pagsugod sa dalawa. Sa labis na gulat at takot ni Ramon, nakalimutan niyang kalalabas lang niya ng ospital.Agad niyang hinila si Thelma at magkasabay silang tumakbo palayo sa mga online influencers na humahabol sa kanila. Hindi lang sila hinabol ng grupo, pinagbabato din sila ng mg
Matapos makalabas ng presinto kanina, agad na sumakay ng taxi Thelma kasama si Ramon at Celia pauwi sa bago niyang bahay. Habang nasa byahe, panay ang mura ng dalawa. Labis silang napahiya ngayong araw dahil sa kapalpakan na ginawa ni Celia.Marahas na napalingon si Thelma kay Celia na katabi niya sa backseat. Nag-aapoy sa galit ang kanyang dibdib. Malulusutan pa dapat nila ang nangyari kanina pero dahil sa katangahan ng asawa ng kapatid niya, nawala sa kanila ang oportunidad na magkapera ng malaki!"Kasalanan mo itong lahat! Malapit na kami eh! Bakit ba bigla ka nalang lumabas?! Sinira mo ang mga plano natin! Sinira mo ang lahat!" Galit na singhal ni Thelma.Kinagat ni Celia ang pang-ibaba niyang labi. Nalaman niyang nasa maayos naman palamg kalagayan ang anak niya at nauto siya ng tumawag sa kanya."Kung hindi nila ako tinakot, hindi naman ako lalabas eh! Wag mo akong sisihin! Anak ko ang nakataya kanina! Anak namin ng kapatid mo! Kung kay Garett ba mangyari ang nangyari sakin, hind